You are on page 1of 2

Panitikan Hingil sa Kahirapan

- Isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang kahirapan.


Kahirapan na kung minsan ay nag uudyok sa atin na gumawa ng masasamang gawain.
Ngunit ano nga ba ang mga dahilan kung bakit natin ito nararanasan? Dapat ba nating
sisihin ang ating gobyerno? O dapat nating sisihin ang ating mga sarili?

Kahirapan at Kulturang Popular – Ito ang afinidad ng kulturang popular sa kahirapa, ang
muling pagtatatag ng gitnang uring fetishismo ( sadista at masokista, ng nambubugbog at
binubugbog, ng nang-aapi at inaapi ). na mag papasuka sa mababang uring pinagmulan.
Fetishismo ito dahil walang panahong mapapatid ang fantasya at tunay (real) na ugnay ng
utak (psyche) ng indibidwal sa artifice na isinusuot at magpapatungo sa kanya sa gitnang
uring fantasya. Ayon kay Rolando Tolentino “Pag nasimulan ang paggamit ng
cellphone, halimbawa, kahit pa nabuhay naman sa isang panahong wala ito, hindi na niya
ito bibitawan bilang kabahagi ng marka ng gitnang uri sa kanyang pangangatawan”.

Kahirapan sa Bansa :

(1994) 35.5 porsyento ng pamilyang Filipino ang nasa abang kahirapan.


47 porsyento ng pamilya sa probinsya ay mahirap. 53.1 porsyento ay nasa kanayunan.
40.6 porsyento mamamayan na nag nahihirap mula 1994. (nakikita rito na mas marami ang
mga mahihirap na naninirahan sa hindi sibilisadong lugar kagaya na lamang sa probinsya ay
kanayunan maaring mababa lamang ang presyo ng angkatan ng kalakal na nagmumula rito.)

Ang pinakamayaman na 20 porsyento ng mamamayan ay may hawak ng 52.3 porsyento ng


kita ng bansa. Samantala, ang pinakamahirap na 20 porsyento ay may hawak lamang ng 5.4
porsyento ng kita ng bansa. (Nasasad rito na talagang kay laki ng agwat ng kita ng
mayayaman sa mga mahihirap na nagiging dahilan ng mabagal na pag unlad ng mahihirap at
agaran naman na pagyaman pa ng nakakataas.)

Ang kita ng pamilya ay napupunta sa : - Pagkain (37 porsyento),Damit at sapatos (3 porsyento),


Gatas at kuryente (11 porysento), Gamot (1 porsyento), Edukasyon (14 porysento), at
Pamasahe at Komunikasyon (1 porsyento). Nakikita rito na kung tutuusin ay talagang kakaunti
lamang ang kita ng mga mahihirap at ito ay talagang kulang kung ito ay susumahin upang I
balanse para sa pang araw araw na gastos ng isang pamilya.

20 porsyentong mataas ang kita sa pilipinas (mayayaman ay 14 beses ang laki ng kita =
(P502.1 bilyon). 20 porsyentong (mahihirap) pinakamababang ang kita = (P35.8 bilyon).
80 porsyento ng pamilya 44 porsyento lamang ang parte sa kabuuang kita.
10 porsyentong may pinakamataas na kita ay may hawak na 39.3 ng kabuuang kita.

Ang epekto ng statistika ay masifikasyon ng mismong masa at ng kanilang kolektibong lagay sa


matinding kahirapan(ipinakikita rito ang statistika o ang mga porsyento o mga agwat ng kita ng
mga mamamayan at kung ano ang kanilang lagay o antas sa kahirapan). Ang epekto, kahit pa
sabihin, mayorya ng populasyon at pamilya ay dumaranas ng kahirapan at matinding kahirapan,
ay desensitisisasyon na may dalawang subepekto: sa tumutunghay, ng invisibilidad ng
karanasan sa kahirapan; sa nasa lagay ng kahirapan, ng pagkamanas sa matinding pagdanas
ng karanasan sa pang-araw-araw. Wala nang epekto, perfekto na—para sa estado—ang
epekto.
Pagkawala ng epekto

Naturalisasyon - kamalayan at lipunan ng malawakang kahirapan bilang normal, kundi man,


standard ng pang-araw-araw na buhay na nais maibsan(ito ay ang ordinaryong pamumuhay o
natural na takbo ng buhay ng isang mamamayan sa pang araw araw na buhay.), kundi man
pagpantasyahang takasan(sinasaad rito na may panahon na kung saan ay normal na ang pag
papantasya upang matakasan ang kahirapan kung saan ay nagpapantasya ng magandang
antas ng buhay).

Universalisasyon - ng gitnang uring fantasya na nagsasangtabi sa historikal na pagdanas sa


kahirapan para sa mantra ng buhay(dito ay kung saan iyong iniisip na kaya mong lampas an
ang ano mang pag hihirap na nakatatak sayong isipan na kaya mo ito kaya mo ito.) na
nagnanais maging kabahagi at mamintina ang pagiging “gitnang uri.” (gusting maging normal at
gitnang uri lamang.)

Tata Selo ni Rogelio Sikat

Mga Tauhan :

Tata Selo – Isang mahirap na magsasaka, nakapatay kay

Kabesang Tano.

Kabesang Tano – Nagmamay-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo.

Hepe – Namumuno sa pulisya nag malupit kay Tata Selo.

Alkalde – Ang nag papunta kay saling sa tahanan.

Saling – Anak na dalaga ni Tata Selo, Namasukan sa Kabesa.

Batang Magbubukid - Siya ay napagutusan na sunduin si Saling

sa bahay ng alkalde siya ay nabigo na magawa ang pinagutos.

You might also like