You are on page 1of 124

YUNIT IV

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG


LOKAL AT NASYONAL
(Unang Bahagi)
1 CORONA VIRUS

KAHIRAPAN SA
2 PILIPINAS

3 UNEMPLOYMENT
ANG KONSEPTO NG
4 SUSTENTABLENG
KAUNLARAN
CORONA VIRUS
ANO ANG CORONA VIRUS?

• Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus


na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus
(nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa
mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga
tao.
BILANG ISANG MAG-AARAL
PAANO BINAGO NG
PAGKAKAROON NG PANDEMYA
ANG IYONG BUHAY ?
• Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot ng maraming
suliranin tulad ng pagkawasak ng kalikasan, paglobo ng
populasyon, pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap, paglala ng kriminalidad
at iba pa. sa ganitong diwa, ang tao, ang mamamayan,
estudyante ay obligasyong sipatin ang sanhi at bunga ng
pagbabago ng daigdig.
• Parami na ng parami ang mga mahihirap hindi lamang sa
mahihirap na bansa kundi maging sa mga itinuturing na
mauunlad na bansang industriyalisado, habang papalaki
naman nang papalaki ang bahagi sa kita ng mga
pinakamamayang indibidwal at pamilya. Nanatiling mahirap
ang mga mamamayan sa mga bansang dati nang mahirap
dahil nakaasa parin sila sa pag-eeksport ng murang hilaw na
materyales at lakas paggawa sa mga mauunlad na bansa.
• Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang
mga usaping pang-ekonomiya. Saklaw nito ang mga suliraning
gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon,
at disempleyo. Ang maraming suliranin ng ating lipunan sa
kasalukuyan ay pawing mga mauugat sa anyo ng ating
sistemang ekonomiko. Ayon sa ibang ekonomista, bawat
pasya ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan ay
ginagabayan ng kanilang pag-unawa sa mga usaping pang-
ekonomiya.
Sistemang Ekonomiko ng Pilipinas sa Kasalukuyan
Sistemang Ekonomiko

○ Mahalagang maunawaan ang sistemang ○ Ineeksport din ng bansa ang tubo


ekonomiko ng Pilipinas upang malaman ng mga dayuhnang korporasyon
ang puno’t dulo ng problema sa bansa. dito sa Pilipinas, gayundin ang
○ Ang Pilipinas at nanatiling suplayer ng bahagi ng tubo ng mga lokal na
hilaw na materyales, produktong korporasyon na may kasosyong
pangkonsumo nakaraniwa’y semi- dayuhan.
manupaktura lamang at manggagawa ng ○ Tumatanggap naman ng
US at ibang mauunlad na bansa ang puhunan, utang, at makinarya o
Pilipinas. teknolohiya ang Pilipinas mulas
sa ibang bansa.
Kahirapan sa Pilipinas
NABANGGIT NA ANG EDUKASYON
AY SUSI SA KAHIRAPAN, PAANO
MO GAGAMITIN ANG IYONG
NATAPOS UPANG MABAWASAN
ANG PROBLEMA TUNGKOL DITO?
Sanhi at Bunga
ng Kahirapan
• Sa kabila ng saganang likas na yaman ng bansa, tila kataka-taka
ang pag-iral ng kahirapan sa Pilipinas. Gaya ng ulat ni Bertelsmann
Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa Germany, ang
kontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng
bansa ang pangunahing hadlang sa pag-unald nito at sa paglutas sa
kahirapan ng mga mamamayan nito.
• Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang
malaking porsiyento ng mga lupain sa Pilipinas. Nananatiling
walang sariling lupa ang mayorya ng mga magsasaka. Ang mga
asendero lamang ang yumayaman sa ganitong sistema sapagkat
maliit lamang ang bahaging tinatanggap ng mga magsasaka mula
sa kita ng hacienda.
• Isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na antas ng
disempleyo o unemployment at mataas na antas ng kakulangan
sa trabaho o underemployment. Direktang sanhi ng kahirapan
ang disepleyo at underemployment dahil hinahadlangan ng mga
ito ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng sapat na kita
upang sila’y mabuhay at lagpas pa rito ay magtamasa ng mga
oportunidad sa pag-unlad.
• Sa kabila ng libreng edukasyon, napakarami paring Pilipino
ang hindi nakakapag aral. Halos 4 na milyong kabataan edad 6
- 24 ang hindi nag aaral kahit libre na ang pag aaral sa mga
pampublikong unibersidad sapagkat wala paring sapat na
pondo para sa mga baon at gamit. Nagreresulta ito ng
mababang bilang ng mga proffesionals at nakakapagpapababa
ng ekonomiya ng bansa.
• Dahil sa kahirapan tumataas din crime rate at
karahasan sa lipunan at ibat ibang mga grupo ang
nabubuo upang labanan ang umiiral na kalakaran.
Unemployment o Kakulangan ng Trabaho
ANO-ANO ANG MGA PANGUNAHING
DAHILAN O SANHI NG
PAGKAKAROON NG
UNEMPLOYMENT?
• Sa panahon ngayon, maraming mga nangingibang
bansa upang matustusan ang pangangailangan ng
kanilang pamilya. Sanhi ito ng kakulangan sa
paglinang ng gobyerno sa mga ibat ibang sektor
tulad ng agrikultura at industriya sa bansa.
Paano ito masusulusyonan?

• Reporma sa lupa
• Modernisasyon ng Agrikultura
• Pambansang Industriyalisasyon
Reporma sa lupa

• Matagal ng suliranin ng mga Pilipino ang kakulangan sa ng isang


maayos na reporma sa lupa.
• Malaking pursyento ng mga Pilipino ay mga magsasaka at mga nag
aalaga ng hayop. Tinatayang 60% ng lupang pinagsasakahan ay
hawak ng mga mayayamang pamilya na bumubuo lamang sa 13%
ng populasyon kaya naman halos 7 sa 10 magsasaka ang walang
kanilang sariling lupang mapagsasakahan.
Modernisasyon ng Agrikultura

• Ito ay ang proseso ng pag papaganda ng kalidad ng


Agrikultura ng bansa sa pagtatanim ng mga hybrid crops na
mas matibay at mas madami ang ani. Ito ay magtitiyak ng
pagiging self sufficient ng Pilipinas at makakapagpataas
ngekonomiya ng bansa.
Makabansang industriyalisasyon

• Ito ay ang pagtatayo ng industriyang Pilipino na


makakapagbigay trabaho sa mga mamamayan at
magsusuplay ng mga kakailanganin ng bansa.
Ang Konsepto ng
Sustentableng
Kaunlaran
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran
• Dapat limitahan o kaya’y higpitan • Gross Domestic Product ng bansa at
ang aktibidad ng mga korporasyon average na kita ng mga mamamayan
na sumisira ng kalikasan para ang sinusukat at hindi ang impact
maisalba ito. ng mga industriya sa kalikasan.
• Dati-rati, lalo na sa mga unang • Ang magandang kinabukasan ay
dekada ng industriyalisasyon sa nakasalalay sa pagpapanatili ng
Europea, tubo at paglago lamang isang sustentableng ekonomiya na
ng ekonomiya ang sinusukat ng hindi nakakasira o kaya’y limitado
mga ekonomista at tagabalangkas lamang ang impact sa kalikasan.
ng patakaran.
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

• Ang kapakanan ng sangkatauhan at • Ginamit ng UN sa Human


kapakanan ng kalikasan ay Development Index kung saan
magkarugtong at hindi sinusuri ang pagiging sustentableng
mapaghihiwalay. uri ng pamumuhay ng mga tao sa
• Ang tunay na kaunlaran ay bawat bansa, ang epekto ng mga
kinakailangan hindi lamang ekonomikong aktibidad ng tao sa
makatao kundi makakalikasan din. kalikasan, lagpas pa sa pagsusuri sa
makroekonomiko na datos na may
kaugnayan sa simpleng paglago ng
GDP.
Mga Hamon ng
Sustentableng
Kaunlaran
MABILIS NA PAGLOBO NG POPULASYON

• Isa sa mga hamon sa sustentableng kaunlaran ang mabilis na


paglobo ng bilang ng populasyon at kasabay nito ay gayundin
ang bilis ng paglaki ng pangangailangan ng bawat tao para
mabuhay. Gaya ng pangagailangan sa pagkain inumin at iba
pa.
KAHIRAPAN
• Hindi masosolusyunan ang kahirapan kung hindi gagamitin
ang likas na yaman ng daigdig.

HINDI MAAYOS NA ALOKASYON O


DISTRIBUSYON NG MAPAGKUKUNAN
• Ilan sa halimbawa nito ay yung mga bansa na may labis na
dami ng produkto at di naibabahagi ng maayos sa iba pang
bansa.
Konsumerismo
• Labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas sa
kinakailangan.

Balanseng paggamit sa kalikasan


o Bahagi ng sangkatauhan ang kalikasan
• Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic
sustainability) ay maaaring kasangkutan ng pagpapaunlad ng
kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng
pagbabawas ng konsumo ng kalikasan (Brown 2011). Sinabi
ni Dyllic (2002), na ang mga usaping patuloy na
pagpapaunlad (sustainable development) ay nakabatay sa mga
pagpapalagay na kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang
talong uri ng pamumuhunan (ekonomiya, lipunan, at likas na
yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang palitan
at ang paggamit dito ay hindi kayang iwasan.
YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG
LOKAL AT NASYONAL (Unang Bahagi)

1
5 CLIMATE CHANGE

6 POLUSYON

7 PAGMIMINA

8 DEFORESTATION

9 BASURA AT BAHA
KOMUNIKASYON AT MGA SULIRANING
10 LOKAL AT NASYONAL
2
Ang Hamong Kaugnay ng Climate Change

Ano ang Climate Change ?

3
GLOBAL WARMING

CLIMATE
CHANGE

GREEN HOUSE GAS EMISSION


4
• Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t
ibang aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong
daigdig. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate
change sa aspektong pang-ekonomiya.
• Isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng climate change ay
ang posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo
kapag ganap nang ipinatupad ang mga kasunduan sa paglimita
sa greenhouse gas emission ng mga bansa.

5
Tugon ng Pilipinas sa Climate Change

 Ang pagbabago ng klima ay


isinisisi sa pagtaas ng green house
gases na siyang nagpapainit sa
mundo
 Sinasabing ito ay nagbubunga ng
sakuna tulad ng baha at tagtuyot na
dahilan ng kamatayan ng sakit ng
tao .
6
Tugon ng Pilipinas sa Climate Change

 Batas Republika Bilang 9729 o


Climate Change Act of 2009

 National Climate Change Action


Plan ( NCCAP )

7
POLUSYON SA TUBIG, HANGIN AT
LUPA

8
Polusyon

• isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa,


tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga
dilikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan.

9
• Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa
mga pabrika at mga iba't ibang bagay na sinusunog na
sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating
ozone layer.
• Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng
mga basura galing sa mga mamamayang iresponsable at
walang disiplina.
• Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa
pabrika, mga basurang itinatapon sa tubig, at mga dumi galing
sa kanal.
10
11
Pagmimina sa Pilipinas : Sanhi ng Pagkasira
ng Kalikasan, Pakinabang para sa Iilan

12
Bunga ng Pagmimina

Maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan ang dulot ng


pagmimina isa na dito ang dislokasyon ng mga katutubong
mamamayan, pinalalayas sa kanilang lupang ninuno o kaya
naman dahil ng mga aksidenteng dulot ng minahan.

Ayon sa Philippine Rural Recontruction Movement, ang


pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng natural na habitat o
tirahan ng mga hayop, pagkalason ng mga ilog at kontaminsayon ng
lupa na dulot ng mga tumgatagas na kemikal sa minahan.
Nagdudulot din daw ito ng polusyon sa hangin tulad ng alikabok,
methane at iba pa.
13
Deforestation, Mabilis na Urbanisasyon at
Iba pa

14
Isa pa sa mga suliraning pangkalikasan sa
bansa ang pagkalbo sa mga kagubatan o
deforestation .

Ayon sa datos ng DENR, tatlong- kapat ng


archipelago ang kagubatan sa Pilipinas. Noong
1988, isang- kapat na lamang ng bansa ang
kagubatan.

15
• Ipinapakita sa talahanayang ito ang mabilis na pagkawasak ng
mga kagubatan mula noong panahon ng kolonisasyon ng mga
Espanol hanggang sa dekada ’90. Kapansin-pansin na
malaking-malaki ang nabawas sa kagubatan ng bansa mula
noong 1950 hanggang 1990, panahong talamak ang
pagtotroso dahil sa mataas na demand sa mga materyales na
pang-eksport.

16
• Batay sa pananaliksik ng grupong Kalikasan, ang pagmimina
ay sanhi rin ng deforestation dahil pinayagan ng Mining Act
of 1995 ang mga korporasyong nagmimina na mamutol ng
puno sa mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon. Ayon sa
Kalikasan, noong 2011 ay 1 milyong ektarya ng kagubatan
ang saklaw ng mga permit at aplikasyon sa pagmimina.

17
• Bunga ng malawakang pagkawasak ng mga kagubatan, ang
maraming lugar sa Pilipinas mula sa Marikina Valley at
Rodriguez, Rizal sa Luzon, hanggang sa Davao City sa
Mindanao, ay nawalan na ng natural na proteksiyon sa bagyo
at pagbaha. Gayundin, nagdudulot na ng pagguho ng lupa sa
ilang lugar ang malawakang deforestation. Bukod dito,
maraming species ng hayop ang nawawalan ng tirahan bunsod
ng deforestation.

18
Deforestation, Mabilis na Urbanisasyon at
Iba pa

Ano ang posibleng mangyari kapag


nagpatuloy ang deforestation dito sa
bansang Pilipinas?

19
Basura , Baha at Iba Pang Problema

20
Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang
kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran.

Sa MRF ay agad na maihihiwalay ang mga maaari


pang pakinabangan sa mga basura na dapat nang itapon.

Waste Management - paglilimita, pagbabawas o


kaya’y wastong pagtatapon ng basurang likido at solido
na naglalayong panitilihin ang kalinisan ng kapaligiran.

21
• Bukod sa wastong pagtatapon ng basura, ang paglilimita at
pagbabawas ng basura ay bahagi rin ng waste management.
Ang dalawang prosesong ito’y mabisang naipatutupad sa
pamamagitan ng kampanyang reuse, reduce, recycle o kampanya
ng muling paggamit o paghahanap ng mapaggagamitan sa
mga bagay na inaakalang patapon na, pagbabawas ng basura,
at pagrerecycle o pagpoproseso ng basura upang muli itong
magamit.

22
Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal

Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ang


pakikipagtalastasan sa paglalarawaan, pagtalakay at
paghanap ng mga solusyon sa mga problema ng ating
komunidad at ng buong bansa.

Mahalaga ang kasanayan sa komunikasyong Filipino


sa pagbabahanginan ng salaysay at karanasan sa iba’t
ibang pangkat sa mga komunidad na ating
kinabibilangan.
23
YUNIT V. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG
LOKAL AT NASYONAL
( IKALAWANG BAHAGI)
GLOBALISASYON : ISANG DEPINISYON
GLOBALISASYON – ay tumutukoy sa proseso ng malayang
pagpapalitan ng mga produkto, kultura , at kaalaman ng mga
bansa.

Hindi lamang produkto, kultura at kaalaman ang maaaring


ibahagi at ipagpalitan sa ilalim ng globalisasyon. Inaasahang ang
mga tao ay magtatamasa rin ng mobalidad sa panahong ito.

Sa paaralan, globalisasyon ang pangunahing dahilan na


nagtutulak sa pagkakaroon ng mga student at faculty exchange
program.
• Ang globalisasyon ay kung paano nagiging global o
pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya
pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita,
ginagawang magkakasama sa buong daigdig. Tungkol ito
sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at
kalinangan o kultura. Magkakaiba ang pananaw at
damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga
nag_x0002_iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao,
habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang
mga tao.
Tatlong uri ng globalisasyon

• Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga


bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at
kooperasyon;
• Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang
pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga tao mula
sa iba't ibang mga bansa; at ang
• Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga
bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at
kooperasyon.
ANG ALAMAT NG GLOBALISASYON

•Walang eksaktong petsa na maituturing na


simula ng proseso ng globalisasyon.
POSITIBO AT NEGATIBONG
DULOT NG GLOBALISASYON
• Positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan,
nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.
Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang
bansa.
• Negatibong epekto rin ang globalisasyon.Sa
pamahalaan, maaaring panghimasukan ng ibang bansa
sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan at lumaganap ng
terorismo.
MIGRASYON
Problema o Solusyon?
•Isa sa mga bunga ng kahirapan sa bansa ang migrasyon.
• Ang migrasyon ay maaari rin namang maganap sa loob
ng bansa lamang.
- Sa ganitong sitwasyon, ang mga mamamayan mula
sa mas mahihirap na lugar (gaya ng mga lugar na rural)
ay lumilipat sa mga relatibong mas mauunlad na lugar
(gaya ng mga lugar na urban) kung saan inaakalang mas
madaling makakuha ng trabaho.
• Ang malaking remittance ng mga OFW ay
nagsisilbi ngang salbabida ng sisinghap-
singhap na ekonomiya ng bansa, ngunit
ito’y itinataguyod habang kinalilimutan ang
sektor ng industriya na may potensyal ding
mag-ambag sa paglago ng ekonomiya.
• Mas nagbebenipisyo ang mga bansang
pinagtatrabahuhan ng mga OFW kaysa
Pilipinas, dahil ang bawat migranteng Pilipino
ay katumbas ng nawalang skilled na
manggagawa at propesyunal.
Mga Panlipunang
Epekto ng Migrasyon
• Sa isang pananaliksik na pinondohan ng Friedrich Ebert Stiftung
(FES), inisa-isa ni Alcid (c. 2005) ang napakaraming panlipunang
epekto ng migrasyon tulad ng “exodus ng mga nars, kasama na
ang mga dating doktor,“ bagay na inaasahang “hahantong sa
malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan...“ ng bansa, “de-
skilling ng mga propesyunal...” at ang negatibong impact ng
migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata."

• Ipinanukala ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang Senate Bill


1779 noong 2007.
• Ayon sa nasabing panukalang batas, maraming ulat mula sa
Philippine Overseas Employment Administration (POEA),
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga Non-
Government Organizations (NGO), ang nagpapatunay na ang
mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal (broken marriages),
adiksyon sa droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay
o mga psychological breakdowns” ay maiuugnay “sa
pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang
mga anak” na malinaw na bunga ng migrasyon.
• Pinigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya sa
Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa pagdepende sa
remittance.
Mga Isyung Politikal
• Ang politika ay mula sa sa salitang Griyegong politikos,
nangangahulugang "mula, para, o may kinalaman sa mga
mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng
paggawa ng pasiya sa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal
na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa
pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng
interaksiyon ng grupong pantao kabilang ang
pangkalakal, pang-akademya, at panrelihiyon.
• Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at
ang mga dinastiyang politikal ay malinaw na mga
suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang
suliraning ekonomiko, ay maituturing na kaugnay rin ng
mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din
ang sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng
bansa.
Kontemporaryong
Sistemang Politikal ng Pilipinas
• Naitaboy ng mga Pilipino ang mga Japanese at sa huling
mga linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay muling bumalik ang mga Amerikano sa
Pilipinas.
• Noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ng mga Amerikano
ang diumano’y wakas ng kanilang okupasyon ng Pilipinas
ngunit ayon sa ilang mga mamamayan, ang mga tanikala
ng kolonyalismo ay makikita pa rin sa kontemporaryong
sistemang politikal ng bansa.
• Maging ang mga patakarang ekonomiko tulad ng
pagmamay-ari sa mga minahan ay impluwensyado rin ng
mga dayuhan.
• Ang pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang politikal
ay kitang-kita pa rin.

• Kapansin-pansin na malaking porsyento ng mga


posisyong ehekutibo at lehislatibo sa antas lokal o
nasyonal man ay kontrolado ng mga prominenteng
angkan o dinastiyang politikal.
Mga Porma ng Korapsyon
• Sa simpleng pagpapahayag, katiwalian ang anumang
transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa
personal na kapakinabangan.
• Maituturing din na korapsyon ang malversation o
paggamit ng pondo ng gobyerno sa alinmang bagay na
hindi awtorisado o hindi pinaglaanan ng pondo.
• Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga
substandard na materyales na regular ang presyo, o
kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan
ng pekeng proyekto.
Mga Ugat ng Korapsyon
• Nang masakop ng mga Español ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga
dating datu, rajah at iba pang maharlika ang mabababang posisyon
sa gobyerno, gaya ng pagiging cabeza de barangay, na ang
pangunahing tungkulin ay maningil ng buwis.
• Mahirap maging cabeza dahil may quota ang buwis na
kokolektahin. Kapag hindi umabot sa quota ang cabeza, obligado
siyang magpaluwal. Kung walang pera ang cabeza, kukumpiskahin
ng mga Español ang kanyang ari-arian.
• Ang ganitong sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan,
sa bawat pabor na hingin ng padrino ay may kapalit na suhol,
salapi man o anumang mahalagang bagay.
• Sa paghahari ng mga Español, sumulpot ang lokal na elite o
principalia mula sa mga dating datu, rajah at maharlika.
• Pinaboran din sila ng mga Español sa pagbibigay ng karapatang
mamahala sa lupa at maningil ng buwis.
• Marami sa mga pamilyang asendero na ito’y nananatiling bahagi
ng alta-sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila sa
salapi at lupain.
• Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal,
naging mahirap para sa mga ordinaryong tao na bantayan at
lumahok sa prosesong politikal.
Mga Dinastiyang
Politikal
• Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of
the Philippine Ruling Oligarchy” (2007) ni Prop. Dante Simbulan,
detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga dinastiya sa
sistemang politikal ng bansa.
• Batay naman sa pag-aaral ng Asian Institute of Management
Policy Center noong 2011, mahigit 100 o 68% ng mga kinatawan
sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2001, 2004, 2007 at 2010.
• Ayon pa rin sa mga nasabing pananaliksik, kontrolado rin ng
mga dinastiya ang mga partido politikal batay na rin sa
komposisyon ng kasapian o membership ng mga nangungunang
partido: 76% ng Lakas-Kampi; 57% ng Partido Liberal; 74% ng
Natinalist People’s Coalition; at 81% ng Partido Nacionalista.
• Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How
the Wealthy and Well-born Dominate Congress”
(2004) nina Sheila Coronel et al., halos isang
siglo na kontrolado ng mga dinastiya ang
sistemang politikal ng bansa.
Mga Bunga ng
Korapsyon
• Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang
kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan
na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan.
• Pangalawang bunga ng korapsyon ang pagliit ng pondo
na maaaring magamit ng pamahalaan para sa mga
serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, edukasyon,
transportasyon at kalusugan.
• Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga
partido politikal sa bansa.
• Ang pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa
gobyerno at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa
halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng
monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal.
Mga Solusyon sa
Korapsyon
• Ang pagsasagawa ng mga repormang politikal gaya ng
pagsasabatas ng konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa
mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay pa sa
representasyon ng mga grupong marginalized (gaya ng
sistemang party-list) ay dapat isagawa.

• Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang


isang Anti-Dynasty Bill, ang pagsuporta sa mga grupo ng mga
ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga
partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga
dinastiyang politikal.
YUNIT VI. MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
ANO ANG KOMUNIKASYON?

ANO ANG KAHALAGAHAN NG


KOMUNIKASYON?
ANO ANG KOMUNIKASYON?

➢ang akto ng pagpapahayag


ng ideya sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan.
(Webster)
URI NG KOMUNIKASYON
1. BERBAL NA KOMUNIKASYON

Berbal ang komunikasyon


kung ginagamitan ng wika
o salita at mga titik na
sumisimbolo sa kahulugan
ng mga mensahe.
2. DI- BERBAL NA KOMUNIKASYON

Di- Berbal ang


komunikasyon kapag
ginagamitan ng mga kilos
o galaw ng katawan
upang maiparating ang
mensahe at hindi sa
pamamagitan ng salita o
wika.
ANYO NG DI- BERBAL NA
KOMUNIKASYON
1. KINESIKA (KINESICS)

Pag-aaral ng kilos o
galaw ng katawan.
2. EKSPRESYON NG MUKHA (PICTICS)

Pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang


maunawaan ang mensahe ng tagapahatid.
3.GALAW NG MATA ( OCULESICS)

Pag-aaral sa galaw ng
mata.
4. PANDAMA O PAGHAWAK
(HAPTICS)

Pag-aaral sa mga paghawak o pandama na


naghahatid ng mensahe.
5. PROKSEMIKA (PROXEMICS)

Ang pag-aaral ng komunikasyong gamit ang


espasyo. Tumutukoy ito sa layo ng kausap sa
kinakausap.
IBA’T IBANG PROXEMIC DISTANCE

➢Intimate
0-1.5 pulgada
IBA’T IBANG PROXEMIC DISTANCE

➢ Social distance
4-12 pulgada
IBA’T IBANG PROXEMIC DISTANCE

➢Public
12 pulgada
6. CHRONEMICS

Pag-aaral na tumutukoy sa kung


paanong ang oras ay nakakaapekto sa
komunikasyon. Maaaring kaakibat ng
oras ang mensaheng nais iparating.
PAMANTAYAN SA PAGTATAYA
NG KAKAYAHANG PANG
KOMUNIKATIBO
(CANARY & CODY, 2000)
1. PAKIKIBAGAY (ADAPTABILITY)

Ang isang tao ay may kakayahang


mabago ang pag-uugali at layunin
upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
2. PAGLAHOK SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL INVOLVEMENT)

May kakayahan ang isang taong gamitin


ang kaalaman tungkol sa anumang
paksa sa pakikisalamuha sa iba.
3. PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL MANAGEMENT)

Tumutukoy naman ang kakayahang ito


na mapamahalaan ng isang tao ang
pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy
ng usapan at kung paanong ang mga
paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. BISA (EFFECTIVENESS)

Tumutukoy ito sa isa o dalawang


mahahalagang pamantayan upang
mataya ang kakayahang pang
komunikatibo – ang pagtiyak kung kung
epektibo ang pakikipag-usap.
Maikling (Muling)
Pagtatalakay sa Kahalagahan
ng Komunikasyon
Maaari nating sabihin na walang uusbong
na ano mang uri ng sibilasyon kung
walang komunikasyon at hindi natin
mapagyayaman ang mga bagay-bagay
tulad ng agham, matematika, medisina,
humanidades, arkitektura, at iba pa.
Maaari ring magkaroon ng hindi
pagkakaintindihan ang lipunan at bansa
kung walang komunikasyong
magaganap sa pagitan ng lider at
kanyang mga kinatawan. Sa mas
praktikal na antas, napapagtibay ng
komunikasyon ang relasyon ng bawat
isa.
KOMUNIKASYON BILANG PANGHUBOG
NG OPINYON NG MADLA

KOMUNIKASYON BILANG PANLINANG


UGNAYAN

KOMUNIKASYON BILANG PAGHAHATID


NG IMPORMASYON AT
PAGPAPALAGANAP NG KULTURA
Mga Antas ng Komunikasyon
Uri ng Komunikasyon

• Intrapersonal na Komunikasyon
• Interpersonal na Komunikasyon
• Pangkatang Komunikasyon
• Pampublikong Komunikasyon
• Pangmadlang Komunikasyon
Intrapersonal na Komunikasyon

• Ito ang uri ng komunikasyon na


nagaganap sa loob lamang ng
isipan ng isang tao, na nagdidikta
ng kaniyang magiging tugon sa
mga pangyayari sa paligid.
Interpersonal na Komunikasyon

• Ito ang uri ng komunikasyon na


ginagamit upang bumuo, magpanatili,
at tumapos na ng ugnayan. Madalas
itong matunghayan sa pagitan ng
mag-asawa, dalawang miyembro ng
pamilya, magkaibigan, amo at
empleyado, at iba pa.
PANGKATANG KOMUNIKASYON

Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap


sa pagitan ng tatlo o mas marami pang taong
may iisang layunin.

ROUNDTABLE at SMALL GROUP DISCUSSION


PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON
Ito ang uri ng komunikasyon na nakapokus sa
tagapagdala ng mensahe kaysa
tumatanggap-na malimit ay higit sa apat. Sa
lahat ng uri ng komunikasyon, ito rin ang
pinakamalayunin sapagkat mas madalas
itong pormal.

LEKTYUR AT SEMINAR
PANGMADLANG KOMUNIKASYON

Tinatawag namang pangmadlang


komunikasyon ang paghahatid ng mensahe
sa mas malawak na awdyens sa lalong
madaling pamamaraan at gumagamit ng
mass media.

➢ Programa sa Radyo at Telebisyon


➢ Video Conferencing
➢ Komunikasyon gamit ang Social Media
SALAMAT SA PAKIKINIG! ☺

You might also like