You are on page 1of 39

Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa

pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DESISYON NG MGA SENIOR HIGH
SCHOOL SA HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL SA PAGPILI NG
KANILANG STRAND

John Clark B. De Ocampo


Andrej Martina V. Malicdem
Cedrick V. Relao

Marso 2019
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


PERSONAL NA DATOS

Name: John Clark De Ocampo

Birthdate: April 16, 2002

Birthplace: Gumaca,Quezon

Permanent Address: Brgy. Rosario Gumaca,Quezon

Contact Number: 09198202189

Email Address: johnclarkdeocampo16@gmail.com

Educational Background:
School/University Inclusive Years Honor/Award
Kids Light Learning Center 2006-2007 Best in Math
Holy Child Jesus College 2009-2018 Athlete of the year
Holy Rosary Catholic School 2018-2019
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


PERSONAL NA DATOS

Name: Andrej Martina V. Malicdem

Birthdate: April 13, 2002

Birthplace: Lucena,City

Permanent Address: Brgy. Gulang-Gulang Lucena,City

Contact Number: 09062410647

Email Address: andrejmartina_13@yahoo.com

Educational Background:
School/University Inclusive Years Honor/Award
Holy Rosary Catholic School 2006-2019
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


PERSONAL NA DATOS

Name: Cedrick V. Relao

Birthdate: May 15,2002

Birthplace: Gumaca,Quezon

Permanent Address: Brgy. Rizal Gumaca, Quezon

Contact Number: 09473099761

Email Address: relao15cedrick@gmail.com

Educational Background:

School/University Inclusive Years Honor/Award


Kids Light Learning Center 2006-2007 With Honors
Mt.Gerizem Play School 2007-2008 Special Mention
Gumaca West Central School 2009-2013 Athlete of the Year 3x
Holy Child Jesus College 2014-2018 Active Boy Scout
Holy Rosary Catholic School 2018-2019
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


PAGHAHANDOG
Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga tagapagsaliksik ang pag-aaral na ito
sa mga taong tumulong, gumabay at nagging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na
maisagawa ang pananaliksik na ito. sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan,
lakas, patnubay, at walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang
pag-aaral na ito.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


PASASALAMAT
Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin upang
mapagtagumpayan at maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik.

Panginoon, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi namin ito magagawa at


matatapos kung wala ang kanyang patnubay, binigyan niya din kami ng lakas ng loob at sa
lahat ng aming ginagawa, nandoon ang kanyang presensya.
Maria Christina Huang, gurong tagapayo, para sa kanyang walang sawang pagbibigay
ng oras at panahon, gayundin sa kanyang pag-unawa, suporta, mga mungkahi, komento,
ideya at kaalaman upang mas mapagbuti ang pag-aaral na ito;
Mga Respondente, sa mga nag sagot sa aming sarbey at malaking tulong yun para sa
amin.
Sa Aming Mga Magulang, magulang na walang sawang sumusuporta sa aming
pangangailangan lalong-lalo na saproblemang pangpinansyal at oras na binigay sa amin
upang magawa ang amingpananaliksik.
Mga Kaklase sa aking mga kamag-aral na tumulongmagbigay ng impormasyon
tungkol sa aming paksa. lubos ang aming pasasalamat dahil kung wala ang mga taong ito,
Di magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan maging maayos, organisado, at kapani-
paniwala ang aming pamanahong papel.
Mga Respondante, para sa kabaitan at pagtanggap nila bilang aming respondente sa
sarbey at para sa pagiging ‘’approahable’’ nila
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pamagat
Personal na Datos
Kasulatan ng Pagpapatibay
Paghahandog
Pasasalamat
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng Talahanayan
Talaan ng Ilustrayon
Talaan ng Apendiks
Abstrak
Kabanata 1 Intoduksyon 1
Layunin ng Pag-aaral 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 3
Saklaw at Limitasyon 4
Katuturan ng Termonolohiya 4
Kabanata II Pagbabalik Sa Mga Literatura at Pag-aaral 5
Pagsasakatuparan ng K to 12 Program 5
Senior High School 6
Teoritikal na Balangkas 10
Curriculum Theory 10
Kabanata III Metodolohiya 24
Lugar ng Pananaliksik 13
Tagasagot 13
Pamamaraang Sampling 13
Disenyo ng Pananaliksik 14
Instrumentasyon 14
Paraan ng Pangangalap ng Datos 14
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Pamamaraang Estadistika 14
Kabanata IV Kinalabasan at Pagtalakay 16
Kabanata V Lagom Konklusyon at Rekomendasyon 20
Kinalabasan 20
Konklusyon 21
Rekomendasyon 21
Mga Sanggunian 22
Apendiks 24
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


TALAAN NG TALAHANAYAN
Pahina
Talahanayan 1.1. Mga dahilan sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa SHS. 16
Talahanayan 2.1 Mga positibong epekto ng mga track o strand 17
na napili ng mga mag-aaral
Talahanayan 2.2 Mga negatibong epekto ng mga track o strand na napili 18
ng mga mag-aaral
Talahanayan 3.1. Kaugnayan ng track o strand na napili ng mga 19
mag-aaral sa kanilang kukuning kurso sa kolehiyo.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


TALAAN NG APENDIKS
Pahina
Apendiks A Talatanungan 24
Apendiks B Sulat sa Punongguro 25
Apendiks C Dokumentasyon 26
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


ABSTRAK
Pamagat: Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy
Rosary Catholic School sa pagpili ng kanilang Strand
Mananaliksik: John Clark B. De Ocampo, Andrej Martina V. Malicdem, Cedrick V. Relao
Tagapayo: Bb. Maria Chrisina T. Huang
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para malaman ang mga salik na nakakaapekto sa
desisyon ng mga-aaral sa pagpili ng kanilang strand. Ang mga salik na ito ay naapektohan
ang kanilang desisyon sa napili nilang strand at nagdulot ito ng positibo at negatibong
epekto sakanila. Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan upang
malaman mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit iyon ang kanilang napiling strand.at
kung ano ang naging epekto nito sakanila. Gumamit din ng purposive sampling ang mga
mananaliksik kung saan ang mga senior high school ang naging mananagot. Gumamit ng
talatanungan ang mga mananaliksik sa pangangalap ng datos na may 3 katanungan, bawat
katanungan ay naglalaman ng mga dahilan, positibo at negatibong epekto ng mga napili
nilang strand at ako ang kanilang kukuhaing kurso sa kolehiyo. Ang mga dahilan ng mga
mag-aaral sa kanilang napiling strand ay mayroong positibo at negatibong epekto sakanila.
Sinasabi sa mga resulta na nakalap ng mga mananaliksik ito ay dahil sa kaugnayan ng
kanilang strand sa kanilang kukuning kurso sa kolehiyo, ang iba naman ay dahil sa payo
ng kanilang mga magulang at ang iba naman ay dahil naimpluwensyahan sila ng kanilang
mga kaibigan. Ang positibong epekto nito sa mga mag-aaral ay ito’y makatutulong sa
kanila upang magkaroon sila ng mga paunang kaalaman sa mga tatalakayin niyo sa
kolehiyo, isa pang positibong epekto nito sakanila ay nagbibigay ito ng mga karagdagang
kaalaman na makatutulong sa nais nilang kuhaing kurso. Ito rin ay nagdulot ng negatibong
epekto sakanila isa na dito ang maaaring magdulot ng problema kung sakaling ang kanilang
napiling strand ay hindi tugma sa kanilang nais kuning kurso sa kolehiyo, at malaki ang
posibilidad na mahihirapan silang mag-aral kapag hindi nila gusto ang kanilang napiling
strand. Ilan sa mga naging tagasagot ng mga mananaliksik ay tugma ang kanilang napiling
strand sa kanilang kukuhaing kurso sa kolehiyo, at ilan sakanila ay hindi tugma at hindi pa
desidido kung anong kurso ang kanilang kukuhain sa kolehiyo.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DESISYON NG MGA SENIOR HIGH
SCHOOL SA HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL SA PAGPILI NG
KANILANG STRAND

JOHN CLARK B. DE OCAMPO


ANDREJ MARTINA V. MALICDEM
CEDRICK V. RELAO

Marso 2019
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


KABANATA I

INTRODUKSYON
Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon
“Noynoy” Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig sabihin ay
kindergarten at 12 na sumisimbolo ng dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim
na taon sa elementarya, apat na taon naman sa junior high school at dalawang taon sa senior
high school. Ito ay naglalayon na baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat
ayon sa kagawaran ng edukasyon “Ang Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang
ang bansang natitira na may makalumang antas ng edukasyon sa buong mundo”. Ito ay
hakbang ng gobyerno upang makasiguro na ang bawat mag-aaral ay kayang
makipagsabayan at mahasa ang kaalaman na kanilang magagamit sa pagta-trabaho sa
Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Ang Senior High School ay mayroong apat na track o strand na maaaring tahakin
– ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Acounting and
Business Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), General
Academic Strand (GAS).
Sa Senior High School ay kailangang pumili ng Track o Strand. Sa panahon
ngayon, marami pa rin sa atin ang naguguluhan sa bagong sistema ng edukasyon dahil
ngayon ay ipinatupad na ng pamahalaan ng K-12 Curriculum sa Pilipinas ay ang
karagdagang dalawang taon na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high
school.
Ang STEM ay akronim salita para sa Science, Technology, Engineering at,
Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum
pang-edukasyon sa Pilipinas na inihahanda ang mga mag-aaral na nasa sekondaryang antas
na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng Batsilyer sa
Agham, kabilang dito ang Agham pangkalusugan, Agham pang-agrikultura,
impormasyong pang-teknolohiya, arkitektura, pag-iinhinyero, at kursong pang-medisina.

1|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Ang STEM strand ay maituturing na nakahihigit dahil sa lawak ng mga kursong
sakop nito. Ang STEM ay nagbibigay ng maraming oportunidad at iba’t-ibang trabaho
dahil ito ang strand kung saan ang mga mag-aaral ay nahuhubog upang mas mahasa ang
kakayahan sa pagsabak sa kolehiyo. Ang karaniwang pokus nito ay agham at matematika
na pinaniniwalaang mahirap na mga asignatura. Ang pag-aaral na ito ay huhubog ng mga
kakayahan ng isang mag-aaral na suriin ang isang simple hanggang kumplikadong
suliranin sa lipunan at aktibo sa pagtalakay ng mga solusyon sa pamamagitan ng aplikasyon
at pagsasama ng pang-agham, teknolohikal, pag-iinhinyero, at matematika na mga
konsepto.
Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok
sa academic track ng Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng kaalaman
ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang business-
related na mga kurso sa kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga
asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting, Organization and Management, Business
Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral upang malaman ang iba’t ibang
kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong kurso pagdating ng kolehiyo.
Ang HUMSS strand naman ay dinisenyo para sa mga taong nagtataka kung ano ang
nasa kabilang panig ng mundo. Sa madaling salita, ikaw ay handa na sa mundo at makipag-
usap sa maraming tao. Ito ay para sa mga taong isinasaalang-alang ang pagkuha ng
journalism, mga sining sa komunikasyon, liberal na sining, edukasyon, at iba pang kurso
na kaugnay sa agham sa lipunan sa kolehiyo.
Ang GAS (General Academics Strand) ay ang pinakamagandang track o strand na
nararapat para sa mga mag-aaral na hindi pa sigurado kung ano ang kanilang kukuning
kurso pagdating ng kolehiyo.

Pahayag ng Tesis
Maaaring ang kinabukasan ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa pagpili ng track o
strand. Malaki ang naidudulot ng pagpili ng tamang track o strand sa kanilang kinabukasan,
ngunit ito nga ba ay naipapaliwang ng mayos ng mga paaralan, guro, at magulang. Marahil

2|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


kung mali ang mapiling track o strand, ito ay magdudulot ng malaking suliranin at
paghihirap sa pagpili ng kurso o pag-aaral pagdating sa kolehiyo.

Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan ng mga mag-
aaral sa Senior High School sa Holy Rorsary Catholic School sa pagpili ng Track o Strand.
Bilang bahagi ng pananaliksik na ito, nais malaman ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod na layunin.
1. Malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng track o strand ng mga mag-
aaral.
2. Malaman ang mga postibo at negatibong epekto ng mga track o strand na napili ng
mga mag-aaral.
3. Malaman ang koneksyon ng mga track o strand sa pagpili ng kurso pagdating sa
kolehiyo

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay hinggil sa desisyon sa pagpili ng track o strand na
makatutulong sa mga mag-aaral at sa mga sumusunod na mananaliksik.
Para sa mga mag-aaral lalo na sa mga nasa ika-sampung baitang, ito ang magiging
gabay nila sa kanilang pagpili ng track o strand pagdating ng Senior High School.
Para sa mga guro ng Senior High School, ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan
upang malaman ang mga dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa kanilang track o strand
na kukunin pagdating ng Senior High School.
Para sa mga susunod na mga mananaliksik, magiging gabay ito upang mahanap
ang sagot sa kanilang mga katanungan hinggil sa isyung ito at madagdagan ang kanilang
kaalaman sa paksang ito.

3|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pag-aalam sa mga salik o dahilan ng mga
Senior High School sa pagkuha na kanilang mga track o strand.
Gagamitin ng mga mananaliksik na tagasagot ang mga mag-aaral sa Senior High
School na kumukuha ng strand na STEM, GAS, HUMSS, at ABM sa Holy Rosary Catholic
School. Sila ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling.

Katuturan ng Terminolohiya
Ang mga sumusunod na salitang ginamit ay binigyang-kahulugan ayon sa
pagkakagamit sa isinagawang pag-aaral.
ABM - ito ang strand para mga sumusunod na kurso sa kolehiyo, Accountancy,
Management Accounting, Banking and Finance, Business Administration, Marketing,
Entrepreneurship, Human Resource Development Management, Hospitality Management,
Tourism.
GAS – ito ang track o strand na nararapat para sa mga estudiyanteng hindi pa sigurado
kung ano ang kanilang kukuning kurso pagdating ng kolehiyo.
HUMSS - ito ang strand para mga sumusunod na kurso sa kolehiyo, Psychology,
Philosophy, Political Science, International Studies, Languages (English and Filipino),
Literature, Communications, LIACOM, Teacher Education – Early Childhood,
Elementary, Special Education & Secondary (Values, English, Filipino), Library &
Information Science, Journalism, Arts.
Senior High School - kabilang dito ang mga baitang 11 and 12, ang huling dalawang taon
ng programa ng K-12 na ipinatupad ng DepEd mula pa noong 2012.
STEM - ito ang strand para mga sumusunod na kurso sa kolehiyo, Engineering,
Information Technology, Computer Science, Architecture, Pure Sciences (Physics,
Chemistry, Biology), Teacher Education Major in Sciences, Mathematics, Medical
Sciences (Nursing, Medical Allied Programs), Mathematics (BS-Mathematics).
Strand - nahahati ito sa apat, STEM, ABM, HUMSS, at GAS.

4|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


KABANATA II

PAGBABALIK-ARAL SA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang mga panitikan at pag-aaral na may kaugnayan
sa pananaliksik na isinagawa. ang mga nakalap na impormasyon ang nagbigay ng ideya sa
mga mananaliksik upang lalong maunawaan at mapaunlad ang isinagawang pag-aaral.

Pagsasakatuparan ng K to 12 Program
Ayon kay Anna Santos Villar (2011), ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-Edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na
tinatawag na K to 12 Program ay naipatupad na rin noong taong 2011. Gamit ang programa
ng mga kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning scheme na ito ay ang K to
12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya, mga estudyante at mga
magulang ang unang tumatanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang iminumungkahi
ito. Para sa mga magulang at mga mag-aaral, dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng
isang bata sa eskwelahan. Para sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma at pagsasaliksik para matugunan ang requirements
ng K to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutol at pag-aagamagam, naituloy rin ang
mahalagang pagbabagong it sa Philippine education.

Sabi naman ni Rowell Andrei Regalado (2017), Ang programang K-12 ay


nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuanco Aquino III sa
Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig sabihin ay kindergarten at 12 na sumisimbolo
ng dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat na taon
naman sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Ito ay naglalayon na
baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa kagawaran ng edukasyon
ang Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang ang bansang natitira na may
makalumang antas ng edukasyon sa buong mundo. Ito ay hakbang ng gobyerno upang

5|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


makasiguro na ang bawat mag-aaral ay kayang makipagsabayan at mahasa ang kaalaman
na kanilang magagamit sa pagtatrabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Hinahayag ng Institute of Nationalist Education and Republican Democracy


(INERD), ang K to 12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic
Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon
sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa
ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2
taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high
school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang
sistema ay tinatawag naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na
tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng K to 12.
Ayon naman sa official gazette ng k-12 PH government, ang Senior High School
ay dagdag dalawang taon ng edukasyon; ang mga mag-aaral ay maaaring pumili ng isang
track o strand batay sa kakayahan, interes, at kapasidad ng paaralan. Ang pagpili ng track
o strand ay tumutukoy sa nilalaman ng mga paksa na pag-aaralan ng mag-aaral sa baitang
11 at 12. Ang bawat estudyante sa Senior High School ay maaaring pumili sa tatlong mga
track o strand: Academic; Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and Arts. Kasama
sa akademikong track ang tatlong strand : Accountancy, Business and Management
(ABM); Humanities and Social Sciences (HUMSS); at Science, Technology, Engineering,
and Mathematics (STEM).

Senior High School


Ang Senior High School ay mayroong apat na track o strand na maaaring tahakin
– ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Acounting and
Business Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), General
Academic Strand (GAS).

6|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Sa Senior High School ay kailangang pumili ng Track o Strand. Sa panahon
ngayon, marami pa rin sa atin ang naguguluhan sa bagong sistema ng edukasyon dahil
ngayon ay ipinatupad na ng pamahalaan ng K-12 Curriculum sa Pilipinas ay ang
karagdagang dalawang taon na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high
school.

STEM
Ang STEM ay akronim salita para sa Science, Technology, Engineering at,
Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum
pang-edukasyon sa Pilipinas na inihahanda ang mga mag-aaral na nasa sekondaryang antas
na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng Batsilyer sa
Agham, kabilang dito ang Agham pangkalusugan, Agham pang-agrikultura,
impormasyong pang-teknolohiya, arkitektura, pag-iinhinyero, at kursong pang-medisina.
Ayon sa website ng EdukasyonPH, ang pagkakaiba ng Science, Technology,
Engineering, and Mathematics sa ibang track o strand ay ito ay nakapokus sa mga
makabagong konsepto at paksas. Ang STEM strand ay maituturing na nakahihigit dahil sa
lawak ng mga kursong sakop nito. Ang STEM ay nagbibigay ng maraming oportunidad at
iba’t-ibang trabaho dahil ito ang strand kung saan ang mga mag-aaral ay nahuhubog upang
mas mahasa ang kakayahan sa pagsabak sa kolehiyo. Ang karaniwang pokus nito ay agham
at matematika na pinaniniwalaang mahirap na mga asignatura. Ang pag-aaral na ito ay
huhubog ng mga kakayahan ng isang mag-aaral na suriin ang isang simple hanggang
kumplikadong suliranin sa lipunan at aktibo sa pagtalakay ng mga solusyon sa
pamamagitan ng aplikasyon at pagsasama ng pang-agham, teknolohikal, pag-iinhinyero, at
matematika na mga konsepto.
Ang kursong STEM ay hindi lamang isang programang pang-edukasyon na
nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral bagkus, ito ay isang instrumento na
makapagpapaunlad sa isang indibidwal. Ang mga kaalaman na nakapaloob dito ay maaari
natin magamit para sa pagtupad at pag-abot ng ating mga mithiin. Isa na dito ang
pagkakaroon ng isang disenteng trabaho tulad ng mga sumusunod: Inhinyero (sibil,

7|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


mekanikal, kemikal, elektrikal, pang-industriya, at iba pa.), Arkitekto, Pagdodoktor,
Estatistiko, Siyentipiko, Chemist, Computer programmer, Software developer, Pharmacist,
Computer system analysis, IT manager, Pagdedentista, Nurse, Biologist, Physician.
Ang mga paksang natatangi sa track o strand na STEM ay, Pre-Calculus, Basic
Calculus, Pangkalahatang Haynayan 1, Pangkalahatang Haynayan 2, Pangkalahatang
Kimika 1, Pangkalahatang Kimika 2, Pangkalahatang Pisika 1, Pangkalahatang Pisika 2

ABM
Ayon sa website ng EdukasyonPH, ang Accountancy, Business and Management
ay nakapokus sa konsepto ng financial management, business management, corporate
operations. Ang ABM ay nararapat para sa mga mag-aaral na gusto maging sales manager,
human resource, marketing director, project officer, bookkeeper, accounting clerk, at
internal auditor.
Ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa accounting. Alam naman natin na
ang pag nenegosyo ay isa sa mga pinaka maraming trabaho sa Pilipinas atmaging sa ibang
bansa. Nakakatulong ito sa pagpapalago ng isang bansa, lalong lalo na sa pang-
ekonomikong kalagayan ng bansa! Ang benepisyo mong makukuha sa pagpili ng ABM ay
napakarami, at isa na rin dito ang pagkakaroon ng time management o pamamahala ng
tamang oras sa bawat bagay! Ang ideyang ito ay hindi direktang naituturo sa strand na ito.
Ibig sabihin ay likas ang pagkakaroon nito dahilkinakailangan ang time management lalong
lalo na kung ikaw ay mayroon nang isang negosyo. Hindi lamang ito makakatulong sa
iyong nga gawain, ngunit pati na rin sa iyong sarili. Ang mga mag-aaral mula sa ABM ay
maaaring matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Ito naman ay
masasabing mahalaga sapagkat hindi lamang sa mga bagay na may konkesyon sa negosyo
magagamit ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa maraming bagay din, kung sakaling ang
kursong iyong kukunin sa kolehiyo ay wala nang koneksyon sa pagnenegosyo. Naituturo
din dito ang pagiging responsable. Ito ay isa ring katangian na dapat meron ang isang
negosyante. Ngunit katulad ng nabanggit ay hindi lamang diro nagagamit ang pagiging
responsable. Kung ABM ang pipiliin ng isang mag-aaral, mas marami pa siyang

8|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


matututunan dito na magagamit hindi lamang sa pagnenegosyo o pangangasiwa, ngunit
kasama na rin ang lahat ng bagay na ating ginagawa. Dapat itong kunin ng mga kabataang
katulad mo para sa Senior High School dahil mas maraming makikinabang sa pagaaral mo
nito hanggang sa makapagtapos ka at makahanap ng trabaho o negosyo. Isa pang
magandang dahilan kung bakit mahalaga ang pagpipili ng ABM ay ito ay nakahanay sa
mga in demand na trabaho sa ating bansa. Katulad nga ng nabanggit, napakaraming
negosyante sa ating bansa at isa ito sa pinakamalaking trabahong kinukuha ng mga tao.

HUMSS
Ang HUMSS strand ay para sa mga taong nagtataka kung ano ang nasa kabilang
panig ng mundo. Sa madaling salita, ikaw ay handa na sa mundo at makipag-usap sa
maraming tao. Ito ay para sa mga taong isinasaalang-alang ang pagkuha ng journalism,
mga sining sa komunikasyon, liberal na sining, edukasyon, at iba pang kurso na kaugnay
sa agham sa lipunan sa kolehiyo.
Ito ang mga kurso na maaaring kunin sa kolehiyo na konektado sa HUMSS: Psychology,
Philosophy, Political Science, International Studies, Languages (English and Filipino),
Literature, Communications, LIACOM, Teacher Education – Early Childhood,
Elementary, Special Education & Secondary (Values, English, Filipino), Library &
Information Science, Journalism, Arts.

GAS
Ang GAS (General Academics Strand) ay ang pinakamagandang track o strand na
nararapat para sa mga mag-aaral na hindi pa sigurado kung ano ang kanilang kukuning
kurso pagdating ng kolehiyo.
Ang mga asignatura ng GAS ay mga asignaturang pinaghalo-halo mula sa iba pang
tatlong mga track o strand: Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science,
Technology, Engineering and Mathematicsc(STEM), at Accountancy, Business and
Management (ABM) at iba pang mga track na inaalok para sa Mga mag-aaral sa Senior
High School.

9|Page
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Teoretikal na Balangkas

Curriculum Theory
Ang teorya ng kurikulum ay ang teorya ng pag-unlad at pagpapatibay ng kurikulum.
Sa loob ng malawak na larangan ng mga pag-aaral sa kurikulum, ito ay parehong
makasaysayang paghahasa ng kurikulum at isang paraan ng pagtingin sa kasalukuyang
kurikulum ng edukasyon at mga pagpapasya sa patakaran. Maraming iba't ibang pananaw
ng teoryang kurikulum kabilang ang mga teorya nina Herbert Kliebard at Michael Stephen
Schiro.
Si Kliebard ay naglaan ng mahabang panahon upang suriin ang mga paraan na
huhubog sa American Curriculum. Si Schiro ay naglaan ng mahabang panahon sa isang
pilosopikong diskarte habang sinusuri niya ang kurikulum ng ideolohiya (o philosophies)
na naimpluwensyahan ang American Curriculum. Tinatalakay ni Kliebard ang apat na
grupo ng kurikulum na tinatawag na humanist (o mental disciplinarians), kahusayan sa
lipunan, developmentalist (o pag-aaral ng bata), at mga social meliorist. Isinulat ni Schiro
ang mga pilosopiya ng mga grupong ito ng akademikong ideolohiya, ideolohiyang
kahusayan sa lipunan, ideolohiya ng mag-aaral na nakasentro, at ideolohikal na muling
pagtatayo ng panlipunan.
Ang isa sa mga karaniwang kritika ng kurikulum sa malawakang larangan, ito ay
nagbibigay ng higit na diin sa disiplina sa kaisipan at edukasyon. Ang mga "disiplinaryo
ng kaisipan" at mga Humanists ay naniniwala sa lahat ng kakayahan ng mga estudyante na
bumuo ng pangkaisipang pangangatwiran at ang edukasyon ay hindi inilaan para sa
repormang panlipunan sa sarili nito kundi para sa sistematikong pag-unlad ng
kapangyarihan ng pangangatuwiran. Ang mabuting kapangyarihan ng pangangatuwiran ay
hahantong sa pagpapabuti ng lipunan. Inilarawan ni Harris ang mga paksa na "gramatika,
literatura at sining, matematika, heograpiya, at kasaysayan". Tinitingnan ng ilang mga
kritiko ang pangkat na ito na sobrang pagbibigay diin sa "mga klasiko" na tinutukoy ng
mga nangunguna na grupo sa isang lipunan (at lalo na sa History of Committee of Five at
Committee of Ten ng ika-19 century). Sa lipunan ngayon ang pangkat na ito ay maaaring

10 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


makita bilang pagkakaroon ng isang pangkulturang bias patungo sa ma nakatataas na klase,
pati na rin, ang caucasian majority sa United States.

Social meliorism
Naniniwala ang mga Social Meliorist na ang edukasyon ay isang instrumento upang
repormahin ang lipunan at lumikha ng pagbabago. Ang layunin ng pagsasapanlipunan ay
batay sa kapangyarihan ng kaalaman ng indibidwal, at ang kakayahan upang mapabuti ang
kaalaman sa pamamagitan ng edukasyon. Ang hinaharap ng bawat isa ay hindi natutukoy
sa pamamagitan ng kasarian, lahi, katayuan sa socio-ekonomiya, pagmamay-ari o anumang
iba pang mga kadahilanan. Ang katiwalian at bisyo sa mga lungsod, ang mga hindi
pagkakapantay-pantay ng lahi at kasarian, at ang pang-aabuso ng pribilehiyo at
kapangyarihan ay maaaring matugunan ng isang kurikulum na nakatuon nang direkta sa
mga isyu na iyon, sa gayon ang pagtataas ng isang bagong henerasyon na may kakayahan
upang harapin nang epektibo ang mga pang-aabuso.

John Dewey's Curriculum Theory


Naisip ni John Dewey na ang kurikulum ay dapat matulungan ang mga mag-aaral
na tahakin ang mga pangyayari sa modernong mundo. Samakatuwid, ang kurikulum ay
hindi dapat iharap bilang mga natapos na abstraction, ngunit dapat isama ang mga
preconceptions ng bata at dapat isama kung paano tinitingnan ng bata ang kanyang sariling
mundo. Gumagamit si Dewey ng apat na instincts, o impulses, upang ilarawan kung paano
makilala ang pag-uugali ng mga bata. Ang apat na instincts ayon kay Dewey ay panlipunan,
pagpapabuti, pagpapahayag, at artistiko. Sa paggawa nito, ginawa ni Dewey ang mga
koneksyon sa pagitan ng mga paksa at buhay ng bata. Si Dewey ang dahilan ng pagunlad
ng mga progresibong paaralan na ang ilan sa mga ito ay umiiral pa ngayon.

Social efficiency educators


Ang mga "Social efficiency educators"tulad ng mga teoriya nina Ross, Bobbitt,
Gilbreth, Taylor, at Thorndike ay naglalayong magsagawa ng isang kurikulum na ma-

11 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


optimize ang" social utility "ng bawat isa sa isang lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit
ng edukasyon bilang instrumento sa pagiging episyente, naniniwala ang mga teoristang ito
na makakapagkontrol sa lipunan. Ang mga mag-aaral ay masuri sa siyensiya (tulad ng mga
pagsubok sa IQ), at pinag-aralan sa kanilang gampanin lipunan. Kabilang dito ang
pagpapakilala ng mga bokasyonal at junior high school upang matugunan ang kurikulum
na dinisenyo sa paligid ng mga partikular na aktibidad sa buhay na nauugnay sa societal
future ng bawat mag-aaral. Ang mahusay na kurikulum sa lipunan ay binubuo ng ilang
bahagi o mga gawain na magkasama na bumuo ng isang mas malaking konsepto.

Developmentalism
Ang mga developers ay nakatuon sa pag-unlad ng mga emosyonal at pang-asal na
katangian ng mga bata. Ang isang bahagi ng pananaw na ito ay gumagamit ng mga
katangian ng mga bata at kabataan bilang pinagmumulan ng kurikulum.Ang isang
halimbawa ng “Hall Advocated Differentiated” ay pagtuturo batay sa katutubo at kahit
magkakahiwalay na mga paaralan para sa sa elementarya.

12 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang gagamitin ng mananaliksik


upang makuha at maging batayan sa pagsusuri ng mga kailangang datos na tutugon sa mga
tiyak na suliranin ng isinagawang pag-aaral. Nakasaad sa bahaging ito ang disenyo ng pag-
aaral na ginamit sa pananaliksik, mga tagasagot na ginamit, at kung paano sila pinili,
instrumentasyon, pangangalap ng datos at pamamaraang estadistika.

Lugar ng Pananaliksik
Ang isinigawang pananaliksik na ito ay ginanap sa paaralan ng Holy Rosary
Catholic School sa Brgy. Cotta, sa loob ng Lungsod ng Lucena City sa taong 2018-2019.
Ito ang napili ng mga mananaliksik na pagkunan ng mga tagasagot dahil ito ang mas
mabuting paraan para makakuha ng aayos na resulta sa pananaliksik dahil limitado ang
kanilang sakop at kukulangin ang kanilang oras upang humanap pa ng ibang mga
tagasagot.

Tagasagot
Ang mga naging tagasagot ay nagmula sa senior high school ng Holy Rosary
Catholic School sa sekondaryang lebel kung saan 18 mula sa ika-11 baitang at 13 naman
sa ika-12 baitang. Ang mga mag-aaral sa mga nasabing baitang ang nagsilbing daan upang
maging matagumpay ang ginawang pananaliksik.

Pamamaraang Sampling
Ang mga mag-aaral sa senior high school ay pinili ng mga mananaliksik sa
pamamagitan purposive sampling. Ito ay dahil sa sila ang tugma sa layunin ng ginawang
pananaliksik. Sila ang may sapat na kakayahan upang sagutan ang mga talatanungan upang
makuha ng mga mananaliksik ang mga datos na kinakailangan sa pananaliksik.

13 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwalitatibong pamamaraan upang
malaman ang epekto sa mga senior high school sa Holy Rosary Catholic School sa
pagdedesisyon nila sa kanilang naging strand. Ang pananaliksik na isinagawa ay ginamitan
ng talatanungan na nagmula sa mga mananaliksik na magiging basehan nila sa pangangalap
ng datos ukol sa para malaman ang mga salik na nakaaapekto sa desisyon ng mga senior
high sa Holy Rosary Catholic School sa pagpili ng kanilang sariling strand.

Instrumentasyon
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay talatanungan, kung saan nabubuo ito ng
tatlong katanungan na may mga pamimilian. Kinakailangan lamang lagyan ng tsek sa
blanko ang kanilang napiling sagot. Maaari din naman nilang espisipikong banggitin ang
kanilang kasagutan kung ito ay wala sa pamimilian. Ang instrumentong ginamit ang
makapagsasabi ng magiging resulta at sagot sa ginagawang pananaliksik na ito.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ito ay sinimulan ng mga mananaliksik sa paggawa ng grupo ng mga tanong na
nagmula sa mga obserbasyon na isinagawa ng mga mananaliksik. Sunod ay pinamigay ng
mga mananaliksik ang talatanungan sa mga mag-aaral ng senior high school at ginabayan
ang mga ito sa pagsasagot upang maging maayos ang kanilang pagsasagot. Ipinasa muli
ang mga ginamit na instrumento sa mga mananaliksik matapos ang ginawang pagsasagot
at kanila itong itinala upang malaman ang naging resulta at kabuuan ng isinagawa nilang
saliksik.
Pamamaraan Estatistika
Ang datos na nakolekta ay nakatala, nakalagay sa talahanayan, at binigyang
kahulugan sa paggamit ng sumusunond na pormula:
a. Pormula para matukoy ang porsiyento:
𝑓
P = 𝑛 x 100
p – porsiyento

14 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


n – kabuuang bilang ng tagasagot
f – frequency of the respondents

15 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS


Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na
tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa
isinagawang pag-aaral na may paksang “Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga
Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa pagpili ng kanilang Strand” ang
mga sumusunod ay presentasyon ng mga datos na nakalap:
Ang bawat talahanayan ay nagsasaad ng bilang ng mga tugon o saloobin ng bawat
respondente ayon sa isinagawang sarbey. Nakasaad din dito ang porsyentong nakamit ng
bawat tugon.

Talahanayan 1.1. Mga dahilan sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa SHS.


Bilang ng mga Porsyento
Tugon/Sagot tugon o sagot o
Bahagdan
Dahil sa mga payo ng mga magulang 7 20%
Dahil naimpluwensiyahan ng mga kaibigan 3 8.58%
Dahil sa kaugnayan nito sa aking kukuhaing 13 37.14%
kurso sa kolehiyo
Economically wise 5 14.28%
Gusto lamang mag-explore 1 2.86%
Hindi pa desidido sa kursong kukunin sa 5 14.28%
kolehiyo
Iba pang dahilan 1 2.86%
KABUUAN 35 100%

Mula sa talahanayan 1.1, lumabas na ang pangunahing dahilan ng mga tagasagot


kung bakit nila napili ang strand na kanilang kinukuha sa kasalukuyan ay dahil sa

16 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


kaugnayan nito sa kukuhaing kurso sa kolehiyo 13 (37.14%), pumapangalawa dito ay
dahil sa mga payo ng mga magulang 7 (20)%, pangatlo ay economically wise 5
(14.28%) at ang hindi pa desidido sa kursong kukunin sa kolehiyo 5 (14.28%), pang-
lima ay dahil naimpluwensiyahan ng mga kaibigan 3 (8.58%), at ang pang-anim ay
dahil gusto lamang mag-explore 1 (2.86%), at ang iba pang dahilan 1 (2.86%)

Talahanayan 2.1. Mga positibong epekto ng mga track o strand na napili ng mga mag-
aaral
Tugon/Sagot Bilang ng mga tugon o Porsyento
sagot
POSITIBO
Nakakatulong sa iyo sa pagdedesisyon sa 14 22.58%
pipiliing kurso sa kolehiyo
Inihahanda ang mga mag-aaral sa mga 11 17.74%
mas magagandang kurso sa kolehiyo
Nagbibigay ng mga karagdagang 16 25.8%
kaalaman na makatutulong sa nais mong
kuhaing kurso
Makatutulong upang magkaroon ka ng 18 29.04%
mga paunang kaalaman sa mga
tatalakayin niyo sa
kolehiyo
Iba pa 3 4.84%
KABUUAN 62 100%

Mula sa talahanayan 2.1 lumabas ang mga positibong epekto ng mga track o strand na
napili ng mga mag-aara, ayon sa mga tagasagot ito ay makatutulong ito upang magkaroon
ng mga paunang kaalaman sa mga tatalakayin niyo sa kolehiyo na may 18 (29.04%), ito ay
nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman na makatutulong sa nais nilang kuhaing kurso

17 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


na may 16 (25.8%), ito ay nakakatulong sa kanila sa pagdedesisyon sa pipiliing kurso sa
kolehiyo na may 14 (22.58%), inihahanda ang mga mag-aaral sa mga mas magagandang
kurso sa kolehiyo na may 11 (17.74%) at iba pang positibong epekto na may 3 (4.84%).

Talahanayan 2.2. Mga negatibong epekto ng mga track o strand na napili ng mga mag-
aaral
Tugon/Sagot Bilang ng mga tugon o Porsyento
sagot
NEGATIBO

Nalilimitahan ang iyong kaalaman sa 12 27.9%


ibang asignatura
Hindi ka naging masaya sa pag-aaral dahil 1 2.33%
napilitan ka lang kunin ang strand na ito
Malaki ang posibilidad na mahihirapan 13 30.24%
kang mag-aral kapag hindi mo gusto ang
iyong napiling strand
Maaaring magdulot ng problema kung 16 37.2%
sakaling ang iyong napiling strand ay
hindi tugma sa iyong nais kuning kurso sa
kolehiyo
Iba pa 1 2.33%
KABUUAN 43 100%

Mula naman sa talahanayan 2.2 lumabas ang mga negatibong epekto ng mga track o
strand na napili ng mga mag-aaral, ayon sa mga tagasagot maaaring magdulot ng problema
kung sakaling ang iyong napiling strand ay hindi tugma sa iyong nais kuning kurso sa
kolehiyo na may 16 (37.2%), malaki ang posibilidad na mahihirapan mag-aral kapag hindi
gusto ang napiling strand na may 13 (30.24%), sumunod naman ang nalilimitahan ang

18 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


kanilang kaalaman sa ibang asignatura na may 12 (27.9%), hindi naging masaya sa pag-
aaral dahil napilitan lang kunin ang strand na ito at iba pang dahilan na may 1 (2.32%)

Talahanayan 3.1. Kaugnayan ng track o strand na napili ng mga mag-aaral sa kanilang


kukuning kurso sa kolehiyo.

Strand Tugma Hindi tugma


STEM 14 8
ABM 2 2
GAS 0 2
HUMSS 2 1
KABUUAN 18 13

Sa talahanayan namang ito ay makikita kung tugma ba ang pinili nilang strand sa
kukuhain nilang kurso pagdating ng kolehiyo. Sa strand na STEM 14 ang tugma at walo
naman ang hindi tugma, sa ABM naman ay dalawa sa tugma at dalawa rin ang hindi tugma,
sa GAS hindi tumugma ang kanilang napiling strand sa kukuhain nilang kurso sa kolehiyo,
at sa strand na HUMSS naman ay dalawa ang tugma at isa ang hindi tugma. Base sa mga
nakalap naming tugon/sagot sa mga respindente ang ilan dito ay hindi pa desidido sa
kanilang kukuhaing kurso sa kolehiyo.

19 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


KABANATA V
KINALABASAN, KONKLUSYON AT ROKEMENDASYON
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral at mga
naging resulta ng mga datos, gayundin ang mahahalagang konklusyon at rekomendasyon
ng mananaliksik para sa lalong ikagaganda at ikabubuti ng pag-aaral.
Kinalabasan
Batay sa mga datos na lumabas sa pananaliksik, ang mga sumusunod ang
kinalabasa:
1. Sa lumabas na resulta sa mga dahilan sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa
SHS, 13 sakanila ang sumagot na ito ay dahil sa kaugnayan nito sa kanilang
kukuhaing kurso sa kolehiyo, pito sakanila ang dahil sa payo ng magulang, lima
naman sa economically wise at hindi pa desidido sa kursong kanilang kukunin sa
kolehiyo, at tatlo naman sakanila ang nagsagot na ito ay dahil sila ay
naimpluwesiyahan lamang ng mga kaibigan, at isa sakanila ang gusto lamang
makaexplore.
2. Ang naging kinalabasan ng mga positibong epekto ng mga track o strand na napili
ng mga senior high school sa Holy Rosary Catholic School ay, 18 sakanila ang
sinagot ay itoy makatutulong sakanila upang magkaroon sila ng mga paunang
kaalaman sa mga tatalakayin nila sa kolehiyo, 16 naman sakanila ang tumugon na
ito ay nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman na makatutulong sa nais nilang
kuhaing kurso, 14 ang nakuhang tugon ng epektong ito ay makatutulong sa kanila
sa pagdedesisyon sa pipiliin nilang kurso sa kolehiyo, 11 sakanila ang sinagot ay
sila ay naihahanda sa mas magandang kurso sa kolehiyo.
3. Ang kinalabasan ng mga negatibong epekto ng mga track o strand na napili ng mga
senior high school sa Holy Rosary Catholic School ay, 16 sakanila ang nagsasabing
itoy maaaring magdulot ng problema kung sakaling ang kanilang napiling strand
ay hindi tugma sa nais nilang kuning kurso sa kolehiyo, 13 naman sakanila ang
tugon ay malaki ang posibilidad na mahihirapan silang mag-aral kapag hindi niya
gusto ang strand na kaniyang pinili, 12 sakanila ang sinagot ay nalilimitahan ang

20 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


kanilang kaalaman sa ibang asignatura, isa naman sa hindi siya naging masaya sa
pag-aaral at iba pang dahilan.
4. Sa lumabas na resulta ng kaugnayan ng track o strand na napili ng mga mag-aaral
sa kanilang kukuning kurso sa kolehiyo ay, mas marami ang tugma na may
nakuhang 14 sa STEM, dalawa sa ABM at HUMSS, at wala sa GAS na may
kabuuang 18 na bilang. Sa hindi tugma naman ay labing walo sa STEM, dalawa sa
ABM at GAS, at isa naman sa HUMSS na may kabuuang 14 na bilang.
Konklusyon
Mahalagang pag-aralan ang kasong ito sapagkat dapat tinitiyak na ng mga mag-
aaral ang kanilang mga pipiliing strand para sa Senior High School dahil ito ang
magsisilbing tuntungang-bato nila tungo sa kanilang mga pangarap. Mahalagang gawin na
rin nila kaagad ito upang mapadali ang kanilang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Dapat
tiyaking mabuti ng mga mag-aaral kung tugma ang kanilang pipiliing strand sa kurso na
nais nilang kunin pagdating ng kolehiyo, upang hindi magkaroon ng problema na
makakaabala pagdating ng kolehiyo.

Rekomendasyon
Matapos ang ginawang pananaliksik ay maaaring pagkunan pa ng ideya ng mga
makababasa nito ang mga sumusunod na rekomendasyon para sa kanilang gagawing
pananaliksik:
Nabuo ang rekomendasyon na ito batay sa kinalabasan ng pag-aaral at nabuong

konklusyon ng mga mananaliksik.

Para sa mga Namamahala:

Nirerekomenda ng mga mananaliksik na mas pagtuonan ng pansin ang pagpili ng

mga mag-aaral sa kanilang strand track, sa pamamagitan ng pagbuo ng programa

ukol sa tamang pagpili ng strand o track, sapagkat ilan sa mga mag-aaral mula sa

21 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Holy Rosary Catholic School ay nagsabi na ang kanilang napiling strand o track ay

hindi tugma sa pipiliin nilang kurso pagdating ng kolehiyo.

Para sa mga Mag-aaral:

Nirerekomenda ng mga mananaliksik na sundin ang kanilang kagustuhan hinggil

sa pagpili ng strand o track higit sa impluwensiya at kagustuhan ng iba, nang sa

ganoon maiwasan ang mga posibleng problemang kaharapin na may kaugnay dito.

Para sa mga susunod na mananaliksik:

Magkaroon ng mas malalim na pag-aaral ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa

pagdedesisyon ng mga mag-aaral ng Senior High School sa pagpili ng strand o

track.

MGA SANGGUNIAN

Villar, Anna S. (2011) Pagsasakatuparan ng K-12 Program.


https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines/

Regalado, Rowell Andrei (2017) Ang Programang K-12.


http://stemngayongmakabagonghenerasyon.blogspot.com/2017/07/angprogramang-k-12-
ay-nilagdaan-ni.html

San Juan, David Michael (2012) K to 12 Program ng Gobyerno ng Pilipinas.


https://www.philippinesbasiceducation.us/2012/05/k-to-12-program-ng-gobyerno-
ng.html

22 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


Rouse, Margarette (2013) What is STEM. https://whatis.techtarget.com/definition/STEM-
science-technology-engineering-and-mathematics

23 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


APENDIKS A
Talatanungan

24 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL

25 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


APENDIKS B
Liham para sa Punongguro

26 | P a g e
Mga Salik na Nakakaapekto sa Desisyon ng mga Senior High School sa Holy Rosary Catholic School sa
pagpili ng kanilang Strand

HOLY ROSARY CATHOLIC SCHOOL


APENDIKS C
Dokumentasyon

27 | P a g e

You might also like