You are on page 1of 35

DETAILED LESSON PLAN Paaralan PAMIBIAN INTEGRATED SCHOOL Baitang/Antas 9

(DLP) Guro PAMELA C. MANGLICMOT Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Petsa/Oras SEPTEMBER 25-26, 2023 Markahan Una (WEEK 5)
1:00-2:00 PM
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.1
code ng bawat 2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.
kasanayan 3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 3-5

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 36-41


Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at A. Ipabasa ang mga katanungang nakasulat sa paper strips. Tumawag ng mag-aaral at pasagutan ito. (Gawin sa
pagsisimula ng bagong aralin. loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)

Paunang Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik nito sa iyong notbuk.

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya
naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang
sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa.
6.
7.
8.
9.
10.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang ekonomiya.
3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

B. Ipabasa ang sitwasyong nasa PowerPoint Presentation at pasagutan ang mga katanungan. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni Nanay?" o "Sino ang
paborito ni Tatay?" May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag
ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga magulang kay
bunso.
1. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo?
2. Ano ang naisip mo?
3. Ano ang ginawa mo?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa pangangasiwa bahay pamamahala budget tahanan


bagong aralin pamilya kayamanan prinsipyo angkop estado

Pumili ng mga salitang nasa loob ng kahong may kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya. Tumawag ng mag-aaral
na siyang maglalagay sa Bubble Web, ibigay ang nabuong konseptong may kaugnayan sa lipunang pang-
ekonomiya gamit ang mga gabay na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nasa bubble web sa lipunang pang-ekonomiya?
2. Mula sa mga salitang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng lipunang pang- ekonomiya?

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

D. Pagtalakay ng bagong Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral sa klase. Tanungin ang kapwa mag-
konsepto at paglalahad ng bagong aaral ng sumusunod na katanungan. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng resulta ng kanilang
kasanayan #1 survey (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinusolusyonan ang kakulangang ito?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Balikan ang takdang-aralin ukol sa kaparehong survey sa mga magulang. Pangkatin ang klase sa limang grupo.
at paglalahad ng bagong Pasagutan sa Manila paper ang katanungan na iaatas sa kanila. Lahat ng miyembro ay magbabahagi ng
kasanayan #2 kasagutan. Pumili ng mag-uulat sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

Unang Pangkat: Magkano ang budget ng pamilya para sa isang buwan? Ikalawang
Pangkat: Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan? Ikatlong Pangkat:
Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan?
Ipaliwanag.
Ikaapat na Pangkat: Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
Ikalimang Pangkat: Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang
masolusyonan ang suliranin?

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat sa notbuk ang kasagutan at tumawag ng 3-5 mag-aaral na
Formative Assessment) magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)
1. Ibigay ang iyong opinyon sa pahayag na, “Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang
ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan”.
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Magbigay ng halimbawa ng mabuting ekonomiya.
G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw- Pumili ng limang mag-aaral na magsasagawa ng panel discussion. Pasagutan ang mga katanungang nakasulat sa
araw na buhay paper strips. Maghanda rin ng kasagutan ang mga mag-aaral na hindi kasali sa panel. Ang guro ang magsisilbing
moderator. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

1. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng perang kanilang


hawak? Pangatuwiranan.
2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hinding magbudget ng perang hawak? Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?
4. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang kinikita?
5. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain? Ipaliwanag.

H. Paglalahat sa aralin Ang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita na oikos (bahay) at nomos (pamamahala). Ito ay tulad
din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng
gastusin upang makapamuhay ng mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang
buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.Sinisikap
gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat
isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin
at kakayahan.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at lagyan ng tamang pahayag kung mali.
(Gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)
1. Sadyang magkakaiba ang mga tao.
2. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng
lipunan.
3. Ang ekonomiya ay hindi tulad lamang din ng pamamahala sa bahay dahil ito ay malawak ang
sakop.
4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
5. Ang lipunan ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito
sa mga pangangailangan ng tao.

J. Karagdagang gawain para sa Para sa paghahanda sa susunod na gawain, hatiin ang klase sa maliit na pangkat na may tig- 5 o 6 na miyembro
takdang-aralin at remediation ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-pareho ang bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay
magdadala ng sumusunod na kagamitan:
1. barbecue sticks
2. masking tape
3. piraso ng papel (reusable bond paper)
4. orasan
5. pamaypay
6. ruler
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong


nang lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa


tulong ng aking punong-guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong


nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni: Sa kaalaman ni:

PAMELA C. MANGLICMOT LOVELY DIOSA D. BATNAG GRACE B. MONTIVERGEN


Substitute Teacher Master Teacher I Principal II
DETAILED LESSON Paaralan PAMIBIAN INTEGRATED SCHOOL Baitang/Antas 9
PLAN (DLP) Guro PAMELA C. MANGLICMOT Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras SEPTEMBER 25-26, 2023 Markahan Una (WEEK 5)
1:00-2:00 PM
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang- ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.2


Isulat ang code ng bawat 2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
kasanayan 3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-6

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 40-41


Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Video mula sa: (http://www.gmanetwork.com/saksi) LCD projector,
laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Tumawag ng 2-3 mag-aaral para sumagot sa mga katanungang nakalagay sa isang mystery box. Isa-isang bubunot
at pagsisimula ng bagong ang mga napiling mag-aaral na sasagot sa nabunot na katanungan tungkol sa mga katangian ng mabuting lipunang
aralin. pang-ekonomiya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang lipunang pang-ekonomiya?
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Ibigay ang katangian ng mabuting ekonomiya.
4. Ano ang role o gampanin ng estado para magkaroon ng mabuting ekonomiya?
5. Paano nasusuri ang mabuting ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
3. Naibibgay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

B. Panoorin ang GMA NEWS TV segment na Saksi na may titulong “GDP growth rate sa unang buwan ng Duterte
Administration, pumalo sa 7.1%” (http://www.gmanetwork.com/saksi) (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative
Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng isang lider na siyang magpapadaloy ng talakayan
bagong aralin tungkol sa napanood na video. Ilista ang mga nakitang dahilan ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Iulat ito ng
lider sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paggawa ng Bahay (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Layunin:
1. Masaksihan ang proseso ng palitan ng personal na kayamanan para sa mga kakailanganin sa pagtupad ng
tungkulin.
2. Maipamalas ang kakayahang unahin ang grupo bago ang sarili.
3. Mamulatan at matanggap ang hangganan ng pagbibigay ng sarili.
4. Matutuhang makipagtulungan sa iba sa pagtupad ng tungkulin.
5. Makita ang papel ng estado sa lipunang pang-ekonomiya.
6. Matutuhang maging masinop sa mga kagamitan.
7. Mamulat sa halaga ng pag-aari at panahon.

Mga gagamitin:
barbecue sticks masking
tape
piraso ng papel (reusable bond paper)
orasan
pamaypay
ruler

1. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tig-5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-
pareho ang bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat.
2. Kailangang makabuo ng isang bahay yari sa barbecue sticks, masking tape at mga papel na
tumutupad sa mga sumusunod na pamantayan
a. may kabuuang taas na hindi bababa sa 5 pulgada
b. matibay
c. matitirahan (may bintana, pintuan, may hindi bababa sa apat na dingding, bubong na hindi tatangayin
ng bagyo at hindi pababagsakin ng ulan, sahig)
3. Ang materyales na gagamitin ay simbolikong bibilhin sa guro. Gamit ang kanilang mga personal na
kagamitan, ipagpapalit nila ang mga ito para sa kailangan nilang materyales.
4. Maaaring maging ganito ang palitan sa klase.
a. 1 barbecue stick = aksesorya sa katawan (relos, pulseras, headband, kuwintas, sinturon, etc.)
b. 1 papel = 1 pares ng sapatos o tsinelas
c. 1 pulgadang masking tape = damit
5. Maaaring dumating sa punto na wala nang paninda o wala na ring maipampalit ang mga pangkat.
Mahalagang mapag-isipang mabuti kung paano ito sosolusyonan sa klase.
6. Anuman ang gagawin pagkatapos na maubos ang mga kagamitan sa guro ay hindi na kailangan pang
ipaalam sa kanya.
7. Bibigyan ng 20 minuto ang bawat pangkat na buuin ang bahay simula sa oras ng palitan ng mga gamit.
8. Kapag ubos na ang oras, dadalhin ang mga nagawang bahay sa guro upang subukin ang mga ito batay sa
kraytirya.
a. Sapat ang taas ng bahay na ginawa 30%
b. Maaaring matirahan ang bahay 30%
c. Paypayan ang bahay upang makita kung tatayo ito laban sa bagyo 40%

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Iulat sa klase ang resulta ng gawain gamit ang mga gabay na katanungan. Bawat grupo ay may 3 minuto para
paglalahad ng bagong kasanayan #2 ibahagi sa klase ang naging karanasan sa paggawa ng bahay. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

a. Ikuwento ang nangyari sa inyong grupo. Saan kayo nahirapan? Ano ang ginawa ninyo ukol
dito? Paano ninyo ito nalampasan?
b. Ano ang naramdaman ninyo nang kailangan ninyong ipagpalit ang inyong gamit para makabili ng isang
materyales? Ano ang pakiramdam nang naubos na ang inyong pampalit?
c. Ano ang napansin ninyo sa ibang pangkat? Paano natutulad o naiiba ang kanilang bahay at ang proseso ng
pagbuo nito sa inyo? Sa tingin ninyo, tama ba o mali ang kanilang ginawa?
d. Ano-ano kaya ang sinisimbolo ng sumusunod: (a) bahay; (b) guro; (c) palitan; (d) orasan?

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Gumawa ng paghahalintulad sa paraan at epektong ginamit ng grupo/estado kung paano nakamit ang
Formative Assessment) magandang bahay/magandang ekonomiya. Isulat sa notbuk ang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

PARAAN EPEKTO
Grupo Estado Grupo Estado

G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw- Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
araw na buhay
1. Ano ang maidudulot ng magandang ekonomiya?
2. Ano ang inyong natutuhan mula sa gawain?

H. Paglalahat sa aralin Ang magandang ekonomiya ay produkto ng maayos na sistema ng pangangalakal, kawalan ng corruption at
mga taong nagtutulong-tulong upang makamit ang hinahangad. Hindi imposibleng magkaroon ng magandang
ekonomiya ang Pilipinas kung tayo ay magtutulungan.
I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang poster sa isang bond paper na nagpapakita ng isang magandang ekonomiya. Ipaliwanag ito
sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
Nilalaman at pamamaraan 50%
Pagkamalikhain 25%
Pananalita 15%
Orihinalidad 10%

J. Karagdagang gawain para sa Kumuha ng larawan mula sa lumang magazines o pahayagan at suriin kung anong uri ng eknomiya ang ipinapakita
takdang-aralin at remediation nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng opinyon tungkol dito.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong ng
aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni: Sa kaalaman ni:

PAMELA C. MANGLICMOT LOVELY DIOSA D. BATNAG GRACE B. MONTIVERGEN


Substitute Teacher Master Teacher I Principal II
DETAILED LESSON Paaralan PAMIBIAN INTEGRATED SCHOOL Baitang/Antas 9
PLAN (DLP) Guro PAMELA C. MANGLICMOT Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras OCTOBER 2-3, 2023 Markahan Una (WEEK 6)
1:00-2:00 PM

UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Napatutunayan na: EsP9PL-If-3.3


Isulat ang code ng bawat a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang mayaman at
kasanayan walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonomiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9TG p. 6-7

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-Mag- aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 42-46
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop

III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa katangian ng magandang ekonomiya ng
at pagsisimula ng bagong isang bansa at sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin.
1. Ano ang iyong masasabi sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ngayon?
2. Nakamit na kaya natin ang magandang ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang mayaman at
walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonmiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.
B. Mula sa ibinigay na takdang aralin, ipakita ang mga larawang nagpapahayag ng uri ng ekonomiya. Tumawag ng
3-5 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa larawan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipabasa at pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan. Ipagawa ito sa notbuk at pumili ng 3-5 mag-aaral
bagong aralin upang magbahagi sa klase ng kanilang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sukatan ba ang matataas na gusali at maraming infrastructures para masabing maganda ang ekonomiya ng
isang bansa?
2. Sa inyong palagay, ano ang dapat maranasan ng mga taong nakatira sa bansang may magandang
ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatin ang klase sa apat. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat grupo at iulat ito sa klase.
paglalahad ng bagong kasanayan (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
#1
Unang Pangkat: Lipunang Pang-ekonomiya

Lipunang Pang-ekonomiya
Pagkakapantay-pantay

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may
nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao
sa kanyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi
pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga
taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil
sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi ng
pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino. Ang taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa maliliit.
Ang babae ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses ang hinahanap
upang maging
tagapagbalita sa radyo. May linaw ng matang hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba pang aspekto
ng kasinuhan ng tao: ang kanyang kinagisnan ng pagpapalaki sa kanya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang
kanyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot ng tao.

Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng
basketbol, hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kanyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang
naaabot ng matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa kanya
sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon.

Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang pinakamagaling sa Math
ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng gurong
ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay.
Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems
na kanyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao,
may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao, ano ang
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga tao
nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya naman ay mahinang kumain. Baka may ibang
may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling
batayan?

Ikalawang Pangkat Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao


Pero Hindi Patas!

Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “Bakit hindi na lang ibigay ang tinapay sa lahat at bahala na ang
mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba ang sobra sa kanila?” Maganda ang hangarin ng ganitong pag-
iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng bawat isa. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na gumawa ng
matinong pagpapasya para sa kanyang sarili at para sa iba. Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa
tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga tao sa mas malakihang pagtingin.

Una, tila tinatali ng tao ang kanyang sarili sa bagay na kung hindi siya makakakuha ng bagay, bumababa ang
kanyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba lamang ang mabigyan ng tinapay, para siyang
nagpapalamang. Para niyang binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya talaga. Pakiramdam niya ay
nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang halaga ng
tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. May yaman man ang tao o wala, may halaga pa
rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay busugin, palakasin at paginhawahin. May pangingibabaw
siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kanya. Ang kunin pa niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay.
Ang pagpilit naman niyang kainin ang tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang pagsira
naman niya sa kanyang sarili. Maaari pa itong dahilan ng kanyang pagkakasakit. Maling-mali ito.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership). Bakit nga ba ako
nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para ipagmayabang niya sa kanyang
kapitbahay ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para ibandera sa iba ang kanilang mga
bagong appliances? Gumagawa at
nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon
sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang kanyang sariling
galing. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kanyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap- buhay.” Ang hinahanap
ng gumagawa ay ang kanyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na
hinahanap niya. Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng kanyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit
niya upang matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay. Mayroon siyang videoke machine hindi para mag-
ingay kundi para magamit niya sa kanyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kanyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi
upang malibang at makakuha ng bagong kaalamang makatutulong sa muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho.
Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi, dahil kailangan niya ito upang gawing presentable ang kanyang
sarili sa trabaho at sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa paligid at
yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang
umayon sa mga layunin ng tao.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa
paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitang mayroon siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang tunay na
mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi
ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kanya ang kanyang
ikayayaman.

Ikatlong Pangkat Hindi Pantay pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya

Hindi Pantay Pero Patas

Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. Patas.
Nakatutuwang malamang ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at
“nomos” (pamamahala). Ang
ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na budget ang namamahay.
Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa)
upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa
bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na masiguro na ang
bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na
pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha sila ng mga pagkakataong makapamuhunan sa bansa ang mga may
kapital upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa
paghahanapbuhay.
Sinisikap gawin ng estadong maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang
malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot,
ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng
bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao-pagkakataon hindi lamang makagawa kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng
kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Pang- ekonomiya. Ginagawa rin
nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sa pamamagitan ng graphic organizer, tukuyin at isa-isahin ang mga konseptong nabasa sa sanaysay. Bawat
paglalahad ng bagong kasanayan pangkat ay bigyan ng takdang graphic organizer. Gawin ito sa notbuk. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
#2 (Reflective/Constructivist Approach)
Unang Pangkat Ikalawang Pangkat

PAKSA

Ikatlong Pangkat

PAKSA

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Mula sa mga nakuhang konsepto, pasagutan ang mga katanungan sa notbuk. Pumili ng 3-5 mag-aaral upang
Formative Assessment) magbahagi ng kasagutan sa klase.
1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?
4. Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng kapareha at makipagpalitan ng opinyon tungkol sa konseptong nabuo sa aralin. Gamit ang graphic
araw-araw na buhay organizer, ipakita ang kabuuan ng lipunang pang-ekonomiya kasama ang mga konseptong bumubuo rito upang
maabot ang tunguhin para sa kabutihang panlahat. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

PAKSA

H. Paglalahat sa aralin Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na masiguro na ang
bawat bahay ay magiging tahanan. Pinangungunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na
pagbabahagi ng yaman ng bayan. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na
nagpapangyari sa kolektibong pag- unlad ng bansa. Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa
loob ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa - isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat
isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong, pumili ng pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa notbuk.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya
naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang
sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak
na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa.
6.
7.
8.
9.
10.

J. Karagdagang gawain para sa Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Maghanda para sa isang symposium tungkol sa paksang “Ano ang
takdang-aralin at remediation Magagawa ng Isang Kabataan sa Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?”
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-


aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan


sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni: Sa kaalaman ni:

PAMELA C. MANGLICMOT LOVELY DIOSA D. BATNAG GRACE B. MONTIVERGEN


Substitute Teacher Master Teacher I Principal II
DETAILED LESSON Paaralan PAMIBIAN INTEGRATED SCHOOL Baitang/Antas 9
PLAN (DLP) Guro PAMELA C. MANGLICMOT Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras OCTOBER 2-3, 2023 Markahan Una (WEEK 6)
1:00-2:00 PM
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
Isulat ang code ng bawat dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop) EsP9PL-If-3.4
kasanayan 2. Nakapagsasagawa ng isang symposium tungkol sa ibinigay na paksa.
3. Naipahahayag ang opinyon tungkol sa magagawa ng isang kabataan sa pagkamit ng mabuting
ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 9 TG p. 7-9

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-


Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 46-49
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop


Sanaysay mula sa: www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa- hirap-nagsumikap-
hindi-yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay
Video mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng konsepto ng lipunang pang-ekonomiya.
at pagsisimula ng bagong (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
aralin.
B. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang kalagayang pangkabuhayan sa inyong lugar?
2. Ano ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa
gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop)
2. Nakagagawa ng isang dokumentaryo tungkol sa lipunang pang-ekonomiya ng barangay na kinabibilangan.
3. Naipahahayag ang opinyon sa pagsusuri ng lipunang pang-ekonomiya.

B. Ipabasa sa mag-aaral ang isang sanaysay ng isang kabataang may titulong “Galing sa Hirap Nagsumikap, Hindi
Yumaman pero Nagbago ang Estado ng Buhay”
(www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa-hirap-nagsumikap- hindi-yumaman-
pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay) (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Pasagutan ang sumusunod na katanungan sa notbuk. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng kasagutan
bagong aralin sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang ipinahahayag ng kuwento?
2. Paano siya nagtagumpay sa buhay?
3. Paano siya nakaambag sa lipunang pang-ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mag-iimbita ang guro ng tagapagsalita (Youth Development Program Officer of the Division). Pangkatin ang klase
paglalahad ng bagong kasanayan sa dalawa. Magsagawa ng isang symposium gamit ang paksang, “Ano ang Magagawa ng Isang Kabataan sa
#1 Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?” Maglaan ng 15 minuto upang malayang makapagtanong ang mga mag-
aaral. Tiyaking lahat ay matamang nagtatala ng mga tiyak na hakbang na kanilang magagawa para makatulong
sa pagkamit ng mabuting ekonomiya. (Gawin sa loob ng 30 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagkatapos ng gawain ay pasagutan ang mga sumusunod na katanungan sa notbuk.
paglalahad ng bagong kasanayan a. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang ginagawa o nagawa mo na? Ipaliwanag.
#2 b. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang nais mong simulang gawin sa malapit na hinaharap?
Paano?

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Bumuo ng pangkat na may limang miyembro. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong. (Gawin sa
Formative Assessment) loob ng 5 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)
1. Ano-ano ang mga bagay na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas?
2. Ano ang maaari mong isagawang plano upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamaraang
kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kasagutan sa tanong,
araw-araw na buhay “Bilang isang kabataan, saan mo maikukumpara ang iyong naging kontribusyon sa lipunang pang-ekonomiya?”

H. Paglalahat sa aralin Bawat isa ay malaki ang ginagampanang papel sa pagkamit ng magandang lipunang pang-ekonomiya.
Kahit ang sinumang kabataan ay malaki ang maiaambag sa pagkamit nito.

I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa mga pangkat na may 6 na kasapi. Magsagawa ang bawat pangkat ng isang Proyektong
Pampayanan gabay ang sumusunod na layunin.

Mga Layunin:
1. Makalikha ng isang bagay na may pangmatagalang pakinabang sa pamayanan.
2. Matutuhan ang pangangalap ng pondo.
3. Mamulat sa halaga ng kayamanan: salapi, oras at pagod.
4. Matutong makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.
5. Makapaglunsad ng isang fair kung saan makaiipon ng salapi ang mga pangkat.

Mag-isip ng isang proyektong magagawa agad sa loob ng isang linggo at may pangmatagalang kapakinabangan
ang pamayanan. Maghanda ng proposal gamit ang kalakip na form. Ipasa sa guro at hingin ang kanyang pagsang-
ayon. Makikipag-ugnayan ang mga pangkat sa kinauukulan para sa proyekto. Halimbawa, kung nais nilang
magtanim ng mga namumulaklak na halaman sa parke, kailangan nilang magpaalam sa Kapitan ng Barangay.
Pagkatapos ng proyekto, iuulat nila ang kanilang mga paghahanda, naranasan at natutuhan sa klase. Kailangang
maghanda ng komprehensibong ulat sa isasagawang mga gawain.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang nangyari? Ikwento ang magagandang bagay na nangyari. Paano ito naganap? Ano ang inyong
ginawa?
b. Ano ang naging balakid? Paano ninyo ito napagtagumpayan?
c. Ano ang inyong natutuhan?

J. Karagdagang gawain para sa Ibigay ang kahulugan ng mga salita:


takdang-aralin at 1. lipunan
remediation 2. sibil
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag- aaral na
nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni: Sa kaalaman ni:

PAMELA C. MANGLICMOT LOVELY DIOSA D. BATNAG GRACE B. MONTIVERGEN


Substitute Teacher Master Teacher I Principal II

You might also like