You are on page 1of 2

Ang pagkakaroon ng sapat na karanasan at kaalaman sa pagtuturo ay isa sa

maituturing na mahalagang katangian na dapat taglayin ng isang guro. Ito ang


kanyang nagsisilbing daan upang higit na matulungan ang bawat mag – aaral na
ipakita o ipamalas ang kakayahan at kaalaman na taitim na nagtatago sa kalooban
ng kanilang pagkatao. At bilang isang guro sa malapit na hinaharap mainam at
sadyang kapakipakinabang ang pagkakaroon ng isang kursong magsasanay at
gagabay para makita at mabatid ang mga dapat at tamang gawin na higit na
makakatulong hindi lamang para sa pansariling interes bagkus at para sa pagunlad
ng mag -aaral na aming tuturuan at gagabayan sa darating na panahon.

At ako, bilang isang estudyante na nagsasanay para maging isang kapaki –


pakinabang at epektibong guro sa hinaharap, batid ko na maikli panahon pa lamang
ang aking ginugugol sa upang makita, masuri at maunawaan ang mga bagay na
aking dapat gawin sa oras na nasa aktwal na proseso na ako ng pagtuturo, subalit
sa maikling panahong ito, bagaman hindi pa sapat ay mayroon na rin naman akong
mga bagay na bahagyang napagtatanto at nauunawaan. Isa na nga rito ay ang
palagi kong nababanggit sa mga nauna nang sulatin, na ang pagkakaroon ng
motibasyon ay lubhang nakatutulong para magkaroon ng aktibong partisipasyon ang
mga mag -aara sa oras ng klase at mawala ay ideya ng takot nila sa pagbibigay nila
ng kasagutan sa anumang tanong ng ibibigay sa kanila, gayundin, ay nabatid ko rin
na ang kahandaan sa paksang tatalakayin ay isa rin sa dapat isaalang – alang
upang maging maganda ang resulta ng proseso ng pagkatuto at pagtuturo. Kaugnay
din nito, aking din nabatid na dapat ay mayrooong sapat na karanasan ang guro
bago at sa oras ng kanyang pagtanggap ng propesyon bilang isang tagapagpaunlad
ng kakayahan at karunungan ng mga mag- aaral.

Ngunit hindi lamang nakatuon sa mga guro ang aking mga naging kabatiran
sa kaugnay ng mga araw na nagdaan sa aking pagsasanay ukol pagtuturo at
marahil, para sa akin isa ito sa napakahalagang karunungan na aking natuklasan at
natutunan. At ito ay pagkakaroon ng baryasyon sa kakayahan at kaalaman ng bawat
mag-aaral, hindi lahat ng bata ay magkakapareho ng kakayahan sa pag – unawa at
pagintindi ng
mga ideya na ibinibigay sila. Ang bawat isa ay mayroong sari – sariling
pananaw at paraan kung paano nila nauunawaan ang bawat paksa at leksyon na
ibinibigay sa kanila. Sa magkakaibang seksyon na aking tinuturuan, doon ko lubos
na nakita ang hindi maitatanggi na katotohan, na hindi lahat ng bata ay magaling,
mayroong mabagal sa pagproseso ng impormasyon at mayroon rin namang mainam
at mabilis. Sa ganitong sitwasyon, nabatid ko na kinakailangan bilang isang guro,
kailangan matutunan ko na iayon ang lahat ng aking gagawin batay sa kapasidad ng
mga bata. Kinakailangan akma ang lahat ng aking gagawin sa oras ng klase batay
sa kanilang kaalaman at kakayahan. At ito ang sa una ay nagkaroon ng kahirapan
para sa akin, kung saan, ang ideya ng aking bawat leksyon sa mga unang araw ng
aking pagtuturo ay nakaayon lamang sa mataas at kritikal na pag- iisip ng mga bata.
Kaya naman sa punto na inilahad ko na ito sa hetero na seksyon, naging mabagal at
mahirap para sa akin ang iangkla o iugnay ang lahat ng ideya na nais kong ilahad at
ipaintindi sa kanila. At dahil dito, na sa bawat leksyon na aking ituturo, napagtanto
ko na mainam na dalawang kaparaanan ang dapat kong ihanda para dito. Ang una
ay maiaangkla ko sa para sa mga mag- aaral na kayang gawin ang mas kritikal at
konseptwalisadong pag – iisip at pagintindi, at pangalawa ay para naman sa mga
mag -aaral na nangangailangan ng lubos na atensyon at paglilinaw.

You might also like