You are on page 1of 2

“Edukasyon ang tanging pamana ng ating mga mahal na magulang, na hindi kayang

agawin ninuman”, ang madalas na katagang ating naririnig sa paligid. Paalala na ang mga
mapupulot na kaalaman sa edukasyon ay isa sa pinakamamahalin at pinakamahalagang
yaman na maaaring matamasa ng isang tao. Pamana ng kayamanan ng pagka-Pilipino.
Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino? ni D. Neri, isang
dokumentaryong naghahayag ng kahalagahan ng paggamit ng Filipino, wikang pambansa,
bilang panturo at wika ng pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng papel ng asignaturang Filipino sa
pagkatuto at pagkakaroon ng malay ng mga mag-aaral sa sariling wika at kultura.
Sa pamamagitan ng dokumentaryong ito mas aking naunawaan kung gaano ba
kapapalad ang mga Pilipino lalo na ang mga mag-aaral sa tersarya na nabuo ang tanggol wika.
Gaya ng mga saloobin o opinyon sa nasabing dokumentaryo, ako rin ay sumasang-ayon na
ibasura ang CHED memo 20-2013. Kung naghahangad ang CHED at DePEd ng pamantayang
internasyonal pagdating sa edukasyon dapat ay hindi napag-iiwanan ang asignaturang Filipino,
pagtibayin dapat ang nalalaman sa Filipino,
Ang paglalayong makasabay sa pamantayag internasyonal ang naging sanhi ng
pagkakaroon ng K-12 na siya ring naging dahilan kung bakit nabuo ang CHED memo 20-2013
ay isa sa naging pinakawalang kwentang layunin ng CHED at DepEd. Ang pagtanggal sa
asignaturang Filipino sa kolehiyo upang ilipat sa ikalabing-isa at labindalawang baitang ay tila
kabastusan sa sariling Wikang Pambansa. Nakasabay nga ang bansang Pilipinas sa antas ng
edukasyon na mayroon ang halos mga karatig na bansa nito ngunit ang kapalit naman ay ang
pagbaba ng tingin nila sa importansya ng pag-aaral ng asignaturang Filipino sa tersarya
Kaysa isipin na magiging pauli-ulit na lamang ang magiging mga aralin mas magandang
magpokus na lamang na mas mapagtitibay nito ang pundasyon ng bawat Pilipino o mag-aaral
patungkol sa sarili nitong wika, kultura, at higit sa lahat sa bansa nitong sinilangan.
Nakalulungkot isipin na maraming departamento ng Filipino ang magsasara dahil dito na
magreresulta sa kawalan ng trabaho ng ilang propersor at ibang trabahador. Ito rin ang
maaaring maging aberya sa pag-unlad ng pagiging Pilipino ng mga indibidwal.
Nauunawaan ko rin kung bakit tutol ang mga mahahalagang personalidad sa
dokumentaryo sa pagkakaroon ng K-12. Ito ang naging sanhi kung bakit umusbong ang CHED
memo 20-2013. At higit sa lahat, isa ito sa humahadlang sa mga mag-aaral na maghangad ng
mas mataas na pangarap gaya na lamang ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ang dokumentaryo na pinamagatang "Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino,
Para Kanino?" ay tumalakay sa mahahalagang gamapanin ng wikang Filipino sa pagpapa-
unlad ng kuwalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Kaya naman, ang pagtanggal nito sa tersarya ay
parang pagbabasura na rin sa layunin ng pagtatatag ng K-12. International standard ang nais
makamit ng bansa ngunit magandang pamantayan ng edukasyon sa bansa ay hindi matamasa.
Gamit ang katagang nabanggit sa unang talata, ipinababatid kung gaano kahalaga ang
edukasyon bilang representasyon ng yaman na ipamamana sa atin ng ating mga nanay at
tatay. Naroon ang tiwala nila na ang kaalaman natin ay ating yaman na hindi basta-basta
makukuha ninoman. Bilang Pilipino isa sa kaalaman na dapat nating mapulot sa pag-aaral na
dapat patuloy ring pagyamanin ay ang kalaaman aptungkol sa asignaturang Filipino.
Ako ay patuloy na magpapasalamat sa mga taong nakisapi at naging tunay na bayani
ng ating wika, ang tanggol wika. Masarap sa pakiramdam na marami pa rin ang nanindigan at
nagpakita ng katapangan, tunay na malasakit at pagmamahal sa wikang pambasa. Ang
pagpapatuloy ng pag-aaral ng asignaturang Filipino ang magpapayabong sa mga nalalaman
hindi lamang ng mga mag-aaral kung hindi ng lipunan ukol sa wikang pambansa, kultura at
pagsasanay ng ating kakayahan. Asignaturang Filipino ang siyang mag-aambag sa yaman na
mayroon ang edukasyong ipamamana sa ating ng ating mga magulang.

You might also like