You are on page 1of 2

FIL 127: Panitikang

Panlipunan
PAGSUSURI BILANG 1

Pangalan:_______________________________________________________ Bilang sa klase: _______

Seksyon: ____________ Skedyul: ______________________________________ Petsa: _______________

FIL127: PAGSUSURI NG PANITIKANG PANLIPUNAN

I. Pamagat ng Akda: Si Pinkaw

II. Sinopsis ng Akda:

Ang kwentong Si Pinkaw ay isang maikling kwentong Hiligaynon na isinulat ni Isabelo S. Sobrevega. Si
Sobrevega ay isang Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng mga tauhang inalipusta at itinakwil ng
lipunan. Ang kanyang pinakatanyag na akda ay ang “Si Pinkaw” na naisalin sa wikang Filipino noong ika-14 ng
Agosto 1975. Ang kwentong “Si Pinkaw” ay isang maikling kwento sapagkat ito ay binubuo ng isang maikling
balangkas at nabibilang lamang ang mga tauhan nito.

Ang kwento ay nagsimula sa pagpapakilala sa pangunahing tauhan na si Pinkaw na isang taong


nawala sa tamang katinuan buhat nang masaklap na pangyayari sa kanyang buhay. Sa gitna ng kwento ay
binalik-tanaw ang kanyang buhay noong kasama pa niya ang kanyang mga anak at bago pa siya nabaliw. Si
Pinkaw ay nagtratrabaho ng marangal bilang mangalakal ng basura. Ngunit sa hindi inaasahan pangyayari ay
nagkasakit ang kanyang mga anak buhat nang malason sa inuwing pagkain ni Pinkaw mula sa kalakal. Dahil
walang tumulong sa kanyang gamutin agad ang kanyang mga anak at buhat nang kawalan ng mabilis na
akses sa pampublikong pagamutan ay namatay ang tatlo niyang anak na siyang dahilan kung bakit nabaliw si
Pinkaw.

Ang maikling kwento na ito ay sumasalamin sa totoong lagay ng ating mga mahihirap na kababayang
Pilipino. Inilarawan sa kwento kung gaano kahirap ang maging mahirap sa isang bansang may gobyernong
nagkukulang sa serbisyo. Ang maikling kwento ay nag-iwan ng mabigat na tanong sa bawat mambabasa na
“kung sino ba ang nasa tamang katinuan? Ang babaeng nabaliw buhat nang labis na pagmamahal sa pamilya
at kapwa ngunit siya ring tinalikuran ng lipunan? O ang mga taong labis ang pribilehiyo ngunit nakalimutang
maging makatao?”

III. Tema
Ang tema ng maikling kwento na “Si Pinkaw” ay kahirapan. Ang kahirapan ay inilarawan sa kwento bilang ugat
ng diskriminasyon sa ating lipunan. Makikita ito nang labis na nangangailangan ng tulong si Pinkaw upang
magamot ang kanyang mga anak ngunit wala ni isang tao ang tumulong sakanya maging ang mga doktor na
kanyang nilapitan.

IV. Pagsusuri sa Nilalaman ng Akda Gamit ang Pagdulog

Pagdulog na Sosyolohikal

Namayani ang paksang sosyolohikal sa maikling kwentong “Si Pinkaw”. Sa buong kwento ay kapansin-
Page 1 of 2
FIL 127: Panitikang
Panlipunan
PAGSUSURI BILANG 1

Pangalan:_______________________________________________________ Bilang sa klase: _______

Seksyon: ____________ Skedyul: ______________________________________ Petsa: _______________

pansin na inilalarawan ang kalagayan ng ating lipunan at ang pagkakaiba-iba sa katayuan ng buhay sa pagitan
ng mga mahihirap at mayayaman. Bagama’t nagsusumikap sa buhay at nagtratrabaho sa ilalim ng sikat ng
araw ay kakarampot lamang ang naiuuwing pera at madalas ay walang laman ang tiyan— ganyan ang buhay
ng mga mahihirap na Pilipino.

Ang pagkakaiba-iba sa katayuan ng buhay at kahirapan ang siyang ugat ng diskriminasyon laban sa
mga mahihirap na mamamayan. Ang diskriminasyon na ito ay maaaring nasa anyo ng pasalita, kilos,
pakikipagkapwa, at madalas ay lumalabag sa karapatan ng isang tao. Tulad ng pangunahing tauhan sa
kwento, maraming mga Pilipino ang hindi naaabot ng tulong pangkalusugan at medisina buhat ng maling
sistema at diskriminasyon. Ang labis na kamahalan ng serbisyong pangkalusugan at maling kalakaran ang
siyang balakid upang makamit ng mga mahihirap na Pilipino ang wastong gamot at kagalingan.

Pananalig na Humanismo

Ipinakita sa kwentong ito ang kalakasan at kahinaan ng tao bilang sentro ng mundo. Ang kalakasan at
kahinaan ni Pinkaw ay ang kanyang mga anak. Nagsumikap siyang itaguyod ang kanyang mga anak sa isang
mahirap ngunit marangal na trabaho— ang pangangalakal. Ngunit hindi naglaon ay kanyang mga anak ang
naging kanyang kahinaan. Dumating ang masaklap na pangyayari na nagdulot ng sabay na pagkamatay ng
kanyang tatlong anak na siyang nagwasak sa mundo ni Pinkaw at naging dahilan ng kanyang pagkabaliw.

V. Repleksyon
Sa bahaging ito, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1.Ilahad dito ang naging epekto sa iyo ng akda. Ang maikling kwento “Si Pinkaw” ay nagdulot ng pagkalungkot
sa akin buhat nang ito’y sumasalamin sa tunay na kalagayan ng ating kapwa Pilipino.
2. Paano makakatulong sa iyo ang akda? Ang kwentong ito ay siyang nagbukas sa aking puso’t isipan na
bilang isang estudyanteng MedTek na balang-araw ay magbibigay ng serbisyong medikal, paglilingkuran ko
ang bawat Pilipino anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
3. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang binabasa ang akda? Ang damdaming nagnanais ng
pagbabago sa lipunan.
4. Ano ang iniwang marka o mensahe sa iyo ng akda? Nag-iwan ito ng tanong saakin na kung gaano ba
kahirap ang tumulong sa taong nangangailangan?
5. Anong aral sa buhay ang iyong nakita sa akda? Tumulong ka sa iyong kapwa kahit walang kapalit.
Sapagkat walang katumbas na salapi ang salitang “pasasalamat”.
6. Paano mo maiuugnay ang nilalaman ng akda sa kasalukuyang panahon? Sa kasalukuyang panahon ay
hindi pa rin maayos ang serbisyong medikal sa ating bansa. Gaya ng pangyayari sa kwento,
nahihirapan pa rin ang ating mga kababayan na makamit ang serbisyong medikal na kanilang
kinakailangan. Nawa’y tutukan ng ating gobyerno ang pagpapalawig ng kalusugang pangkalahatan.

Page 2 of 2

You might also like