You are on page 1of 2

TORREFIEL, RIVIAN A.

M12-J

PAGTATANGGAL NG FILIPINO SA KOLEHIYO

Matagal na ring usapin ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dito sa


bansa. Dulot nito ay may iba’t ibang opinyong isinalang alang ang mga tao. Ngunit ano nga ba ang
nararapat na gawin sa isyung ito? Dapat bang panindigan ang pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo o
panatilihin ito bilang pagsasapuso na rin ng ating nakagawiang kultura. Wika nga ni Dr. Jose Rizal
“ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang isda”. Walang
bansa ang umuunlad ng walang wikang Pambansa o sariling wika at panitikan.

Isang malaking hakbang ang ginawa ng Commission on Higher Education (CHED) sa


pagbabalak na alisin ang asignaturang Filipino sa mga ubod na asignatura sa kolehiyo. Ang
pagpapatupad ng Memorandum Order Blg. 20 ang nagpapatibay dito, ngunit kung susuriing
mabuti ang Memorandum ay makikitang ito ay sumasalungat sa batas Konstitusyon Artikulo XIV
Seksyon 6-7 na sinasaad ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin bilang mamamayan at sa
paaralan bilang panturo. Ang mga itinuturo sa Filipino sa kolehiyo ay hindi pag-uulit ng mga inaral
sa elementarya at secondarya bagkuas ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa
Pamantasan, bansa at buhay.

Ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay hindi sasagot sa kahit anong


problema ng bansa o kahit saan pa mang isyu. Sa halip ay maaaring dumagdag lamang ito sa mga
kakaharapin na problema sapagkat ang mga guro na nagtuturo nito ay mawawalan ng trabaho at
ang mga studyanteng sa halip ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kultura ay bababaw lamang
ang tingin nito sa ating kultura. Kaya ako nakikiisa sa mga tumututol sa pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo upang lalong mapaunlad ito. Kung kaya’t hindi ba mas dapat
natin pahalagahan ang asignaturang Filipino? Sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan, dito tayo
mahuhubog na lalong kilalanin ng ating wika, lahi at bansa. Nasa Filipino ang identidad ng
mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino. Sa halip
na alisin, dapat pang mas lalo itong patatagin, ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. Mas mabuting
panindigan upang mapaglingkuran ang bansa gamitang sariling wika, ang Filipino. Sa hakbang ng
CHED na pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay pinapakita nila ang paurong nilang
pag-iisip ukol sa pagpapatibay ng wika sa kultura ng Pilipinas. Ang pagpapatupad ng
Memorandum na ito ay makikitang hindi sapat ang taong pinagkonsultahan. Ako bilang mag-
aaral na pinanganak at nagkamuwang sa Pilipinas kikilos at magpapatuloy ipaglaban ang wikang
kinagisnan at ang asignaturang mayroon dito upang hindi isantabi at tuluyang mapanatili ang
Filipino sa kolehiyo. Manghihina at malulusaw nang tuluyan ang wikang Filipino kung hindi
magtutuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli at muli kong
igigiit ang karapatan ng Wikang Pambansa na nakasaad sa batas Konstitusyong ng Pilipinas.

Hindi natin maaalis ang katotohanang sa Pilipinas ang wikang panlahat ay ang Filipino
na laging ginagamit sa pakikipagtalastasan. Tayong mga Pilipino ay tinanggap at isinabuhay ito
bilang wikang Pambansa at nagging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Kaya’t kung aalisin sa pag-aaralan sa kolehiyo ang asignaturang Filipino para
na rin nitong tinanggal ang identidad ng bawat isa bilang Pilipino.

You might also like