You are on page 1of 2

Pamantasang Estado sa Kanlurang Visayas

Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
La Paz, Lungsod ng Iloilo

FIL 503 – Pagtataya at Pagsusulit sa Wika

Dr. Ma. Ernalyn B. Cepeda

Awtput #3. Naisulat na salaysay ng sariling karanasan sa paggawa ng pagsusulit.

Ang kagandahan ng pagtuturo ay nakasalalay sa kung paano ipinapakita ng guro ang kanyang
kagalingan sa pagbuo ng iba`t ibang pamamaraan upang matugunan ang walang hanggan na
pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Isinaalang-alang dito ang magiging resulta ng kanyang mga
layunin sa bawat aralin na kanyang pinagtutuunang-pansin at sa pamamagitan ng mga nabanggit na
layunin ay makabubuo tayo ng mga makabuluhang mga pagsusulit na masusuri hindi lamang ang
angking kaalaman ng mga mag-aaral gayundin, ang ibang pang uri ng katalinuhan.

Ang pagsusulit ay isang kagamitang-pampagkatuto at pampagtuturo na ginagamit upang


masukat ang antas ng kaalaman ng isang mag-aaral at kung lubusan bang natutunan ng mga mag-
aaral ang isang aralin. Bilang isang guro, isa sa ating mga gawain upang maisakatuparan ang ating
hangarin na mapataas ang antas ng edukasyon ay makapagbigay ng isang mabisa at
komprehensibong pagsusulit sa mga mag-aaral. Hindi madali ang pagbuo ng isang pagsusulit,
nangangailangan ito ng malawak na kaalaman kung paano ito gawin. Ako, bilang isang guro na
mayroong apat na paghahanda ng pagtuturo sa araw-araw ay natataranta minsan kung ano ba ang
dapat unahin. Nakakalito mang isipin pero iyan ang realidad ng buhay ng isang guro. May mga
inaasahan sa atin na minsan na hindi natin naaabot at mayroon din minsan na sagabal na dumarating
na hindi na lubos maisip kung bakit. Ganyan ang buhay ng isang guro at ang pagbuo ng isang
pagsusulit ay mahirap ngunit kung natapos mo ito ay parang may nabunot na tinik mula sa puso`t
isipan. Ang proseso ng pagbuo ng isang magandang pagsusulit ay nakabatay din sa iyong mga layunin
na inaasahang makamit ng iyong mga mag-aaral. Para makamit ang mga ito ay kailangan nating
manalig sa ating sarili dahil sa atin nakasasalay ang ikatatagumpay ng ating mga layunin sa pagsusulit.
OO, hindi madali pero kinakailangang gawin dahil ito lamang ang sukatan kung lubusang bang
natutunan ng ating mga mag-aaral ang ating aralin. Alam kong tayo ay may hindi malilimutang mga
sandali sa pagbuo ng isang pagsusulit. Ang makailang beses na pag-uulit ng isang pagsusulit ay isa
mga karanasang hindi natin malilimutan at sa tulong ng mga gurong mas may alam sa pagbuo ng

Mark B. Palencia, MAEd - Filipino


Pamantasang Estado sa Kanlurang Visayas
Kolehiyo ng Edukasyon
PAARALANG GRADWADO
La Paz, Lungsod ng Iloilo

pagsusulit ay dito tayo mas natututo, mas nakakaalam ng iba`t ibang estratehiya upang mas lalong
mapalinaw at mas mapaganda ang ating pagsusulit na gagawin.

Hindi palatandaan ng pagkabigo bilang isang guro ang mga pagwawasto sa atin, sa katanuyan
ito ay nagtuturo sa atin upang mas lalong pa nating pag-ibayuhin ang ating mga ginagawang
pagsusulit upang ang kalinangan natin sa pagbuo ng mga mahuhusay na pagsusulit ay mas lalong
mapataas. Gayundin, ang paghasa ng kaalaman ng ating mag-aaral mas mapa-unlad sa pamamagitan
ng iba`t ibang mga estrahiya sa pagsusulit upang makipagbigay tayo ng iba`t ibang opsyon sa
pagbibigay ng pagsusulit upang hindi mapako ang ating mga mag-aaral sa mga pangkaraniwang
pagsusulit lamang.

Bilang isang guro, tayo ay dapat bukas sa anong mga suhestyon na ibinigay sa atin. Hindi ito
ginagawa para sa kapakanan ng iba kundi para sa ating sariling pag-unlad bilang tagapagtaguyod ng
kaalaman. Huwag nating isara ang isipan sa mga posibilidad na maaaring mangyari sa atin buhay
bilang isang guro. Maging handa sa anumang mga puna na maibibigay sa atin. Tanggapin natin ito ng
lubusan dahil ito ay magtuturo sa ating upang maging isang mabisang tagapagtaguyod ng kaalaman.

Mark B. Palencia, MAEd - Filipino

You might also like