You are on page 1of 4

Notre Dame of Midsayap College

High School Department


Midsayap, Cotabato

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Petsa: July 17- 24, 2019


Baitang at Seksyon: IX- St. James, St. Luke, St. Vincent

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapakita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na
pamumuhay.
b. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na
buhay
c. Nakabubuo ng kongklusyon sa epekto ng kakapusan at kakulangan

II. Paksang Aralin


Paksa: Konsepto ng Kakapusan
Batayang Aklat: Ekonomiks, pahina 66- 71

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawaing
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagtala ng lumiban sa klase
d) Pamantayan sa klase
e) Pagpasa ng Takdang-aralin
f) Pagbabalik-aral
g) Pagganyak

 “ Picture Analysis”
 Magpapakita ng mga larawan ang guro sa mga mag-aaral.
Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na magkaroon ng
masusing pag- uunawa batay sa larawan na makikita.
B. Paglalahad

a. Gawain

- Ang mga mag-aaral ay magpapahayag sa harapan ukol sa


kanilang pagsuri sa videong ipinakita sa kanila.

b. Pag-aanalisa

 Ano ang konsepto ng kakapusan at kakulangan?


 Ano ang mga palatandaan sa pagkakaroon ng kakapusan at
kakulangan sa isang bansa?
 Bakit may nagaganap na kakapusan at kakulangan sa bansa?
 Paano masusulusyunan ang problema sa kakapusan at
kakulangan?

c. Abstraksyon

 Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon


sa mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha ng
mga produkto. Ang kakulangan ay isang kalagayan na
panandalian lamang na ibinubunga ng mga maling Gawain
ng tao.
.

d. Paglalapat

 Ang pangkat ay hahatiin sa tatlong grupo.


 Bawat grupo ay gagawa ng sariling awitin/ tula/ sayaw/
painting na tumatalakay sa epekto at dahilan ng kakapusan
at kakulangan at paglaban sa pang araw-araw na gawain ng
tao.

Mga Pamantayan Natatangi Mahusay Di-gaanong Hindi


(10pts) (8pts) mahusay mahusay
(6pts) (4pts)
Nilalaman
Pagkamalikhain
Presentasyon/ Paglalahad
Kalidad ng impormasyon o detalye
Pagkakaisa ng pangkat
Kabuuan

e. Paglalahat

 Bakit nagaganap ang kakapusan at kakulangan? Ipaliwanag.


 Paano nagkakaroon ng kakapusan at kakulangan sa isang bansa?
 Paano mo maipapakita ang paglaban sa epwkto ng kakapusan sa
iyong pang araw-araw na buhay?

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa isang quiz


notebook.

1. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang yaman ay


limitado upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
2. Ito ay tumutukoy sa panandaliang pagkawala ng mga produkto.
3- 5. Anu- ano ang mga katanungang dapat nating isaalang- alang tungkol
sa suliraning pang- ekonomiya sa produksiyon?
6- 7. Anu- ano ang mga katanungang dapat nating isaalang- alang tungkol
sa suliraning pang- ekonomiya sa distribusyon?
8. Ito ay tumutukoy sa pagtatago ng mga supply sa pamilihan.
9. Ano ang tawag sa mga pangkat ng malalaking negosyante na
kumukontrol at nagmamanipula ng distribusyon, pagbili, at pagpepresyo
ng mga produkto?
10. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handing ipagbili
sa iba’t- ibang antas ng presyo.

V. Takdang-Aralin

 Sagutan ang Tiyakin A sa pahina 73 sa aklat. Isulat ang sagot sa


quiz notebook.

Inihanda ni: Sinuri ni:


Karen T. Dacula Mae Angelyn B. Celestial
Guro Tagapag-ugnay ng Araling Panlipunan

You might also like