You are on page 1of 3

Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

Reaksyong Papel

Ang pagtanggal sa asignaturang Filipino ay pawang pagkitil sa sariling wika at


panitikan, pag alis ng pagkakakilanlan ng mamamayang Pilipino, kawalan ng respeto sa
kasaysayan ng bayan, at pagtaksil sa mga ninunong ipinaglaban ang bansang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Ramon Guillermo, ang wikang Filipno ay hindi lang isang simbolo ng
ating pagkabansa kundi dapat isang wika na ginagamit sa lahat ng larangan ng ating
kaalaman. Para saakin, ang wika ang nag sisislbing tulay upang magdugtong ang bawat
isa sa atin dahil ito ay ginagamit sa komunikasyon upang tayo ay magkabuklod.

Ang plano ng CHED na hindi isama ang asignaturang Filipino bilang GEC
(General Education Curriculum) sa kolehiyo ay isang lapastanganan sa lipunan na hindi
kinikilala ang wikang Filipino bilang paraan sa paglinang ng kaalaman sa loob ng
paaralan at maging sa pang araw-araw na pamumuhay. Paano na lamang kung ihihinto
ang pagtuturo ng asignaturang Filipino? ito ay mag kakaroon ng malaking implikasyon sa
pag lago ng ating wika. Marami ang matitigil sa pag alam ng kasayasayan at importansya
ng pansariling wika at panitikan. Bukod pa rito, nag papatunay lamang ang kanilang
memo na ang tanging layunin nito ay maka sabay sa larangan ng kompetisyong
pandaigdigan. Dahil dito, nais nilang maging mahusay sa pakikipagtalastasn sa wikang
ingles ang mga mag-aaral at Pilipino, kahit nasasakripisyo na ang ating pag-aaral sa
wikang Filipino at kasaysayan nito. Ayon sa bidyo, bansang Pilipinas ang ikalawa sa may
pinaka mataas na labor exporter sa buong mundo ito ang isa sa nakikita kong dahilan
kaya nais ng namamahala na dagdagan ng dalawang taon sa basic education at
magkaroon ng kurso na maaaring makapag padala ng mga Pilipino sa ibang bansa upang
makapag trabaho. Mas malinaw pa sa sinag ng araw ang hangarin na nakasaad sa CHED
Memo 20 and globalization na tayo ay pawang mga produkto na inilalako ng gobyerno sa
mga dayuhan at lumalabas na ito na lamang ang tanging paraan upang makaangat sa
buhay at mapataas ang ating ekonomiya. Sa halip na pagtibayin at palaguin ang wikang
Filipino, ito ay pinupuksa para sa pandayuhang interest at hindi sa larangan ng nasyonal
na kakayahan. Hindi kailanman magiging solusyon ang pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo bagkus mas kailangan pa itong pagyamanin sa ikauunlad ng ating
bansa at upang magbigay karangalan sa ating kasaysayan na palatandaan ng pagiging
mamamayang Pilipino.

Bilang konklusyon, ako ay hindi sang-ayon sa pagtanggal ng asignaturang


Filipino sa kolehiyo, dahil hindi lahat ng nakapagtapos sa hayskul ay may sapat at may
mahusay na kaalaman pagdating sa wikang Filipino. Kahit sa aking sarili bilang isang
mag-aaral sa kolehiyo mayroon mga bagay at impormasyong patungkol sa ating wika ang
nais ko pang maunawaan at pag aralan. Habang ibinabalangkas ko itong reaksyong papel
kinakailangan ko pang mag saliksik ng mga salita at ekspresyon upang mailahad ng
maayos ang aking pahayag, kaya aking napatunayan na mahalaga paring ituro at
ipagpatuloy ang asignaturang Filipino sa kolehiyo kahit ito’y natalakay na sa elementarya
at hayskul. Ang bawat isa ay may kalayaang gumamait ng ibang lengguwahe at hindi
masama ang maghangad na makapag trabaho sa ibang bansa ngunit ang gawing mandato
ng gobyerno na alisin asgnaturang Filipino ay isang malaking kamalian at taksil sa
bansang sinilangan.

You might also like