You are on page 1of 3

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Seksyon: ______________________

Asignatura: Filipino 10 Guro: __________________________________ Iskor: ________________


_______________________________________________________________________________________________
Aralin : Maikling Kuwento
: Markahan 3, Linggo 4, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Pagsusuri
MELC : Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79)
Layunin : Nasusuri ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan
Sanggunian : LM Filipino 10, Panitikang Pandaigdig
Manunulat : Vivian A. Fontanilla

Maikling Kuwento
Isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol
sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa. Nangingibabaw rito ang isang
masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa maikling kuwento.
Nasasalig ito sa kaniyang panloob na anyo – ang isipan, mithiin, damdamin, at gayon sa
kaniyang panlabas na anyo, pagkilos at pananalita.

Gawain: Basahin ang buod ng maikling kuwentong “Ang Munting Bariles” ni Guy de
Maupassant.
May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto niyang
maangkin ang lupa ng isang matandang si Nanay Magliore. Ilang beses nang inalok at
sinubukang hikayatin ni Chicot si Magliore upang payagang bilhin ang kaniyang lupa ngunit
kadalasang tinanggihan ni Magliore si Chicot.
Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magliore, inalok niya ang isang
kasunduan na hindi siya magtangkang bilhin ang bahay pero babayaran niya ang matanda.
Kumunsulta ang matanda sa abogado sa sumunod na araw tungkol sa kasunduan at sa huli ay
pumayag siya. Tatlong taon na ang lumipas at nainis na si Chicot dahil malakas pa rin si
Magliore.
Inanyayahan niya si Magliore na bumisita at maghapunan sa bahay ni Chicot. Una,
naghanda siya ng masaganang hapunan subalit hindi masyadong kumain si Magliore.
Kaya inihanda niya ang munting bariles at inalok sa matanda ang alak. Hindi
tinanggihan ni Magliore at naengganyo siya na matikman ang alak, nalulong si Magliore sa alak
at nagbigay ito ng masamang epekto sa kaniya kaya siya namatay bago magpasko.
https://Philnews-ph/2019/08/23/munting-bariles-buod-ang-
buod-sa-kwento-ni-guy-de-maupassant/

Gawain: Suriin.
Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang tauhan?
2. Saan ang tagpuan?
3. Ano ang suliranin?
4. Ano ang ginawa ni Chicot upang mapapayag si Magliore na ibenta sa kaniya ang kaniyang
ari-arian?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay may mga Chicot kang nakikita?
Ilarawan
6. Anong pag-uugali ng mga tauhan ang masasabi mong tatak ng kanilang kultura? May
pagkakatulad ba o pagkakaiba ito sa ating kultura? Patunayan
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Seksyon: ______________________
Asignatura: Filipino 10 Guro: __________________________________ Iskor: ________________
_______________________________________________________________________________________________
Aralin : Maikling Kuwento
: Markahan 3, Linggo 4, LAS 2
Pamagat ng Gawain : Analohiya
MELC : Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t
isa (F10PT-IIId-e-79)
Layunin : Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t
isa
Sanggunian : LM Filipino 10, Panitikang Pandaigdig
Manunulat : Sheryl E. Lojente

Analohiya
Ito ay ang tawag sa proseso kung sinusuri o pinagkukumpara ang dalawang bagay, lugar,
ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas.

Halimbawa:
Tacurong: Talakudong, Esperanza: Hinabyog
Malapad: makipot, matalino: mahina

Panuto: Hanayin ang mga salita batay sa kaugnayan nito sa bawat isa. Ito ay batay sa buod ng
maikling kuwentong “Ang Munting Bariles” na makikita sa LAS 1. Piliin ang sagot sa kahon.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Gawain: A. Analohiya
1. Jules Chicot: mayamang negosyante, Nanay Magliore: ___________________________________
2. __________________________: Magliore, gustong bilhin ang lupa: Chicot
3. Negosyante: _______________________, abogado: tagapagtanggol
4. Nakalalasing: alak, pagkain: ___________________________
5. Magliore: matanda, ______________________: matalino

Chicot ayaw ipagbili ang lupa kasunduan


nakabubusog may-ari ng lupa mangangalakal

Gawain: B.
6. bulaklak: hardin, aklat: _______________________
7. berde: kapaligiran, asul: _______________________
8. espiritwal: kaluluwa, pisikal: ____________________
9. puso: katawan, ____________________: puno
10._____________________ :gutom, tubig: uhaw

kagubatan silid-aklatan tinapay


karagatan katawan prutas
Pangalan:___________________________________________Baitang at Seksiyon___________________
Asignatura: Filipino 10 Guro________________________ Iskor _________________________________
Aralin : Teaser o trailer ng pelikua
: Markahan 3, Linggo 4, LAS 3
Pamagat ng Gawain: Paghahambing
MELC : Nabibigyang – puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang anekdota
Layunin: : Naihahambing ang napanood na pelikula na may paksang katulad sa
binasang anekdota
Sanggunian : LM Filipino 10 MELC (F10PD-IIId-e-77)
Manunulat : Claire C. Marabi
Ang pelikula ay kilala bilang sine at pinilakang tabing. Sinasakop nito ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang isang bahagi ng gumagalaw na
larawan. Ang pelikula ay sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood.
Ang sangkap nito ay mga larawan, aktor, kwento, tunog, musika, iskrip,
sinematogprapiya, disensyong pamproduksyon, visual effects at direksiyon.
Teaser o Trailer – Isa itong maikling video na mula sa inaasahang pelikula na nakaka-
akit ng mga manonood. Ang teaser o trailer ay sunod-sunod ng mga eksena mula sa isang
pelikula, kalimitang pinapaikli ito upang bigyan ang mga maonood ng “review”. Ang kakanyahan
nito ay upang akitin o hikayatin ang mga manonood.
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal
Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa
kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung
saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas.
LM Filipino 10 pahina 236

Panuto: Sa iyong mga napanood na pelikula, pumili ng isa at ihambing ito sa iyong binasang
anekdota na "Ang Tsinelas”. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
PELIKULA ANEKDOTA

PAGKAKATULAD

You might also like