You are on page 1of 3

Yuint 1-2 Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nabibigyang kahulugan ang wika;
2. Natutukoy ang mga istratehiya sa pagtuturo ng wika sa iba’t ibang uri ng mag-aaral, bata, may
edad, at tinedyer;
3. Nauunawaan ang mga dapat isaalang-alang sa pagtuturo ng wika.

Pagbasa

Ang wikay ay binibigyang-kahulugan bilang sining ng komunikasyon. Ang wika ay hindi

lamang nakatuon sa anyo nitong pasulat at pasalita.
Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa mga
nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matatas sa paglalahad ng kanyang
mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito.

Saan dapat magsimula sa pagpaplano ng isang makabuluhang programa sa pagtuturo at

pagkatuto ng wika?
A) ANG MGA BATANG MAG_AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA
 Ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating mga paaralan ay ang
pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, pati na ang
pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika, una
o pangalawang wika man ito at ang proseso sa pagkatuto.
 Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng
pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa llob ng klasrum.

5 KATEGORYA NA MAY KINALAMAN SA PAGLAKI AT PAGUNLAD NG MAG-

AARAL
1. INTELEKTWAL NA PAG-UNLAD
= iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga mag-aaral
2. TAGAL NG PAGKAWILI(ATTENTION SPAN)
= mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata
=maglahad ng mga makabago at iba’t ibang Gawain
= tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang
kawilihan
=isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanatili ang
kawilihan.
3. PAKILUSIN ANG IBA’T IBANG PANDAMDAM(SENSORY INPUT)
= maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro.
4. MGA SALIK NA APEKTIB(AFFECTIVE FACTORS)
= iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makakagawa sila ng pagkakamali
sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.
5. AWTENTIKO,MAKABULUHANG WIKA
= gumamit ng mga kuwento , sitwasyon, mga tauhan at mga usapang pamilyar sa
karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang
kanilang retensyon.

B) ANG MGA MAY EDAD NA MAG-AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA

 Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga batang mag-aaral
kayat maaaring mas magiging matagumpay sila sa ilang gawaing pangwika sa loob
ng klasrum.

1
Mga Natatanging Diskurso Inihanda ni: MA. THERESA GINA T. GALANG
1st Semester, S. Y. 2020-2021
Bachelor of Secondary Education
MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTUTURO SA MGA
MAY EDAD
1. May kakayahan na ang mga may-edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning
mahirap unawain.
2. Maaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at
ayon a kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.
3. Hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.

IMPLIKASYON SA PAGTUTURO NG NPAGKAKAIBA NG MGA BATA AT MAY-

EDAD
1. Igalang ang damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na yaong medjo mahina sa
pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may-edad na mag-aaral
3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapagbigay ng tamang
desisyon.
4. Huwag disiplinahin ang mga may-edad na parang bat.

C) ANG MGA TINEDYER AT PAGTUTURO NG WIKA

 Mga tinedyer o bagets na may edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga
mag-aaral sa sekundarya.
 Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng maraming pagbabago sa
kanilang anyong pisikal at intelektuwal.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTUTURO

1. Kung ang mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada,disko, parti at iba
pa, maaaring ang mga gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay
maaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili ay tumatagal bunga ng kahustuhan ng kanilang
pag-iisip.
3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam sa mga pagkakataong kailangan ng mga
mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng
kanilang pagpapahalaga sa sarili.
a. Pag-iwas na ipahiya sila sa klase
b. Pagpapahalaga sa pansariling talino at kalakasan
c. Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagawa sa klase
d. Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaring mauwi sa di-pagkakaunawaan.
5. Hangga’t maaari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap na Gawain lalo
na doon sa may kahinaan sa pag-aaral.

Reference:
Badayos, P.B. (2016). Metodolohiy sa Pagtuturo ng Wika. Philippine Normal University

2
Mga Natatanging Diskurso Inihanda ni: MA. THERESA GINA T. GALANG
1st Semester, S. Y. 2020-2021
Bachelor of Secondary Education
Mga Gawain sa - Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika
Pangalan: ______________________________________________ Petsa: __________
Taon at Kurso: ______________
Panuto I: Ipaliwanag ayon sa inyong sariling pang-unawa. Sagutin ng maiksi at makabuluhan.
1. Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan sa wika?(10punts)
________________________________________________________________________

_____________________________.
2. Saan dapat magsimula sa pagpaplano ng isang makabuluhang programa sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika? (10puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________.

3. Maliban sa mga nabanggit mula sa paksa, magsaliksik pa ng ibang mga dapat isaalang-
alang sa pagtuturo sa mga bata? Sa mga may-edad? At sa mga tinedyer?(10puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________.

3
Mga Natatanging Diskurso Inihanda ni: MA. THERESA GINA T. GALANG
1st Semester, S. Y. 2020-2021
Bachelor of Secondary Education

You might also like