You are on page 1of 14

1

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 2

Matang Lawin!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Matang Lawin!

Unang Edisyon, 2020


Karapatang sipi © 2020
La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Loida G. Dulay, Halog East ES, Tubao District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos, Jr.

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo!


Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot
ang naunang mga gawain.
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo. Naglalaman ito
ng mga aral na tiyak na kagigiliwan mo.
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
• Naiuulat ang mga naobserbahang pangyayari sa
pamayanan (F3PS 3.1)
• Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga
natuklasang kaalaman sa binasang teksto (F3 PB 11.15 /
F3PB.15)
Aralin
Pag-uulat ng mga Naobserbahang
1 Pangyayari sa Pamayanan

Simulan
Panuto : Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol
dito.

Sumulat ng pag-uulat na may dalawa hanggang apat na


pangungusap tungkol sa ginagawa ng bawat isa. Anong
kaalaman ang nakita mo sa larawan?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Lakbayin
Ang isang kuwento ay may mga elemento gaya ng tauhan,
tagpuan at mga pangyayari. Sa pagsulat ng talatang nag-uulat,
kinakailangang dapat nating tandaan ang mga mahahalagang
detalye.

Galugarin

Panuto : Basahin ang kuwento na inihanda para sa iyo.

Ang Pagtutulungan
Isang araw pumunta ang pamilya nina Mang Juan at Aling
Juana sa kanilang barangay upang tumulong sa araw ng paglilinis.
Bawat isa ay may kanya-kanyang gawain. May nagwawalis ng
daan, naglilinis ng estero, may naghihiwalay ng basurang
nabubulok at di-nabubulok, mayroon ding nagtatanim ng mga
bulaklak at mga puno upang lalong gumanda ang paligid.
Masaya silang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Nagpasalamat ang kapitan ng barangay sa pagtutulungan ng
lahat.

Tama ba ang ginawa ni Mang Juan at Aling Juana? Dapat


ba tayong tumulong sa ating pamayanan? Sumulat ng pag-uulat
na may dalawa hanggang tatlong pangungusap.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Palalimin

Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos, sagutin ang


sumusunod na tanong.

Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno


Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng
Bataaan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha
Fire Brigade and Brotherhood Association Manila ang
maghapong paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng
pagdiriwang ng Earth Day kahapon.
Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco
Corporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles
Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nangunguna sa pagtatanim
ng may 400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite,
Mariveles.
Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na
mahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid
upang malinis ang hanging ating nalalanghap at
mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon ang likas na
yaman.
Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng
Recycling 129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis.

Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyo


pinapahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar?

Sumulat ng pag-uulat na may tatlo hanggang apat na


pangungusap.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Sukatin
Sino sa iyong kapamilya ang maituturing na matagumpay sa
larangang pinili? Ano-ano kaya ang kanyang mga ginawa para
magtagumpay? Kausapin o tanungin mo siya at saka mo iulat ang
tatlong pinakamahahalagang bagay na ginawa niya kaya siya
nagtagumpay.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Naiuulat nang maayos at buong linaw ang
naging bunga ng pakikipanayam o
pagtatanong
Nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba ang
mensahe ng inulat
Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 2 – Di gaanong
mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di Mahusay
3 – Katamtaman
Aralin
Bagong Kaalaman Base sa
2 Natuklasang
Kaalaman sa Kuwento

Simulan

Panuto: Basahin ang seleksyon.

Benepisyo ng Tsokolate

Isa sa mga karapatan ko bilang bata ay mabigyan ng sapat


at masusustansiyang pagkain. Tungkulin ko naman na panatilihing
malusog ang aking pangangatawan. Kailangang piliin ko ang
aking mga pagkain. Pero hindi naman ibig sabihin nito, hindi na ako
kakain ng mga pagkaing talagang gusto ko tulad ng tsokolate.
Sabi nila masama ito sa aking kalusugan lalo na sa aking ngipin.
May nabasa ako na hindi naman pala sa lahat ng
pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa ating
katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng tsokolate. Sa totoo
lang may ilang benepisyo rin ang nakukuha dito. Ilan sa mga ito ay:
Nakakapayat. Tama ang pagkabasa mo,
nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng
marami na ito ay nakatataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga
eksperto sa University ng California, natuklasan na
nakakapagpabilis ng metabolism ang tsokolate. Dahil dito, agad
na natutunaw sa ating katawan ang calories na nagiging sanhi ng
pagtaba.
Nakapagpapatalino. Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi
muna kumain ng ilang bar ng tsokolate para mas gumana ang
iyong IQ? Ang dark chocolate ay mayaman sa kemikal na
nakapagpapaalerto sa utak ng tao. Ito ay flavonoids.
Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy na dugo na patungo sa
utak.
Nagpapalakas. Mahusay itong baunin kung ikaw ay
namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang theobromine na taglay
nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay
matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda rin itong
pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang energy
producer.
Nakakaalis ng kulubot sa mukha o balat. Kung ang mga
prutas at gulay ay nagtataglay ng antioxidants, gayundin ang
tsokolate na siyang nagbibigay ng makinis na mukha o kutis sa iyo.

Sa isang talaan tulad ng nasa ibaba, isulat ang mga dati


mong alam tungkol sa pagkain ng tsokolate. Sa tapat nito, isulat
naman ang bago mong nalaman tungkol sa pagkain na ito.

Noon Ngayon
Lakbayin
Ang mga kuwento ay nagbibigay ng mahahalagang
bagong impormasyon o mga kaalaman. Maari ka ring makagawa
ng isang bagong kuwento mula dito.

Galugarin

Panuto: Basahin ang maikling kuwento, pagkatapos ay sagutin


ang sumusunod na tanong.

“Ang Nakababagot na Araw”

Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking pinsan. Noong


una ay ayoko munang sumama dahil sila ay nakatira sa malayong
baryo. Pero wala akong magawa.
Unang araw pa lamang ay inip na inip na ako dahil wala
akong malaro. Hindi pinadala ang aking PSP. Wala ring computer
shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang aking laruang robot at
kotseng de-remote. Nakababagot talaga.
Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana nakita
ko ang aking pinsan at iba pa nilang kaibigan na masyadong
naghahabulan. Nagtaka ako dahil nakita kong may latang
pinatumba gamit ang tsinelas bago sila magtakbuhan. Kitang-kita
ko ang kasiyahan sa mukha nila.
Maya-maya, kumaway ang pinsan ko at pinalabas ako sa
bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan nila.
Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag sa larong iyon.
Isinali rin nila ako sa patintero, luksong baka, at piko. Nawala sa isip
ko ang computer games pati na ang aking laruan.
1. Sa mga larong pinoy na alam mo, alin ang pinakagusto mo?
___________________________________________________
2. Anong bagong kaalaman ang nalaman mo tungkol sa
kuwento?
___________________________________________________

Palalimin

Panuto: Basahin ang seleksyon.

Si Langgam at Si Tipaklong

Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya


tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan.
Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta – kanta
lang. Panay ang pamamasyal. Kung pagod na siya ay matutulog
na siya. Nang dumating ang tag-ulan, walang naipong pagkain
ang tipaklong.
Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan
siya na mayroon siyang sakit.
Pinagsabihan ni langgam si tipaklong. “Iyan ang sinasabi ko
sa’yo. Hindi ka nag-ipon ng makakain noong tag-araw. Tapos
ngayon, hihingi ka sa akin. O sige, bibigyan kita ngayon, pero sa
susunod ay hindi na.”
Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay
langgam. Nangako siya sa sarili na magiging masinop na rin siya
para mapaghandaan ang tag-ulan.

Aral : Kailangang maging masinop. Kung may itinago, may


madudukot.

Pagkatapos mong mabasa ang pabula ay tiyak na may mga


bagong aral o kaalaman kang nakuha mula sa mga nagging
karanasan nina Langgam at Tipaklong. Ano ang gagawin mo sa
sumusunod na mga sitwasyon?
1. Kung dati ay hindi ako nagtitipid at nag-iipon, ang gagawin ko
ngayon ay _________________________________
_______________________________________________________.
2. Kung dati ay hindi ako nakikinig sa mabubuting payo ng mga
kaibigan o mahal ko sa buhay, ang gagawin ko ngayon ay
___________________________________________
_______________________________________________________.
3. Kung dati ay hindi ako basta nagpapatawad o nagbibigay ng
isa pang pagkakataon sa taong nagkakamali, ang gagawin ko
ngayon ay ______________
_______________________________________________________.

Sukatin
Panuto:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento, pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na tanong.

Si Carlo

Si Carlo ay nasa ikatlong baitang. Araw-araw ay ginigising siya


ng Lolo niya bago pumasok sa paaralan. Palagi kasi siyang
nagpupuyat sa panonood ng TV. Paminsan-minsan lang siya
nagbabasa at nag-aaral ng leksiyon. Palagi siyang naglalaro.
Paminsan-minsan lang siyang tumutulong sa gawaing bahay. Pero
nagpag-isip-isip niya na hindi nakabubuti sa kanya ang kanyang
ginagawa. Di nagtagal siya ay nagbago.

1. Kung dati ay hindi ako tumutulong sa mga gawaing bahay,


ang gagawin ko ngayon ay _________________
___________________________________________________.
2. Kung dati ay hindi ako nag-aaral ng aking leksiyon, ang
gagawin ko ngayon ay ________________________
______________________________________________
Aralin 1 Aralin 2
Simulan Simulan
- ( Maaring magkakaiba ang mga - ( Maaring magkakaiba ang mga
sagot ng mga bata ) sagot ng mga bata )
Galugarin Galugarin
- ( Maaring magkakaiba ang mga - ( Maaring magkakaiba ang mga
sagot ng mga bata ) sagot ng mga bata )
Palalimin Palalimin
- ( Maaring magkakaiba ang mga - ( Maaring magkakaiba ang mga
sagot ng mga bata ) sagot ng mga bata )
Sukatin Sukatin
- ( Maaring magkakaiba ang mga - ( Maaring magkakaiba ang mga
sagot ng mga bata ) sagot ng mga bata )
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian

A. Mga Aklat

• Batang Pinoy Ako


Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 3
• Ikalawang Edisyon
Pinagyamang PLUMA
Wika at Pagbasa sa Elementarya
Alma M. Dayag

You might also like