You are on page 1of 1

Buhay Estudyante: Paghihirap Patungo sa Pangarap

Edukasyon ang ating puhunan patungo sa magandang kinabukasan. Sa ating buhay


kailangan natin ng edukasyon upang matuto at makakuha ng iba’t ibang kaalaman patungo sa
ating pangarap na inaasam. Ngunit sa kabila ng lahat, ang pagiging estudyante ay kinakailangan
ng pagsisikap at paghihirap na ilalaan upang makamit ang tagumpay na minimithi. At hindi
maiiwasan ang mga pagsubok at problemang darating sa buhay ng isang estudyante. Sa kabila ng
mga kaalaman ng isang estudyate na kanilang natututunan, mayroong mga pagsubok na darating
patungo sa kanilang paglalakbay.

Bilang isang estudyante, marami akong mga pinagdaanan upang matuto sa mga bagay na
tinuturo ng aming mga guro. Hindi naging madali ang pag tanggap ng mga kabiguan. Lalong lalo
na kung alam mong ginawa mo na ang iyong makakaya upang pumasa at matuto. Sa mga araw
na pag pasok natin sa eskwelahan ay hindi natin maiiwasan na hindi lang kaalaman ang
bubungad sa atin kundi pati na rin mga problemang daragdag sa ating pag aaral na tayo mismong
mga estudyante ang naghihirap. Kaya hindi tayo basta bastang madidiktahan ng sino man sa
ating kakayanan. Bago tayo matuto, dadaan tao sa isang panibagong pagsubok na darating sa
ating buhay estudyante. Dadaan muna tayo sa butas ng karayum bilang pagsabak sa kakayahan
nating mga estudyante. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga paghihirap na ating na daanan at
madadaanan pa. Walang pagsubok ang hindi malalampasan kung may determinasyong nakalaan
sa iyong sarili bilang isang estudyanteng pursigidong matuto.

Sa ating pag aaral, naniniwala akong hindi basehan ang anumang marka o mataas na
grado sa kung ano man natutunan mo. Walang katumbas ang halaga ng mga kaalamang iyong
nakukuha sa iyong pag aaral ng mabuti. Hindi matutumbasan ng anumang numero o karangalan
sa isang estudyante ang paghihirap matuto ng marangal. Kahit na hindi ka bigyan ng isang
karangalan, kung alam mo sa iyong sarili na nag aaral ka ng mabuti, sapat na dahilan na iyon
upang ipagmalaki mo ang iyong sarili at sa ibang tao. Hindi mahalaga ang anumang markang
makukuha sa isang asignatura. Ang mahalaga ay mayroon kang natutunan sa kabila ng
panghuhusga ng ibang tao base sa markang ibinigay sa iyo. Oo nga’t pinaghirapan ang markang
ibinigay ng guro sa iyo. Ngunit hindi parin ito nasusukat ang iyong talino sa mga naglalakihan o
mga nagliliitang mga numerong ilalantad sa iyo. Aanhin mo naman ang malaking marka kung
wala ka naming modo. Aanhin mo naman ang mga natutunan kung hindi mo naman ito
isasabuhay at gagamitin sa mabuti at tamang paraan. Hindi ka isang matalino kung mayroon ka
namang ugaling hindi kaaya aya. Sa buhay ng isang estudyante ay hindi naging madali at hindi
ito magiging madali . Ang pag aaral ay hindi biro para hindi seryosohin ng ibang mag aaral.
Sapagkat ang edukasyon ay isang yaman na hinding hindi mananakaw ng sino man sa isang tao.
Sa kabila ng mga paghihirap at pag pupursgi ng isang estudyante magbubunga at magreresulta
ito ng magandang kalabasan kasama ang mga kaalaman na madadala ng isang tao sa kaniyang
hinaharap patungo sa kaniyang magandang pangarap.

You might also like