You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL

PAGTATANGGAL NG FILIPINO SA KOLEHIYO


Matagal na ring usapin ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dito
sa bansa. Dulot nito ay may iba't ibang opinyong isinalang alang ang mga tao.
Ngunit anonga ba ang nararapat na gawin sa isyung ito? Dapat bang panindigan ang
pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo o panatilihin ito bilang pagsasapuso na rin ng
ating nakagawiang kultura. Wika nga ni Dr. Jose Rizal
"ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang
isda". Walang bansa ang umuunlad ng walang wikang Pambansa o sariling wika at
panitikan.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng Commission on Higher Education (CHED) sa
pagbabalak na alisin ang asignaturang Filipino sa mga ubod na asignatura sa
kolehiyo. Ang pagpapatupad ng Memorandum Order Blg. 20 ang nagpapatibay dito,
ngunit kung susuriing mabuti ang Memorandum ay makikitang ito ay sumasalungat sa
batas Konstitusyon Artikulo XIV Seksyon 6-7 na sinasaad ang kahalagahan ng wikang
Filipino sa atin bilang mamamayan at sa paaralan bilang panturo. Ang ma itinuturo
sa Filipino sa kolehiyo ay hindi pag-uulit ng mga inaral sa elementarya at
secondarya bagkuas ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa
Pamantasan, bansa at buhay.
Ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay hindi sasagot sa kahit
anong problema ng bansa o kahit saan pa mang isyu. Sa halip ay maaaring dumagdag
lamang ito sa mga kakaharapin na problema sapagkat ang ma guro na nagtuturo nito ay
mawawalan ng trabaho at ang mga studyanteng sa halip ay makakatulong sa
pagpapaunlad ng kultura ay bababaw lamang ang tingin nito sa ating kultura. Kaya
ako nakikiisa sa mga tumututol sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo upang lalong mapaunlad ito. Kung kaya't hindi ba mas dapat natin
pahalagahan ang asignaturang Filipino? Sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan,
dito tayo mahuhubog na lalong kilalanin ng ating wika, lahi at bansa. Nasa Filipino
ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa
na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino. Sa halip na alisin, dapat pang mas lalo itong patatagin, ang
disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang
Filipino na magiging pundasyon nito. Mas mabuting panindigan upang mapaglingkuran
ang bansa gamitang sariling wika, ang Filipino. Sa hakbang ng CHED na pag-aalis ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo ay pinapakita nila ang paurong nilang pag-iisip
ukol sa pagpapatibay ng wika sa kultura ng Pilipinas. Ang pagpapatupad ng
Memorandum na ito ay makikitang hindi sapat ang taong pinagkonsultahan. Ako bilang
mag-aaral na pinanganak at nagkamuwang sa Pilipinas kikilos at magpapatuloy
ipaglaban ang wikang kinagisnan at ang asignaturang mayroon dito upang hindi
isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Manghihina at malulusaw
nang tuluyan ang wikang Filipino kung hindi magtutuloy-tuloy ang paglinang nito
hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli at muli kong igigiit ang karapatan ng
Wikang Pambansa na nakasaad sa batas Konstitusyong ng Pilipinas.
Hindi natin maaalis ang katotohanang sa Pilipinas ang wikang panlahat ay ang
Filipino na laging ginagamit sa pakikipagtalastasan. Tayong mga Pilipino ay
tinanggap at isinabuhay ito bilang wikang Pambansa at nagging katangi-tangi ang
tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Kaya't kung aalisin sa
pag-aaralan sa kolehiyo ang asignaturang Filipino para na rin nitong tinanggal ang
identidad ng bawat isa bilang Pilipino.

You might also like