You are on page 1of 3

5.

Anyo: Tuluyan - Sapagkat ang paraan ng pagkakalahad ng kwento ay


patalata. Konseptong Taglay: - Tunay na ang tao ay may mga natural na
katangiang o pag-uugaling tinataglay. Ang mga katangiang ito'y
masusukat sa mga panahon ng mahigpit na pagsubok o pangangailangan
at sa mga panahon ng katagumpayan. Ipinababatid ng kwento na ang tao
ay may kakayahang tumaya at makipagsapalaran para sa ikabubuti ng
kanilang pamilya gaya ng paglalakbay ng tatlo upang kumayod dahil sa
kanilang pamilya. Ngunit ang tao'y nagiging gahaman rin. Gaya nang
matagpuan nila ang lampara, agad na hiniling ng isa sa kanila ang makauwi
nang may maraming pera. Kaya rin ng taong maging makasarili. Ang ikatlo,
sa kanyang labis na kalungkutan dahil sa pag-iisa, ay naging maramot
sapagkat ninais nyang ibalik ang dalawa nyang kasama para lamang siya'y
lumigaya. Katumbas ng kanyang hiling ang pagbawi sa kahilingan ng
dalawa nyang kasama. Nagawa nyang pagkaitan ang mga ito para lamang
sa kanyang sariling kapakanan, bagaman pare-pareho sila ng layunin nang
tahakin nila ang kanilang paglalakbay. 6. Anyo: Tuluyan - Ang akda ay isang
pabula at ito ay nabibilang sa mga akdang isinusulat o inilalahad ng
patalata. Konseptong Taglay: - Ang pabula ay isang akda na produkto ng
imahinasyon at ang mga karater nito ay mga hayop. Ang mga hayop na ito
ang sumasalamin sa mga katangian ng tao sa tunay na buhay. Sa akda,
madali nating makikita ang mga pag-uugaling ito ng tao. Ang tigre na
lamang halimbawa ay makakakitaan ng pagkatuso at pagmamalabis. Sa
una ay nagawa nyang mangako na animo'y may labis na katapatan. Iyon ay
dahil may kailangan siya sa kaharap. Sa mga sitwasyong hirap na hirap ang
tao, kaya nyang gawin ang lahat upang makaalis lamang sa hirap ng
sitwasyong iyon. Nang makalabas ang tigre sa tulong ng taong naawa sa
kanya, naging mapagmalabis sya dahil ninais nyang kainin ito dala ng
matinding gutom. Kinalimutan nya ang pangako na tila ba hindi niya ito
sinabi. Gayon din ang tao na matapos matulungan ay nagagawang
kalimutan ang kanyang mga pangako. Iyon ay dahil hindi na sya
nahihirapan. Katulad na lamang kapag ang tao'y nangungutang, grabe ang
pagmamakaawa, ngunit pag siningil na ay siya pang galit. Tila ba walang
karapatan ang nagpautang na siya ay singilin. Sa mga sitwasyong tulad ng
nasa kwento, walang higit na makapagbibigay ng mahusay na hatol kundi
ang isang nilalang na labas at hindi kasangkot sa pinagtatalunang
sitwasyon. Hindi ang mga humuhusga lamang dahil sa kanilang sariling
karanasan at hindi rin ang mga may pinapanigan, kundi doon sa may
matapat na paghatol at sinusuri ng mabuti ang bawat detalye at dahilan
kung bakit humantong sa ganoon ang pangyayari. Sa tunay na buhay, iyan
ang dahilan kung bakit tayo may batas at gobyerno. Sila ang mga
nagiimbestiga at naglalatag ng mga katanggap-tanggap na hatol para sa
dalawang panig. Kagaya ng kontrata ng pagkakautang pasalita man o
pasulat, kung mayroon mang kalabisan sa isa sa dalawang partido, ito ay
pinag-aaralan at binibigyan ng tiyak at wastong solusyon ng mga
kinauukulan ayon sa batas na umiiral. Sa gayon, walang madedehado at
mabibigay sa bawat isa ang karapatan at hustisyang nakalaan para sa
kanila. Maipapataw din ang karampatang parusa sa mga nararapat na
tumanggap nito.

9. Anyo: Tuluyan Kontesktong Taglay: May mga pagkakataong, sinasadya


man o hindi, ay nakakasakit tayo ng ating kapwa, at ang mga hinanakit na
kinikimkim at hindi nasosolusyunan ay nagdudulot sa pansamatala o
tuluyang paglayo ng loob ng isa. Minsan ang pagputol ngugnayan ay
nakakabuti sa pansariling pag-unlad at pagmamahal. 10: Uri: Pasalinsulat
Kontekstong Taglay: Pagpapalaki sa anak. Ang mga anak ang nagmamay-
ari sa kanilang sarili. Maaari lamang silang gabayan ng kanilang mga
magulang patungo sa pagtanggap sa sarili at samahan sila sa pag-abot ng
kanilang ninanais makamtan ngunit hindi sila madidiktahan. Ang isang
magulang ay may paniniwala sa kakayanan ng kanyang anak. Kailanma'y
hindi dapat ang magulang ang gumawa ng landas ng kanilang anak sa
takot na magkamali ang mga ito dahil ang mga pagkakamali ay kasama sa
pag-unlad ng bawat isa

You might also like