You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

PINAG-ISANG PROTOTIPONG BANGHAY-ARALIN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Baitang: Grade 9 Linggo: Pang-anim

Kwarter: Kwarter 1 Petsa:

I. LAYUNIN
(Objective)
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.
Pangnilalalaman
(Content Standard)
B. Pamantayan sa Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan
Pagganap at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).
(Performance Standard)
C. Mga Kasanayan sa 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
Pagkatuto EsP9PL-Ie-3.1
(Learning Competencies) 2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.
3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.
Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya
II. NILALAMAN (Content)

III. KAGAMITANG PANTURO


(Learning Resources)

A. Sanggunian
(References)
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 3-5
ng Guro
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 36-41
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Pahina sa Libro
4. Karagdagang http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
Kagamitan na galing
sa LR portal
B. Iba Pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
Panturo (Other Teachers’
Material)

IV. PAMAMARAAN

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

(Procedures)

A. Balik-aral sa nakaraang
aralin o pagsisimula ng A. Ipabasa ang mga katanungang nakasulat sa paper strips. Tumawag ng mag-aaral at
aralin
pasagutan ito. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
(Reviewing Previous
Lessons or Presenting the 1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
New Concepts) pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng


10 minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya

A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong notbuk.

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang


kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula
sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi
naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang
ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa
kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo
na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong
paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng
tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa
tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng
tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa
tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao
sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao
sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng
pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya
ng bansa.
7. Paghahabi sa layunin ng A.Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
(Establishing or Purpose 2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang ekonomiya.
of the Lesson) 3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

B.Ipabasa ang sitwasyong nasa PowerPoint Presentation at pasagutan ang mga


katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni
Nanay?" o "Sino ang paborito ni Tatay?" May halong inggit, kung minsan, ang
pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya.
Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga
magulang kay bunso.

1.Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo?


2. Ano ang naisip mo?
3. Ano ang ginawa mo?

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

8. Pag-uugnay ng
halimbawa sa bagong
aralin (Presenting
examples/ instances of
the new lesson)

9. Pagtatalakay ng bagong Magsagawa ng isang survey sa kapwa mag-aaral sa klase.Tanungin ang kapwa mag-
konseptoat paglalahad ng aaral ng sumusunod na katanungan. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng
bagong kasanayan #1 resulta ng kanilang survey (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
(Discussing new concepts
and practicing new skills a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
#1) b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinusolusyonan ang
kakulangang ito?
10. Pagtatalakay ng Balikan ang takdang-aralin ukol sa kaparehong survey sa mga magulang. Pangkatin ang
bagong konsepto at klase sa limang grupo. Pasagutan sa Manila paper ang katanungan na iaatas sa kanila.
paglalahad ng bagong Lahat ng miyembro ay magbabahagi ng kasagutan. Pumili ng mag-uulat sa klase.
kasanayan #2 (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
(Discussing new concepts
and practicing new skills Unang Pangkat: Magkano ang budget ng pamilya para sa isang buwan?
#1) Ikalawang Pangkat: Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan?
Ikatlong Pangkat: Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan?
Ipaliwanag.
Ikaapat na Pangkat: Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
Ikalimang Pangkat: Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang
masolusyonan ang suliranin?
11. Paglinang sa Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat sa notbuk ang kasagutan at tumawag ng
kabihasaan (Developing 3-5 mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective
Mastery Leads to Approach)
Formative Assessment) 1. Ibigay ang iyong opinyon sa pahayag na, “Ang karanasan sa pag-ibig ng
magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan”.
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Magbigay ng halimbawa ng mabuting ekonomiya.

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

12. Paglalapat ng aralin Pumili ng limang mag-aaral na magsasagawa ng panel discussion. Pasagutan ang mga
sa pang araw- araw katanungang nakasulat sa paper strips. Maghanda rin ng kasagutan ang mga mag-aaral
na buhay (Finding na hindi kasali sa panel. Ang guro ang magsisilbing moderator. (Gawin sa loob ng 10
Practical Application
of Concepts and
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
Skills in Daily Living)
1. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget
ng perang kanilang hawak? Pangatuwiranan.
2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hinding magbudget ng perang
hawak? Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang
kinikita?
4. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang
perang kinikita?
5. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang
gawain? Ipaliwanag.
13. Paglalahat ng Aralin Ang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita na oikos (bahay) at nomos
sa pang araw-araw na (pamamahala). Ito ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang
buhay (Making namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang makapamuhay ng
Generalizations and mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa
Abstractions about the bahay at upang maging tahanan ang bahay. Ang lipunang pang-ekonomiya ay
Lesson)
nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa
nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang
sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
14. Pagtataya ng aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at lagyan ng tamang pahayag kung
(Evaluating Learning) mali. (Gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)
1. Sadyang magkakaiba ang mga tao.
2. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa
ekonomiya ng lipunan.
3. Ang ekonomiya ay hindi tulad lamang din ng pamamahala sa bahay dahil ito ay
malawak ang sakop.
4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman
ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
5. Ang lipunan ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
15. Karagdagang Gawain Para sa paghahanda sa susunod na gawain, hatiin ang klase sa maliit na pangkat na
para sa takdang -aralin at may tig5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-pareho ang bilang ng
remediation (Additional mga kasapi sa bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay magdadala ng sumusunod na
activities for application or kagamitan:
remediation)
1. barbecue sticks
2. masking tape
3. piraso ng papel (reusable bond paper)
4. orasan
5. pamaypay
6. ruler

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

V. MGA TALA
(Remarks)

VI. PAGNINILAY
(Reflection)
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba ang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliraning ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

JODELYN A. LUCENA
Tagasulat

RENIELDA O. MAMADOD EMY B. GOC-ONG, Ed.D


Tagasuri Tagasuri

Pinagtibay:

ARGEL C. PINGOT, EdD


Education Program Supervisor
Edukasyon sa Pagpapakatao

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.

You might also like