You are on page 1of 1

Sintesis/Buod

Upang matugonan at makamtan ang layuning matuto ang mga estudyante sa kanilang pag
aaraln ng lubos at malalim, maraming pamamaraan at metodo ang maaaring ilunsad at gawin at
isa na nga rito ang talakayan. Isang aktibidad na ginagawa na noon pa man sa mga diskusyon
lalo na sa mga paaralan. Importante na hindi lang mantindihan ng mga estudyante ang mg
konsepto at aralin bagkus matutunan pa ng maayos upang ito ay hindi lang manatili sa kanilang
mga isipan at magamit pa sa realidad ng buhay.

Ayon sa mga pag aaral na nabanggit sa mga naunang kabanata ng paananaliksik na ito,
hindi makakailang malaki ang naitutulong ng maayos at tamang pagsasagawa ng talakayan sa
pagkakatuto ng mga mag aaral sa kanlang mga klase. Kung maayos na maisasakatuparan ang
metodong ito mas malalim at mabisa ang magiging pagkakatuto ng mga estudyante. Dahil ang
pamamaraang pinag aaralan ay talakayan, kailangan ng isang mamumuno at magsusuperbisa sa
grupo uang maging maayos ang daloy nito. Ang guro, bilang isang tagapangasiwa ng mga
gawain sa loob ng silid-aralan, ay ang siyang dapat na manguna at magsilbing lider ng
talakayang ito. Malaking parte ang karakter ng guro sa gawaing ito. Siya ang mangunguna sa
gawain at ang magtatanong ng mga analitikal na katanaungan na susukat sa pagkakaintindi ng
mga mag aaral. Ngunit dapat ding isaalang alang ng guro na maglaan din ng isang bukas na
talakayan para sa mga mag-aaral nang sa gayon ay malaman kung lubusan ba nilang naintindihan
ang aralin o may mga katanungan pa silang nais na masagot. Maganda ring magkaroon ng
interaksyong estudyante-sa-esttudyante dahil maganda ang naidudulot ng “peer learning” sa mga
mag-aaral.

Maliban sa pagkakaroon ng mamumuno sa isang talakayan, may iba pang mga salik na
dapat ikonsidera upang mas maayos na maisagawa ang talakayan na magreresulta sa mabuting
pagkakatuto ng mga estudyante. Una, isaisip ang bilang o dami at dibersidad ng mga mag-aaral.
Alamin ang kanilang mga pagkakaiba, edad, paniniwala, kasarian at iba pa upang mas maging
akma ang talakayang gagawin. Maging klaro din sa layuning nais makamatan upang ang
matahak na landas ay angkop at tama. At higit sa lahat alamin ang interes ng mga mag aaral
upang maging kapakikpakinabang ang mga kaalamang maibabahagi sa grupo at para na rin mas
magpakita ng interes at makiisa ang mga estudyante.

Ang pag-aaral ay mas magiging isang kasiyasiyang paglalakbay kung ang lahat at
magkakaroon ng pagkakataong makabahagi at makatulong sa gawaing ito at talakayan ay isang
metodong makakatulong na maisakatuparan ang nakakagalak na paglalakbay na ito. Kung
maisasaalang alang ng mabuti ang mga bagay na dapat ikonsidera mas magiging produktibo at
makabuluhan ang talakayang isasagawa na hindi lang guro ang makikinabang pati na rin ang
mga mag-aral na kalahok rito.

You might also like