You are on page 1of 7

I.

LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan;
b. Naihahambing ang pangangailangan sa kagustuhan ; at
c. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon sa pagtugon ng
pangangailangan.
II. PAKSA
a. Paksang Aralin: Pangangailangan at Kagustuhan
b. Kagamitan: Powerpoint, Biswal Eyd at Larawan, LCD
c. Sanggunian: Teachers Guide-Ekonomiks IV pahina 25 -32
Learners Material- Ekonomiks IV pahina
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pangganyak

Magandang umaga, klas! Magandang umaga rin po Ma’am!

May inihanda akong isang laro rito,


ang tawag sa larong ito ay “Fact or
Bluff”. Simple lang ang mekaniks ng
laro, Ang tanging gagawin ninyo lang
ay sabihin/tukuyin kung ang pahayag
ay fact o bluff.

Maliwanag ba klas? Opo, Ma’am.

“FACT OR BLUFF”
1.Ang pagbili ng kotse ay kabilang sa Bluff
pangangailangan ng tao.

2.Ang pagnanais ng tao na Fact


makapagtayo ng sariling bahay ay
kabilang sa pangangailangan ng tao.

3.Ang pagnanais ng tao na magkaroon Fact


ng mga mamahaling alahas ay
kabilang sa kanyang kagustuhan.

4. Ang edad ay isa sa mga salik na Fact


nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan.
5. Ang pagpapakabit ng internet sa Fact
bahay ay isang kagustuhan.

6. Ang pagbili ng mamahaling


cellphone ay isang pangangailangan. Bluff

7. Ayon kay Abraham Maslow,may Fact


limang baitang ang pangangailangan
ng tao.

8. Ang pagsusuot ng mamahaling Fact


damit ay kumakatawan sa
Kagustuhan.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ngayon klas, kaugnay ng


gawain kanina, mayroon na ba
kayong ideya o opinyon kung ano
itong paksang ating tatalakayin? Opo ma’am. Tungkol sa Pangangailangan at
Kagustuhan.

Tumpak! Pangangailangan at
kagustuhan.
Upang higit pa natin maunawaan ang
ating paksa,mayroon akong
inihandang mga larawan dito, ang
gagawin ninyo ay ihanay ito kung
saan ito napapabilang.

(Pagpapakita ng mga larawan sa P K


mga mag-aaral. ) Bahay Kotse
Pagkain Alahas
Gamot Cellphone
Tubig Computer
Damit Shopping

2. Pagtalakay

Ngayon naman klas, batay sa Ang kagustuhan ay mga bagay na ginusto


mga nauna nating gawain, sino lamang ng tao.
ngayon ang maaaring Samantalang ang pangangailangan ay mga
makapagbibigay ng depinisyon o bagay na mahalaga sa tao.
kahulugan ng kagustuhan at
pangangailangan?
Sige nga Gerlee?
Tama!Ano pa,Edward? Ang pangangailangan ay ang pangunahing
pangangailangan ng tao, ang kagustuhan
naman ay ang luho ng tao.

Tama!Ibig sabihin ang pangangailangan ay


mga bagay na lubhang mahalaga upang ang
tao ay mabuhay, kung ipagkakait ito ay
magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
Sa kabilang banda ang kagustuhan naman
ay mga bagay na ginusto lamang ng tao at
maaari itong mabuhay kahit wala ito, ang
pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang
ng layaw ng tao.

Kailan naman nagiging pangangailangan Ang kagustuhan ay nagiging pangangailangan


ang isang kagustuhan? Bakit? kapag alam mong kailangan muna, na nung
Sige nga Jam? una ay gusto mo lang.

Maaari kabang magbigay ng halimbawa? Halimbawa na lamang sa cellphone, nung una


ay gusto mo lang magkaroon nito dahil ito
ang uso pero sa kalaunan nagiging
pangangailangan na ito lalo na sa mahal sa
buhay na nasa malayo ito ang magiging
komunikasyon ninyo upang maging
konektado sa isa’t isa.

Mahusay!Nagiging pangangailangan ang


kagustuhan kapag ang kagustuhang ito ay
nagkapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at
kaginhawaan sa buhay at ang kaniyang
kailangan ay ang mga bagay na
nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at
kaginhawaan sa buhay.

Ngayon,maaari bang maging kagustuhan Maaaring maging kagustuhan ang isang


ang pangangailangan? Patunayan. pangangailangan kung ang bagay na
kailangan mo ay mas maganda pa kaysa sa
iyong kailangan tulad na lamang ng bahay
kung ginawa mong mas maganda pa ito.

Tama!nagiging kagustuhan ang


pangangailangan kung ang tao ay
naghangad pa ng higit sa kailangan niya.
Bilang halimbawa, may isang na nagkaroon
ng problema sa balat, at ang kanyang
kailangan ay magpahid ng cream na
panggamot sa kanyang sakit, habang
tumatagal gumagaling na siya, dahil sa
kagustuhan, pinagpatuloy niya parin ang
pagpapahid kahit hindi naman na niya itong
kailangan, dahil lang itong sa kagustuhan
niyang hindi na muling magkaproblema sa
balat.
Maliwanag ba klas? Opo ma’am.

Klas, upang mapalawak pa ang ating


kaalaman kaugnay ng ating paksa ay gawin
natin ang isang gawain.Ito ay tinatawag na
alin ba sa dalawa?

Alin sa dalawa ang mas nanaisin o


gugustuhin mo?
1. LAP TOP O IPHONE X
2. INUMING TUBIG O SOFTDRINKS
3. BAGONG DAMIT O PABORITO
MONG PABANGO
4. BAGONG SAPATOS O
MAMAHALING RELO
5. TELEBISYON O CONNECTION
NG INTERNET
6. AKLAT O DVD NG PABORITO
MONG PELIKULA
7. BAGONG BAG O NECKLACE
8. DIKSYONARYO O DLSR
CAMERA
9. BOYFRIEND/GIRLFRIEND O
MATALIK MONG KAIBIGAN
10. ATM O CREDIT CARD

Alin sa mga nabanggit ang madali Para sa akin ang madali kong
mong nadesisyonan? mahirap mong napagdesisyonan ay ang telebisyon o internet
nadesisyonan? Bakit? connection dahil pwede naman manood sa
pamamagitan ng internet.
At ang mahirap kong napagdesisyonan ay ang
diksyonaryo o DLSR camera dahil pareho
itong kapaki- pakinabang.

Ano ang iyong pamantayan sa Ang naging pamantayan ko sa pagpili ng


pagpili ng iyong pangangailangan? aking pangangailangan ay kung ano ang higit
na kailangan ko at kapaki pakinabang sa
aking pang araw- araw.
Magaling!Klas, Alam naman natin na
may iba’t ibang klase ng tao, may
taong higit na iniisip ang
pangangailangan kay sa kagustuhan at
meron din naman inuuna ang
kagustuhan sa pangangailangan pero
lagi natin pakatatandaan klas na bawat
desisyon na ating gagawin ay
kailangan natin isipin ang kung ano
ang higit na mahalaga o importante sa
ating pang araw- araw na pamumuhay.

3. Paglalahat
3. Paglalahat

Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa Ang mga pangangailangan po ay ang mga


pangangailangan? bagay na siyang bumubuhay sa atin ay mga
bagay na kinakailangan upang maging
produktibo, samantala ang kagustuhan po ay
mga bagay lamang na ibig natin, nagbibigay
ito ng panandaliang kasiyahan.
Mahusay!

4. Pagpapahalaga

Ano ang kahalagahan ng paggawa Ang kahalagahan ng paggawa ng tamang


ng tamang desisyon sa pagtugon sa desisyon ay nakatutulong upang mabigyan ng
pangangailangan? sapat na kaalaman at maiwasan ang
Sige nga Ann? pagkakamali sa isang bagay.

Tama!Klas, may mga katanungan pa Wala na po ma’am.


ba kayo o bagay na hindi
naiintindihan kaugnay ng ating
natalakay?

IV. PAGTATAYA

Klas, upang mapalawak ang ating


kaalaman sa konsepto ng kagustuhan
at pangangailangan ay mayroon
gawain dito at ang gagawin ay isulat
ang salitang GUSTO
ko/kong/ng o KAILANGAN
ko/kong/ng.

1._____pumunta sa party.
2._____kumain ng prutas at gulay
upang manatiling malakas ang aking
katawan
3._____magbubukas ng savings
account sa isang matatag na bangko
para sa aking kinabukasan
4._____lumipat sa magandang bahay
na may aircon.
5._____uminom ng tubig pagkatapos
kumain
6.____mamahaling relo
7.____telebisyon
8.____kumain ng pizza pie
9. ____maglaro ng video game
10.____magsuot ng magagarang damit

V. TAKDANG ARALIN

Sanggunian:
MASUSING
BANGHAY ARALIN
SA PAG
ARALING
PANLIPUNAN 10

You might also like