You are on page 1of 39

1

PANIMULA

KALIGIRAN NG PAG- AARAL

Ang programang K-12 ay sinimulang ipinatupad noong taong panuruan 2012. Ito ay

naglalayong makalikha ng mag-aaral na kayang makipagsabayan sa buong mundo. Bunsod ito

ng kadahilanang mangilan-ngilan na lamang ang mga bansa sa buong mundo ang mayroong

Basic Education Curriculum (BEC), at kabilang dito ang Pilipinas.

Maraming mag-aaral ang hindi nakatatapos sa pag-aaral sa kadahilanang sila ay walang

pansuportang pinansyal. Ito ay isa sa mga layunin ng makabagong curriculum na ito – ang

bigyan ng certificate of competency level 1 na magmumula sa TESDA ang mga mag-aaral upang

sa gayon, kung sila ay hihinto sa pag-aaral ay mas mapadali ang paghahanap nila ng trabaho

(Luistro, 2012).

Ang dalawang karagdagang taon sa hayskul ay magsisilbing paghahanda ng mga mag-

aaral sa kanilang pagpasok sa kolehiyo. Ang mga sangay na kanilang mapipili ay may kaugnay

sa kanilang kurso sa kolehiyo at sa kung magiging “sino” sila sa hinaharap (Francisco, 2014).

Kadalasang nakabatay ang mga strand na kukunin sa ilang mga konsiderasyon gaya ng

kakayahan, kagustuhan o desisyon ng mga magulang. Ang mga kadahilanang ito ay nakaaapekto

sa magiging pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan. Sa kabilang banda, mayroong mga mag-

aaral na kahit hindi nila nais ang strand ay kaya parin na umangat, ngunit may iba rin na hindi.

(Pullip, 2016).

Mayroong mag-aaral na sa pagtungtong sa kolehiyo ay nangangailangan ng bridging

programs dahil hindi magkaugnay ang strand sa kursong kinukuha (Molina, 2013).
2

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga salik na nakaapekto sa pagpili ng

strand ng mag-aaral at ang epekto nito sa kanilang pag-aaral. Ito ay makatutulong upang

magkaroon ng ideya ang mga susunod na Senior High sa strand na kanilang tatahakin upang

mabawasan ang bilang ng mga sumasailalim sa bridging programs.


3

BATAYANG KONSEPTWAL

PAG-AARAL SA MGA SALIK NA


NAKAKAAPEKTO SA PAGPILI NG
ESPESIYALISASYON NG MGA
MAG-AARAL SA SHS

EXTRANOUS NA BARYABOL
Pangarap ng mga mag-aaral

HIND MALAYANG
MALAYANG BARYABOL
BARYABOL
Mga Salik na
Espisiyalisasyon ng mga
nakakaapekto sa Pagpili
mag-aaral

MAKAKATULONG
PAGDEDESISYON NG MGA
MAG-AARAL SA KANILANG
KUKUNING KURSO SA
KOLEHIYO
4

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag- aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili

ng espisiyalisasyon ng mag- aaral upang masolusyunan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa senior high school na dumaraan sa

bridging programs dahil sa maling strand na kanilang pinili sa senior high.

2. Dumaraming mag-aaral na hindi umaangat sa pag-aaral dahil hindi angkop ang

kakayahan sa kanilang strand na kinabibilangan.

3. Hindi sapat na kaalaman sa kung ano ang naghihintay na kinabukasan sa bawat strand na

maaring piliin.

4. Mabagal na pag-unlad ng mga mag-aaral at mga strand dahil mayroong ilan na walang

inilalaan na dedikasyon sapagkat hindi nila nais ang kinabibilangang strand.


5

5. Ang time frame sa pagtuturo ng mga guro ay hindi nasusunod sapagkat ang mag- aaral na

walang interes o hindi angkop ang kakayahan sa strand ay hindi maaaring ipagwalang-

bahala.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang layunin ng pag- aaral na ito ay malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng

espisiyalisasyon ng mag- aaral sa pamamagitan ng mga respondente mula ika- 12 baitang ng

bawat espisiyalisasyon sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Munoz- Senior High School upang

matulungan ang mag- aaral mula sa Junior High School sa kanilang pagtuntong sa Senior High

School.

1. Upang malaman ang salik na isinaalang-alang ng mag-aaral ng SHS sa kanilang piniling

espesyalisasyon.

2. Upang malaman ang tatlong pinakamataas na bilang ng mga salik na binibigyang

konsiderasyon ng mag- aaral sa kanilang pagpili ng espisiyalisasyon.


6

3. Upang malaman ang tatlong mga salik na may pinakamababang bilang na binibigyang

konsiderasyon ng mag- aaral sa kanilang pagpili ng espisiyalisasyon.

4. Upang malaman ang mga maaaring epekto sa pag- aaral ng mag- aaral kung makukuha

ang strand na nais.

5. Upang malaman ang mga maaaring epekto sa pag- aaral ng mag- aaral kung hindi

makukuha ang strand na nais.

6. Upang malaman ang mga hakbang na maaring gawin ng pamunuan upang masigurong

makukuha ng mag-aaral mula sa ika-10 baiting ang kanilang nais na espesyalisasyon sa

SHS.

PAGHIHINUHA

1. Walang kaugnayan ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respondante sa mga

salik na kanilang isinaalang-alang sa pagpili ng kanilang espesyalisasyon sa SHS.

2. Maipapakita na ang mga respondante ay may mga salik na isinaalang-alang sa oagpili ng

espesyalisasyon sa SHS kung saan sila nagtuloy sa kanilang nais na espesyalisasyon o

hindi.
7

KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Ang pag- aaral na “Pag- alam sa mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng

Espesiyalisasyon ng mga Mag- aaral sa Senior High School” ay makatutulong sa pamunuan

ng mga Mataas na Paaralan upang magabayan ang mag- aaral na aakyat sa ika- 11 baitang sa

gayon sila ay makasisigurong makukuha ang espisiyalisasyon na kanilang nais kuhanin at

maiwasan ang pagbabago ng espisiyalisasyon at kurso sa hinaharap.

Mag-aaral

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maisasagawa ng mag-aaral ng may kahusayan

at kasiguraduhan ang pagpili ng espesyalisasyon at makatutulong sa pagbibigay ng katiyakan sa

pagdedesisyon ng bawat mag-aaral na papasok ng Senior High School. At upang maiwasan ang
8

pabago-bagong desisyon ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng espesyalisasyon na kanilang

kukuhanin.

Mga Guro

Maipapaalam sa mga guro ang dahilan ng pagpili ng espesyalisasyon ng mga mag-aaral sa

Senior High School. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kakayahan ang mga guro na

ipaliwanag at ipaintindi sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpili ng iba’t ibang

espesyalisasyon at kung paano ito makakaapekto sa kanila. Ito din ay upang mapunan ang

akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral.

Punong guro/Administrasyon

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng ideya ang pamunuan upang kanilang

maintindihan at mapagtuunan ng pansin ang mga salik na isinasangalang- alang ng mag- aaral sa

pagpili ng espisiyalisasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mag- aaral at sila ay

magabayan sa kanilang pagpili.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay 10 mag-aaral mula sa bawat espesyalisasyon na may

kabuuang 60 mula sa ika-12 na baitang ang mga mag-aaral sa Senior High ng Munoz National

High School-MAIN. Sampung (10) mag-aaral sa bawat espisiyalisasyon ay bibigyan ng

talatanungan na kanilang sasagutan.


9

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

1. Academic Track- isa sa apat na tracks na maaaring kuhanin sa SHS na napaiilaliman ng ABM,

HUMSS, STEM at GAS. Dito nalilinang ang kakayahan ng mag-aaral na mag-isip

2. Arts and Design Tracks- isa sa apat na tracks na maaring kuhanin sa SHS. Dit malilinang ang

kakayahan ng mag-aaral sa performing arts, media and visual arts ang industrial arts.

3. Basic Education Curriculum- programa ng DepEd kung saan kinakailangang bigayn pansin

ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Dito nakapaloob ang K-12 curriculum.

4. Bridging Programs- isang pormal na relasyon sa pagitan ng dalawa sa post-secondary

institution. Kung saan binibigayang pansin ang masusing pag-aaral upang mabigyang pagkilala

ang mga mag-aaral.


10

5. Certificate of Competency- Titulong nagsasaad na ang isang taong nagmamay- ari nito ay

awtorisadong gumanap, nagtapos at tumanggap ng pagkilala sa natapos na pormal na edukasyon

sa ilalim ng programang K to 12.

6. Job Mismatch- sitwasyon kung saan ang kinuhang kurso at kasanayan ng indibidwal ay hindi

naaayon sa kaniyang kinuhang trabaho. Nagiging dahilan ito ng kawalan ng permanententeng

trabaho sa Pilipinas.

7. K to 12- isang programa ng DepEd kung saan ang anim na taon sa Elementarya at apat na taon

sa Highschool ay madadagdagan ng dalawa upang makipagsabayan ang Pilipinas sa ibang bansa.

8. Shifting- ito ang paglipat ng mag- aaral mula sa isang napiling strand sa ibang strand, track o

kurso. Isa ito sa epekto ng maling desisyon ng mag-aaral sa kanilang tinatahak.

9. Strand- ay tumutukoy sa mga sangay ng dalawang tracks sa SHS.

10. Sports Track- isa sa apat na tracks kung saan pwedeng kuhanin sa SHS. Kung saan

binibigayang pansin ang mga student athletes.

11. Technical Vocational Livelihood Track- isa sa apat na tracks na maaaring kuhanin sa SHS.

Isa sa mga tungkulin nito na maging job- ready ang mag- aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang

kasanayan na panghanap- buhay. Ito ay kinapapalooban ng ICT, HE, SMAW, at agri- fishery.
11

KABANATA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Bilyong mag-aaral ang pumapasok sa paaralan ngunit hindi lahat ay mayroong tiyak na

desisyon sa kanilang pag-aaralan. Ang kawalan ng katiyakang ay maaring magdulot ng

pagsasayang ng salapi, panahon at pagod tungo sa hinaharap. Mahalagang maisalang-alang ang

masusing desisyon ng mga mag-aaral na tutuntong ng Senior High School sapagkat dito

nabibigyan ng panahon ang mga mag-aaral na mas pag-isipan mabuti ang kanilang kukuning

kurso sa kanilang kolehiyo.

Ayon sa artikulo ni Mer Layson (2017) sa Philstar, ang pagpili ng strand ng mga mag-

aaral ng Senior High School ay naaangkop sa kanilang kursong kukunin sa kolehiyo. Gawin ding
12

batayan ang talent, kaalaman at hilig sa strand na kanilang kukunin. Isaalang-alang din ng mga

mag-aaral sa pagpili ang kikitain sa trabahong kanilang tatahakin. Ang pagkakaroon ng tiyak na

desisyon ang gagawa ng magandang kinabukasan sa mga mag-aaral.

Ang pabago-bagong desisyon ay isa sa dahilan kung bakit mayroong “shifting” sa

kolehiyo. Sa pamamagitan ng shifting, nahahayaan ang mga mag-aaral na lumipat ng kursong

kanilang napusuhan. Sa ganitong proseso nasasayang ang panahon at salapi ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Esguerra, (2015) ang walang determinasyon at motibasyon sa isang kurso

ay hindi pa buo ag kanilang desisyon sa tatahakin. Ito lamang ay naiimpluwensiyahan ng presyur

ng mga magulang. Dahil dito hinimok nila ang mga mag-aaral na magtatapos ng hayskul na

siguraduhin ang landas na gusto nilang tahakin sa kolehiyo upang hindi maaksaya ang panahon

at pagsisikap ng mag- aaral.

Sanhi din ng pagkakaroon ng “job mismatch” sa Pilipinas ang kawalan ng masusing pag-

iisip sa kanilang tatahakin. Ayon sa isang pahayag ni Gen. Joel Villanueva, (2013) ang job

mismatch ang isa sa dahilan kung bakit maraming Pilipino ang walang trabaho. Higit pa roon

umabot na din ng walong milyong Pilipino ang nakapaloob sa sitwasyong job mismatch ayon sa

Labor Force Survey, 2016.

Ang pagkakaroon ng Job mismatch sa Pilipinas ay matinding kaakibat ng hindi tugma

ang mga pinag-aaralan ng mga mag-aaral sa pangangailangan ng bansa o isang institusyon. Dahil

dito tumataas ang mga porsyento ng mga walang trabaho sa Pilipnas, ayon sa inilabas na ulat ng

National Economic Authority. Sa kawalan ng masusing pag-iisip sa mga desisyon ng mga mag-

aaral patuloy parin ang ganitong proseso at patuloy na tataas ang porsyento ng mga Pilipinong

walang trabaho.
13

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Aalamin ng mga mananaliksik ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng

espisiyalisasyon ng mag- aaral sa pagpili ng espisiyalisasyon sa Senior High School sa

pamamagitan ng pagpapasagot sa talatanungan sa 60 mag- aaral mula sa ika- 12 baitang ng mula

sa Mababang Paaralang Pambansa ng Munoz kung saan 10 mag- aaral ay magmumula sa bawat

espisiyalisasyon na mayroon sa nasabing paaralan.

Sa pamamagitan ng 32 katanungan na masasagot sa pamamaraang paglalagay ng tsek sa

mga tugon sa mga salik na nilalaman ng talatanungan ay malalaman ng mga mananaliksik ang

mga salik na isinasangalang- alang ng mag- aaral sa pagpili ng espisiyalisasyon sa Senior High

School pati ang epakto ng kanilang nagging pagpili ng espisiyalisasyon.


14

Sa loob ng tatlong araw na pangangalap ng mga datos ay maikukumapara ang

unang bahagi ng mga kasagutan sa talatanungan sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng resulta

ng 60 mag-aaral na naglagay ng tsek sa bawat salik na nakapaloob sa katanungan. Habang

magkakahiwalay naman ang pag- aanalisa sa datos sa B, C at D na abahagi ng talatanungan.

Masusukat ang mga sagot sa pamamagitan nang pagbibilang at pagraranggo ng mga salik na

nakakakapekto sa pagpili ng mga espesiyalisasyon ng mga mag-aaral. Ito ay magkakarooon ng

katumbas bilang na itatala sa isang talahanaya

KABANATA IV

Paglalahad ng mga datos

Datos mula sa 60 mag- aaral mula sa 6 espisiyalisasyon sa Mataas na Pambansang

Paaralan ng Munoz (SHS).

Katumbas na bilang

ng katanungan sa bahaging Oo Hindi

A ng talatanungan

1 50 10

2 56 4

3 56 4

4 55 5
15

5 34 16

6 47 3

7 47 3

8 59 1

9 58 2

10 19 31

11 56 4

12 45 15

13 57 3

14 59 1

Talaan 2. Datos ng bilang ng mag- aaral na naglagay ng tsek sa mga salik na kanilang

isinangalang- alang sa pagpili ng kanilang espisiyalisasyon sa SHS mula sa bahaging A sa

talatanungan. Ang kulay kahel ay kumakatawan sa tatlong pinakamataas na bilang ng sumagot

ng ‘Oo’. Ang kulay asul ay kumakatawan sa tatlong pinakamababang bilang ng sumagot ng

‘Oo’.

Sa unang talaan, ang tatlong salik na isinangalang- alang ng mag- aaral mula sa baitang 12 ay

ang mga salik na ‘Sapat na marka mula sa baitang 10 upang makapasok sa nais na strand’(8) at

‘Pagkakaroon ng strand na aking nais kuhanin sa aking paaralang papasukan’ (14) ay nanguna,

ang salik bilang 9 o ‘Naaayon ito sa nais ng aking magulang’ ay ikalawa at ang ikatlong salik ay

‘Kakayanin ko ang mga subject sa nais kong strand’. Samantala, ang tatlong salik na may

pinakamababang bilang naman ng pagsasangalang- alang mula sa mga ika 12 baitang ay ang

mga salik bilang 12, ‘Sapat na pasilidad sa paaaralang papasukan’ na ika- 12, salik bilang 5 o
16

‘Kaugnay ito sa aking kursong papasukan sa kolehiyo’ na ika- 13 at ang salik bilang 10 o ‘Kung

nabibilang ang taong hinahangaan sa strand na nais kuhanin’ na ika- 14.

Academic Strand Technical-

Vocational and

Livelihood

Program
Mga Espisiyalisasyon
A G H S H I S Arts Sports

B A U T E C M and Track

M S M E T A Design

SS M W

ABM 10 0 0 0 0 0 0 0 0

HUMSS 0 0 7 3 0 0 0 0 0

STEM 10 0 0 0 0 0 0 0 0

HE 0 0 0 1 9 0 0 0 0
17

ICT 0 0 1 0 2 6 0 1 0

SMAW 0 0 1 0 0 0 9 0 0

Talaan 2. Datos mula sa talatanungan B na kumakatawan sa ng bilang ng mag- aaral na naglagay

ng tsek sa mga espisiyalisasyon na kanilang nais bago ang kanilang naging opisyal na pagpili ng

kanilang espisiyalisasyong kinuha.

Makikita sa talaan na and dalawang espisiyalisason na ang bawat 10 mag- aaral mula sa STEM

at ABM ay pinili simula pa lamang ang kanilang mga kasalukuyang espisiyalisasyon. Samantala,

sa 10 reapondente mula sa HUMSS, pitong mag- aaral ang pumili sa espisiyalisasyon na

HUMSS sa simula pa lamang habang tatlong mag- aaral ang nais kumuha ng STEM. Sa

espisiyalisasyong HE, siyam sa 10 mag- aaral ang nais kumuha ng HE sa simula pa lamang

samantala, isa naman ang nais kumuha ng STEM. Siyam sa 10 mag- aaral mula sa SMAW ang

nais kumuha ng SMAW sa simula pa lamang habang isa naman ang nais kumuha ng HUMSS. Sa

10 mag- aaral mula sa ICT, anima ng nais kumuha ng ICT sa simula pa lamang, 2 sa HE at isa sa

Arts and Design.


18

BILANG ISA
10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 1. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 1 na 10 sa mag- aaral ng STEM at ABM, anim sa HUMSS, siyam sa HE, lima sa ICT at

siyam sa SMAW ang nakapagpakita ng kanilang kakayahan sa espisiyalisasyong pinili mula sa umpisa

hanggang sa ganap na pagpili nito.

Sa kabilang banda, isa sa ICT at SMAW ang hindi nakapagpakita ng kakayahan nang piliin ang kanilang

nais na espisiyalisasyon.
19

BILANG DALAWA
10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 2. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 2 na anim na mag- aaral sa STEM, 10 sa ABM, lima sa HUMSS, walo sa HE, apat sa

ICT at siyam as SMAW ang nakakuha ng mataas na marka nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na

kanilang nais sa simula pa lamang.

Samantala, tatlong mag- aaral mula sa STEM, isa sa HUMSS, isa sa HE at dalawa lamang sa ICT ang

hindi nakakakukuha ng mataas na marka nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na kanilang nais sa

simula pa lamang.
20

BILANG TATLO

10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 3. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 3 na siyam na mag- aaral mula sa STEM, 10 mula sa ABM, anim mula sa HUMSS,

siyam mula sa HE, anim mula sa ICT habang siyam mula sa SMAW ang nagkaroon ng pagkakataon na

malinang ang kanilang mga abilidad nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula

pa lamang.

Sa kabilang banda, isa mula sa STEM at HUMSS ang hindi nagkaroon ng pagkakataon na malinang ang

kanilang mga abilidad nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula pa lamang.
21

BILANG APAT

10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 4. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 4 na 10 na mag- aaral mula sa STEM at ABM, anim mula sa HUMSS, siyam mula sa

HE, anim mula sa ICT, at 9 mula sa SMAW ang nadagdagan ang kaalaman nang kanilang pinili ang

espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula pa lamang.


22

BILANG LIMA
10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 5. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 5 na anim na mag- aaral mula sa STEM, siyam mula sa ABM, anim mula sa HUMSS,

walo mula sa HE, apat mula sa ICT habang siyam mula sa SMAW ang nagkaroon ng madali o mas

magaan na pag- aaral nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula pa lamang.

Sa kabilang banda, apat mula sa STEM, isa mula sa ABM, isa mula sa HE at dalawa mula sa ICT ang

hindi nagkaroon ng madali o mas magaan na pag- aaral nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na

kanilang nais sa simula pa lamang.


23

BILANG ANIM
10
9
8
7
6 OO
5 HINDI
4
3
2
1
0
STEM ABM HUMSS HE ICT SMAW

Tsart 6. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging C

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 6 na siyam na mag- aaral mula sa STEM, siyam mula sa ABM, lima mula sa HUMSS,

lima mula sa HE, anim mula sa ICT habang pito mula sa SMAW ang mas naging tiyak sa kursong

kanilang tatahakin sa kolehiyo nang kanilang pinili ang espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula pa

lamang.

Sa kabilang banda, isa mula sa STEM, isa mula sa ABM, isa mula sa HUMSS, apat mula sa HE at dalawa

mula sa SMAW ang hindi pa tiyak sa kursong kanilang tatahakin sa kolehiyo nang kanilang pinili ang

espisiyalisasyon na kanilang nais sa simula pa lamang.


24

BILANG ISA
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 7. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging D

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 7 na tatlong mag- aaral mula sa HUMSS, apat mula sa ICT, lima isa mula sa HE, apat

mula sa ICT habang pito mula sa SMAW nakapagpakita ng kanilang kakayahan sa espisiyalisasyong

pinili kahit hindi ang una nilang gustong espisiyalisasyon ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.
25

BILANG DALAWA
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 8. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging D

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 7 na isang mag- aaral mula sa HUMSS, apat mula sa ICT, isa mula sa HE, at isa mula

sa SMAW ang nakakuha ng mataas na marka kahit hindi ang una nilang gustong espisiyalisasyon ang

kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.

Samantala, dalawa mula sa HUMSS ang hindi nakakuha ng mataas na marka dahil hindi ang nauna nilang

gustong espisiyalisasyon ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.


26

BILANG TATLO
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 9. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng espisiya-

lisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa bahaging D

ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 9 na tatlong mag- aaral mula sa HUMSS, apat mula sa ICT, isa mula sa HE, at isa mula

sa SMAW ang nagkaroon ng pagkakataon na malinang ang kanilang mga abilidad kahit hindi ang una

nilang gustong espisiyalisasyon ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.


27

BILANG APAT
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 10. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng es-

pisiyalisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa baha-

ging D ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 10 na tatlong mag- aaral mula sa HUMSS, apat mula sa ICT, isa mula sa HE, at isa

mula sa SMAW ang ang nadagdagan ang kaalaman kahit hindi ang una nilang gustong espisiyalisasyon

ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.


28

BILANG LIMA
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 11. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng es-

pisiyalisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa baha-

ging D ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 11 na tatlong mag- aaral mula sa HUMSS, apat mula sa ICT, isa mula sa HE, at isa

mula sa SMAW ang nagkaroon ng madali o mas magaan na pag- aaral kahit hindi ang una nilang

gustong espisiyalisasyon ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.


29

BILANG ANIM
4

3
OO
2 HINDI

0
HUMSS ICT HE SMAW

Tsart 12. Grapikong representasyon ng naging epekto ng pagpili ng es-

pisiyalisasyon ng 10 mag- aaral sa bawat strand na kasagutan sa baha-

ging D ng talatanungan.

Makikita sa Tsart 12 na dalawang mag- aaral mula sa ICT, isa mula sa HE, at isa mula sa SMAW ang

mas naging tiyak sa kursong kanilang tatahakin sa kolehiyo kahit hindi ang una nilang gustong

espisiyalisasyon ang kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.

Samantala, tatlong mag- aaral mula sa HUMSS at dalawa mula sa ICT SMAW ang hindi naging tiyak sa

kursong kanilang tatahakin sa kolehiyo dahil hindi ang nauna nilang gustong espisiyalisasyon ang

kanilang kinuha sa pagtuntong ng SHS.


30

KABANATA V

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN

Lumalabas sa pag-aaral na ang tatlong pinakamadalas na salik na isinaalang- alang ng

mag aaral mula sa baitang 12 bago sila tumuntong sa senior high school ay ang kasapatan ng

kanilang nakuhang grado mula sa junior high school sa ninanais nilang strand, kung ito ba ang

nais ng kanilang mga magulang at kung ang nais nilang strand ay mayroon ba sa kanilang

papasukang paaralan. Kaya naman, ang time frame sa pagtuturo ng mga guro ay hindi rin

maaapektuhan sapagkat isa sa mag salik na pinagbabatayan ng mga mag-aaral sa pagpili ng

strand ay kung sapat ba ang kanilang grading nakuha sa junior high school.

Sa kabilang banda, ang mga salik na hindi kadalasang isinasaalang- alang ay ang kung

kauganay ba ito ng kanilang kukuhaning kurso sa kolehiyo, kung naroon ba ang kanilang crush o

hinahangaan sa espisiyalisasyon na kukuhanin at kung mayroong bang sapat na pasilidad ang

espisiyalisasyon na kanilang pipiliin. Mahihinuha nasa mga susunod na panahon ay marami

parin ang mga mag-aaral na kakailanganing kumuha ng bridging programs sa pagtuntong nila sa

kolehiyo sapagkat kapansin-pansin na maraming mga mag-aaral ang hindi pa alam ang kanilang

kahihinatnan sa kolehiyo na magiging bunga ng kung anong strand ang kanilang pipiliin.

Lumalabas din na sa mga mag aaral na nakakuha ng kanilang kursong ninanais, ang lahat

ay sumagot na naipapakita nila ang kanilang kakayahan at nadadagdagan din ang kanilang

kaalaman sa strand na kanilang kinukuha. Sa kabilang banda, bagama’t ang ilan ay hindi nakuha

ang kursong kanilang ninanais ay nadadagdagan pa din ang kanilang kaalaman kaugnay sa

kursong kinukuha. Mula dito, masasabi na gustuhin man o hindi ng isang mag-aaral ang strand

na kukuhanin o kinuha ay hindi ito nakakaapekto sa pag-angat ng kanilang pag-unlad, dahil


31

nakadepende lamang ito sa kanilang sipag, tiyaga at dedikasyon sa pag-aaral. Mula sa mga datos,

kapansin-pansin na kinakailngan na ang pamunuan ng mga junior high schools ay gumagawa ng

ilang mga hakbang gaya ng mga seminar na gagabay sa mga mag-aaral sa pagpili ng strand sa

senior high school. Nararapat din na mabigayan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa kung ano

ang kanilang kahihinatnan sa kolehiyo sa bawat pipiliing strand at kung ano ang magiging

negatibong epekto kapag ang kanilang strand sa senior high school ay hindi tugma sa kursong

kanilang kukuhanin sa kolehiyoo ang mga bridging programs.

KONKLUSYON

Sa kabuuan, masasabing ang tatlong salik na lubusang isinangalang- alang ng mag- aaral

mula sa baitang 12 ay ang kasapatan ng markang natamo noong baitang 10, pagkakaroon ng nais

na espisiyalisasyon sa paaralang papasukan, kagustuhan ng mga magulang at kakayanan na

matutunan ang mga aralin sa mga asignatura sa espisisiyalasyon na nais kuhanin ng mag- aaral.

Samantala, iilan lamang sa mag-aaral ang nagsasangalang alang sa mga salik na kasapatan ng

mga pasilidad sa paaralan, pagkakaroon ng kaugnayan ng espisisiyalisasyong kukuhanin sa SHS

sa kursong kukuhanin sa kolehiyo at ang espisiyalisasyon ng taong kanilang hinahangaan.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito nalaman ang ilan sa mga salik na nakaaapekto sa

pagpili ng espesyalisasyon ng mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Munoz-

SHS. Sa pamamagitan ng mga nakalap na datos ay nalaman ang mga epekto ng pagpili ng mag-

aaral sa espisiyalisasyon at ang hindi pagtutuloy sa naunang nais na kuhaning espisiyalisasyon.


32

REKOMENDASYON

Sa pamamagitan ng mga nakalap na datos, nakabuo ang mga mananaliksik ng listahan ng

mga rekomendasyon upang mapunan ang pang- akademiko at iba paang pangangailangan ng

mag- aaral upang bawat salik na kanilang isinasangalang- alang ay masisigurong maaabot upang

kanilang makuha ang kanilang nais na espisiyalisasyon.

1. Tulungan ang mag- aaral na magkaroon ng kahusayan sa bawat asignatura kung saan ang

bawat isa ay nakasasabay sa bawat aralin upang magkaroon ng sapat na marka at

kasanayan na kalimitang hinihingi upang makuha ang nais na espisiyalisasyon ng mag-

aaral.

2. Magkaroon ng oryetasyon at pagpapaabot ng impormasyon sa mag- aaral na paakyat sa

SHS nang sa gayon ang bawat isa ay may kaalaman sa mga programa at espisiyalisasyon

na kayang ipagkaloob ng paaralan.

3. Pagkakaroon ng pagpupulong ng mga guro at mga pinuno ng paaralan kasama ang mga

magulang ng mag- aaral na paakyat sa SHS upang maipaalam ang kahalagahan ng pagpili

sa tamang espisiyalisasyon ng mag- aaral upang maiwasan ang pangangailan ng shifting

at bridging programs sa hinaharap at upang matulungan ang mag- aaral na magkaroon ng

katiyakan sa kanilang pagpili ng kurso sa kolehiyo.

4. Magkasabay na paghusayin ng guro, pamunuan at mag- aaral ang paglinang sa mga

programa at aralin upang masigurong maipakikita ng mag- aaral ang kanilang kakayahan,

upang sila ay makakuha ng sapat na marka, malinang ang anilang abilidad at madagdagan

ang kaalaman.
33

TALATANUNGAN

A. Lagyan ng tsek ang kahon na tutugon sa mga salik na iyong isinaalang- alang sa pagpili

ng espisiyalisasyon sa Senior High School.

SALIK Oo Hindi

1 Sapat ba ang aking kakayahang intelektuwal upang maging

mahusay sa strand na aking kukuhanin?

2 Malilinang ko ba ang aking mga interes at kakayahan sa strand na

aking kukuhanin?

3 Mayroon ba kaming sapat na suportang pinansiyal?

4 Mayroon ba akong talent at abilidad upang maging mahusay sa

strand na kukuhanin ko?

5 Kaugnay ba ito ng kursong kukuhanin ko sa koehiyo?

6 Sapat ba ang resulta ng aking NCAE upang makapasok sa nais

kong strand?

7 Naroon ba ang aking mga kaibigan sa strand na aking nais

kuhanin?

8 Sapat ba ang aking marka mula sa grade 10 upang makapasok sa

nais kong strand?

9 Naaayon ba ito sa kagustuhan ng aking magulang?

10 Naroon ba si crush sa strand na aking kukuhanin?

11 Sapat ba ang kakayanan ng mga guro?

12 Sapat ba ang mga pasilidad sa mga paaralang aking papasukan?


34

13 Kakayanin ko ba ang mga subject sa nais kong strand?

14 Mayroon ba sa papasukan kong paaralan ang nais kong strand?

B. Lagyan ng tsek ang kahon na tutugon sa mga katanungan sa ibaba:

Academic Technical-

Strand Vocational and


Mga Katanungan Livelihood

Program

A G H S H I S Arts Sport

B A U T E C M and s

M S M E T A Desig Track

S M W n

15. Anong espisiyalisasyon ang

iyong nais kuhanin bago ka

tumuntong sa SHS?

16. Ang iyong espisiyalisasyon na

kinuha sa iyong pagtuntong sa

SHS?
35

C. Kung nakuha mo ang iyong nais na strand ano ang naging epekto nito sa iyo? Lagyan ng

tsek ang iyong tugon.

EPEKTO Oo Hindi

17 Naipakita ko ang aking mga kakayahan.

18 Mataas ang nakukuha kong mga marka.

19 Nalinang ko ang aking mga abilidad.

20 Nadagdagan ang aking mga kaalaman.

21 Napadali ang aking pag-aaral.

22 Mas naging tiyak ang kursong kukunin ko sa kolehiyo.

D. Kung HINDI mo nakuha ang iyong nais na strand at kumuha ng strand na hindi mo

naman lubusang gusto, ano ang naging epekto nito sa iyo? Lagyan ng tsek ang iyong

tugon.

EPEKTO Oo Hindi

23 Naipakita ko ang aking mga kakayahan.

24 Mataas ang nakukuha kong mga marka.

25 Nalinang ko ang aking mga abilidad.

26 Nadagdagan ang aking mga kaalaman.

27 Napadali ang aking pag-aaral.

28 Mas naging tiyak ang kursong kukunin ko sa kolehiyo.


36

APPENDIX A

Katumbas na bilang

ng katanungan sa bahaging Oo Hindi

A ng talatanungan

1 50 10

2 56 4

3 56 4

4 55 5

5 34 16

6 47 3

7 47 3

8 59 1

9 58 2

10 19 31

11 56 4

12 45 15

13 57 3

14 59 1

Talaan 1. Datos ng mga salik mula sa 60 na estudyanteng sumagot.


37

Academic Strand Technical-

Vocational and

Livelihood

Program
Mga Espisiyalisasyon
A G H S H I S Arts Sports

B A U T E C M and Track

M S M E T A Design

SS M W

ABM 10 0 0 0 0 0 0 0 0

HUMSS 0 0 7 3 0 0 0 0 0

STEM 10 0 0 0 0 0 0 0 0

HE 0 0 0 1 9 0 0 0 0

ICT 0 0 1 0 2 6 0 1 0

SMAW 0 0 1 0 0 0 9 0 0

Talaan 2: Datos mula sa mga estudyante kung saan ang kanilang mga nais na strand bago
at pagkatapos ay pinapakita.

Bilang ng mga tanong Sumagot ng Oo Sumagot ng Hindi


1 49 2
2 43 7
3 49 2
4 50 0
5 42 8
6 41 9
Talaan 3: Datos mula sa naging epekto ng mga napasukan nila ang nais na
espesiyalisasyon.
38

Bilang ng mga tanong Sumagot ng Oo Sumagot ng Hindi


1 9 0
2 7 2
3 9 0
4 9 0
5 9 0
6 4 5
Talaan 4: Datos mulan sa naging epekto ng hindi nakapasok sa kanialang nais na
espisiyalisasyon.

APENDIX B

Larawan 1: Pagsasagot sa mga tanong ng mga mag-aaral.


39

Larawan 2: Pangangalap ng mga indibidwal na datos.

Larawan 3: Pagsagot ng mga iba’t ibbang strand sa mga tanong.

You might also like