You are on page 1of 5

JMJ

St. Michael Academy


OP-Siena School System
Catarman, Northern Samar 6400
Tel/Fax No.: (055) 500-0114 Task Time Tracker
This task is good for 5 minutes
School Year: 2022-2023 Time Started: _________ Time Finished: __________

“Passion for Truth & Compassion for Humanity”

Name: Year and Section: Class Group:

Subject Araling Panlipunan 9

Topic Ekonomiks
Lesson Title Kahulugan ng Ekonomiks

PRAYER
Mapagmahal naming Diyos, pinupuri ka naming sa Iyong mga kahanga-hangang nilikha.
Ang kagandahan ng kalilkasan ay nagbibigay ng bagong lakas sa amin, Ang sariwang hangin ay
nagdudulot ng kalusugan, Ang mga halaman at yamang dagat ay nagbibigay ng pagkain. Upang
patuloy kaming mabuhay at ang matiwasay na kapaligiran. Na ipinagkakaloob mo ay upang
mapayapa kami mamuhay ayon sa iyong kalooban. AMEN

Introduction
Ang pinagkukunang-yaman ay limitado o may hangganan, samantalang ang mga pangangailangan at kagustuhan ay
walang katapusan. Dahil dito, kapag hindi naging maayos ang pagpaplano ng pamahalaan sa pamamahagi ng mga pinagkukunan at
wala itong kakayahang tugunan ang walang limitasyong pangangailangan ng populasyon, lumilikha ito ng suliraning may
kinalaman sa kakapusan (scarcity). Kapag hindi natukoy ang mga kakapusan, sari-saring problema ang sumusulpot. Ang
kakapusan ay isang suliraning pang ekonomiya na maaari ding maging suliraning panlipunan kung ito ay hindi masosolusyunan ng
pamahalaan. Mahalagang malaman ang mga dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan at kakapusan upang ito ay mabigyang
solusyon agad ng pamahalaan at ng bawat pamilya. Paano magiging responsable ang isang tao sa paggamit ng pinagkukunang
yaman?

Learning targets

Learning Competency:
Sa pagtatapos ng araling, aking:

Natataya ang mga palatandaan at epekto ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

Learning Objectives:
Sa pagtatapos ng aralin;

1. Aking mabibigyang kahulugan ang kakapusan at kakulangan.


2. Aking masusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan.
3. Aking natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan.
4. Aking naipapaliwanag kung bakit nagdudulot ng ilang suliraning panlipunan ang kakapusan.
5. Ako ay makakapagsagawa ng mga paraan ng pagtugon/kalutasan ng kakapusan at kakulangan.

LET’S LIMBER
UP! Learning Activities
Collamar & laguitan 1
Learning Task 1: Bitter-Sweet
Para sa pagsisimula ng araling ating tatalakayin, nais kong
panoorin mo ang kalakip na balita na makikita sa kanang
bahagi ng modyul na ito.

Maaari mo itong mapanood sa pamamagitan ng pag-scan ng


QR code o bisitahin ang link na nakalagay sa ibaba
ng larawan.

Ang gawaing ito ay magpapakilala sa iyo sa araling ating


tatalakayin at nang magkaroon ka ng ideya at pangunahing
kaalaman para rito.

Matapos mapanood ang balita, sagutan ang mga


pamprosesong tanong na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=rtzMFc52QhU
1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng asukal sa bansa?

2. Bakit nagkakaroon ng patuloy na kakulangan ng suplay sa asukal? Anong epekto ang idinudulot nito sa mga mamimili?

LET’S EXPLORE!
Learning Task 2: K-Simbolo

Panuto: Humanap ng mga bagay sa loob ng iyong tahanan


na maaaring mag representa o sumisimbolo sa kahulugan Task Time Tracker
ng kakapusan at kakulangan. Kuhanan ng larawan ang This task is good for 10 minutes
bagay na ito at pagkatapos ay idikit sa itaas na bahagi ng Time Started: _________ Time Finished: __________
kahon na nasa kanan. Pagkatapos ay tukuyin kung ito ba ay
KAKAPUSAN o KAKULANGAN sa ibabang bahagi ng
kahon.

Halimbawa: Refregitor na kaunti nalang ang laman na


grocery. -ito ay Kakulangan sapagkat panandalian at
pansamantalang pagkaubos lamang ng suplay.

Process Questions:

1. Sa iyong palagay, bakit patuloy pa rin nating nararanasan ang kakapusan at kakulangan?

2. Sa iyong sariling pamamaraan, paano ka makatutulong upang maibsan ang patuloy na pagkaubos ng ating pinagkukunang
yaman na nagdudulot ng pagbaba ng mga suplay sa pamilihan?

Ano ang pinakasentrong suliranin ng Ekonomiya?

Limitadong Ang pinakasentrong suliranin ng


Collamar & laguitan 2
Walang Pinagkukunag- Ekonomiks ay ang limitadong
hanggang Yaman pinagkukunang-yaman laban sa
pangangailangan
Task Time Tracker
This task is good for 20 minutes
Time Started: _________ Time Finished: __________

Economic Problem

Ang KAKAPUSAN ay tumutukoy sa di-kasapatan ng mga produkto at serbisyo na tugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Ang pinagkukunang-yaman ay limitado o may hanggangan, samantalang ang mga pangangailangan at kagustuhan ay walang
katapusan. Dahil dito, kapag hindi naging maayos ang pagpaplano ng pamahalaan sa pamamahagi ng pinagkukunan at wala itong
kakayahang tugunan ang walang limitasyong pangangailangan ng populasyon, lumilikha ito ng suliraning may kinalaman sa
kakapusan (scarcity). Kapag hindi natukoy ang mga kakapusan, sari-saring problema ang sumasangkot.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga dahilan ng pagtindi ng suliranin sa kakapusan.

Pang-aabuso at pag-aaksaya ng mga


Paglaki ng populasyon ng bansa.
tao sa mga pinagkukunan o resources.
Pagkasira ng mga pinagkukunang-
yaman dahil sa mga natural na
kalamidad at pagbabago ng
panahon.

BASAHIN!
!
Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan. Bagama’t
magkaugnay ang dalawang konseptong ito ay mayroon silang mahalagang pagkakaiba.

Upang lubusan mong maintidihan ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng


kakapusan at kakulangan, buksan ang iyong aklat sa Pambansang Ekonomiya sa Pag-
unlad sa pahina 39-41.

LET’S LIVE IT
OUT!
Learning Task 3: Kakulangan VS Kakapusan
Ang pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at ang pansamatalang
pagkawala ng mga suplay sa pamilihan na siyang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isang kalagayan na kinakaharap
ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Collamar & laguitan 3


Sa gawaing ito ikaw ay magiging mapanuri at magsasaliksik. Suriin ang pangkasalukuyang sitwasyon na iyong nararanasan sa
iyong barangay. Ikaw ay magbibigay ng isang sitwasyon na nagpapahiwatig ng kakulangan at kakapusan na kasalukuyang
dinaranas ng mga mamamayan na naninirahan sa barangay na iyong kinabibilangan.

KAKULANGA KAKAPUSAN
N

Pamprosesong tanong:

1. Bakit hindi maiiwasan na harapin ang suliranin ng kakapusan at kakulangan sa ating buhay?

2. Paano maiiugnay ang kakapusan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

3. Paano mo nilalabanan ang kakapusan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

LET’S DO IT!
Pag-aralan ang mga sumusnod na sitwasyon at pagkatapos ay tukuyin kung ito ay nagpapahiwatig ng
Kakulangan o Kakapusan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Hindi makapasok ng trabaho si Rafael bilang accountant sa San Miguel Corporation dahil sa high school
graduate lamang siya. Task Time Tracker
2. Isandaang milyon na ang populasyon ng bansa ngunit 500 000 kabang This tasklang
bigas is good
ang for 10 minutestaon-taon.
naipoprodyus
3. Isang maliit na isla sa gitna ng Pacific Ocean ang walang Time
tubig Started: _________ Time Finished: __________
na inumin.
4. Ikaw ay nakatira sa bansang may maunlad na teknolohiya ngunit umaangkat ng inuming tubig.
5. Umaangkat ng bigas ang bansa mula sa mga kalapit na lugar.
6. Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan bunga ng dumaan na kalamidad.
7. Hindi sapat ang suplay ng bigas sa pamilihan dahil sa pagtatago ng mga negosyante upang hintayin ang
pagtaas ng presyo nito.
8. Ang pamahalaan ay nakalikom lamang ng 600 bilyong piso sa buwis ngayong taon na dapat ay 1 trilyog piso.
9. Maraming mga Pilipino ang pumupunta ng ibang bansa upag doon makipagsapalaran sa paghahanap ng
trabaho.
10. Dumarami ang populasyon ng Pilipinas. Dahil dito, hindi lahat ay natutugunan ang mga pangangailangan.
CLOSING PRAYER
Mahal naming panginoon, salamat po sa bagong kaalaman, tungkol sa kahalagahan ng mga likas na yaman na
iyong bigay sa amin. Ako po ay nananalangin na mabawasan ang mga kalamidad, likas at gawang tao, dahil ito ay
nagdudulot ng masamang epekto sa ekonomiya. Bigyan mo po ako ng kaalaman sa tamang pagdedesisyon ukol sa
paggasta ng aking pera at iba pang produktong aking kinokunsumo. AMEN.

References

 Balitao; Dancel; Mangulabnan; Martin; Tuvera; & Ubias, Pambansang Ekonomiya ng Pag-unlad. Vibal Group, Inc.
2015
 Imperial, Consuelo; Abulencia, Arthur S; Antonio, Elonor D.; Lodronio, Roel G.; Soriano, Celia D., Kayamanan-
Ekonomiks, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Rex Bookstore, 2020 Collamar & laguitan 4
Collamar & laguitan 5

You might also like