You are on page 1of 7

Aralin Bilang 3

Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks


Kompetensi:
Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay

AP9MKE-Ib4
Layunin:
1.Naiisa – isa ang mga palatandaan ng kakapusan
2. Naipaliliwanag ang kakapusan bilang suliraning panlipunan

Magandang Buhay! Kamusta ka? Maayos ba ang


pakiramdam mo? Kung gayon, isa na namang
makabuluhang araw ang ating gugulin sa pagtalakay ng
ating paksa . Ihanda ang sarili sa pagtuon sa paksa.

Itala ang iyong mga sagot sa kuwardeno(notebook).


Simulan natin!

AP News PAtrol!

Inabangan mo ba ang balita? Anong isyu ang iyong napanood? Maari mo bang ilahad ito sa
amin?

Panuto: Maglahad ng isang makabuluhang balita na nangyayari sa kasalukuyang panahon na iyong


napanood o napakinggan. Ilahad ito ng detalyado at lagyang ito ng headline . Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

I Remember the Past…..

Ano ang natutunan mo sa huling aralin? Natatandaan mo pa ito? Halina at pagyamanin natin
muli. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan?

2. Magbigay ng mga halimbawa ng kakapusan at kakulangan. Isulat ang iyong sa sagutang papel.

KAKAPUSAN KAKULANGAN

Ikaw ba ay handa na? Subukin mong gawin ang mga sumusunod na Gawain. Huwag kang
mangamba sa pagsagot. May mga tulong at gabay na nakahanda pa sa iyo.
Lets’ Continue……

Panuto: Lagyan ng maikling katapusan ang kwento. Iugnay ang kwento sa


suliraning panlipunan na nagaganap dahilan sa kakapusan. Ilahad ang
posibleng alternatibong solusyon sa suliranin. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang palatandaan ng kakapusan ng kakapusan sa Barangay Madilim?

2. Bakit kaya nahantong ang lugar na ito sa ganitong kalagayan?

3. Kung sakaling nangyari ito sa inyong lugar, ano ang agaran ninyong magiging solusyon sa problemang
ito?

4. Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong upang di mangyari ito sa inyong lugar?

Lets Read……

Panuto: Basahin ang balita na nasa ibaba at sagutin ang mga kasunod na
tanong.Isulat sa papel ang iyong sagot.
NFA, mag-aangkat na ng bigas; kasalukuyang suplay, limitado ang bentahan
Ito ay kahit pa wala talagang rice shortage sa bansa, sabi ni Agriculture Secretary Emmanuel
Pinol.Pumayag na ang NFA Council na mag-angkat ng bigas sa Hunyo.Kinontra naman ni
Consolacion, Cebu Mayor Teresa Alegado ang pahayag ni Aquino.Sa kanila raw kasi,
sumadsad na sa P10 kada kilo ang presyo ng palay dahil walang bumibili."Sabi naman nila,
wala namang NFA [na] umiikot. At saka, ang farmer, hindi naman niya kaya na pumunta doon
sa regional office," ani Alegado.Ayon pa sa alkalde, ang NFA rice shortage ay sanhi ng away
ng ahensiya at NFA council.Samantala, nagkaroon ng maraming tanong ang ilang senador nang
marinig na nawawala sa merkado ang mga bigas ng NFA.
kilo. Nanawagan din si Sen. Cynthia Villar kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-donate na lang
sa NFA ang mga nakukumpiskang bigas, at ipabenta ito ng P27 kada kilo.
--Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Batay sa iyong binasa, anong kakapusan ang isinasaad dito?

2. Bakit nakararanas ng kakapusan sa palay ang bansang Pilipinas?

3. Ano ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para masolusyunan ang


kakapusang ito?
Basahin at Isipin

Patantandaan ng Kakapusan

Ang kakapusan ang tuon ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang-yaman at


walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito,
nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman.

Ang kagubatan, na isang halimbawa ng likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot


ng pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at
hayop, at pagkasira ng biodiversity.

Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang-dagat dahilan sa
pagkasira ng mga coral reefs. Ang produktong agricultural na nakukuha mula sa lupa ay
maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bago at umiinit na klima.

Ang yamang kapital tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay


naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha.
Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng
umaasan populasyon ay palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan.
Nakakamangha naman isipin na Malaki ang responsibilidad natin upang maiwasan ang
kakapusan. Bigyan pansin natin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1.Bakit nagkakaroon ng suliranin sa kakapusan?

2. Ano ang mga halimbawa ng pinagkukunang-yaman ang nakakaranas ng kakapusan

3. Ano ang mga magiging epekto ng kakapusan sa mga tao at sa bansa?

4. Ano ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapamahlaan ang kakapusan sa bansa?

Pangako ko!

Napakagaling ng iyong ginawa! Malapit na tayong matapos sa ating


gawain. Nalaman mo ang mga bagay na may kinalaman sa kakapusan
at ang ilan sa posibleng paraan ng paglutas nito.
Tumungo naman tayo sa susunod na gawain.

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin sa nararanasan ng ating bansa
na kakapusan at mga paraan upang masolusyunan ito.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay


Pamantayan Mahusay Sapat Kaunti Kulang
10 8 5 3
Puntos Puntos Puntos Puntos
1.Nilalaman
2. Kaangkupan ng Konsepto
3. Mensahe
4. Malapit sa realidad ng pamumuhay
I am Responsible!!!

Bilang mag-aaral, mahalaga ang magagawa ko upang makatulong sa paglutas ng


kakapusan sa bansa sa pamamagitan ng:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Subukan Mo…..

Panuto:
Isulat ang Tama kung tama ang pahayag at MALI kung taliwas naman ang pahayag

1. Maituturing na walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao,


samantalang ang mga pinagkukunang-yaman ay kapos o may limitasyon.
2. Ang pag-unlad at kasiyahan ng mga tao ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks
3. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ang kailangan upang dumami ang bilang ng
produksiyon.
4. Ang pagpapatupad ng mahigpit na batas ang kailangan para maprotektahan ang pinagkukunang-
yaman.
5. Makapangyarihan ang pera dahil nabibili nito lahat ng bagay.

Ang aking paghanga sa iyong galing at dedikasyon na ipinakita sa ating


aralin .
Hangad ko ang iyong aktibo at buong pusong pakikiisa sa sunod na aralin.
I REMEMBER THE PAST
1.Kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas at iba pang non-renewable
resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.

Kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto
kagay ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Nino at iba pang
kalamidad
2. kakapusan: nickel, chromite, natural gas, at iba pang non-renewable materials
Kakulangan- bigas, mais at iba pa.

LETS CONTINUE
Maaaring magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral
1. ang kawalan ng kuryente at gasoline na ginagamit nila sa pagpapa-andar ng kanilng kuryente.
2. marahil ay naubusan sila ng supply ng gasulina dahil sa sobrang paggamit at hindi pagtitipid.
3. Gagawa ng alternatibong pamamaraan upang magkaroon ng kuryente.
4. Ang pagtitipid ng mga nauubos na bagay upang hindi humantong sa pagkaubos nito.

LETS READ
1. Ang kakapusang nakasaad dito ay ang kakapusan sa bigas.
2. Maaaring dahilan nito ay ang paglaki ng populasyon ng bansa at ang pagsubstitute nito sa mga tanimang
palay bilang subdibisyon at pagtatayo ng mga ibat-ibang pagawaan.
3. Nag-aangkat ang pamahalaan ng bigas mula sa mga karatig bansa upang matustusan ang pangangailang ng
tao sa bigas.

BASAHIN AT ISIPIN
1. Nagkakaroon ng suliranin sa kakapusan dahil na rin sa unti-unting pagkaubos ng pinagkukunang-yaman
at patuloy na paglaki ng populasyon ng bansa.
2.Ang mga halimbawa ng pinagkukunang-yaman na nakakaranas ng kakapusan ay ang likas na yaman tulad
ng yamang tubig/dagat, yamang lupa,yamang gubat.
3. Ang epekto ng kakapusan sa mga tao at bansa ay nagdudulot ng sigalot, pag-aaway-away, at
kompetisyon. Maaari din na magkaroon ng ibat-ibang klase ng krimen dulot ng kakapusan.
4.Narito ang mga hakbang para mapamahalaan ang kakapusan:
1. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya para mapataas ang produksiyon
2. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto.
3. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas ng organisyon, at mga
institusyong nakatutulong sap ag-unlad ng ekonomiya.
4.Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman.

Subukan Mo!
1. tama
2. mali
3. tama
4.tama
5.mali

You might also like