100% found this document useful (2 votes)
5K views7 pages

CGP Chapter 1

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral tungkol sa karanasan ng mga mag-aaral sa Career Guidance Program ng isang senior high school. Tinalakay nito ang konseptual na balangkas, asumpsyon, layunin at limitasyon ng pag-aaral. Ang Career Guidance Program ay nakatutulong sa mga mag-aaral sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
5K views7 pages

CGP Chapter 1

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral tungkol sa karanasan ng mga mag-aaral sa Career Guidance Program ng isang senior high school. Tinalakay nito ang konseptual na balangkas, asumpsyon, layunin at limitasyon ng pag-aaral. Ang Career Guidance Program ay nakatutulong sa mga mag-aaral sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 1 Suliranin at Saligan ng Pag-aaral

Panimula

Isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo

taun-taon ay ang "Job Mistmatch", kaya naman patuloy na dumarami ang populasyon ng

unemployed o walang trabaho sa Pilipinas dahil sa hindi pagkakaakma ng mga

kwalipikasyon ng mga aplikante sa mga kailangan ng industriya. Dahil dito, sinimulang

isagawa ng Department of Education ang Career Guidance Program (CGP) para

magabayan ang mga estudyante sa Grade 10 at Senior High School at upang malaman

nila ang kahalagahan ng pagpili sa track na tatahakin na maging angkop sa papasukan

nilang trabaho sa hinaharap.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Ang Career Guidance Program ay isang komprehensibong programa upang mapag-unlad

ang mga kahusayan at kasanayan na idinisenyo upang tulungan ang bawat mag-aaral sa

pagpili ng pinaka-magandang oportunidad sa magiging kinabukasan. Sa madaling salita,

ito ay isang gabay upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tamang desisyon.

Nakatuon ang kurikulum ng paaralan sa panghabang buhay na kaalaman ng mga

estudyante. Sa pagkakataong ito, alituntunin ng asignatura na ang mga mag-aaral ay

makapagbigay ng iba pa nilang kaalaman upang sila ay matulungan sa karera na kanilang

tatahakin.
LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Ang Career Guidance Program ay nakatutulong din sa mga estudyante upang

makihalubilo sa iba dahil nahuhubog nito ang pakikipag komunikasyon ng bawat mag-

aaral. Ito ay naglalayong mapag-inam sa pag-aaral ang bawat estudyante. Maiintindihan

at matututunan nila ang kanilang karanasan upang mas lalong mapaunlad ang kanilang

tungkulin, at para rin mapagtbay ang suporta sa mga kabataan sa panahon ngayon.

Ang Career Goals at iba pang aspeto ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang

maunawaan nila nang husto ang kanilang mga tungkulin at nais para na rin mapag-unlad

nila ang kanilang positibing pag-uugali habang sila ay nag-aaral. Ayon kay Leonor M.

Briones CGP selretarya ng edukasyon, ang bawat estudyante ng SHS ay dapat pumili ng

track na dapat paghusayin at naka-base sa kaniyang pinili kung paano niya ito gustong

mapa-unlad pagkatapos niyang mag-aral sa sekondarya o Grade 11.

Batayang Teoretikal

Ayon kay Julia Forneris (2019), bago pa man magsimula ang huling bahagi ng ika-19 na

siglo, kaunti pa lamang ang nagagamit sa anyo ng gabay sa karera para sa mga

naghahanap ng trabaho. Pagkatapos nito, ang gabay sa karera ay kilala bilang gabay sa

bokasyonal. Karamihan sa mga oportunidad sa trabaho ay binuo mula sa malapit na mga

kontak sa komunidad tulad ng pamilya, mga kaibigan at marahil sa simbahan. Ang

pagliko ng ika-20 siglo ay nakakita ng pagtaas ng imigrasyon, na nagreresulta sa isang

pagtaas ng pangangailangan para sa isang mas organisadong pagsisikap upang


LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

matulungan ang mga tao na makahanap ng mga trabaho. Kaya naman pagsapit ng taong

1907, nagtatag ang ama ng bokasyonal na si Frank Porson ng unang pamamaraan ng

Career Guidance at sa loob ng taong 1908, sinimulan niya ang Vocational Bureau of

Boston na may layong tulungan ang mga tao kung anong Career Guidance ang

magagamit. Si Frank Porson ang tagapagtatag ng career counseling na nagsimula bilang

social worker na naimpluwensiyahan ng trabaho ni James Addams sa Chicago. Sa

Baston, si Parson ay nagtatag ng settlement house program para sa mga kabataan na

employed at sa kasalukuyan, unemployed na sinisante sa panahon ng rapid change.

Konseptual na Balangkas

Makikita sa figure 1 ang iskema ng pag-aaral kung saan ito ay ginamitan ng input-

process-output. Makikita sa input frame kung gaano kahalaga ang CGP sa mga mag-aaral

ng ABM 11 Gokongwei sa Labas Senior High School at kung paano ito nakatutulong sa

kanila sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Samantala, makikita sa process frame ang

isasagawang proseso ng mga mananaliksik sa pagkuha ng datos na kinakailangan. At ang

output frame naman ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga datos na makakalap ng mga

mananaliksik sa paglago ng kaisipan ng mga estudyante sa Career Guidance Program.


LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Input

 Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ng


ABM-11 Gokongwei sa Labas Senior High
School ang Career Guidance Program
 Paano binibigyang halaga ng mga mag-aaral
ang programa sa pagtulong sa kanila sa pagpili
ng kurso sa kolehiyo

Process

 Pagkalap ng interbyu

 Pagkuha ng iba't ibang


opinyon

Output

 May magandang ideye ang mga


estudyante sa pagkuha ng kurso sa
kolehiyo.

 Tugma ang kanilang kukunin na


kurso batay sa kanilang
kagustuhan at kakayahan

Figure 1. Iskema ng Pag-aaral


LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Paglalahad ng suliranin

Pagtuklas sa mga karanasan ng mga piling mag-aaral ng ABM-11 Gokongwei sa Labas

Senior High School sa Career Guidance Program at alamin ang importansiya sa

pagsasagawa nito.

1. Gaano kaimportante sa mga estudyante ang pagkakaroon ng Career Guidance

Program?

2. Gaano kahalaga sa mga respondente ang pagpili ng kurso para sa kolehiyo?

3. May kaugnayan ba ang CGP sa pagpili ng kurso sa kolehiyo?

Asampsyon/Haypotesis

Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang napakahalaga upang

maunawaan at mas mapalawak pa ng mga mag-aaral ang kanilang pag-iisip sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo at upang malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng CGP at kung

paano ito nakaaapekto sa kanilang paghahanda para sa kolehiyo. Sa pag-aaral na ito, mas

napalalawak din ang kaalaman ng mga mananaliksik at mas lalaki pa ang kanilang pag-

unawa sa epekto ng Career Guidance Program sa mga mag-aaral na naghahanda para sa

kolehiyo.
LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral ng ABM 11

Gokongwei. Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga naging karanasan ng mga nasabing

mag-aaral sa pagpili ng kanilang magiging kurso at kung paano ito naka-epekto sa

kanilang paghahanda sa kolehiyo. Nakalahad din dito ang 20 respondente na ginamit sa

nasabing pag-aaral.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito.

Makatutulong ito sa iba pang mag-aaral at mananaliksik na palawagin pa ang kaalaman

ukol sa nasabing paksa. Layunin din ng pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa paksang

tatalakayin na maibahagi ng mga mananaliksik ang kaalaman na bunga ng mausisang

pananaliksik at pag-aaral ukol sa pagkakaroon ng Career Guidance Program sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo. Maaari itong maging gabay sa pagtahak ng ibangmananaliksik tungo

sa pag-aaral nila ng mga paksang may kaugnay dito. Natatalakay ang importansiya,

epekto, at kung ano ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng CGP.


LABAS SENIOR HIGH SCHOOL

Katuturan ng katawagan

Career Guidance Program (CGP). Isang programa kung saan tinutulungan ang bawat

indibidwal sa tamang pagdedesisyon sa hinaharap.

Senior High School. Ang senior high school o SHS ay tumutukoy sa huling dalawang

taon ng K to 12 na programa na ipinatupad ng Department of Education mula pa noong

2012: ang mga grade 11 at 12. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang pumili ng kanilang

ginustong senior high strands sa kanilang papasukan at upang simulan ang pag-aaral ng

mga paksa na magpapakilala sa kanila sa landas ng karera na nais nilang gawin.

Kurso. Isang hakbang o isang daan na pinipili ng mga mag-aaral na mag-kokolehiyo

kung saan ay patungo sa pangarap na inaasam at isang partikular na bagay na minimithi

ng isang tao nang may pagmamahal at pasyon.

Kolehiyo. Ito ay ang mas mataas na edukasyon at pagkatuto o pagkuha ng kaalaman

kaysa sa elementarya, high school o K-12 curriculum.

Curriculum. Isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayong makapanaliksik,

makapagpaunlad, at makapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum na

nakapagpapataas ng mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at sa labas ng

mga paaralan.

Job mismatch. Ginagamit na terminolohiya sa isang manggagawa na hindi tumutugma

sa kaniyang kwalipikasyon o kakayahan ang kanyang trabaho na pinasukan.

You might also like