You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL

Filipino 6
Ikatlong Markahan - Gawaing Papel Blg. 1

Pangalan: __________________________________________ Petsa: __________


Pangkat: ____________________________________________ Iskor: __________

Kasanayan: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/binasang ulat o


tekstong pang-impormasyon. ( F6PB-llld-3.1.2 ) ( F6PB- lllc-3.2.2 )

I. Maikling Pagpapakilala ng Aralin:


Ang tekstong impormatibo/pang-impormasyon ay nagbibigay ng mga napatunayan at
kinikilalang tama na mga impormasyon ukol sa partikular na paksa na iyong hinahanap. Ito
ay maaaring magbigay ng ibang kahulugan o mahabang teksto ukol sa mga impormasyon
ng isang bagay.Ito ay hindi nakabatay sa mga opinyon ng mga tao o kanilang mga nais
sabihin ukol sa paksa.
Nakalahad dito ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop
at iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,gayundin sa mga nagyayari sa
paligid.Nangangailangan ito ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at
detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan
ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
II. Unang Pagsubok:
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na talambuhay at sagutin ang mga tanong base dito.

Maikling Talambuhay ni Manuel L. Quezon

Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ang unang pangulo ng
Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio
Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi
kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora)
noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro.
Nakipaglaban kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang
katulong ni Emilio Aguinaldo.Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng
pagkapangulo ng Pilipinas kina Emilio Aguinaldo at Bishop Gregorio Aglipay.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
tumakas siya papuntang Estados Unidos.Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa
Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing
ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa
Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon
Memorial Circle.Ipinangalan sa kanya ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan
ng Quezon.

1
Mga tanong:
1. Ano ang bagong katawagan ngayon sa lalawigan ng Tayabas?
________________________________________________________

2. Sino-sino ang mga nakalaban ni Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng


Pilipinas?
__________________________________________________________________
3. Ibigay ang pangalan ng lugar kung saan siya namatay sa sakit na tuberkulosis.
__________________________________________________________________
4. Saan unang inilibing ang kanyang labi?
___________________________________________________________________
5. Anong Lungsod sa kalakhang Maynila ang isinunod sa kanyang pangalan?
___________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto:Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan tungkol dito.

Mga tanong:
1. Ano ang dapat unang gawin kung ikaw ay posibleng may sintomas ng covid-19?
_______________________________________________________________________

2
2. Ano ang pinakamabisang bagay na dapat gamitin at isuot kung ikaw man ay
kailangang nasa paligid ng ibang mga tao sa loob man o labas ng bahay?
_______________________________________________________________________
3. Ibigay ang mga dapat iwasan na pakikigamit ng gamit kung ikaw ay nasa loob ng tahanan at
inoobserbahan ang kalagayang pangkalusugan?
_______________________________________________________________________
4. Isa-isahin ang ang mga bagay na dapat gamitan ng spray sa paglilinis o pagpupunas ng
basahan.
_______________________________________________________________________
5. Ilang segundo dapat patagalin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig?
_______________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa teksto.

Marami sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng depresyon. Ang depresyon ay


isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang “mood” na sinamahan ng
mababang pagtingin sa sarili. Kung saan nawawala ang pagpapahalaga sa sarili, kawalan ng
interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Para sa iba ay isa lamang
itong simpleng sakit sa pag-iisip o “mental illness” ngunit nakakarimarim isipin na maaaari itong
maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay. Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nagdudulot
ng depression ang social media ay dahil sa dala nitong ‘standards’ o pamantayan. Pangunahing
pamantayan na itinuturo ng social media ay ang ‘beauty standards’ at ‘social standards. Matapos
mag-post, ang dami ng likes, comments at followers ang magtatakda ang self-confidence at
kasikatan ng isang tao. Sa kabilang banda hindi lamang papuri ang maaaring makita online,
nariyan ang mga bastos at mapanirang komento. Hindi maipagkakait na maraming kabataan
ang lumalabas sa depresyon. Maaring ito ay sanhi ng “bullying”, “cyberbullying” o problema sa
pamilya. Ang depresyon ay hindi dapat isinasawalang bahala. Maaari tayong makaligtas ng
buhay kapag tayo ay nagpakita ng malasakit sa kapwa natin.

https://philippineone.com/depresyon-dahan-dahang-pumapatay-sa-ating-mga-kabataan/

1. Ang _______________ ay isang sakit sa pag-iisip na marami sa mga kabataan sa ngayon ang
nakararanas.
a. mababang mood b. depresyon c. mababang pagtingin sa sarili

2. Sinasabi ng iba na ito ay simpleng sakit lamang sa pag-iisip subalit ito ay maaring ________ ng
buhay ng isang nilalang.
a. magbigay b. nakaririmarim c. kumitil

3. Ano-ano ang maaaring maging sanhi ng depresyon?


a. papuri b. bullying o problema sa pamilya c. magandang komento

4. Bukod sa papuring makikita online, ano pa raw ang pwedeng maranasan dito?
a. bastos at mapanirang komento b. pagmamalasakit c. pagiging sikat

5. Ano ang maaari mong maitulong kung may kakilala kang nakararanas ng depresyon?
a. ito ay ipagwalang-bahala
b. magpakita ng pagmamalasakit
c. iwasan at insultuhin ang taong nakararanas nito.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL

Filipino 6
Ikatlong Markahan - Gawaing Papel Blg. 2
Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _______________
Pangkat: ________________________________________________ Iskor: _______________

Kasanayan: Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong nabasa / napakinggan. ( F6PN- lll3-19 )

I. Maikling Pagpapakilala ng Aralin:


Ang lagom o buod ay presentasyon sa pagbuo ng isang maikling balangkas ng mga
mahalagang impormasyon na nakapaloob sa isang pananaliksik. Dapat ito ay payak at tiyak.
Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na alamat at pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang
pangyayari sa kwento upang mabuo ang lagom nito.

Ang Alamat ng Rosas


Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil sa
natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinagkakaguluhan si Rosa ng mga
kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio na
kausap ang kanyang mga magulang at humihingi ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang
pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa
kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote.
Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa
masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung
bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap
ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narinig. Nadurog ang kanyang puso
sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay. Nag-aalala
naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si
Rosa at pati na rin sa sumunod na mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio.
Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay ng bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni
Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing walang
sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
Mahahalagang pangyayari sa kwento:

- Hindi na nakita si Rosa mula ng araw na iyon.


- Isang magandang dalaga na nagngangalang Rosa ang kilala sa kanilang nayon dahil sa
angking ganda at mapupulang pisngi.
- Humingi ng pahintulot si Antonio sa mga magulang ni Rosa upang siya ay maligawan.
- May tumubong halaman sa tagpuan nina Rosa at Antonio.Ito ay tinawag na rosas dahil
nagpapaalala ito ng mapupulang pisngi ni Rosa.
- Natuklasan ni Rosa ang panloloko ni Antonio at nadurog ang kanyang puso.
1
1. ______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga katanungan hinggil dito.
Ang Agila at ang itim na sisiw ni Jose

Lumaki sa bukid ang batang si Jose. Anak siya ng magsasaka na si Mang Tino at isang maybahay na si Aling Carmen.
Bukod sa pagsasaka ng ama niya, nabubuhay rin sila sa pag-aalaga ng mga hayop. May mga manok sina Jose. Katulad ng tatay
niya, mahilig rin siya dito kung kaya’t binigyan sya ng ama niya ng isang inahin. Nagkaroon ng limang itlog ang inahin na iyon at
naging sisiw. Sa limang sisiw, isa lang yung kulay itim. Ang itim na sisiw ay siyang palaging pinupulot ni Jose kung saan-saan dahil
lumalayo siya sa kanyang mga kapatid. Hindi alam ng bata na inaaway pala ito ng mga kapatid niyang sisiw. “Pangit! Pangit! Hindi
ka namin siguro tunay na kapatid dahil iba ang kulay mo sa amin,” sabi ng pinakamaganda sa magkakapatid na sisiw sa itim na
sisiw. Kung saan pumupunta ang inahin ay sumusunod rin ang apat na sisiw maliban sa itim na sisiw. Nagpapa-iwan na lang siya
upang hindi na awayin ng kanyang mga kapatid. Ang pangit-pangit ko nga siguro kaya ayaw nila sa akin. Mabuti pa si Jose palagi
akong pinupuntahan,” sabi ng itim na sisiw sa sarili niya. Mahal na mahal ni Jose ang itim na sisiw at hindi maikaka-ila na paborito
niya ito. Subalit, hindi niya alam na malungkot ito sa pinanggagawa ng mga kapatid nito. Isang araw, inubusan nila ng pagkain ang
itim na sisiw. Mabuti na lamang at may natira sa pagkain ng isa sa mga tandang nila ni Jose. Doon siya naki-kain habang tulog ang
tandang. “Pangit! Pangit! Kunin ka na sana ng agila!” sigaw ng isang sisiw habang nakiki-kain ang itim na sisiw sa kainan ng
tandang. Nakita siya ni Jose, kinuha, at dinala sa loob ng bahay nila. Nilalaro siya ng bata. Paglabas ni Jose, saktong nakita niyang
parating ang agila at kukunin na nito ang mga kapatid ng itim na sisiw. Sumigaw si Jose at sinubukang takutin ang agila pero wala
siyang nagawa. Nakuha ng agila ang apat na kapatid ng itim na sisiw at hindi na ito bumalik kailan pa man. “Walang pinipili ang
agila pagdating sa sisiw na kukunin. Mag-isa man ito o marami sila, talagang kukunin niya pag gusto niya,” paliwang ng tatay ni
Jose. Lumaki ang itim na sisiw at mas lalong naging paborito siya ni Jose. Nagkaroon siya ulit ng mga kapatid dahil umitlog muli
ang inahin ni Jose ,ngunit, ligtas na sila sa agila dahil sinigurado ito ng bata na hindi na muling mangyayari yun.

Mga tanong:

1. Sino ang sinasabing mahilig sa hayop at binigyan ng isang inahin upang alagaan.
______________________________________________________________________

2. Bakit daw lumalayo ang sisiw na itim sa kanyang mga kapatid na sisiw?
______________________________________________________________________

3. Ano ang nangyari sa apat na sisiw na kapatid ng itim na sisiw isang araw?
______________________________________________________________________

4. Bakit hindi nakasama ang itim na sisiw sa kanyang mga kapatid nang kinuha ng agila?
_______________________________________________________________________

5. Ibigay ang aral na nakapaloob sa kuwento.


_______________________________________________________________________.
2
Gawain 3
Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Si Amboy at Ang Saranggolang Di Marunong Lumipad

Sa probinsya ng Tipayao, maraming bata ang mahilig magpalipad ng saranggola tuwing


hapon. Isa na doon si Amboy, anak ng mag-asawang mangingisda na sina Mang Pedro at Aling
Susan.May tatlong nakakatandang kapatid si Amboy – ang kanyang Kuya Tonyo, Kuya Abel, at Ate
Susie. Subalit, parehas na may kanya-kanyang pamilya ang mga kapatid ng dalawang-taong gulang
na bata kung kaya’t bumukod na ang mga ito. Dahil abala rin sina Mang Pedro at Aling Susan sa
pangingisda, kadalasan, nag-iisa si Amboy at naglalaro ng saranggola na ‘di maka lipad-lipad. Dahil
dito, palagi siyang tinatawanan ng mga kalaro niya. “E, wala naman pala iyang saranggola mo
Amboy, kasing bigat ng bato siguro iyan,” sabi ng kalaro niyang si Lito.Sa kabila ng mga kantyaw
ng mga kalaro niya, patuloy pa ring sinusubukan ni Amboy na paliparin ang saranggola niya.
Ginawan niya ng bagong paripa ang laruan niya at pinalitan niya rin ang pabalat nito. Kinabukasan,
sinubukan ulit ni Amboy na paliparin ang saranggola niya. Ngunit, sadyang hindi pa rin ito lumipad
at sumabay sa ihip ng hangin gaano man kalakasHabang ang bata ay patuloy na sinusubukan
paliparin ang laruan niya, ang iba niyang kalaro ay masaya nang tumatakbo bitbit ang tali ng mga
saranggola nilang lumilipad sa hiHindi pa rin sumuko si Amboy. Pag-uwi niya, naghanap siya ng
kawayan at gumawa siya ng bagong sumba. Nadatnan siya ng ama niyang inaayos ang saranggola
niya. “Halika ka nga rito, dalhin mo ‘yan rito,” sabi ni Mang Pedro sa anak niya.Inayos ng ama ang
saranggola ng anak niya. Bakas naman sa mga mata ni Amboy ang kasiyahan na makitang inaayos
ng tatay niya ang laruan niya. Pagkatapos noon, dali-dali siyang pumunta sa bakuran nila at
sinubukan ito. “Tay, lumilipad na siya! Ang galing niyo po,” sigaw ni Amboy habang mangha-
mangha sa paglipad ng saranggola niya. Napa-iyak si Mang Pedro sa narinig mula sa anak niya.
Nakita niya kung gaano kasaya si Amboy. Doon siya nakaramdam ng awa sa bunso niya na parang
lahat sila ay wala nang oras para sa kanya. Simula noon, umuuwi na ng maaga sina Mang Pedro
at Aling Susan. Habang naghahanda ng hapunan nila si Aling Susan, ang asawa at bunso niyang
anak ay magkasama sa pagpapalipad ng saranggola. “Salamat tay, kung ‘di dahil sa iyo, hanggang
ngayon ‘di lumilipad ang saranggola ko. Salamat at palagi na rin kayong umuuwi ng maaga ni
Nanay,” sabi ni Amboy sa ama niya habang naglalakad sila pauwi. Ngumiti na lamang ang
mangingisda sa sinabi ng anak niya. Sa isip niya, napagtanto niya na ang isang bata ay para ring
saranggola. Iba pa rin pag-inaalalayan ng mga magulang sa paglipad at pag-abot ng nais niyang
marating.

Mga tanong:

1.Ano ang pangalan ng bunsong anak nina Aling Susan at Mang Pedro?
______________________________________________________________________________

2. Ibigay ang libangan ng mga batang katulad ni Amboy sa kanilang lugar.


______________________________________________________________________________

3. Bakit napaiyak si Mang Pedro nang natapos at napalipad ni Amboy ang ginawa niyang
saranggola? ____________________________________________________________________

4.Sino-sino ang tatlong kapatid ni Amboy?


______________________________________________________________________________

5. Ipaliwanag: Ang bata ay parang saranggola, dapat inaalalayan ng magulang sa paglipad at


pag-abot ng nais marating. ________________________________________________________

______________________________________________________________________________
3

You might also like