You are on page 1of 5

MGA TUNGKULIN NG GURO

Ang guro ay tagapagturo


Pangunahin sa mga tungkulin ng guro ang pagtuturo.
Ang mahabang oras sa panahon ng guro ay ginugugol
sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang
magbigay ng impormasyon, gumigising ng kawilihan ng
mga mag-aaral sa paksang tinatalakay, magpaliwanag,
makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga
katanungan ng mga mag-aaral.
Ang guro ay modelo o huwaran.
Ang pagiging uliran o modelo ay isa sa mga
'roles' ng guro. May mga asignaturang higit na
mabisang 'maituro' o ' maikintal' sa pamamagitan
ng Values Education, higit na maihahawa ng guro
ang mag-aaral sa kanyang kabutihang-asal,
pagiging modelo ng integridad, moralidad at
kabutihang loob. Gayon din naman sa pagtuturo ng
mga kasanayan at kakayahan sa Physical
Education, sa H.E at iba pang kauring asignatura.
Ang guro ay tagapamahala o manedyer.

Nasa mabuting pangangasiwa ng guro ang pagkakaroon ng


episyenteng galaw at mga gawain at pamamahala ng mga
gawaing higit na mag dudulot sa mag-aaral ng mga kapaki-
pakinabang na karanasan. Kasali sa mabuting pangangasiwa ng
guro ang paghahanda ng mabuting banghay-aralin, paghahanda
ng pagsusulit, pagbibigay ng grado o marka at iba pa.
Naisasagawa ng klase ng mabilis, maayos at hindi nagkakagulo
ang mgaroutines, gaya ng pagpasok at paglabas sa silid, pagpasa
ng aklat o papel o kagamitan, mga pangkatang gawain at iba
pa.
Ang guro ay tagapayo at tagapatnubay.

Bagaman at sa malalaking paaralan ay may


sadyang tanggapan pra sa tinatawag na mga guidance
counsellors, hindi pa rin maiiwasan ng guro ang pagiging
tagapayo at tagapatnubay ng mag-aaral upang
matulungan ang mga mag-aaral sa paglutas ng kanilang
suliranin. Malaking bagay na sa mga mag-aaral na may
mga guro silang handang makinig ng kanilang suliranin.
Ang guro ay magulang/ina/ama sa paaralan.

Ang mga guro ay mga surrogate parent.


Pinangangalagaan nila ang kanilang mga mag-
aaral tulad ng pag-aalaga ng isang magulang sa
kanyang mga anak. Pinangangalagaan o
intelektuwal na pagkalinang kundi maging ang
ibang kapakanan ng mag-aaral sa aspektong
emosyonal, sosyal, moral-ispiritual at pisikal man.

You might also like