You are on page 1of 1

Una sa lahat ay binabati ko ang bawat isa na narito ngayon, lalong-lalo na sa

ating panelist Dr. Rhodora L. Gallares, isang pinagpalang umaga sa ating lahat.
Bago ang lahat hayaan nyo munang ipakilala ko ang aking sarili, ako nga pala si
Ginoong Elvin John Ayocan Dino, 22 taong gulang at nakatira sa Baluerte, Tagoloan
Misamis Oriental. Ako ay narito sa inyong harapan, upang ihayag ang aking kagustuhan
na maging bahagi ng institusyong Casinglot National high School na sa kasalukuyan ay
naghahanap ng karagdagang Guro sa kanilang paaralan.
Ako ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education major in
Filipino sa Tagoloan Community College. Bilang paghayag kung gaano ako ka
determinadong tao, ay taas noo kung ipinagmamalaki na akoy naging isang consistent
honor student sa kasagsagan ng aking pag-aaral sa kolehiyo. At kung ako ay
tatanungin ninyo ako kung may karanasan na ba ako sa pagtuturo, ay ang sagot ko ay
“Oo”. Katulad ng mga nagsipagtapos at magsisipagtapos pa sa kursong edukasyon,
kami ay nagkaroon ng internship sa Villa National high school,sa loob ng 4 na buwan sa
pangunguna ng aming kagalang-galang at butihing ST superbisor Bb. Laugene Faith
Amora. At sa loob ng apat na buwan na ito, ay dito ko lubusang napagtanto na ang
aking puso’t isipan ay nasa linya ng pagtuturo. Alam kung wala pa ito sa kalingkingan
ng karanasan upang masabi ang mga bagay na ito, pero alam at damangdama ko sa
aking sarili na ang propesyong ito ay para talaga sa akin. Ang paghahatid ng dekalidad
na edukasyon para sa ating mga kabataang Pilipino.
At kung ako ay inyong tatanungin kung ano ang aking mga katangian ay ako po
ay may masayang disposisyon, palakaibigan tapat, malikhain, mapagkakatiwalan bukas
ang isipan para sa mga bagong kaalaman at may takot sa Panginoon. At bilang dagdag
sa aking qualification para sa propesyong ito,ay kung pagbabasihan ang Policy,
Standards and Guidelines (PSG) for Pre-service Teacher Education, na nagsasabing “
every future teacher, demonstrate proficiency in the development and utilization of
Information, Communication and Technology (ICT) resources in promoting quality
teaching-learning process”. Ay hindi sa pagmamayabang pero ang inyong lingkod ay
nakapagtapos ng kanyang Senior high School sa kursong Information Communication
and Technology- Major in Computer System Servicing at karagdagang anim na buwan
na pag-aaral sa SAM International Computer Education, at tayo’y nakatanggap ng
Sertipikong nagpapatunay na tayo ay qualipikado at propesyonal sa nasabing larangan.
At sa lahat ng aking mga nabanggit isa lang ang ibig kung sabihin ang propesyong ito
ay hindi ko lang ginusto pero ito’y para sa akin. At bago ko tapusin itong aking
talumpati, ay nais kung magpasalamat sa pagkakataong ito na ibinigay ng nasa itaas,
sa oras at pakikinig ng ating panelist, Ma’am at sa inyo mga kasama, salamat. Nawa’y
na kumbinse ko kayo sa aking mga sinabi. At isang magandang umaga sa ating lahat.

You might also like