You are on page 1of 3

Ang pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang

propesyon sa ating lipunan.  Sinasabing kung wala ang mga guro ay

maaaring wala ang iba pang mga propesyon ngayon dahil simula

palang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan na siya sa pagkalinga

at pagtuturo ng isang guro.  Ang pagiging guro ay magkahalong hirap,

at saya pero ito ay isa ring pagkakataon para linangin sa

pinakamataas na kasanayan ang bawat mag-aaral mula sa kanyang

kritikal na pag-iisip hanggang sa kanyang mga makrong kasanayan. 

Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong

iba’t ibang guro ang masasaksihan at makasasalamuha ang bawat

mga mag-aaral.  Maaaring iba ang pag-uugali, katauhan, paraan ng

pagtuturo at kahit ang kakayahan ng pag-iisip.  Maikaklasipika ang

mga gurong ito na may mga guro na sobrang talino.  Ang gurong ito

ay halos alam ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang mga kaliit-liitan

aralin o konsepto.  Kalimitan may mga gurong pumapasok sa silid

upang isalaysay lamang ang mga kwento ng kanilang buhay.  Mayroon

din namang mga gurong komedyante na animo ang mga mag-aaral ay

nasa loob ng isang tanghalan o sa isang komedi bar.  Hindi rin

mawawala ang guro na nagsasalita habang ang mga mag-aaral ay

natutulog o di naman kaya ay may ibang pinagkakaabalahan.


Maibabahagi rin diyan ang gurong mistulang napipilitan lamang sa

kanilang kinahahantungang propesyon na para bang sinasabi nila sa

kanilang sarili na pwede na ito nang sa ganoon ay may

mapagkakakitaan ako.  Pumapasok sila sa klase upang magpa-ulat at

magsalita nang kaunti at agad-agad din namang lalabas,  na para

bang walang nangyari sa loob ng klase.  Mayroon namang guro na

napakahusay magturo na handang ialay ang buong oras at panahon

mayroon lamang sapat na dunong na maibabahagi sa mga kanyang

mga tinuturuan.  Sa paglabas ng kanyang mga mag-aaral ay pawang

nakangiti ang mga ito sapagkat mayroon silang kaalaman na

natutunan.  Ang mga guro ay minsan dinng binabalikan ng mga dating

mag-aaral upang siya ay pasalamatan sa kabutihan at sa mga

pagbabahagi sa kanila ng mga aral at kaalaman na bumuo sa kanilang

pagkatao.

Ang isang guro ay kailangan na magkaroon ng pagmamahal sa

sariling propesyon upang hindi magiging mabigat sa kanya ang mga

gampanin sa paghahanda sa kanyang pagiging guro.  Kung wala

siyang pagmamahal sa kanyang trabaho magiging hindi maganda

lamang ang pagtingin niya rito sapagkat maaari niyang isipin na ang

napiling propesyon ay parusa lamang sa kanya.  Mapipilitan lamang


siyang maghanda ng aralin sa pang-araw-araw,  paggawa ng mga

pagsusulit bilang pagtataya sa mga mag-aaral.  Tiyak din na sa

kawalan niya ng pagmamalasakit sa kanyang propesyon ay hindi siya

magiging mapamaraan sa kanyang pagtuturo.  Ang kanyang mga

mag-aaral ang maaapektuhan dahil lalabas at papasok silang kung

wala man ay kakaunti lamang ang natutunan.  Nararamdaman ng mga

mag-aaral kung ang isang guro ay walang pagmamahal sa kanyang

propesyon dahil nakikita nila sa kanyang mga kilos at nauunawaan nila

sa kanyang mga salita.  Kaya mainam sa guro na kung pipiliin niya

ang propesyong ito ay kailangang mahalin niya ang pangkalahatan

ganoon din ang mga kaakibat nitong mga tungkulin at responsibilidad. 

Mamahalin niya at tatanggapin niya na ang mga mag-aaral ay

magkakaiba, sa kanilang katauhan, pag-uugali at kahit kakayahan ng

kanilang pag-iisip.  Kailangan yakapin niya ang katotohanan na dahil

siya ang guro ay gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang

makakaya ang mga bagay at gawain na ikakaunlad niya sa kanyang

sarili at ng mga matututunan ng kanyang mga mag-aaral upang

magsilbi itong gabay sa pagtahak nila sa kanilang pag-unlad sa

hinaharap.

You might also like