You are on page 1of 18

SULYAP: DANAS SA PAGKUHA NG LET NG MGA GANAP NG GURO NA FILIPINO

MAJOR NG CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE – PASACAO


CAMPUS

KABANATA I

PANIMULA:

Tagapaghubog ng kinabukasan at sandigan ng mga pangarap ng isang indibidwal


ang ilan sa mga kaakibat na gampanin ng isang guro. Isang mahabang proseso ng
pagkatuto at patuloy na pag-aaral ang kabuuang danas ng isang nagtatangkang
pumasok sa nasabing propesyon; samu't saring pagsubok, kwalipikasyon, at bukod pa
rito ang inaasahang pagkilos o identidad ng isang guro sa lipunan.

Ang pumasa sa board exam ay nangangahulugan ng maraming bagay sa mga


gradweyt na nagnanais na maging guro. Para sa ilan, ang pagpasa sa board exam ay
nangangahulugan na maaari nilang maiahon ang kanilang pamilya mula sa hirap. Ang
ilan naman ay kumukuha ng board exam upang magamit nila ang kanilang pinag-aralan
sa kolehiyo. Para naman sa ilan, sila ay may gustong patunayan sa kanilang mga sarili
kaya ganoon na lamang ang kanilang kagustuhan na mapagtagumpayan ang pagsubok
na ito. Iba’t iba man ang dahilan, samu’t sari man ang pinanghuhugutan, naroon pa rin
ang pagnanais ng bawat isa na mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dalawang beses sa isang taon, libo-libong mga guro ang kumukuha ng Licensure
Examination for Teachers upang maging ganap na propesyonal sa hinaharap. Gamit
ang isang piraso ng lapis na siyang kailangan upang sagutan ang mga hindi
inaasahang tanong, baon nila ang kanilang mga pangarap na mapabilang sa listahan
ng mga nakapasa na ilalabas makalipas ang ilang buwan.

Ayon sa Professional regulation Commission (PRC) tinatayang 72,824


examinees ang tagumpay na pumasa sa nakaraang March 2023 Licensure Examination
for Teachers (LET). 24,819 sa 60,896 examinees (40.76%) ang pumasa sa
elementaryang lebel at 48,005 sa 102,272 (46.94%) examinees ang pumasa sa
secondaryang lebel ng LET. Kabilang sa pumasa sa sekondaryang lebel ay ang anim
na medyor sa Filipino ng Central Bicol State University of Agriculture Pasacao Campus
na nagsipagtapos noong akademikong panuruan 2021-2022.

Ayon sa pahayagang Plaridel na “Gabay sa Board Exam” tinalakay ng ilang mga


nanguna sa board exam ang kahalagahan ng paghahanda para sa board examination
sa isinagawang Webinar. Una, pagbibigay halaga sa pagdidisiplina sa sarili.
Kinakailangan na masanay na mag-aral ng tuloy-tuloy sa loob ng walong oras at ang
paulit ulit na pagsulat ng mga ekwasyon. Unawain huwag saloohin, mas mabilis na
maiintindihan ang mga haharaping paksa at madaling malulutas ang mga problema sa
tunay na sitwasyon kapag ginawa ito. Huwag laktawan ang mga pagsasanay ng mga
natutuhang konsepto. Hindi natatapos ang pag-aaral sa simpleng pagkuha ng
impormasyon, kailangan na pauulit ulit itong pag-aralan upang maalala sa mismong
pagsusulit. Pangalawa, pagpapahalaga sa sariling mentalidad. Hindi dapat sinasagad
ng mga estudyante ang kanilang sarili at kailangan na mapanatili ang kasiyahan sa
proseso ng kanilang pagkatuto. Mahalaga ang pahinga para lubos na maunawaan ng
isang tao ang kaniyang inaaral. Mahalaga rin ang lakas ng loob at katatagan ng loob ng
isang tao para makamit niya ang kaniyang hangarin sa buhay. Gumawa ng buod ng
kanilang lektura upang hindi mag aksaya ng panahon sa oras na kinakailangan nilang
balikan ang mga aralin. Makatutulong din ang pangkatang pag-aaral, kapag mag isa ka
lang ay nauunawan mo ang isang paksa batay sa sarili mong pag-unawa ngunit kung
may kasama ka ay mas mauunawaan mo ito batay sa opinyon ng iba. Pangatlo,
paggsasapuso ng kaalaman. Ang pagiging maalam sa sarili ang susi sa tagumpay
mahalagang alam ng mag-aaral ang dahilan sa paggawa niya sa mga bagay na
magiging motibasyon niya sa pagsususmikap para maabot niya ang kaniyang minimithi.
(Catura et.al 2021)

Sa Bicol, partikular na sa Unibersidad ng Bicol ay namayagpag din ang tatlong


mag-aaral noong March LET Exam 2023 na sina Andrea Grace Asenjo Nocete bilang
top 8 na nakakuha ng marking 91.40%. Gellie Ariate Guillermo bilang top 9 na
nakakuha ng marking 91.20%. at si Joanna Gabito Barbacena bilang top 10 na
nakakuha ng markang 91.00% (Rappler 2023). Ibinahagi ni Joanna Gabito Barbacena
sa Brigada News Fm Legazpi ang kaniyang karanasan sa pagkamit ng tagumpay.
Kuwento ni Barbacena, gumising siya na hindi lamang basta Licensed Professional
Teacher, bagkus topnotcher pa. Sinabi niya, “struggle was real” noong mga panahon na
papalapit ang exam, dahil pinagsasabay niya ang pagtatrabaho bilang guro sa isang
pribadong paaralan sa Legazpi City at pagrereview, kung saan bilang na lamang ang
mga araw na siya ay nago-on-site review. Malaking tulong umano sa kanya ang
pagpapahintulot sa sarili na magpahinga sa gitna ng pressure, dahil baka dumating
aniya ang panahon na bumigay ang katawan. Aniya, isa rin siya sa mga mag-aaral
noon na nagsumikap kahit nasa online classes noong panahon ng pandemya na
nagdala rin ng pressure sa kaniya kung ang mga kaaalamang naa-absorb ay tama.

Isa ito sa naging inspirasyon ng mga mananaliksik kung bakit isasagawa ang
pananaliksik na ito. Sa pamamagitan ng anim na nakapasa sa March LET Exam 2023
na nagmula sa Batsilyer ng Sekondarya Medyor sa Filipino sa Central Bicol State
University of Agriculture Pasacao Campus ay aalamin ang kanilang ginawang
paghahanda sa pagkamit ng pinapangarap na Licensya sa pagiging ganap na guro.
Linggid sa kaalaman ng nakakarami ang mga kumuhang LET exam noong Marso 2023
ay ang unang batch ng medyor sa Filipino sa Central Bicol State University of
Agriculture Pasacao Campus. Bilang mga mag-aaral na nagpapaka-dalubhasa sa
asignaturang Filipino at kukuha ng LET Exam sa hinaharap ang kanilang danas ay
magsisilbing isang motibasyon sa amin upang makapasa hindi lamang para sa aming
sarili bagkus para na rin sa karangalan ng aming paaralan lalo na ang Samahan ng
Nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino. Hanggad ng aming samahan na sa darating
pang mga panahon ay magmumula sa Central Bicol State University of Agriculture
Pasacao Campus medyor sa Filipino ang mga mangunguna sa LET Exam.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon ang pokus upang malaman ang iba’t ibang
mga paghahandang ginawa ng mga pumasa bago ang pagkuha ng panlisensyadong pagsusulit,
mga estratehiyang kanilang ginamit sa pagsagot at ang iba’t ibang naramdaman nila bago, sa
panahon, at pagkatapos ng eksam.

SULIRANIN:
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang magbalik tanaw sa danas ng mga
ganap ng guro na medyor sa Filipino ng Central Bicol State University of Agriculture
Pasacao Campus. Nilalayon nitong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga ginawang paghahanda o preparasyon bago ang panlisensyadong


pagsusulit sa mga sumusunod:
a. Mental
b. Pisikal
c. Spirituwal
d. Emosyonal
2. Ano ang mga estratehiyang ginamit sa pagsagot sa kanilang eksam?
3. Ano ang kanilang mga naramdaman bago,sa panahon, at pagkatapos ng
eksam?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga nagsipagtapos sa Central Bicol


State University of Agriculture Pasacao Campus medyor sa Filipino na namayagpag sa
larangan ng panlisensyadong pagsusulit. Ang pananaliksik na ito ay nakadisenyo upang
malaman ang kanilang ginawang paghahanda bago ang board exam, ang kanilang iba’t
ibang estratehiya sa pagsagot sa nasabing eksaminasyon, at ang kanilang
naramdaman bago, sa panahon at pagkatapos ng eksam. Binubuo ng anim na
respondente para sa indibidwal na interbyu.

Ang kakalabasan ng pananaliksik na ito ay lubos na makatutulong sa Central


Bicol State University of Agriculture Pasacao Campus lalong lalo na sa medyor sa
Filipino, mga mananaliksik, mga mag-aaral, mga guro, at maging sa iba pang paaralan.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Sa isang pananaliksik, binigyan ng pagpapakahulugan ang pagkabalisa bilang
isang pisyolohikal at beheybyoral na reaksyon ng isang indibidwal na may kaugnayan
sa matinding pag-aalala, na maaring makaapekto sa performans ng isang tao. Ang
pagkabalisa sa pagkuha ng eksaminasyon ay maaring mag-ugat mula sa iba’t ibang
aspeto gaya ng kakulangan sa paghahanda o pag-aaral, pagkukumpara ng performans
sa ibang tao, presyur mula sa mga magulang at iba pa. Isinaad sa pag-aaral na ang
pagkabalisa sa pagkuha ng pagsusulit ay maaring makaabala sa paggana ng memorya
o tamang pag-iisip ng isang indibidwal. Mahalaga ang pagkakaroon ng wastong pag-
iisip upang maisagawa nang akma ang iba’t ibang kognitibong gawain gaya ng pag-
aanalisa, pangangatuwiran, at pag-unawa sa binasa (Altairi, 2014).
Isinaad sa isang pag-aaral na ang maayos na pamamahala ng oras ay mahalaga
upang tumaas ang marka at mas maging produktibo pa ang isang mag-aaral sa
kanyang akademikong gawain. Bawat indibidwal ay dapat matuto kung paano gamitin
nang wasto at maayos ang kanyang oras. Idinagdag din dito ang mga pamamaraan sa
wastong paggamit ng oras. Una, kinakailangan na bigyan ng priyoridad ang mga
mahahalagang gawain. Pangalawa, kinakailangan na kumawala ang mga mag-aaral sa
kanilang mga negatibong pag-iisip, dapat magkaroon din sila ng oras na mag-aliw at
magsaya. Ayon sa pag-aaral na nakakakuha ng mataas na marka ang isang mag-aaral
kapag siya ay masaya at maaaring bumaba naman ang kanyang marka kapag siya ay
malungkutin at balisa (Elmousel, 2014).

Miqdadi, F.Z., ALMomani,


A.F., Mohammad, T., &
Elmousel, N.M. (2014). The
Relationship between Time
Management and the Academic
Performance of Students
from the Petroleum Institute in
Abu Dhabi, the UAE.
University of Bridgeport.
Retrieved November 02, 2017
from
Miqdadi, F.Z., ALMomani,
A.F., Mohammad, T., &
Elmousel, N.M. (2014). The
Relationship between Time
Management and the Academic
Performance of Students
from the Petroleum Institute in
Abu Dhabi, the UAE.
University of Bridgeport.
Retrieved November 02, 2017
from
Sa isang pananaliksik, binigyang-tuon ang kaugnayan ng tamang pamamahala
ng oras at ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Inilahad sa pag-aaral, na
upang magamit nang maayos ng mga mag-aaral ang kanilang oras, kailangan nilang
magtakda ng tiyak at ispesipikong layunin at tukuyin nang mabuti kung ano ang
kanilang gustong maabot sa buhay. Ang pagkakaroon ng malinaw na gol ay
makatutulong upang maiwasang maabala, maantala, at mabahala ang isang mag-aaral
sa kanyang gawain. Isa sa pinakamabisang paraan para mas maging epektibo ang
pamamahala ng oras ng isang mag-aaral ay ang pagsunod sa proseso ng paggamit ng
oras. Nagsisimula ang prosesong ito mula sa pagtatakda ng gol/layunin kung paano
niya pamamahalaan ang kanyang oras. Ikalawang proseso ay nakaikot sa kung paano
binibigyang-halaga ng estudyante ang kanyang oras at sa kung saan niya ilalaan ang
mga ito. Sa Ikatlong proseso naman nakapaloob ang pagpaplano; maaaring ito ay
lingguhan, buwanan, taunan, o pang matagalang pagpaplano. Napapatungkol naman
ang ikaapat na proseso sa pagkakaroon ng regulasyon sa sarili ng mag-aaral, dito
nakapaloob kung paano dinidisiplina ng isang estudyante ang kanyang sarili upang
makamit niya ang mga layunin na kanyang itinakda at paano makatutulong ito upang
maabot niya ang kaunlaran. At ang panghuling proseso ay napapatungkol sa kung
paano isinasaaayos at binabago ng indibidwal ang kanyang pamamahala sa paggamit
ng oras. Ang lahat ng prosesong ito ay makatutulong upang magamit nang maayos ng
isang mag-aaral ang kanyang oras (Miqdadi, 2014)
Sa artikulong ‘Six of the Best: The Traits Your Child Needs to Succeed’ na
isinulat ni Wilce, isinaad niya na isa sa mga dapat ugaliin ng isang mag-aaral ay ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili o ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Mahalaga ang
pagkakaroon ng katangiang ito dahil ito ang mag-uudyok upang hindi matakot ang
isang mag-aaral na mabigo, bagkus ito ang kanyang magiging motibasyon upang
makamit niya ang rurok ng tagumpay, hindi siya natatakot na ipahayag ang kanyang
sarili at buo ang kanyang loob na magagawa niya ang kanyang mga akademikong
gawain (Wilce, 2013). Retrived from
Sa aklat na ‘Students Success in College: Creating Conditions that Matter”,
ibinahagi na ang epektibong mag-aaral ay dapat may malawak na kamalayan sa
kanilang sarili at kayang alamin ang kanilang mga kahinaan at kalakasan. Ito ay
nakatutulong upang matuklsan ng isang estudyante ang kanyang bagong kakayahan at
maaaring magamit sa pagkamit ng kanyang akademikong pag-unlad. Ang mga mag-
aaral na may mabuting pag-unawa sa sarili, ay alam nila kung ano ang kaya nilang
gawin at abutin, at malalaman nila kung saang kategorya ang kailangan pa nilang
paghusayan (Kuh, 2013).

Natuklasang sa pag-aaral na ito na mayaman ang Pilipinas sa mga pamahiin sa pagkuh


a ng licensureExamination for Teachers. Binigyang halaga na mabisa ang pagsunod sa
mga pamahiin at ito ay patuloy pa ringnabubuhay at nananatili sa ating lipunan sa
kabila ng makabagong panahon. Masasabing isa ito sa nagingsangkap at salik upang
mapagtagumpayan ang pagsusulit. Ipinahiwatig sa kinalabasan ng pag-aaral na ito
namalaki ang halaga ng pamahiin sa mga nagbababalak kumuha ng pagsusulit
sapagkat hindi lamang ito gabay onagsisilbing batayan upang makapasa sa mga
pagsusulit kundi isang ritwal o tradisyon at pagpapahalaga sakulturang Pilipino. Ang
mga kalahok ay may kanikanilang pagpapakahulugan at pananaw hinggil sa
usaping pamahiin. Natuklasan sa pagaaral na mayroong sumusunod sa pamahiin sa ka
bila ng kawalan nito ng sapat paliwanag
kung bakit ito dapat sundin. Masisilayan ang mga pagpapahalagang kultural hinggil
sa pananalig saDiyos, malalim na pananampalataya, katatagan ng loob, swerte,
tradisyong o mga ritwal na kinamulatan atkinagisnan
SANGGUNIAN: (Panimula)
Professional Regulation Comission 2023, March 2023 Results of Licensure
Examination for Professional Teachers Released in Forty-Two (42) Working Days.
Naakses sa https://www.prc.gov.ph/article/march-2023-results-licensure-examination-
professional-teachers-released-forty-two-42-working

Lee Justin Catura & Glyca Nuncio 2021, Gabay para sa board exam, binigyang-tuon
sa LevelENG Up . Naakses noong Setyembre 28 2023 sa
https://www.plaridel.ph/index.php/2021/04/12/gabay-para-sa-board-exam-binigyang-
tuon-sa-leveleng-up/
Rappler 2023, TOPNOTCHERS: March 2023 Licensure Examination for Professional
Teachers. Naakses noong Setyembre 28 2023 sa https://www.rappler.com/bulletin-
board/topnotchers-licensure-examination-for-professional-teachers-march-2023/

Brigada News FM Legazpi 2023, Isa sa topnotchers ng March 2023 LET, mula sa BU
Daraga, Albay; akomplisimento, iniaalay sa kanyang pamilya at ina na single mom.
Naakses noong Setyembre 28 2023 sa https://brigadanews.ph/isa-sa-topnotchers-ng-
march-2023-let-mula-sa-bu-daraga-albay-akomplisimento-iniaalay-sa-kanyang-pamilya-
at-ina-na-single-mom/

SANGGUNIAN: (Kaugnay na pag-aaral)


Mariam A. Altari 2014, The impact of mindfulness and test anxiety on academic
performance. Naakses noong Setyembre 28 2023 sa
https://ir.library.louisville.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1083&context=honors
Miqdadi, F., Almomani, A., Masharqa, M., & Elmousel, N. (2014). The Relationship
between Time Management and the Academic Performance of Students from the
Petroleum Institute in Abu Dhabi, the UAE. Paper presented at the ASEE 2014 Zone I
Conference. Naakses noong Setyembre 28 2023 sa
http://www.asec.org./documents/zones/zone1/2014/Student/PDFs/177
Hilary Wilce 2013, Six of the best: the traits your child needs. Naakses noong
Setyembre 28 2023 sa https://www.independent.co.uk/news/education/schools/six-of-
the-best-the-traits-your-child-needs-to-succeed-8899903.html
Barham Kurt 2013, Student Success in College: Creating Conditions that Matter.
Naakses noong Setyembre 28 2023 sa https://pillars.taylor.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1059&context=acsd_growth

Bibliography
Al-Zoubi, M. (2016). The
Effect of the Time Management
Art on Academic Achievement
among High School Students in
Jordan. Journal of Education
and Practice, 7(5), 158-
167. Retrieved November 02,
2017 from
http://files.eric.ed.gov/fulltext/
EJ1092359.pdf
Chapman, S.W., & Rupured, M.
(n.d.). Time Management. The
University of Georgia.
Retrieved November 03, 2017
from
http://spock.fcs.uga.edu/ext/
pubs/time_management.pdf
Hamzah, A.R., Lucky, E.O.I., &
Joarder, M.H.R. (2014). Time
Management, External
Motivation, and Students’
Academic Performance:
Evidence from a Malaysian
Public
University. Asian Social
Science, 10(13), 55-63.
Retrieved November 02, 2017
from
http://citeseerx.ist.psu.edu/
viewdoc/download?
doi=10.1.1.958.2212&rep=rep1
&type=pdf
Kaushar, M. (2013). Study of
Impact of Time Management on
Academic Performance of
College Students. IOSR Journal
of Business and Management,
9(6), 59-60. Retrieved
November 02, 2017 from
http://iosrjournals.org/iosr-
jbm/papers/Vol9-issue6/
J0965960.pdf
Miqdadi, F.Z., ALMomani,
A.F., Mohammad, T., &
Elmousel, N.M. (2014). The
Relationship between Time
Management and the Academic
Performance of Students
from the Petroleum Institute in
Abu Dhabi, the UAE.
University of Bridgeport.
Retrieved November 02, 2017
from
http://www.asee.org/
documents/zones/zone1/2014/
Student/PDFs/177.pdf

Bibliography
Al-Zoubi, M. (2016). The
Effect of the Time Management
Art on Academic Achievement
among High School Students in
Jordan. Journal of Education
and Practice, 7(5), 158-
167. Retrieved November 02,
2017 from
http://files.eric.ed.gov/fulltext/
EJ1092359.pdf
Chapman, S.W., & Rupured, M.
(n.d.). Time Management. The
University of Georgia.
Retrieved November 03, 2017
from
http://spock.fcs.uga.edu/ext/
pubs/time_management.pdf
Hamzah, A.R., Lucky, E.O.I., &
Joarder, M.H.R. (2014). Time
Management, External
Motivation, and Students’
Academic Performance:
Evidence from a Malaysian
Public
University. Asian Social
Science, 10(13), 55-63.
Retrieved November 02, 2017
from
http://citeseerx.ist.psu.edu/
viewdoc/download?
doi=10.1.1.958.2212&rep=rep1
&type=pdf
Kaushar, M. (2013). Study of
Impact of Time Management on
Academic Performance of
College Students. IOSR Journal
of Business and Management,
9(6), 59-60. Retrieved
November 02, 2017 from
http://iosrjournals.org/iosr-
jbm/papers/Vol9-issue6/
J0965960.pdf
Miqdadi, F.Z., ALMomani,
A.F., Mohammad, T., &
Elmousel, N.M. (2014). The
Relationship between Time
Management and the Academic
Performance of Students
from the Petroleum Institute in
Abu Dhabi, the UAE.
University of Bridgeport.
Retrieved November 02, 2017
from
http://www.asee.org/
documents/zones/zone1/2014/
Student/PDFs/177.pdf

8
mga sariling pag-aaral na maaaring matutunan sa Rebyu Center. Dagdag pa nya, ang
mga rebyu center ay sumisibol kaliwa’t kanan sa mga lungsod sa buong Pilipinas.
Bilang paghahanda sa pagpasok sa kolehiyo o paghahanda para sa pagsusulit kagaya ng
Board Exam kahit na pagpaplano upang mag-aral sa ibang bansa. Ang pinakadahilan
kung bakit angmga mag-aaral ay nagpapatala o rehistro sa Rebyu Center ay upang
gawing pamilyar ang kanilang mga sarili sa pagsusulit. Marahil sa rebyu center ay
itinuturo sa mag-aaral ang pagsubok at ibat ibang paraan kung paano haharapin
ito. Ang mga ito ay binibigyan ng mga kaugnay na materyales at binibigyan ng
mga pagsasanay upang mas mapataas ang pag-asa na makapasa sa pagsusulit tulad ng
board exa

You might also like