You are on page 1of 2

PINLAC (PAGNINILAY 8)

Pagninilay at Repleksyon

Anong mahalagang kaalaman ang iyong natuklasan sa araling ito at paano ito
makakatulong sa iyong paglago bilang isa guro sa hinaharap?

Ngayong araw, panibagong kaalaman muli ang aking natuklasan. Ang teorya ni Robert
Gagne na Hierarchical learning na nagsasabing kailangang nakahanay ang kaalaman ng mga
mag-aaral na magsisimula sa pinakasimple patungo sa pinakamahirap. Sumunod ay ang teorya ni
Lev Vgotsky na Social Development, sinasabi rito na ang bata’y kinakailangan ng gabay ng my
higit na kakayahan at kasanayan. Bukod pa rito, naunwaan ko ang gamit ng Hula ko, sagot ko!
Kung saan ginagamit ito sa mga araling may kinalaman sa kuwento, ipahuhula mo sa mga mag-
aaral ang susunod na mangyayari.

Tinalakay rin sa araw na ito ang pagsulat ng banghay-aralin. Natutuhan ko ang wastong
pagkasunod-sunod ng banghay aralin sa bago nitong pormat. Mula rin sa ibinigay na estratehiya,
naunawaan ko kung papaano ito gagamitin o isusulat sa banghay aralin upang maabot ang
tunguhin ng aralin.

Lubos na nakatulong ang araling ito sa aking paglago bilang guro sa hinaharap. Dahil sa
pagkakaroon ng mga ideya kung papaano gumawa ng banghay aralin, mas madali na para sa akin
ang paggawa nito kapag ako’y nagtuturo na at mayroon na akong kaalaman kung papaano ito
isasagawa ng aktuwal sa klase.
Introduksyon

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya ay isa sa mga asignaturang kinakailanganan nang


buong husay na pagpapamalas ng mga kasanayang hindi lamang nababasa sa mga aklat kundi
natutuhan mula sa mga sariling karanasan. Ang asignaturang ito’y may iba’t ibang paksang
tinalakay tulad ng: Teorya sa Constructivism at ang Pagtuturo ng Filipino, Mga Salik na
Isinasaalang-alang sa Pagpaplano, Siklo ng Pagpaplanong Pagtuturo, Modelo sa Pagpaplanong
Instruksyon, at Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino. Kung saan ang bawat aralin ay may
kaakibat na gawaing kinakailangang masagot pagkatapos ituro.

Kinapapalooban ang portpolyong ito ng mga kasagutan, pananaw, saloobin, at ideya na


nanggaling mismo sa sariling kaalaman ng mga mag-aaral. Malaking tulong ito sa guro upang
masukat ang kabuuang natutuhan ng mga mag-aaral sa buong markahan.

Inaasahan ng guro na hindi lamang natatapos ang proseso ng pagkatuto sa oras ng talakayan
subalit ito’y naisasabuhay ng mga mag-aaral sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang Filipino
at mamamayan ng kanilang bansa.

You might also like