You are on page 1of 6

MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT

PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

Modyul 2 (Linggo 2: Agosto 22, 2020)


Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika

Tungkol Saan ang Araling ito


Sa araling ito, ilalahad sa iyo ang pagtuklas sa mga impormasyon at kaalaman tungkol sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika ng mga estudyante. Tatalakayin din ang mga estratehiya proseso at mga
bagay na dapat isaalang-alang sa pagkatuto ng wika. Gayundin ang mga salik at ilang simulain sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika bilang batayan tungo sa mabisang pagtuturo nito.
Ang unang yunit ay hahatiin sa tatlong (3) modyul at ito ay tatalakayin sa bawat linggo na
nakalaan ang nabanggit na paksa. Hinati ito batay sa sumusunod: binigyang-diin ang kalikasan at
katangian ng mga estudyante (linggo 1), Mga salik at simulain sa pagtuturo (linggo 2) at ang palikasyon
ng mga teorya (linggo 3).

Matututuhan Mo sa Araling Ito

Pagkatapos ng aralin, inaasahanag maututuhan mo ang sumusunod:


1. Nagkakaroon ng malawakang kaalaman sa mga proseso at katangian na dapat taglayin ng
mga guro.
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang yugto at estratehiyang ginagamit ng mga bata sa pagkatuto
ng wika.
3. Nakasusulat ng reaksyong papel kaugnay ng iba pang mga salik na mahalaga sa pagtuturo ng
wika ng mga makabagong guro.

Unawain Natin!
Sa bahaging ito, pag-uusapin natin ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtatamo ng
mabisang pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante. Bigyang-linaw muna natin ang ilang mga konsepto
tulad ng pagtuturo, wika at panitikan. Ang pagtuturo ay isang sining pagkat ito ay maayos na paraan ng
pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman (Belvez, 2000). Samantala, ang wika (Badayos, 2008) ay hindi
lamang nakakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat kung hindi makikita ito sa mg produkto ng pagsulat
ng mga estudyante at maririnig sa kanilang pagsasalita. Dagdag pa nito, ito ay nakaugat sa ating
karanasan.Nailalahad niya ang anomang pangyayari sa kanyang kapaligiran. Ang panitikan naman ay
nagtataguyod ng kabuoang pag-unlad ng isang estudyante sa mga aspektong, sosyal, moral, intelektwal,
estetiko, pagpapahalaga bukod sa kasanayan sa mabisang paggamit ng wika.. Kung susuriin natin
napakahalaga sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ang karanasan ng mga estudyante sa kanyang kapaligiran

DR. MELANIE GOLOSINDA 1


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

na naglalantad sa tunay at aktuwal na paggamit ng wika. Makikita sa ibaba ang pting hakbang sa Siklo ng
pagtuturo, mangyaring basahin at unawain:

DR. MELANIE GOLOSINDA 2


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

Samakatuwid, masasabing kailangan ang pagpaplano ng isang guro sa mabisang at


makabuluhang pagtuturo at pagtamo ng pagkatuto ng wika. Higit pa nating tuklasin nag mga kalikasan at
estratehiya ng mga bata.
Ang mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika
Ano ang kalikasan at pagkakaiba ng mga bata sa paaralan? Paano nga ba natututo ng wika ang
isang bata? Paano nagaganap ang proseso ng kanilang pagkatuto? May sarili din ba kayong paniniwala sa
pagkatuto ng mga bata? May popular na paniniwalang ang bata ay madaling matuto ng pangalawang wika
kaysa may edad nang estudyante. Suriin ang ilang mga kwalipkasyon sa ibaba:
1. Hindi tootong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata.
2. Ang may edad ay may higit na mas may kakayahann sa pagtatamo ng pangalawang wika.
3. Hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-aaral magsalita sa
mga batang pre-pubescent.
Kaugnay nito, upang lubusang maunawaan ang paglaki at pag-unlad ng mga bata, narito ang limang
(5) kategorya na makatutulong sa guro sa pagpili ng praktikal na teknik at estratehiya sa pagtuturo ng
wika. Sa malawakang pagtalakay nito, basahin ang kalakip na sipi ng ilang bahagi ng aklat.
a. Intelektwal na pag-unlad
b. Tagal na pagkawili (Attention Span)
c. Pakilusin ang Iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)
d. Mga Salik na Apektib (Affective factors)
e. Awtentiko, Makabuluhang wika
Dahil dito, magiging matagumpay ang pagtuturo sa wika kung mauunawaan at maisasaalang-
alang ang kalikasan at katangian ng mga estudyante lalo pa’t nakaapaekto rin sa pagkakaiba-iba nito ang
mga salik tulad ng kapaligiran, angkan, kasarian, gulang at lahi. Dagdag pa nito, narito ang ilang
patnubay lalo’t higit sa mga baguhang guro tungo sa pagiging mabisang guro sa wika:
Sa mga may edad nang estudyante at ang pagtuturo ng wika:

 May kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning
mahirap unawain ngunit kailangan pa rin ang pag-iingat. Kung masyadong mahirap at
masyadong madali maaaring tuluyang mawalan ng interes.

 Maaaring mahaba ang panahon sa pagkawili subalit huwag kaligtaan ang mga gawaing
maikli at ayon sa kanilang interes.

 Gisingin ang lahat nilang pandamdam upang maging masigla at lagging buhay ang klase.

 Iwaksi ang salik emosyonal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.

DR. MELANIE GOLOSINDA 3


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

Implikasyon sa pagtuturo:
a. Igalang ang dammdaming emosyonal ng mga estudyante lalo na ang medyo mahina sa
pagkatuto.
b. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na. (Huwag ituring na parang bata at
iwasan ang pagkausap na parang bata)
c. Bigyan ng maraming pagkakataon para makapmili at makapagbigay ng sariling desisyon
hinggil s gagawin sa loob at labas ng klasrum.
d. Huwag disiplinahin ang mg amay edad na parang bata. Ipagpalagay na may kakayahan
silang umunawa at ipaliwanag ang bawat kilos at galaw sa loob at labas ng klsrum.
Sa mga tinedyer at ang pagtuturo ng wika

 May kakanyahan na ang mga estudyante sa ganitong edad na gamitin ang proseso sa
abstraktong pag-iisip kaya’t maaari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong
paglalahad ng mga gawain tungo sa soisitikadong proseso ng mga kaisipan subalit
isaisip pa rin ang kawilihan o atensyon na ibinibigay rito.

 Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng
kagustuhan ng kanilang pag-iisip ngunit maaaaring panandalian dahil sa pabago-bagong
nagaganap sa kanilang pag-iisip at buhay.

 Maglaan ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong


kailangan ito ng mga estudyante.

 Panatilihing mataas ang kanilang pagpapahalaga sa sarili:


a. Iwasang ipahiya sila sa klase
b. Pagpapahalaga sa kanilang sariling iwi at pansariling talino at kalikasan
c. Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase
d. Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase

 Hanggat maaaari ay mag-ingat sa pagbibigay puna at mahihirap na gawain lalo na sa may


kahinaan sa pag-aaral
Sa gayon, nararapat na magmalay ang isang guro ng wika sa iba’ibang salik na maaaring
makaapekto sa pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante. Higit pa nating alamin ang ilan pang
paglalarawan sa pagproseso ng pagkatuto ng wika. Pinaniniwalaang active learners ang mga bata,
Sinusuri ang mga wikang naririnig at pinipili ang bahaging may kahulugan sa kanila. Inilahad sa ibaba
ang proseso sa pagkatuto ng wika:
Mga Yugto ng Pagkatuto ng Wika

DR. MELANIE GOLOSINDA 4


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

Unang yugto: Pasumala (Random)


Ikalawang Yugto: Unitary
Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon
Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural
Ikalimang Yugto: Otomatik
Ikaanim na Yugto: Malikhain

Talakayin Natin!
DR. MELANIE GOLOSINDA 5
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA MFIL 212: PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN, UNANG SEMESTRE, TP 2020-2021

Batay sa inyong karanasan at oberbasyon sa kapaligiran, iugany natin ang mga natamong
impormsyon sa inyong mga antas na tinuturuan. Kayo ay papangkatin sa tatlo (3) klaseng pangwika:
elementarya (pangkat 1), sekondarya (pangkat 2) at tersyarya (pangkat 3). Bigyan ng masusing pansin
ang sumusunod:

 Paksang-aralin

 Usapang guro at usapang mag-aaral

 Mga teknik s pagtuturo

 Mga suliraning pandisiplina

 Mga Gawain sa pagkatuto

 Motibasyon at interes
Mangyaring magsagawa ng sariling graphic organizer o tsart para sa presentasyon ng grupo.
Kayo na ang bahalang magpangkat, kilalanin ang isa’t isa ayon sa kanilang antas na tinuturuan.
Pagkatapos i-post ito sa discussion board o kaya naman sa group chat at suriin ang mga natuklasang
pagkakatulad at pagkakaiba sa iba’t ibang antas.

Sukatin Natin ang Iyong Natutuhan!


Para sa pagsusulit sa araling ito, sumulat ng reaksyong papel batay sa maidadagdag mo pang
mahahalagang salik na dapat isaalang-alang ng mga makabagong guro sa pagtuturo at pagkatuto ng wika
ayon sa inyong antas na tinuturuan. Isulat ang gawaing ito sa short bond paper, 11 font size, Times New
Roman na binubuo ng hindi hihigit sa 250 na salita lamang. Mayroong isang oras na nakalaan sa pagsulat
ng sanaysay at ipasa ito sa email ko pagkatapos ng klase - Agosto 22, 2020.
Mamarkahan ang iyong ginawa sa pamamagitan ng Nilalaman,-40%, Organisasyon – 25%
Pangkalahatang anyo -25%. Lagyan ng label ang isusumiteng e-mail, tingnan ang halimbawang inilagay:
Subject: Modyul 2: Melanie L. Golosinda MFil 212.

DR. MELANIE GOLOSINDA 6


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.

You might also like