You are on page 1of 2

KAPAYAPAAN SA

MADALING ARAW
1) Sa anong sector nabibilang ang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan?
Batay sa mga salitang ginamit upang ilarawan ang uri ng pamumuhay na meron ang mga panauhing
tauhan sa kwento, masasalamin na sila’y nabibilang sa mababang sektor ng ating lipunan. Hindi natin
maipagkakaila na ang ganitong uri ng pamumuhay kung saan kalaban ng mga taong nabibilang dito ang
gutom ay talamak sa ating bansa at malimit na nabibigyan ng tamang pansin at aksiyon ng ating gobyerno
upang kahit papano’y mabawasan ang bilang ng mga ito. Sa kasalukuyang panahon, mas lalong dumarami
ang mga pamilyang nagugutom at dahil na rin sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo ngayon, mas
lalong nahihirapan humanap ng paraan upang kumita ng pera ang mga taong ito na kung tawagin nati’y
‘mahihirap’ dahil limitado na rin ang mga taong napaglilimusan nila ng barya dahil kaunti na lamang ang
mga taong nasa mga kalsada dulot ng ilang serye ng lockdown na ipinapatupad ng ating mga lokal na
gobyerno bilang proteksiyon sa pandemya.

2) Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at aksyon?
Nakalulungkot mang isipin na sa ganoong paraan nagawang tapusin ang kwento ngunit kung iisiping
mabuti at ilalagay natin ang ating sarili sa sitwasyon na mayroon sila Andong, maiintindihan natin kung
bakit ganoon ang kanyang naging desisyon. Sa lagay ng kanilang pamumuhay at sa kalagayan ng kaniyang
kalusugan, maaaring wala na siyang maisip na ibang paraan upang mairaos ang kanilang buhay kaya
nagawa niya iyon. Hindi nalalayo ang takbo ng kwentong ito sa nararanasan ng mga pamilyang halos
kaluluwa na ang ipambayad maitawid lamang ang pang araw-araw na gastusin. Ngunit para sa akin, hindi
lamang sa paraang iyon maari nating matamasa ang kaginhawaan at mas lalong hindi ko ito nakikitang
solusyon upang mawala ang problemang dala-dala ng kahirapan. Hindi rapat tayo nawawalan ng pag-asa.
Sa sitwasyon nila Andong, marapat lamang na siya ang magsilbing imahe ng lakas ni Totong upang
maging malakas at patuloy na mag-abang sa kinabukasang parating.

3) Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?


Katulad ng mga nabanggit ko sa naunang mga tanong, sinasalamin ng maikling kwentong ito ang buhay
ng mga taong isang kahig, isang tuka. Malaki-laking porsiyento pa rin ng pamilyang Pilipino ang
nabibilang sa sektor na ito at nakalulungkot isipin na sa mga administrasyong nagdaan halos hindi
nababawasan ang mga nabibilang sa sektor na ito dahil sa kawalan ng maayos na tugon ng gobyerno sa
kanilang mga daing.

4) Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?


Mahalaga ang akdang ito upang magsilbing instrumento sa pagmulat ng isipan at pang uanwa ng mga
mambabasa. Sa paraang ito makatutulong upang maiparating ang mensahe ng mga kapwa nating Pilipino
na madinig at nawa’y masolusyunan ang kanilang mga daing. Sa pamamagitan ng pagsusulat natin ng
mga gantiong uri ng akda, nabibigyang pansin natin ang mga ganitong aspeto sa ating lipunan at
nagbibigay ito ng aral sa mga mambabasa na ang ganitong uri ng problema ay makikita sa ating bansa.

You might also like