You are on page 1of 4

Krishale Jane D.

Tabor Ika-14 ng Pebrero Taong 2021


BSED III- Filipino

I. Punan nang nararapat na salita na naglalarawan sa mga sumusunod


batay sa di-pormal na sanaysay na nabasa.

GURO:
Katangian:
1. May malawak na kaalaman sa paksang itinuturo
2. May kakayahan sa pagtuturo at mga kasanayang propesyunal
3. May kasanayan sa pakikipagtalastasan
4. May wastong saloobin hinggil sa propesyon
5. May kaaya-ayang katauhan

Tungkulin:
1. Tagapagturo
2. Modelo o huwaran
3. Tagapamahala o manedyer
4. Tagapayo at tagapatnubay
5. Lider o tagapamuno

Pamamaraan:
1. Maparaang pagtuturo
2. Maparaang pabuod
3. Maparaang pasaklaw
4. Maparaang pabalak
5. Mapaaraang patuklas

MAG-AARAL:
Panuto: Anong klaseng mag-aaral ka noon? Magbigay ng dalawang
katangian:

BAITANG/TAON
Grade 1
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 2
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 3
1. Guinness
2. Bob Ongs
Grade 4
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 5
1. Weirdos
2. Bob Ongs

Grade 6
1. Weirdos
2. Bob Ongs

Grade 7
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 8
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 9
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 10
1. Guinness
2. Bob Ongs

Grade 11
1. Anak ni Rizal
2. Guinness

Grade 12
1. Anak ni Rizal
2. Guinness

1st Year College


1. Anak ni Rizal
2. Guinness
II. 1. Bakit sinasabing lalong magiging matagumpay ang isang guro sa
kanyang pagtuturo kung nalalaman niya at nauunawaan ang mga
katangian ng mga mag-aaral na kanyang tinuturuan?

Magiging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung


nalalaman niya at nauunawaan ang mga katangian ng mga mag-aaral dahil
dapat malaman ng isang guro na ang kanyang mga mag-aaral ay mayroong
kanya-kanyang katangian. Ang mga mag-aaral ay nanggaling sa iba’t-ibang
lugar na mayroong iba’t-ibang uri ng pamumuhay at kultura kaya nagkakaiba-
iba sila sa isa’t-isa dahilan ng pagkakaiba nila ng katangian. Kung alam ng
mga guro ang mga katangiang ito, mas mapapadali para sa kanila ang
pagturo. Isa pang halimbawa ay ang pagkakaiba ng mga mag-aaral
pagdating sa kanilang mga kakayahan at kalakasan. Mayroon din namang
mga mag-aaral na may iba’t-ibang paraan ng pagkatuto gaya ng mas
natututo ang mag-aaral kapag nagbabasa o di kaya ay nakikinig at kung
minsan naman ay nanunuod o tumitingin ng mga larawan. Ang mga bagay na
ito ay dapat bigyan ng pansin ng isang guro dahil ito ang paraan ng
pagpukaw ng interes ng mga mag-aaral at kapag napukaw ang kanilang
interes ay magiging matagumpay at epektibo ang pagtuturo ng guro.

2. Ipaliwanag ang apat na katangian ng mga kabataang Pilipino ngayon?

Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya ngayon ay napapansin ko na


mayroong pagbabago sa katangian ng mga kabtaang Pilipino ngayon. Ang
katangiang pisikal, kakayahang mental, katangiang sosyo-emosyonal, at ang
katangiang moral-ispiritwal ng mga kabataang Pilipino ngayon ay kapansin-
pansin na nag-iba. Halimbawa sa katangiang pisikal, noon ang mga kabataan
ay kadalasang makikita sa kalye na naglalaro, ngayon hindi man lahat ngunit
marami sa mga kabataang Pilipino ngayon ang madalas na babad sa kanya-
kanyang gadyets kaya napipigilan sila sa paggalaw ng kanilang pisikal na
pangangatawan. Sa kakayahang mental naman ay mayroong ibang
kabataang Pilipino na tila nagiging mapurol ang utak dahil masyadong
nahumaling sa mga larong matatagpuan sa online kaya napipigilan din sila
ma-ensayo ang kanilang kakayahang mental ngunit sa kabilang banda,
marami rin naman sa mga kabataang Pilipino ang tumatalino dahil sa
maraming kaalaman na nakukuha nila online. Ang katangiang sosyo-
emosyonal at katangiang moral-ispiritwal naman ng kabataang Pilipino
ngayon ay naapektuhan din ng teknolohiya. Malimit na lang ang
pakikihalubilo at pakikipag-ugnayan ng mga kabataang Pilipino sa kanilang
kapwa dahil sa pagiging babad sa mga gadyets. Hindi na rin masyadong
napapaunlad ng mga kabataang Pilipino ngayon ang kanilang ispiritwal na
paniniwala dahil sa pagkahalina nila sa teknolohiya. Sa madaling sabi, may
malaking kinalaman ang teknolohiya sa mga katangian na meron ang mga
kabataang Pilipino ngayon.
3. Handa ka na ba sa habang buhay na pagtuturo? Paano mo
masasabi? Ipaliwanag.

Noon pa man, hindi talaga sumagi sa aking isipan na magturo o


maging guro. Nakakatawa mang isipin ngunit ayaw ko talagang maging
guro dahil nasa isip ko na kapag magiging guro ako, walang katapusan
ang aking pag-aaral at nakakapagod kung iisipin. Kalaunan ay napagtanto
ko na sa lahat ng kurso ay edukasyon ang gusto kong kuhanin at unti-unti
ay napamahal ako sa kursong edukasyon. Sa ngayon hindi ko pa talaga
lubos masabi na handa na ako sa habang buhay na pagtuturo pero ang
alam ko lang na sa ngayon bilang mag-aaral pa sa kursong ito ay
ginagawa ko lahat ng aking makakaya upang maging handa ako sa
habang buhay na pagtuturo. Alam ko sa sarili ko na hindi madali ang
pagtuturo kaya sa patuloy kong pag-aaral ngayon, alam kong magiging
handa ako sa habang buhay na pagtuturo.

You might also like