You are on page 1of 13

1

2
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

Magandang umaga!

2. Pagsasaayos ng Silid

Bago natin simulan ang ating klase paki- ayos muna ang inyong mga upuan.

3. Pagtala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?

Magaling. Simulan na natin ang ating aralin.

4. Pagganyak
Ngayon ay dadako na tayo sa ating aralin.

Ang mga pamantayan sa pagkatuto o layunin natin ay ang mga sumusunod:

Sa loob ng animnapong minuto, inaasahang lahat ng mag-aaral ay masusuri ang kaibahan ng kakapusan a
kakulangan, makikilala ang mga dahilan nito at makapagmumungkahi ng mga paraan para malabanan ito
ng may hindi bababa sa pitumput - limang bahagdan ng pagkatuto.

 Natutukoy ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan.


 Naisusulat ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan sa pamamagitan ng Venn Diagram.
 Nakapagmumungkahi ng mga paraaang makatutulong upang malabanan ang kakapusan.

Pero bago ang lahat nais ko munang tingnan ninyo ang larawan na ito.
Ano ang makikita ninyo?
(Magpapakita ng isang larawan. Kalakip 1.)

Magaling. At ano naman ang mga nakapaligid sa kanya?

Tama. Sa tingin ninyo bakit kaya marami siyang katanungan sa mga bagay na ito?

Magaling. Siya ay may kakulangan o kakapusan sa kaalaman ukol sa mga bagay-bagay. Ang
kakulangang ito at kakapusan ay hindi lamang dito nangyayari bagkus maging sa ating
ekonomiya.
3

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa kakapusan at kakulangan. Ang


mga bagay na ito ay may malaking ambag sa pang-ekonomikong aspeto. Sa tingin
ninyo bakit kaya nagkakaroon ng kakapusan?

Magaling.

2. Pangkatang Gawain

Ngayon naman upang mas maintindihan ninyo ang ibig sabihin ng kakapusan ay ating
ihahambing ito sa kakulangan sa pamamagitan ng isang Venn Diagram. Hahatiin ko
ang klase sa apat (4) na grupo at bibigyan ng limang (5) minuto upang mag-brainstorm.
Matapos ito ay pipili ng isang mag-uulat sa harapan.

(*Magbibigay ang guro ng kartolina na may Venn Diagram at babasahin. Kalakip


2.1Babasahin)
Ang limang minuto ay tapos na, ang ika-apat na grupo ang unang mag-uulat sa
harapan.

Magaling, lahat ng ini-ulat niyo ay tama.

C. Pagtalakay

Ngayon naman ay tingnan ninyo ang Data Information sa harapan. Pupunan natin ang
diagram na ito. Ating paghahambingin ang Kakapusan at Kakulungan. Titingnan natin
kung ano ba ang pagkakaiba nila sa tagal, problema sa ekonomiya at limitasyon.
Susuriin natin mamaya ang inyong mga sagot kung tama ba ito.

Ano ba ng kakapusan?

Tama. Sa kabilang banda ano naman kaya ang kakulangan?


Mahusay!

Kung itutuon natin ang ating sarili sa Data Information Chart. Gaano kaya tumatagal ang
kakapusan? Ang kakulangan?

Magaling. Ano naman kaya ang problema o dahilan kung bakit may kakapusan at
kakulangan?
Mahusay! Ngayong alam na natin ang mga problema kung bakit nagkakaroon 3 ng
kakulangan at kakapusan, ano naman kaya ang nagiging limitado dahil dito?
Magaling. Nakita niyo na ang pagkaka-iba ng dalawa sa Data Information Chart.
Ngayon ano naman kaya ang pagkaka- pareho ng dalawa?

Tama. Ngayon naman ay mag-bigay nga kayo ng halimbawa ng sitwasyong pang-


ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa kakapusan?

Mahusay. Magbigay naman kayo ng halimbawa ng sitwasyong pang- ekonomiko kung


saan nahaharap tayo sa kakulangan?

Tama. Dahil kalimitang nangyayari ang hoarding o pagtatago ng suplay. Ang mga
madalas na gumagawa nito ay ang mga miyembro ng cartel.

Ano naman kaya ang cartel?

Tama.
D. Paglalahat
Balikan muli natin ang ating pinag-aralan. Ano ang dalawang dahilan ng kakapusan?

Magaling. At ano ang pagkaka-iba ng kakapusan sa kakulangan?

Mahusay!

E. Paglalapat

Bilang mag-aaral ano kaya ang inyong magagawa upang sa ganoon ay malabanan natin
ang kakapusan?

Magaling. Ang lahat ng inyong sinabi ay totoong makatutulong upang maibsan ang
kakapusan at tumagal ang ating paggamit ng mga likas na yaman. Ang tawag dito ay
pangmatagalang paggamit o (sustainable use).

Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. Bibigyan ko kayo ng maiksing
pagsusulit. Kumuha ng sagutang papel at bilugan ang letra ng tamang sagot. Bibigyan ko
kayo ng sampong minuto para sa pagsagot ng mga katanungan.

Okay, ang sampong minuto ay tapos na, magpalitan na kayo ng papel

Sino sa inyo ang nakakuha ng sampo, siyam, pito, …. Lima, okay, paki pasa na ang lahat ng
inyong papel sa harapan.

Bago tayo umuwi, bibigyan ko kayo ng takdang aralin: Ibigay ninyo ang kahulugan ng mga
sumusunod.

Pangangailangan, Kagustuhan, Pagkonsumo, at Produksyon

Okay,
4
3
4
5

Ano ba ang kakapusan?


Ang kakapusan po ay pangunahing
katangian ng mga pangkalahatang
pinagkukunang- yaman dahil marami itong
mapaggagamitan sa harap ng limitadong
dami.
Tama. Sa kabilang banda ano naman
kaya ang kakulangan?
Ang kakulangan po ay ang ispesipikong
kalagayan kung saan ang suplay ng isang
bagay ay hindi sapat upang tugunan and
demand nito.
Kung itutuon natin ang ating sarili sa Data
Information Chart. Gaano kaya tumatagal
ang kakapusan? Ang kakulangan?

Sir, ang kakapusan po ay tumatagal ng


pang-matagalan. Samantala, ang
kakulangan po ay tumatagal
Magaling. Ano naman kaya ang problema pansamantala.
o dahilan kung bakit may kakapusan at
kakulangan?

Nagkakaroon po ng kakapusan dahil po sa


problema sa pwersang pang-kalikasan.
Samantala, nagkakaroon naman po ng
kakulangan dahil sa problema sa
Mahusay! Ngayong alam na natin ang alokasyon.
mga problema kung bakit nagkakaroon ng
kakulangan at kakapusan, ano naman
kaya ang nagiging limitado dahil dito?

Dahil po sa kakapusan ay nagiging


limitado ang pinagkukunang-yaman.
Samantala, sa kakulangan naman po
nagiging limitado ang ispesipikong dami
Magaling. Nakita niyo na ang pagkaka-iba ng suplay.
ng dalawa sa Data Information Chart.
Ngayon ano naman kaya ang pagkaka-
pareho ng dalawa?

Kapwa po silang naglalahad ng hindi


pagiging sapat ng panustos sa ating mga
Tama. Ngayon naman ay mag-bigay nga pangangailangan.
6

kayo ng halimbawa ng sitwasyong pang-


ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa
kakapusan?
. Nahaharap po tayo sa kakapusan sa
langis. (*Maaaring magbago ang sagot
batay sa ideya ng mag-aaral.)
Mahusay. Magbigay naman kayo ng
halimbawa ng sitwasyong pang-
ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa
kakulangan?
Nahaharap po tayo sa kakulangan sa
bawang at bigas. (*Maaring magbago ang
Tama. Dahil kalimitang nangyayari ang sagot batay sa ideya ng mag-aaral.)
hoarding o pagtatago ng suplay. Ang mga
madalas na gumagawa nito ay ang mga
miyembro ng cartel.

Ano naman kaya ang cartel?


Ang cartel po ay pangkat ng tao na
kumokontrol at nagmamanipula ng
pamamahagi, pagbili at pagpepresyo ng
mga produkto.
F. Paglalahat
Balikan muli natin ang ating pinag-aralan.
Ano ang dalawang dahilan ng kakapusan?
Sir, dahil po (1) walang hanggang
pangangailangan at hilig ng tao, at (2)
limitadong pinagkukunang yaman.
Magaling. At ano ang pagkaka-iba ng
kakapusan sa kakulangan?
Ang kakapusan po ay pangunahing
katangian ng mga pangkalahatang
pinagkukunang- yaman dahil marami itong
mapaggagamitan sa harap ng limitadong
dami. Samantalang, ang kakulangan po ay
ang ispesipikong kalagayan kung saan ang
suplay ng isang bagay ay hindi sapat upang
tugunan and demand nito.
Mahusay!

G. Paglalapat
Bilang mag-aaral ano kaya ang inyong
magagawa upang sa ganoon ay
malabanan natin ang kakapusan?

Inaasahang sagot:
 Magtitipid po ng papel.
7

 Bibilhin lamang po ang dapat na


gamitin.
 Matututong patayin ang ilaw at
gripo kapag hindi ginagamit.
 Magre-recycle po.
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring
magbago ayon sa kanilang ideya.)
Magaling. Ang lahat ng inyong sinabi ay
totoong makatutulong upang maibsan ang
kakapusan at tumagal ang ating paggamit
ng mga likas na yaman. Ang tawag dito ay
pangmatagalang paggamit o (sustainable
use).

II. Pagtataya

Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. (Bibigyan ng sagutang


papel ang mga mag-aaral.)

I. Maramihang Pili. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng produkto sa pamilihan.


a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo

2. Ito ay tumutukoy sa limitadong dami ng pangkalahatang pinagkukunang-


yaman.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo

3. Ito ay tumutukoy sa pang-matagalang gamit ng likas na yaman.


a. recycling b. reducing c. reusing d. sustainable use

4. Ano ang problemang pinagmumulan ng kakapusan at kakulangan?

a. alokasyon at likas na yaman c. pagkonsumo at alokasyon


b. pagkonsumo at produksyon d. likas na yaman at produksyon

II. MB o MS. Tukuyin kung ang pahayag ay makabubuti o makasasama sa


ekonomiya.

1. Pagkahilig ng tao sa mga produkto na hindi kailangan ng bansa.


2. Pansariling interes ng mga negosyante ang inuuna.
3. Paggamit muli ng notebook na wala pa namang gaanong sulat.
4. Pagbili lamang ng bagay na kailangan.
5. Pag-aaksaya sa mga likas na yaman ng bansa.
6. Pinapatay ang ilaw at gripo kung hindi ginagamit.
8

III. Takdang Aralin


Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Pangangailangan
2. Kagustuhan
3. Pagkonsumo
4. Produksyon

IV. Pagmumuni

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha


ng 75 bahagdan sa pagkatuto

B. Bilang ng mga mag-aaral na


nangangailangan ng karagdagang
aktibidad para sa muling pagkuha nito.

C. Ang muli bang pagkuha ng aralin ay


may kalabasan? Bilang ng mga mag-
aaral na nakuha ang aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na patuloy na


nangangailangan ng muling pagkuha ng
pagsusulit.

E. Alin sa aking mga diskarte sa pagtuturo


ay may maayos na kalabasan?
Bakit ito ang may kalabasan?

F. Ano ang mga problema na nakatagpo


ko kung saan matutulongan ako ng
aking punong-guro o superbisor na
malutas?

G. Ano ang mga pagbabago o mga


naisalokal na materyales ang ginamit
ko/tuklasin kung saan nais kung ibahagi
sa ibang mga guro?

Inihanda ni:

RITCHEL H. MAG-ABO
Tagapagpakitang-Turo

Itinama ni:

MR. PEREZ
Propesor
9

Kalakip 1. Larawan sa Pagganyak


1
0

Kalakip 2.1 Venn Diagram


Inihahambing ang pagkaka-pareho at pagkaka-iba ng Kakulangan at Kakapusan

KAKULANGAN
KAKAPUSAN
-limitado ang dami ng
-limitadong dami ng
suplay ng isang
pangkalahatang
ispesipikong bagay at
pinagkukunang-yaman
hindi matugunan ang
-problema sa pwersang demand nito
pangkalikasan
-problema sa alokasyon

Kapwa naglalahad ang mga ito ng hindi pagiging sapat ng panustos sa ating
mga pangangailangan

Kalakip 2.2 Data Information Chart

KAKAPUSAN KAKULANGAN
TAGAL Pang-matagalan Pansamantala
PROBLEMA Pwersang Pangkalikasan Alokasyon
LIMITASYON Pinagkukunang-yaman Suplay

You might also like