You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY


Main Campus
CPG North Avenue, Tagbilaran City

Vision: A premier S & T university for the formation of a world class and virtuous human resource for
sustainable development in Bohol and the country.
Mission: Committed to provide quality higher education in the arts and sciences, as well as in the professional
and technological fields; undertake research and development, and extension services for the sustainable
development in Bohol and the country.

LIT 105
Asignatura

Pangalan: Jaynafe L. Autida


Taon at Pangkat: BSED – FILIPINO 2-A

Maglista ng mga katangian ng isang epektibong guro na sa tingin mo ay karapat dapat sa


propesyong ito. Pagkatapos ay sabihin kung na sa iyo ba ang lima sa walong katangian na iyong
binanggit. Bakit?

MGA KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBONG GURO


1. Mataas na pasensya
2. Mapagpatawad
3. Malikhain
4. Marunong tumanggap ng kamalian
5. May mabuting puso
6. Laging handa
8. May positibong pananaw
9. May sapat na kaalaman at kakayahan sa pagtuturo
10. May respeto sa mag-aaral o estudyante

Batay sa mga katangiang aking nabanggit batid kong taglay ko ang mga iilan sa katangian ng
pagiging epektibong guro. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mataas na pasensya, may sapat na
kaalaman at kakayahan sa pagtuturo, malikhain, laging handa at may positibong pananaw. Una
talaga ay mayroon ako mataas na pasensya dahil ito ay isang hakbang para matugunan at
pagkatiwalaan ako ng aking estudyante at lalong-lalo na sa sa pakikipag-usap sa mga estudyante
na may kanya-kanyang interes at hilig. Pangalawa may sapat na kaalaman at kakayahan sa
pagtuturo dahil mahalaga ito at nararapat na mahusay ako sa paggamit ng wikang panturo upang
madali maunawaan ng mag-aaral at alam ko ang itinuturo sa mga estudyante. Pangatlo naman ay
malikhain dahil sa pagiging malikhain ko bilang isang guro ay makukuha ko ang interes at kawilihan
ng mga mag-aaral na matuto sa paksang aralin. Nararapat na masigla, kawili-wili at laging may
bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo ang
hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay.
Pang-apat naman ay laging handa ako sa anumang pagsubok na kakaharapin ko at para hindi ako
magkamali sa aking ituturo. Para narin mas marami pa akong maituturo sa mga estudyante.
Nararapat lamang na ako ay organisado sa pagtuturo. Kapag palaging handa ako makukuha ko ang
atensyon ng mga mag-aaral. Panghuli naman ay may positibong pananaw upang makakatulong sa
pagpapaunlad ng aking mga estudyante. Kung negatibo ako bilang isang guro sa mga pananalita at
pagkilos ay nararamdaman ng estudyante. Kung ako ay nagpapakita ng walang tiwala sa aking
sarili sa aking tinuturuan ay hindi rin magagawang pagsikapang mapaunlad ang kaalaman sa aking
pagtuturo sa estudyante. Nararapat lamang na iwasan ang pagiging negatibo sa buhay, sa paaralan
man dahil ito ay nakakaapekto nang sa gayon ay may positibo pananaw lamang sa kakaharapin sa
buhay. Ang pagiging positibo ko ay nangangahulugang nagtitiwala ako sa nga estudyante na
mahuhusay at matatalino. Bawat isa sa mga estudyante ay may mga potensyal na naghihintay
lamang na malinang kung kaya't malaki ang papel na ginagampanan ko bilang guro. Lahat naman
ng problema ay may hangganan at patuloy na nagiging matatag. Kahit may problema, nakangiti pa
rin. Ito ay maaaring makahikayat sa mga estudyante na may positibong pananaw lamang sa buhay.
Kaya bilang isang guro sa hinaharap alam kung isa sa pangunahing katangiang dapat taglayin ay
ang sapat na kaalaman at mabisang pagtuturo. Alam kong malilinang ko ang mga katangian ng
pagiging epektibong guro at laging handa sa anumang pagsubok sa buhay.

You might also like