You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay patungkol sa pagsagot ng modyul bilang isang mag-aaral

“Modyul: Daan upang maging responsible”

Isa sa mga hamon na kinahaharap natin ngayon ay ang pag-usbong ng pandemya


na nagtulak sa edukasyon na mamahagi ng mga modyul sa mga mag-aaral. Sa tulong
nito, patuloy pa rin ang pagkatuto at paggamit sa kaalaman. Bumago ito sa nakagisnang
paraan ng edukasyon ngunit kaakibat nito ang pagbubukas ng pagkakataon upang
pagyabongin pa ang ating mga sarili bilang isang mag-aaral.
Batay sa aking karanasan sa pagsagot sa modyul, nakakatulong ito upang
mabalanse natin ang oras dahil tayo mismo ang may kontrol sa ating oras. Ang
pamamahala sa oras ay isang kasanayan na nakakatulong upang mapilitang unahin ang
pagsagot ng modyule dahil ito ay importante. Dahil din dito, madaling maisakatuparan
ang pagganap bilang isang estuyante sa bahay at magkaroon tayo ng disiplina sa sarili .
Ayon sa isang pag-aaral, ang kasanayan sa pamamahala ng oras ay may kaugnay sa
mabuting akademikong pagganap ng isang mag-aaral upang ito ay magtagumpay. Ang
pagsagot ng modyule din ay nakatulong sa akin upang magkaroon ng matibay na estilo
sa pagharap ng mga suliranin sa pagsagot. Napapaloob kasi rito ang mga iba’t ibang
aktibidad kagaya ng pananaliksik, paggawa ng bidyo, pagguhit at iba pa. Kung kaya
nakabuo ako ng isang kasayan na nakatulong sa akin upang ito ay
malagpasan.Nakatutulong din ito upang magkaroon ako ng pokus sa aking ginagawa at
aking makakaya bagama’t hindi ko na naihambing ang aking sarili sa iba. Maraming
magandang epekto dulot ng bagong paraan sa pag-aaral ngayon na sumubok sa ating
katatagan upang mas lalo pang mapagbuti ang ating sarili. Pasakit man ito sa una ngunit
kapag nasanay na natin gawin ito, tiyak madali nalang natin itong pananagutan at tapusin.
Ang karanasan ko sa pagsagot ng modyul ay nagturo sa akin upang maging
responsable sa pagharap ng suliranin, paggawa ng desisyon, at maging huwaran ang
aking perspektibo ukol dito. Nagsisilbing gabay upang ilapat ang pag-iisip ng bawat
estudyante sa mabuting dulot nito sa ating pagkatao kaysa pagtuonan ng pansin na ito’y
nakakapagod. Lahat ng ating ginagawa ay nakasalalay sa pagkundisyon ng isip, gunitain
sana natin ang positibong epekto nito na babago sa atin upang maharap ang paghihirap
sa hinaharap.

You might also like