You are on page 1of 10

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8

Kuwarter 2

PANGALAN: __________________________________ LINGGO: 1.2


BAITANG/PANGKAT: GRADE 8 PETSA: ______

I. Panimulang Konsepto

Ang bawat tao ay may kakayahang magbigay sa iba na walang inaasahang


kapalit o kabayaran. Hindi lamang materyal na bagay ang maaaring maibigay natin
sa ating kapuwa o maging sila man sa atin, ngunit higit sa lahat ay ang mga
karanasan na kasama ang isa’t isa na nakaimpluwensiya ng malaki sa pagbuo ng
ating ganap na pagkatao. Maaring hindi natin ito namamalayan, subalit marami
silang naibibigay sa atin kung susuriin lamang natin ang ating buong pagkatao.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

5.2 (EsP8IIa-5.2) Nasusuri ang mga impluwensiya ng kaniyang kapuwa


sa kaniya sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.

III. Mga Gawain

Gawain I

Panuto: Tukuyin ang apat sa mga tao na nakaimpluwensiya sa iyo. Suriin kung
anong aspekto ang naging impluwensiya niya sa iyo. Isulat ito sa nakalaang kolum
sa ibaba.

Pangalan ng taong Impluwensiya Aspekto (Intelektuwal,


nakaimpluwensiya Pangkabuhayan,
Politikal, Panlipunan)
Hal. Tinuruan niya akong Panlipunan
Nanay Fe/magulang magmahal, rumespeto sa
aking kapuwa ng walang
pinipili.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
1
Pagsusuri:
1. Gaano kahalaga na may taong nakaiimpluwensiya sa iyong buhay? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________.

2. Nakatulong ba ang mga impluwensiyang naidulot sa iyo? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________.

Ngayon, nalaman mo na may mga tao na nakaimpluwensiya sa iyong buhay


sa iba’t ibang aspekto: Intelektuwal, Panlipunan, Pangkabuhayan at Pampolitikal.
Ang mga taong ito ay nag-iiwan ng kakaibang karanasan sa buhay na nagbigay o
nagdulot ng mga aral at karanasang bumuo sa kung anuman ang mayroon ka
ngayon.

Gawain 2

Impluwensiya Mo, Binuo Ako..

Isulat ang mga mahahalagang impluwensiya ng iyong kapuwa sa buhay mo


na maituturing mong nagpabago sa iyo. Pagkatapos, iguhit ang isang imahe ng tao
na binuo ng mga impluwensiya na iyong binanggit. Kung hindi mo kayang gumuhit,
puwedeng gumupit ka ng larawan sa mga lumang magasin o diyaryo upang
maipakita kung ano ang nagagawa ng impluwensiya ng kapuwa.

Gawain 3

Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
2
1. Tumayo si Emile sa gitna ng pangkat at sinabi:” Isa akong ordinaryong tao na
naniniwala na hindi niyo kayang gawin ang mga mararahas na bagay. Gusto
kong tulungan niyo ako upang mapatunayan ito sa buong mundo.” Pagkatapos
niyang magsalita, nilisan niya ang pangkat pero palihim na nakipag-usap sa
kaniya ang bawat miyembro nito tungkol sa tunay na nangyari. Anong aspekto
ang naimpluwensiyahan ni Emile?

a. Intelektuwal c. Pangkabuhayan
b. Panlipunan d. Politikal

2. Isang naglalako ng mask sa kalsada ang patuloy na kumikita sa kabila ng krisis


sa lipunan dahil sa COVID-19 na pandemya. Marami ang bumibili ng kaniyang
mga paninda. Isang araw naisip niya na mawawala ang byahe, wala siyang
mapagkukunan ng tela, sinulid at karayom at wala na siyang magagawa. Sinabi
niya ito sa kaniyang panganay na anak. “Tay, habang may mapagkukunan,
gagawa ka, at kikita ka pa rin”, sagot ng kaniyang anak. Anong aspekto ang
naimpluwensiyahan ng anak?

a. Intelektuwal c. Pangkabuhayan
b. Panlipunan d. Politikal

3. Anong aspekto ang naimpluwensiyahan ng pahayag na ito: “Kung gusto mong


kumain ang tao ngayon, bigyan mo siya ng isda pero kung gusto mong makakain
siya habang buhay, turuan mo siyang mangisda.”

a. Intelektuwal c. Pangkabuhayan
b. Panlipunan d. Politikal

4. Ang ating mga magulang ay may malaking impluwensiya sa anong aspekto?

a. Intelektuwal c. Intelektuwal at
b. Panlipunan Pangkabuhayan
d. Lahat ng aspekto

5. Ayon sa isang manunulat, “Ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang,


minsan kailangan din niya ang kaunting mantikilya.” Ano ang aspektong nais
na tukuyin nito?

a. Intelektuwal c. Pangkabuhayan
b. Panlipunan d. Politikal

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
3
IV. Pagpapalalim

Kailangan Kita at Kailangan Mo Ako…

Araw noon ng pagtatapos sa sekundarya, dalawampu sa amin ang pinatawag


ni Mr. York, ang aming guro sa Agham, sa isang misteryosong pag-uusap. “Bakit
kami?” ang aming katanungan.

Isa-isa niya kaming binigyan ng maliit na kahon. “Sa loob ng kahon na ‘yan
ay makikita ang isang perlas. Ang mga perlas na ‘yan ay sumisimbolo ng talento ng
bawat isa, mga bagay na kukunin niyo para sa inyo.”

Naalala ko pa na nagtatabi ng pera ang nanay ko para pangkolehiyo naming


magkapatid. Sabi niya sa amin, ang edukasyon ang magpapalaya sa amin sa lugar
na kinabibilangan namin. Subalit kahihiyan ang dinala ko sa pamilya namin. Kahit
gusto kong makapagtapos ng kolehiyo, nag-asawa ako pagkatapos ng hayskul.

Matapos ang 17 taon na pagkapit sa pangarap ng isang ina, habang nakatago


pa rin ang perang pangkolehiyo, umabot pa ng anim na buwan bago ko nabuo ang
lakas ng loob na mag-aral. Hindi naging madali ang kolehiyo para sa may mga anak
at makipagsabayan sa halos kalahati ang edad sa akin.

Pagkatapos ng ilang araw na bumalik ako sa aking pag-aaral nagkita kami ni


Mrs. York. Sinabi ko sa kaniya na binigyan kami ng asawa niya ng perlas at kung
paano nito itinulak ang pagbabalik ko sa pag-aaral, subalit sobrang hirap pala nito.

“Alam ko” sabi niya. “Ang asawa ko nag-umpisa sa kolehiyo ‘nung siya ay
nasa kaniyang ikatlumpong taon.”

Pagkatapos kong mag-aral, nakakuha ako ng trabaho bilang guro.

(Sipi mula sa kuwento ng buhay ni Marcia Evans, “A Pearl of Great Value”, Chicken
Soup for the Soul)

Nabasa mo ang kuwento ng buhay ni Marcia Evans at kung paano siya


naimpluwensiyahan ng kaniyang guro. Hindi matutupad ang pangarap ni Marcia at
ng kaniyang nanay kung walang Mr. York na naniwalang kakayanin niya.

Ang mga taong nakapalibot sa atin, saan man sila nanggaling at anuman ang
kanilang estado sa buhay ay may malaking papel na gagampanan sa ating mga
buhay. Nabubuo tayo dahil sa mga karanasan na ibinigay ng mga tao sa ating
paligid. Sila ang humuhubog sa ating mga aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
2
Ang mga aspektong nabanggit ay may mahahalagang papel na ginagampanan
sa ating pakikipagkapuwa. Ang mga ito rin ang bumubuo sa ating pagiging
panlipunang nilalang. Ang apat na aspektong ito ay mahuhubog lamang sa tulong
ng mga taong nakakasalamuha natin at mga taong nagkaroon ng ugnayan sa atin.

Pamamaraan ng Pagsuri sa Mga Impluwensiya

Upang lubos nating maunawaan ang mga impluwensiya sa iba’t ibang


aspekto, unawain muna natin ang mga ito at kung ano nga ba ang halaga nito sa
atin.

Sa artikulong inilabas ng Center for Creative Leadership, sinabi nito na ang


impluwensiya ang dahilan kung bakit natatapos ang gawain at nangyayari ang mga
bagay ayon sa ating mga kagustuhan.

Ang manunulat na si Bob Conklin habang binabalikan niya ang kuwento ni


Ralph Waldo Emerson at ng kaniyang anak na nahihirapang pasunurin ang isang
baka hanggang sa ang anak niya at ang baka ay nagtunggali na sa kuwadra. Habang
basang-basa siya ng pawis, halos mawalan na ng kontrol sa sarili si Emerson, nang
dumating ang kanilang tagapaglingkod na babae. Nginitian nito si Emerson at
inilagay ang kaniyang daliri sa loob ng bunganga ng hayop. Dahil sa ginawang ito
ng babae, ang baka ay tahimik na sumunod sa kaniya papasok sa kuwadra.

Sabi ni Conklin, “Ang tao ay parang ang baka.” “Maaari mo itong itulak na
gawin ang gusto mo, saktan mo upang gawin ang nais mo, pero hindi sila gagalaw.
Pero bigyan mo sila ng magandang dahilan, isa sa kanilang mga dahilan, bagay na
sila ang makikinabang, at susunod sila ng walang anumang pagtutol.” Ito ang
pamamaraan ng pag-iimpluwensiya.

Ngayon alamin na natin isa-isa ang mga impluwensiyang ito sa iba’t ibang
aspekto ng buhay mo.

Aspektong Intelektuwal

Ayon sa diksyunaryo, ang aspektong intelektwal ay tumutukoy sa kakayahan


ng tao na mag-isip ng masinsinan sa mga bagay na pinag-uusapan. Ito ay
naipapakita sa pamamagitan ng matalinong pakikibahagi sa mga usapan na
nagmumula sa mga masusing pag-aaral at pagsisiyasat at may halaga sa lipunan o
sa buhay ng isang tao.

Ang sino man na ating nakakasalamuha sa araw-araw ay may naibibigay na


kaalaman sa atin, bagama’t hindi lahat ay may magandang impluwensiya sa atin.
Subalit ayon sa mga eksperto, ang kaibahan lamang ng isang tao sa iba ay ang
pananaw niya sa mga nangyayari sa kaniya.

Sino-sino nga ba ang mga taong nakakaimpluwensiya sa ating intelektuwal


na aspekto?
RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
3
At ano-ano naman ang mga impluwensiyang ito?

Lahat ng taong nakakausap mo ay may impluwensiyang intelektuwal sa iyo,


subalit ang taong nakikita ang pamamaraan mo ng pag-iisip at estado ng iyong
kakayahang mag-isip ay nakakaimpluwensiya sa aspektong intelektuwal. Sila ang
mga taong nagpapakita sa iyo ng mga benepisyo at hindi magandang kalalabasan
ng mga magiging desisyon o iniisip mo. Karamihan sa mga taong nakapagpapakita
sa atin ng mga ito ay kadalasang lider, sila ang mga taong may mga angking galing
at dumaan na sa mga kaparehong sitwasyon.

Ngayon, masasabi mo na maaaring lahat ng tao sa paligid mo ay


makaiimpluwensiya sa iyong aspektong intelektuwal. Tama ang naiisip mo, sila na
iminumulat ang iyong kaisipan sa mas matalinong pagpapasya, sila ang
nakaiimpluwensiya sa iyong aspektong intelektuwal.

Aspektong Panlipunan

Ang tao ay namumuhay nang may kasama, mahalaga ito upang siya ay
maging panlipunang nilalang o social being. Kaya’t ang panlipunang aspekto ng
pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-unayan sa kaniyang kapuwa ay likas
sa kaniyang pagkatao o social nature of human beings (Pontifical Council for Justice
and Peace, 2004).

Maaaring naiisip mo na rin siguro na ang mga taong nakapalibot sa iyo ay


malamang nakaiimpluwensiya sa iyong aspektong panlipunan. Ang mga sosyolohiko
ay binigyang kahulugan ang aspektong panlipunan bilang aspekto na nakatuon sa
relasyon ng bawat indibidwal habang sila ay nasa iisang kapaligiran.

Ang mga impluwensiya sa aspektong panlipunan ay yaong mga makikita sa


mga pamamaraan natin ng pakikitungo sa kapuwa. Ang isang tao ay hinubog ng
kultura, komununidad at iba’t ibang sistema na nakagawian niya sa kaniyang
kapaligiran. Kalakip din nito ang mga pangarap o mithiin niya sa buhay. Ang mga
impluwensiyang ito ay tumutukoy sa pagbago ng kaugalian ng isang tao ayon sa
hinihingi ng kaniyang kapaligiran. Ang pakikitungong ito ay naipapakita sa
pamamagitan ng pakikisalamuha, peer pressure, pagsunod, pamumuno, at
paghikayat sa kapuwa. Ang impluwensiyang ito kung minsan ay hindi
namamalayan na nababago na pala ang pananaw ng isang tao.

Aspektong Pangkabuhayan

Ang hanapbuhay ay mahalagang aktibidad ng tao upang maipagpatuloy niya


ang kaniyang buhay dito sa mundo. Dahil sa mahalaga ito, kailangan ng isang tao
na mapayabong ang aspektong ito para magpatuloy ang kaniyang buhay.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
4
Ang aspektong ito ay naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang mga polisiya,
institusyon at proseso na naaapektuhan ang pagkatao ng isang tao. Ang
pangkabuhayang aspekto ay habambuhay na pakikipag-ugnayan ng isang tao sa
kapuwa upang manatiling buhay.

Aspektong Politikal

Naipahahayag ng tao sa iba’t ibang paraan ang panlipunang aspekto ng


kaniyang pagkatao. Ang pagtataguyod ng mga samahan at institusyon ng iba’t ibang
layunin ay paraan upang maipakita ng tao ang kaniyang aspektong politikal.

Ang aspektong politikal ay may malaking papel na ginagampanan sapagkat


dito nakasalalay ang iba’t ibang pangunahing serbisyo na kailangan ng mga
mamamayan. Ang politika ay mga gawaing may kinalaman sa pamumuno, ito ay
may malaking bahagi sa buhay ng tao sapagkat sa aspektong ito mas nasusubukan
ang pagiging mabuting pagkatao.

Iba-iba ang mga taong nakaiimpluwensiya sa atin sa aspektong ito. Alamin


natin ang mga ito.

Una-unang nababago ng ating kapuwa ay ang pananaw natin ukol sa


pamumuno ng isang lider. Maaari ding maipakita ng isang tao sa kapuwa niya ang
higit na pangangailangan kaya maaaring lumabas ang pagiging lider ng taong
naimpluwensiyahan nito.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bilang isang mag-aaral, paano naiimpluwensiyahan ng iyong mga kamag-aral


ang intelektuwal na aspekto ng iyong buhay? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________.

2. Mahalaga ba ang impluwensiya ng iyong kapuwa sa paghubog ng iyong


pagkatao? Bakit? Magbigay ng patunay.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
5
V. Rubrik sa Pagpupuntos

Para sa gawain na may mga katanungan.

Deskripsiyon Iskor/Puntos
Naipaliwanag ng malinaw ang idea at 5 puntos
saloobin patungkol sa mga katanungan
Hindi masyadong binigyang diin ang idea 4 puntos
at saloobin patungkol sa mga katanungan
Kulang sa pagpapaliwanag, hindi nasaklaw 3 puntos
ang hinihinging idea

Gawain 2
Impluwensiya Mo, Binuo Ako..

Mga Titingnan Puntong Dapat Isaalang-alang


Apel na biswal – 10 Pangkalahatang hitsura ng gawa
Nilalaman – 10 Nakapaloob ang mga impluwensiya ng kaibigan
Naipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
impluwensiya sa pagkakabuo ng pagkatao
Pagkakabuo – 10 Ang mga impluwensiya ang nagsisilbing
hugis/imahe ng tao
Kabuuan- 30

VI. Sanggunian

Canfield, J. and Hansen, M.V. Chicken Soup for the Soul. 1993. Health
Communications, Inc. Florida, USA.

Dellaert M. and Davydov, S. Influencing: The Skill of Persuasion. 2017. Center for
Creative Leadership. Nakuha sa: https://www.ccl.org/wp-content

Maxwell, J. C. Be a People Person. 2010. Christian Growth Ministries, Inc. Colorado,


USA.

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. (2013)


Kagawaran ng Edukasyon. Pasig, Pilipinas.
Spot Hugot Lines. Nakuha sa: Google.com

Inihanda ni : FREETZY P. BULTRON


Palanas National Agriculture High School
RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
6
SUSI SA PAGWAWASTO (Kopya para sa Guro)

Gawain 1

Pangalan ng taong Impluwensiya Aspekto (Intelektuwal,


nakaimpluwensiya Pangkabuhayan,
Politikal, Panlipunan)
Hal. Tinuruan niya akong Panlipunan
Nanay Fe/magulang magmahal, rumespeto sa
aking kapuwa ng walang
pinipili.
Ana/nurse Tinuruan niya ako kung Pampolitikal
ano ang kahalagahan ng
pagsusuot ng facemask at
faceshield at pagsunod sa
health protocols
naipinatutupad ng
gobyerno upang
maproteksyonan ko ang
aking sarili laban sa
COVID-19.
Bb.Ruby/guro Tinuruan niya ako nang Pangkabuhayan
wastong paraan ng
pagtatanim sa aming
bakuran, upang may
mapagkunan kaming
sariwang gulay na hindi
na naming bibilhin.
Josie/kaklase Tinuruan niya ako sa mga Intelektuwal
aralin sa asignaturang
Matematika.

Gawain 2

Ang mga mag-aaral ay guguhit o gugupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga


impluwensiya ng kanyang kapwa at kung ano ang naging epekto nito sa kaniyang
buhay. Gawing gabay ang rubrik.

Gawain 3
1. D
2. C
3. C
4. D
5. A

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
7
Pagpapalalim
1. Naiimpluwensiyahan ako ng aking kamag-aral sa aspektong intelektuwal, sa
pamamagitan ng pagtuturo at paggabay niya sa akin sa mga aralin na
nahihirapan akong unawain.
2. Opo. Mahalaga ang impluwensiya ng aking kapuwa sa akin, dahil
nakatutulong ito sa pagbuo ng aking pagkatao na magagamit ko rin sa
aking pakikipagkapuwa o pakikisalamuha sa iba.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 2
8

You might also like