You are on page 1of 11

Si Pinkaw

Uri ng Maikling Kuwento


Isipin Mo.
• Sinasabing ang ating mundo ay mandaraya. Ang ating
pagtrato kasi sa kapwa ay nakabatay sa kanyang
kalagayan sa buhay. Kapag masalapi ang tao ay
karaniwang iginagalang o tinitingala at gusto maging
kaibigan ng lahat kahit pa nga ang kanya palang yaman
ay galling sa masama samantalang ang taong mahirap
kahit gaano kabuti ang kalooban ay hindi nabibigyan ng
gayong pagkilala dahil lang sa kanyang kahirapan.
Alam mo ba?
• Lalong dumarami ang mga tao sa buong mundo na naninirahan sa
tinatwag na slum are o lugar ng mga informal settler kung saan kakambal
din nito ang paglaki ng problema sa maayos na satinasyon, pabahay, at
mga isyung pangkalusugan. Nagbabala ang UN Word Economic and
Social Survey 2013 na ang kasalukuyang bilang ng mga taong nasa
kalagayang ito na nasa isang bilyon ay lolobo ng hanggang tatlong bilyon
sa taon 2050 kung hindi maaawat ang mabilis na urbanisasyon o pagdami
ng populasyon sa mga lungsod o siyudad.
Sa Pilipinas, umaabot sa 22.8
milyon ang bilang ng mga
maralitang tagalungsod na
naninirahan sa mga slum area. Ito
ay ayon sa pagtataya ng UN
habitat, ang ahensiya ng United
Nation na nangangasiwa sa
pabahay.
Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuwento ng Katutubong Kulay- sa kuwentong ito binibigyang-diin
ang mga tagpuan na kinabibilangan ng lugar at panahon kung kalian
naganap ang kuwento.
2. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa mga kapanapanabik na
pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari ang binibigyang-
diin at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.
3. Kuwento ng Kababalaghan-Mga di-kapani-paniwalang pangyayari
bukod pa sa mga katatakutan ang siyang diin ng kuwentong ito.
Uri ng Maikling Kuwento
5. Kuwento ng Katatawanan- Ang diin ng kuwentong ito’y mga
pangyayari at diyalogong nakapagpapatawa at nakapagbibigay-aliw sa mga
mambabasa.
6. Kuwento ng Pag-ibig- Nangingibabaw sa kuwento ang pag-ibig na
karaniwang sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal
7. Kuwento ng Kaisipan o Sikolohikal- Sa kuwentog ito sinisikap pasukin
ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
8. Kuwentong Talino- ang kuwentong ito ay punompuno ng suliranong
hahamon sa katalinuhan ng babasa.
9. Kuwentong Pampagkakataon- kuwentong isinulat para sa isang tiyak na
pangyayari o pagkakataon gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa.
10. Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay ang mga pang-yayaring
mahalaga sa lipunan.

You might also like