You are on page 1of 11

SLearning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face to Face Learning Modality

Paaralan PLSP-IS Baitang Ikasiyam na Grado


LESSON Guro Bb. Kate Camille Perez Asignatura Araling Panlipunan
EXEMPLAR Petsa June 3, 2023 Markahan Unang Markahan
Oras 3:30 – 4:30 pm Bilang ng Araw 1

LAYUNIN a. naipaliliwanag ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan sa


pamamagitan ng paglahok ng masigla sa talakayan,

b. nakabubuo ng production plan na nagpapakita ng mga choices


na mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga ito,

c. napapahalagahan ang pagtugon sa suliraning kakapusan sa


pamamagitan ng pagprepresent ng production plan.

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Pangnilalaman Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw
na pamumuhay.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Pagganap konsepto ng ekonomiks bilangbatayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
C. Pinakamahalagang Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
Kasanayan sa pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
Pagkatuto (MELC)
D. Pagpapaganang Naipapakita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na
Kasanayan pamumuhay.
a. NILALAMAN Ang Kakapusan
b. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Modyul ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan, Unang Markahan
Gabay ng Guro (pahina 25-29)
b. Mga Pahina sa Modyul ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan, Ikatlong Markahan
Kagamitang (pahina 25-29)
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Pahina 25-29
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula ---------------------------------------------------------------------------
sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Laptop, Projector, PowerPoint Presentation, Pictures, Visual Aids,
Kagamitang Panturo Cartolina, Markers, Crayons, Lobo, Papel, Answer Sheets
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

c. PAMAMARAAN
A. Panimula Panalangin
• Ang guro ay tatawag ng isang mag-aaral na mag-darasal
upang simulan ang talakayan ng may presensya ng ating
Panginoon.
Pagtatala ng Liban sa Klase
COIN PURSE ATTENDANCE

• Ang guro ay magbibigay ng mga printed na barya, at ito ang


magsisilbing attendance ng mga bata. Ang mga baryang
ibibigay ng guro ay nararapat nailagay ng mga bata sa tapat
ng kanilang mga pangalan.

Ang Napapanahung Pagpapaalala


• Pagpapaliwanag at pagpapaala ng mga panuntunan na
nararapat isagawa sa loob ng klase. Narito ang mga tuntunin
na dapat maisagawa ng mga mag-aaral sa diskusyon.

Balitaan
EKO-BALITA
E_O_O_IK_
Ang guro ay magpapakita ng larawan at kinakailangang
magbigay ang mag-aaral ng balita patungkol sa larawang
ipinakita ng guro. Ang mga mag-aaral ay inaasahan na
makapagbigay ng napapahong balita at inaasahang silang
makakapabigay ng opinyon batay sa balitang nasaksihan.

Balik Aral

ALALAHANIN MO AKO!

• Ang mga mag-aaral ay nararapat na sagutin ang mga


sumusunod na katanungan na itatanong ng guro.
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Ano ang ekonomiks?
3. Sino ang tinaguriang ama ng ekonomiks?
4. Ano ang dalawang sangay ng ekonomiks?
5. Magbigay ng mahalagang aral na inyong nakamtam mula
sa paksang tinalakay na sa tingin ninyo ay makakatulong sa
inyong pang-araw- araw na pamumuhay.

Motibasyon

PUTUKAN NA!

Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa dalwang grupo. Ang bawat grupo
ay nararapat na pumili ng tig-dalwang representante. Ang mga napili
ay nararapat na pumunta sa unahan upang isagawa ang aktibidad.

Ang grupo ay bibigyan ng tig dalwang lobo at ito ay salitan nilang


puputukin. Ang lobo na kanilang pinutok ay naglalaman ng ibat-ibang
salita. Ang mga salitang nakapaloob dito ay naglalaman ng ilang likas
na yaman na matatagpuan sa Asya. Nararapat lamang na piliin nila
kung anong salita ang hindi kabilang sa grupo. Kung kaninong grupo
ang mabilis na matapos ay silang panalo sa larong ito.
Mga salitang nakapaloob sa lobo:
Mais Nuclear Manok Hydropower
Saging Fuel Itlog Solar
Langis Puno Coal Beans

Integration with (AP 7: MELCS p.47 (Nailalarawan ang mga yamang


likas ng Asya)

B. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


T-CHART
Panuto: Suriin ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-
chart. Ihambing ang dalawang hanay at sagutan ang mga
pamprosesong tanong.

HANAY A HANAY B

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang produkto sa hanay
A at hanay B?
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga
produkto sa iisang hanay at ano ang implikasyon nito sa ating
pamumuhay bilang Asyano? Ipaliwanag.
3. Ano sa inyong palagay ang tatalakayin natin ngayong araw?
Integration with (AP 7: MELCS p.47 (Nasusuri ang yamang likas at ang
mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon)

DISKUSYON:

PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT KAKULANGAN

KAKAPUSAN
Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng
kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas, at iba pang non-
renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.
KAKULANGAN
Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang
pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng
supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba
pang kalamidad.

ANG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY


Inilarawan Ni Gregory Mankiw ( 1997) Ang kakapusan bilang isang
pamayanan na may limitadong pinagkukunang yaman na hindi kayang
matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng
tao. Ang katulad nito ayon sa kaniya ay isang pamilya na hindi kayang
ibigay sa bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan.
Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang
lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao.

Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan


ang opportunity cost ng gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang
produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin ang higit
na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng
pagpili? Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang
halaga ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang
oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o
nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon (Case, Fair at Oster, 2012)

Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng


produksiyon at masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang.
Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at
timbangin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kung magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito sa
graph, maaaring makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa
Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang
mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman.

PRODUCTION POSSIBILITIES FRONTIER


Ang Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na
nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang
makalikha ng mga produkto. Nailarawan din sa pamamagitan nito ang
konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan.
Mahalaga ito sa pagpapakita ng mga choices na mayroon ang
komunidad at ang limitasyon ng mga ito. Sa paggamit ng PPF,
kailangang isaalangalang ang mga hinuha na:
1. Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain.
Halimbawa, pagkain at tela; at
2. Ang pamayanan ay may limitadong resources (fixed supply).

Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang


hangganan ng PPF. Sa mga hangganang ito ay maituturing na
eficient ang produksiyon. Kinakatawan ito ng choices sa option A, B,
C, D, E, at F. Tingnan ang production plan ng isang partikular na
teknolohiya sa ibaba.

Kahit alin sa mga punto sa hangganan ng PPF ang gamitin ay


masasabing eficient ang produksiyon.
• Plano A, kung saan maaaring gamitin ang lahat ng salik ng
produksiyon upang makalikha ng 1000 units ng tela kaya walang
magagawang pagkain. Upang makalikha ng pagkain,
mangangailangan ito ng salik ng produksiyon na kukunin mula sa
produksiyon ng tela; dahil dito, mababawasan ang gagawing tela
(trade-off). Magkakaroon lamang ng pagbabago sa dami ng
magagawa sa pagitan ng pinag-aaralang produkto ayon sa
magiging desisyon. Ito ay batay sa konsepto ng Ceteris paribus –
other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago
maliban sa salik na pinag-aaralan (Balitao et al. 2012). Ang
pamamaraang ito sa ekonomiks ay ginagamit upang maging mas
simple ang pagpapakita sa relasyon ng pinag-aaralan.

• Plano B, makalilikha ng 950 units ng tela at makagagawa ng


100 units ng pagkain
• Plano C makalilikha ng 850 units ng tela at 200 units ng pagkain
• Plano D makalilikha ng 650 units ng tela at 300 units ng pagkain
• Plano E makalilikha ng 400 units ng tela at 400 units ng pagkain
• Plano F makalilikha ng 0 unit ng tela at 500 units ng pagkain.
Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong
infeasible na plano ng produksiyon. Ito ay magandang plano subalit
hindi makatotohanan. Sa mga hangganan ng PPF,
ipinagpapalagay na lubos na nagamit ang lahat ng salik ng
produksiyon sa paglikha ng produkto. Gayumpaman, maaari pa
ring maisakatuparan ang infeasible na plano sa pamamagitan ng
paggamit ng angkop at makabagong teknolohiya, at paglinang sa
kakayahan ng mga manggagawa.

Samantala, kung hindi magagamit ang lahat ng salik ng


produksiyon ay masasabing hindi rin eficient ang paglikha ng
produkto dahil hindi nagagamit lahat ng salik na mayroon ang
lipunan, ito ang inilalarawan ng punto na nasa loob ng kurba.
Maaaring magdulot ng suliraning pang-ekonomiya ang planong ito
tulad ng kawalan ng trabaho.

Sa bawat desisyon ay mahalagang isaisip ang pagtugon sa


suliranin ng kakapusan. Dahil sa kakapusan, kailangang mamili ang
tao, at lumikha ng naaayon sa kaniyang pangangailangan at
kagustuhan nang walang nasasayang at nasisirang pinagkukunang-
yaman.

Integration with (Math 7: MELCS p.234 (Illustrates an experiment,


outcome, sample space and event)

C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


PRODUCTION PLAN
Panuto: Ang bawat grupo ay kinakailangang gumawa ng Production
Plan. Ang production plan na gagawin ay nararapat na nakabatay sa
pinakatinatangkilik na produkto sa inyong komunidad. Ito ay
nararapat na iguhit sa graph at lagyan ng sariling konklusyon at
interpretasyon.

Gawing gabay ang nasa ibabang larawan.

Pamprosesong tanong:
1. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga na maintindihan at
matututunan mong gumawa ng production plan o
Production Possibilities Frontier?
2. Bakit mahalaga na mapamahalaan natin ang suliraning
kakapusan sa ating komunidad? Sa paanong paraaan mo
mapapahalgahan ito?

Integration with (ESP 8: MELCS p.102; (Naisasagawa ang isang


gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan
sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan o intelektwal)

Integration with (English 8: MELCS p.139 (Compose effective


paragraphs)

Integration with (Math 7: MELCS p.227 (Represents real-life situations


and solves problems involving real numbers)
D. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
IPRESENT MO!

Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sapat na oras para


maipaliwanag ang production plan na kanilang ginawa upang
maipakita nila kung paano nila napapahalagahann ang pagtugon sa
suliraning kakapusan sa pang-araw -araw nilang pamumuhay.

RUBRIK PARA SA PRODUCTION PLAN

PAMANTAYAN 5 3 1
NILALAMAN Naisagawa ng Naisagawa Hindi
mahusay ang ang naisagawa
production production ng mahusay
plan, plan, ang
naglalaman ng naglalaman production
tamang ng tamang plan,
solution, solution, naglalaman
interpretasyon interpretasyon ng maling
at konklusyon. at konklusyon. solution,
interpretasyo
n at
konklusyon.
ORGANISASYON Malinis at Maayos ang Magulo ang
maayos ang graft at table nagawang
graft at table na ginawa sa graft at table
na ginawa sa production sa production
production plan plan plan
KAHALAGAHAN Naipahayag Naipahayag Hindi
ng malinaw ang naipahayag
ang kahalagahan ng malinaw
kahalagahann ng production ang
ng production plan sa kahalagahan
plan sa pagtugon sa ng production
pagtugon sa suliraning plan sa
suliraning kakapusan pagtugon sa
kakapusan suliraning
kakapusan
Integration with (ESP 9: MELCS p.112; (Nakakataya ng lipunang
ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan)

Integration with (English 9: MELCS p.140; (Use conditionals in


expressing arguments)
E. Pagninilay Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

• TALA-ALAMAN
Panuto: Punan ang papel na ibinigay ng guro. Ang kasagutan
ay narararapat ilahad sa isa o dalwa lamang pangungusap.
Ang guro ay magbibigay ng tinakdang oras para matapos ang
aktibidad

Integration with (ESP 9: MELCS p.111; (Napapatunayan na:


a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong nagpapaunlad ang lahat- walang
taong sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lang sa sariling pag-unlad kundi sa
pag-unlad ng lahat.)

You might also like