You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education- Region X


Division of Valencia City
CENTRAL BUKIDNON INSTITUTE, INC.
S.Y. 2022-2023

FILIPINO –Grade 7
Learning Module- 2
1st Quarter

_____________________________________
Learner’s Name

_________________________
Parent’s Name & Signature

Teacher:
Bb. Decie Joy E. Albon
Cellphone Number: 09359244078
Email: albondeciejoy@gmail.com
Facebook: Decie Joy Suico-Esquerdo Albon
Week 2.1: Natalo Rin Si Pilandok
Memory Text: “Kayo’y magsipag-ingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopiya at
walang kabuluhang pandaraya, ayon sa sali’t saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng
sanglibutan, at di ayon kay kristo.” Colosas 2:8

Enabling Outcomes: (MELC)


Base sa gabay pangkurikulum, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.

Concepts (Generalization)
“Natalo Rin Si Pilandok”

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na panlilinlang o


panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa
pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang
natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa
paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta sa
paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na
baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring
makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang
lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom
na ako sa maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging
hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na
baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na
magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka naman baboy-
ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awing-awa nga sa kalagayan ng kausap.
“Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka
mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo.

2
Be Active (Pagsasanay)
Kung may isang tauhan na maaaring maihalintulad kay Pilandok, maaaring pinakamalapit dito si Tom sa
animated cartoon na Tom and Jerry. Si Tom ang pusang laging nanlilinlang sa dagang si Jerry. Mag-isip ka
kung sino sa mga kakilala mo ang may ugaling nahahawig kina Tom at kay Pilandok. Punan ang Venn Diagram
sa ibaba ng kanilang mga katangian. Maaaring gamitan mo na lang ng alyas ang kakilala mong ikukumpara mo
sa tauhan ng animation.

3
Ignite (Pagtataya)
Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat bilang? Maghinuha batay sa nabasa o
napakinggang akda. Bigyang-paliwanag din ang iyong hinuha.

1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop
a. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
b. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya
c. Pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
dahil______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang
landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
dahil______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang
ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a. Pumusta kami kay Suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo
b. Tama lang na nangyari iyan sa’yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw
naman ang nanlilinlang sa kanila
c. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop dito
dahil______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian
ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kailan siya magpapakumbaba
b. Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop
c. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait na si Pilandok
dahil______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng kanyang mga


kapwa hayop,ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’y nagipit
b. Iiwas na si Pilandok na manlilinlang o manloko ng ibang hayop
c. Hindi na ipakikita o ipaaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya
dahil______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4
IFL (Integration of Faith & Learning)
Experiential:

Maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong tuso at manloloko upang maiwasang maging biktima nito.

Week 2.2: Mga Ekspresyong Naghahayag ng


Posibilidad
Memory Text: “Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.” Jeremiah 29:13

Enabling Outcomes: (MELC)


Base sa gabay pangkurikulum, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na
panlapi; at
 Nakikilala ang mga salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad.

Concepts (Generalization)
Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba.

Posible Nga Bang Magbago ang Isang Tao?

“Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-tao na magbagong-buhay. Dapat na ang pagbabago ay
magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.”-Vivien Stern, a Sin Against the Future-Imprisonment in
the World

Ang isang tao, gaano man kasama ay maaaring magbagong-buhay subalit walang sinuman ang
makapagpapabago sa kanya. Tanging siya lamang ang makapagdesisyon para baguhin ang sarili niya. Madalas,
inaasam natin ang posibleng pagbabago ng ating kapwa lalo nang isang mahal sa buhay na naliligaw ng landas
o nalihis sa tuwid na daan. Iba’t ibang pamaraan o estratehiya ang ginagamit para mapagbago ang ibatulad ng
pagpaparusa, pakikiusap, panunuhol, at iba pa. gayunpaman, kung magbabago man ang taong ito ay paimbabaw
lamang. Tila ginagawa lamang ito para mapagbigyan ang taong umaasam ng kanyang pagbabago. Subalit kapag
ang mismong tao na ang nagdesisyong gusto niyang magbago, ito ang pagbabagong malalim at maykatiyakang
maisasagawa o mapaninindigan. Posibleng ang hindi magawa ng isang tao para sa kapwa ay mangyari ayon sa
kagustuhan at paraan ng Panginoon.

Pag-isipan at Pag-usapan:
5
 May posibilidad nga bang magbagong-buhay ang isang taong naliligaw ng landas? Ayon sa binasa,
sino lamang daw ang puwedeng makapagpabago sa kanya?
 Ano-anong pangyayari sa buhay ang madalas na nagiging dahilan para mapag-isipan ng isang taong
gusto na niyang magbago?
 Kung iuugnay mo ito sa naging desisyon ni Pilandok na magbago, masasabi kayang magiging
matagumpay siya dahil siya na mismo ang nagdesisyong gusto na niyang magbago? Magbigay ng
patunay.
 Maaari nga kayang makatulong ang taimtim na pananalangin sa Panginoon para sa pagbabago ng
iba? Maglahad ng mga halimbawang napanood, nabasa, o tunay na naranasan para makapagpatunay
rito.
May mga salita o ekspresyong ginamit sa tekstong binasa na nagsasaad ng mga posibilidad. Masasabi o
makikilala mo kaya ang mga ito? Basahin ang mga salitang nakasulat nang madiin sa teksto. Ang mga ito ay
nagsasaad ng posibilidad.

maari posible tila


Halina’t kilalanin ang iba pang salitang nagsasaad din ng posibilidad sa Isaisip Natin.

Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad

Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay nagpapahayag tayo ng mga posibilidad.


Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa tiyak o maisigurado o may pag-
aagam-agam pa tayo. May mga salita o ekspresyong ginagamit sa ganitong pagpapahayag tulad ng:

Baka Puwede kaya ang . . .


Maaari Siguro
Marahil Sa palagay ko
May posibilidad bang… Tila
Possible kayang. . . . Malamang

Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaasahang sagot ay maaaring positibo o
negatibo depende sa kung maaari nga bang magkatotoo ang bagay na inihahayag o itinatanong.
Halimbawa:
Usapan 1
Lianne: Posible kayang magkaroon ng snow sa Pilipinas?
Dona: Hindi possible ‘yan kasi kabilang ang bansa natin sa may klimang tropical kaya dalawang uri ng
klima lang ang nararanasan natin, ang tag-ulan at tag-araw.
Usapan 2
Ding: Posible kayang umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang uulan nga mamaya. Makulimlim kasi ang himpapawid.

Be Active (Pagsasanay)
6
Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat pahayag.

1. Maaari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng pilandok?
2. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na ito?
3. Sa tingin mo, possible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga hayop na
ito para hindi na sila pamarisan?
4. Baka mahirap iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating mga kagubatan.
5. Dapat sigurong maging mas mabigat ang parusang ibigay sa mga lalabag sa batas.
6. Sa palagay ko, makatutulong kung magkakaroon ng ngipin ang batas para maipatupad ang parusa sa
mga taong naninira sa ating mga likas na yaman.
7. Tila maganda ang suhestiyong ‘yan lalo na kung marami ang magkakaisa para maipatupad ito.
8. Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag-pansin sa iba para pangalagaan ang mga hayop sa
kagubatan?
9. Makabubuti kaya kung kukumbinsihin natin ang mga tao sa ating paligid tulad ng mga kapamilya at
kaibigan upang tumulong sa ating layunin para sa kalikasan?
10. Marahil, iyan ang pinakamabuting dapat nating gawin dahil walang imposible kung tayo’y sama-sama.

Ignite (Pagtataya)
Sagutin ang sumusunod na mga tanong nang buong pangungusap gamit ang mga salita o ekspresyong
naghahayag ng posibilidad. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong ginamit mo.

1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?


__________________________________________________________________________________

2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?


__________________________________________________________________________________

3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapo ka na?


__________________________________________________________________________________

4. Mangingibang-bansa ka kaya para doon na magtrabaho at tumira?


__________________________________________________________________________________

5. Paano ka kaya makatutulong sa pagpapabuti ng iyong pamayanan kapag nasa tamang edad at may
kakayahan ka na?
__________________________________________________________________________________

IFL (Integration of Faith & Learning)


Experiential:

7
Walang imposible sa ating panginoong Diyos. Lahat ay may posibilidad na malalampasan natin ang mga
problema sa buhay.

Reference/s:

Julian, A., Lontoc, N., Jose, C., et. al, (2018 ). Pinagyamang Pluma: Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan. Ikalawang Edisyon. 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

You might also like