You are on page 1of 5

Aralin Bilang 4

Kagustuhan at Pangangailangan
Kompetensi:
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon
AP9MKE-Ic7
Layunin:
1. Naihahambing ang kagustuhan sa pangangailangan
2.Napahahalagahan ang kaalaman sa kagustuhan at pangangailangan sa pagbuo ng isang matalinong
desisyon

Magandang Buhay! Kamusta ang araw mo?


Nais mo bang malaman ang mga bagay na may kaugnayan
sa pangangailangan at kagustuhan mo? Ihanda ang sarili
para sa isang produktibo at interaktibong paksa ngayong
araw.
Itala ang iyong mga sagot sa kuwardeno(notebook).
Simulan natin!

AP News PAtrol

Alam mo na ba ang balita ngayon? Maaari mo bang ilahad ang iyong mga napanood at
narinig?

Panuto: Maglahad ng isang makabuluhang balita na nangyayari sa kasalukuyang panahon na iyong


napanood o napakinggan. Isulat ito sa iyong sagutang papel at lagyang ito ng headline.

Let us Remember…

Naaalala mo pa ba ang ating dating aralin? Subukan nating balikan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kakapusan?


2. Bakit nagaganap ang suliranin sa isang bansa?
3. Ano ang mga halimbawa ng pinagkukunang-yaman na nakararanas ng kakapusan?
4. Magbigay ng mga hakbang upang mapamahalaan ang kakapusan.

Halina at matuto, pagyabungin ang kaalaman sa pamamagitan ng mga paunang gawain na


aking inihanda. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong at gabay na nakahanda
pa sa iyo.
Panuto: Magtala ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito nang sunod-
sunod ayon sa kalagahan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sampung Bagay na Mahalaga sa akin bilang Mag-aaral:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:Isulat ang iyong sagot sa sagutang


papel.
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?
3. Sa iyong palagay parehas kaya ang inilista mo sa pangangailangan ng iba?

Basahin at Isipin….

Ang Pangangailangan at Kagustuhan

Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan. Ang pangangailangan ay


mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa kaniyang pang-araw-
araw na gawain. Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan
sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.

Samantala, hindi sapat na may damit, tirahan, at pagkain lang ang tao. Gusto niyang
mabuhay nang marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay naghahangad ng mas mataas sa
kaniyang mga batayang pangangailangan. Tinatawag na kagustuhan ang paghahangad na
ito ng tao. Ang pagkakaroon ng buhay sa isang sikat na
Pamayanan, pagkakaroon ng masarap na pagkain araw-araw, at pagsusuot ng mamahaling
damit ay mga halimbawa ng kagustuhan. Hinahangad ito ng mga sapagkat nagdudulot ito ng
higit na kasiyahan.
Ayon kina McColonel, Brue, at Barbiero(2001) sa kanilang aklat na Microeconomics. “
Ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga
produkto.” Ang kagustuhan ng tao sa isang bagay ay magdudulot ng mas mataas na antas ng
kagustuhan sa paglipas ng panahon. Subalit sa maraming pagkakataon, ang kagustuhan ng
isang tao ay maaaring pangangailangan ng iba. Ang pagbili ng cellphone halimbawa, para sa
isang negosyante ay isang pangangailangan. Subalit para sa iba, ang cellphone ay maaaring
kagustuhan lamang.

Panigurado ako na maraming kang natutunan sa iyong binasa. Subukin natin ang iyong mga
natutunan
Palawakin ang isip sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Venn Diagram
Panuto: Gamit ang venn diagram, Isulat sa iyong kwaderno ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan.

1.Ano ang

pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?

2. Kailan magiging pangangailangan ang isang kagustuhan?Bakit?

3. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan?

4. Ano ang mga pamantayan mo sa pagpili ng pangangailangan at kagustuhan? Ipaliwanag.


Pangako ko!

Impressive! Napakahusay ng iyong mga ginawa, ipagpatuloy mo


sa mga susunod na gawain.

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng tamang pagpapahalaga sa pangangailangan kesa sa


pangangailangan. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

Rubric sa Pagtataya ng Poster


Pamantayan Mahusay Sapat Kaunti Kulang
10 8 5 3
Puntos Puntos Puntos Puntos
1.Malikhain
2. Kaangkupan ng Konsepto
3. Mensahe
4. Paggamit ng ibat-ibang elemento sa pagguhit

WISER THAN EVER!!!!!

Bilang mag-aaral, Paano mo gagamitin ang iyong kaalaman sa pagkakaiba ng pangangailangan at


kagustuhan sa pagbuo ng isang matalinong desisyon? Gawin ito sa iyong kwaderno.

Subukan Mo…..
Panuto:
Isulat ang PANGANGAILANGAN kung kailangan mo ito at KAGUSTUHAN kung di mo
ito masyado kailangan o luho lamang.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pagdalo sa party ng kaibigan.
2. Pagkain ng gulay at prutas upang manatiling malakas ang pangangatawan.
3. Magbukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa kinabukasan.
4. Lumipat sa magandang bahay na may aircon at mga katulong.
5. Pag-inom ng walong baso ng tubig araw-araw para sa malusog na pangangatawan

Sadyang kahanga-hanga ng iyong ginawa at ipinakitang determinasyon sa ating


aralin, kaya iminumungkahi ko ang patuloy na sipag sap ag-aaral.
Hangad ko ang iyong aktibo at buong pusong pakikiisa sa sunod na aralin.

Let us Remember
1. Kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas at iba pang non-
renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.
2. Nagaganap ang kakapusan dahil sa pagkaubos ng pinagkukunang-yaman at di tamang paggamit ng tao
ditto.
3. Ang mga halimbawa ng pinagkukunang-yaman na nakakaranas ng kakapusan ay ang likas na yaman
tulad ng yamang tubig/dagat, yamang lupa,yamang gubat.
4. Narito ang mga hakbang para mapamahalaan ang kakapusan:
1. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya para mapataas ang produksiyon
2. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng
produkto.
3. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas ng organisyon, at mga
institusyong nakatutulong sap ag-unlad ng ekonomiya.
4.Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman.

Venn Diagram
(Maaaring magka-iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Sagot:
1. Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa kaniyang
pang-araw-araw na Gawain. Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat
hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
Kagustuhan naman ang tawag sa paghahangad ng buhay na marangal at maayos sa lipunan kaya
naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan ang isang tao.
2. Nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan ng tao kung ito ay higit na makakatulong kanyang
pamumuhay o trabaho.
3. Maaring magka-iba ang sagot ng mag-aaral.
4. Kung ang isang bagay ay makakatulong ng Malaki sa pamumuhay ng tao upang mabuhay ito ay
pangangailangan subalit kung ito ay walang masyadong gamit o naitutulong sa atin ito ay kagustuhan
lamang.

Pangako KO!
Paggawa ng poster

Subukan Mo!
1.Kagustuhan
2. pangangailangan
3.pangangailangan
4. Kagustuhan
5. Pangangailangan

You might also like