You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of Taguig City and Pateros
District Cluster VI
KAPT. JOSE CARDONES INTEGRATED SCHOOL

School Kapt. Jose Cardones Integrated School Grade Level IX

Teacher BERNADETTE RUTH G. MASULI Learning Area ESP


GRADE 9

DETAILED Teaching
Week 2 November 20-24, 2023 Quarter Second
LEARNING Schedules
PLAN

I. LAYUNIN UNANG ARAW IKALAWANG ARAW


A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao
Pangnilalaman sa lipunan
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag- aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa
Pagganap o naobserbahang paglabag
C. Mga Kasanayang 1. Natutukoy ang mga karapatan at 1. Nasusuri ang mga paglabag sa
Pampagkatuto tungkulin ng tao EsP9TT-IIa-5.1 karapatang pantao na umiiral sa
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng pamilya, paaralan, barangay/pamayanan
tungkulin bilang isang Pilipino. o lipunan/bansa. EsP9TT-IIa-5.2
3. Naipakikita ang mga karapatang 2. Nakapagpapahayag ng saloobin
natatamo at ang wastong pagtupad hinggil sa napanood na documentary
sa tungkulin sa pamamagitan ng film.
malikhaing presentasyon. 3. Nakapagsasagawa ng maikling dulang
nagsusuri sa mga paglabag sa
karapatang pantao.
II. NILALAMAN KARAPATAN AT TUNGKULIN
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, LM p. 79-83
Kagamitang Pang-
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Ipakilala ang paksa gamit ang quotation Tumawag ng ilang mag-aaral na nais
mula sa pahayag ni Stan Lee sa kanyang magbahagi ng kanilang takdang gawain.
sinulat na Atasan ang mga mag-aaral na ipaskil ang
kanilang mga ginawa. Bigyan ng konting
Spiderman: “With great power comes panahon ang lahat upang makapaglibot
great responsibility”. at tingnan ang mga nakapaskil. (gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Sagutan ang sumusunod na katanungan. Approach)
1. Anong pananagutan ang tinutukoy sa
pahayag?
2. Saan nakaangkla ang kapangyarihang
ito?

Sagutan ang Paunang Pagtataya: (gawin


sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti

Page 1 of 17
ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot
sa notbuk.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay


ng tao sa kanyang kapwa?
a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad

2. Ang karapatan ay kapangyarihang


moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig
sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao
ang kanyang kapwang ibigay sa kanya
nang sapilitan ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-
pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao
ang obligasyon ng kanyang kapwang
igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang
dahil tao lamang ang makagagawa ng
moral na kilos.

3. Ang tungkulin ay obligasyong moral


ng taong gawin o iwasang gawin ang
isang gawain. Alin
sa sumusunod ang hindi ibig sabihin
nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na
Batas Moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng
buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga
ugnayan ang hindi pagtupad ng mga
tungkulin.

4.Ano ang buod ng talatang ito?

Ayon kay Scheler, kailangang


hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao upang matupad din
ang pamayanan, pamahalaan o
lipunang kinabibilangan nya ang
tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang pag hubog na ito sa sarili
kung hindi ginagawa ng mga
institusyong panlipunan ang amg
obligasyon nitong itinakda sa batas

a. Mahalaga ang pananagutan ng


indibidwal na maging mabuting
mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang
kanyang tungkulin upang magampanan
ng lipunan
Page 2 of 17
ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihang
panlahat kung may mamamayang hindi
tumutupad sa
tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang
pamahalaan o lipunan bago mahubog
ng
indibidwal ang sarili.

5. Alin ang hindi nagpapakita ng


tungkuling kaakibat ng karapatan sa
buhay?
a. Iniwasan ni Andrew na kumain ng
karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng.
Reyes para sa mga batang biktima ng
pang-aabuso.
c. Sumasali si Jayson sa mga isport na
mapanganib tulad ng drag racing para
sa motorsiklo.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Aling
Mameng para sa mga batang kalye.

6. Anong karapatan ang ipinapahayag


sa talata sa ibaba na kaakibat ng
tungkuling ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystak, 75 taong gulang


nanilbihan bilang porter sa isang
homeless shelter sa Roma. Namuhay
siya ng simple gamit ang isang jacket,
isang damit at isang blusa. Tuwing
matatanggap nya ang kanyang
pension mula sa Social Security
System (SSS) naglalakad sya ng higit
isang milya upang ibigay niya ang
kanyang kontribusyon sa simabahan
(Tithing)

a.Karapatan sa pribadong ari-arian


b.Karapatan sa buhay
c.Karapatang gumala o pumunta sa
ibang lugar
d.Karapatang maghanapbuhay

7. Anong karapatang batay sa encyclical


na “Kapayapaan at Katotohanan (Pacem
in Terris)” ang ipinakita ng tauhan?
Itinakas ni Akbar ang pamilya niya mula
sa Surigao patungong Lucena upang
takasan ang mga kaguluhan sa kanilang
lugar dulot ng terorismo.
a.Karapatang mabuhay
b.Karapatan sa mga batayang
pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na
pamumuhay.
c.Karapatan sa malayang paglipat sa
ibang lugar upang manirahan
Page 3 of 17
(migrasyon)
d.Karapatan sa patas na proteksiyon ng
batas

8. Ano ang ibig sabihin ng talata sa


ibaba?
Ang panawagan ng karamihan tungkol
sa karapatang pantao tulad ng
karapatan sa
kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa
pamilya, sa kultura ay paglabag sa
katotohanan at isang panloloko lamang
kung ang karapatan sa buhay ang
pinakababantayan at
pangunahing karapatan at kailangan
para sa lahat ng iba pang karapatang
personal, ay hindi naipagtatanggol nang
may mataas na antas na determinasyon.
(Pacem in Terris)
a.Kailangang ipagtanggol ang
panawagan sa mga karapatang pantao.
b.Isang panloloko at paglabag sa Likas
na Batas Moral ang pagsuporta sa
aborsyon.
c.Kailangang gamitin ang lahat ng
paraan upang ipagtanggol ang mga
batas at plano na
nagtataguyod ng paglabag sa karapatan
sa buhay.
d.Pangunahing karapatan ang
karapatan sa buhay.

9. Aling karapatan ang isinasaad sa


bawat tungkuling nasa kahon sa ibaba?

 Suportahan ang pamilya sa


sapat at masustansyang
pagkain
 Gabayan ang mga anak para
makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa
ng pagsasabuhay ng mga
birtud
 Pag iwas sa eskandalo

a.Karapatan sa buhay
b.Karapatang magpakasal
c.Karapatang pumunta sa ibang lugar
d.Karapatang maghanapbuhay

10.Aling karapatan ang kaakibat ng


tungkuling patuloy sa pag-aaral upang
umangat sa karera
at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a.Karapatan sa buhay
b.Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d.Karapatang pumunta sa ibang lugar

Page 4 of 17
Gabay sa Pagwawasto
1. d
2. b
3. a
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10.a

B. Pagsusuri Magbigay ng isang tungkuling Pangkatin ang klase sa lima. Ipasuri ang
ginagampanan ninyo sa inyong tahanan, mga karapatang pantaong nalabag sa
paaralan at komunidad na naaayon sa bawat sitwasyon. Ipahayag ang
Likas na batas moral. Pagkatapos, pagsusuri sa pamamagitan maikling
punan ang tsart sa ibaba. Maari ring pagsasadula. (gawin sa loob ng 20
sagutan ang gawain sa link na nasa minuto)
ibaba: (10 puntos)
Pangkat 1: Isang buwan ng kasambahay
si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang
isang linggo, tatlong bahay sa kanilang
kapitbahayan ang inakyat ng
magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso
dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida.
At dahil dito, baka pasukin din ang
kanilang bahay kapag isya lang ang tao
rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na
huwag palabasin ng bahay si Ida, kahit
bumili sa tindahan sa loob ng
subdivision.

Pangkat 2: Nagsabi na ang 32 taong


gulang na si Mary Jean sa kanyang ina na
mag-aasawa na siya.napagtapos na niya
ang kanyang dalawang kapatid at nasa
Junior High School na ang bunso. Ngunit
sinabi ng kanyang ina na kailangan
munang magtapos ang huli bago siya
magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng
kanyang pamilya.

Pangkat 3: Inilabas ng United Nations


ang planong Sustainable Development
na may bisa hanggang 2030. Isa sa mga
tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa
lahat, kasama ang kabataan, sa
karapatang seksuwal at pagpapadami
(reproductive). Hindi binanggit sa
dokumento ang aborsyon bilang resulta
ng mga karapatang ito. Hinihingi ng UN
ang suporta ng mga lider ng mga bansa
para sa pagpapatupad ng planong ito.

Pangkat 4: Mula ng lumakas ang kita ng


negosyong catering ni Aling Delia,
nangangailangan siya ng karagdagang
waiter. Noong una, sapat ang
sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang
Page 5 of 17
pagkain nila lalo na kapag may overtime
na trabaho. Ngunit nang
magkatampuhan si Aling Delia at ang
kanyang asawa, nagpasiya itong bumili
ng condominium upang iwasan ang
stress na sanhi ng tampuhan nila. Dahil
dito, hindi na tumatanggap ng sapat na
pasahod ang mga waiter at hindi pa nila
ito natatanggap sa takdang araw.

Pangkat 5: Maraming sako ng bigas ang


nakatago sa container van ni Mang
Enteng bukod sa nakikita sa kanyang
tindahan sa palengke. Sa gitna ng
panawagan ng pamahalaan ng tulong sa
pagkain, pera at damit para sa biktima
ng kalamidad, 30 sako ng bigas lamang
ang pinadala niya.

C. Paglalahad Ang Karapatan ay ang kapangyarihang Paglabag sa karapatang Pantao


moral na gawin, hawakan, Ang paglabag sa karapatan ng isang tao
pakinabangan at angkinin ang mga ay aksyon o gawain na nasisikil ang
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang karapatan bilang tao.
estado sa buhay. Kaakibat sa karapatan Mga Halimbawa ng Paglabag sa
ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang Karapatan
kapwa na igalang ito. Kapag nilabag ang 1. Pagpatay sa sanggol
karapatang ito, magkakaroon siya ng 2. Pang-aabuso sa mga bata
damdamin ng pagsisisi. 3. Pagmamaltrato
4. Sapilitang paggawa ng krimen
Nakabatay ang mga karapatan sa Likas 5. Diskriminasyon at karahasan sa
na Batas Moral. Ito ay batayan ng mga kababaihan
karapatan na itinakda ng isang lipunan 6. Pagkamkam ng lupa
o pamahalaan. Ito ang batas na 7. Terorismo
nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng
tao na igalang ang karapatan ng isang Tungkulin Bilang Obligasyong Moral
tao. Kung ang karapatan ay kapangyarihang
moral, ano naman ang tungkulin?
Karapatan Bilang Kapangyarihang Ang Tungkulin ay obligasyong moral ng
Moral tao na gawin o iwasan ang isang gawain.
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay
• Moral ito dahil hindi maaaring nakasalalay sa malayang kilos-loob ng
puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa tao. Kailangang gawin ang mga
na ibigay sa kaniya ng sapilitan ang mga tungkulin sapagkat ito ay nararapat at
bagay na kailangan niya sa buhay. nakabubuti.

• Bilang kapangyarihang moral, ang Ayon kay Dr. Manuel Dy, kasama sa
karapatan ay pakikinabangan ng tao pagiging moral ng tao ang pagtupad ng
lamang dahil tao lamang ang tungkulin. Moral na gawain ito dahil ang
makakagawa ng moral na kilos. Dahil sa moral ang siyang nagpapanatili ng ating
karapatang ito, may obligasyon ang tao buhay-pamayanan. Samakatuwid, ang
na akuin at tuparin ang kaniyang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga
tungkulin. tungkulin ay pagsalungat sa buhay-
pamayanan na may malaking epekto sa
Mga Uri ng Karapatan sarili at sa mga ugnayan.

1.Karapatan sa buhay - Ito ang Ayon kay Max Scheler, kailangang


pinakamataas sa antas ng karapatan hubugin ang sarili tungo sa
dahil kung wala ito, hindi pagpapakatao upang matupad din ng
Page 6 of 17
mapapakinabangan ng tao ang ibang pamayanan, pamahalaan o lipunang
karapatan. Halimbawa nito ay ang kinabibilangan niya ang tungkulin ng
karapatan ng fetus na ipanganak, kaya paglinang ng pagpapakatao.
ipinagbabawal ang sapilitang aborsyon,
binigyang diin ito ni Papa Juan XXII sa
kanyang pahayag.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian


Hindi maiaalis sa tao ang karapatang ito
dahil kailangan niya ang mga ari-arian
upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.

3. Karapatang Magpakasal
Bawat isa sa atin ay may karapatang
bumuo ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng kasal. Dito nagsisimula
ang mga responsibilidad na kailangang
gampanan ng isang mag-asawa.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar


Kasama sa karapatang ito ang lumipat
sa ibang lugar na may oportunidad
tulad ng trabaho o kaligtasan sa
panganib.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang


pananampalataya
Bawat tao ay malayang pumili ng
relihiyon na makakatulong sa kanya
upang mapaunlad ang kanyang
pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos
at kapuwa.

6. Karapatang magtarabaho o
maghanap-buhay
Ang tao ay may karapatan sa disenteng
hanap-buhay upang mapakinabangan
nila ang karapatang mabuhay. May
karapatang magtrabaho sa ibang bansa
ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na
mapaunlad ang kanilang estado sa
buhay batay sa kanilang
pangangailangan.
Kahit na tayo ay mayaman o mahirap,
lahat tayo ay may pantay-pantay na
karapatan. Walang sinuman ang
mayroong mas nakararaming karapatan
kaysa sa iba.
Mahalagang malaman mo rin ang mga
katungkulan at responsibilidad na
nakaakibat sa bawat Karapatan

Mga Karapatang Pang-Indibiwal sa


nakapaloob sa encyclical na
“Kapayapaan sa Katotohanan” Pacem
in Terris (Pope John XXIII)
1. Karapatang mabuhay at kalayaan ng
Page 7 of 17
pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang
pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
3. Karapatan sa malayang
pagpapahayag ng opinyon at
impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng
relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa
ibang lugar upang manirahan
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa
mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng
batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito.
A. Ipasulat sa notbuk ang anim na
itinuturing nilang karapatan at
iparanggo ito batay sa kahalagahan
para sa kanila. Gamitin ang bilang 1
hanggang 6.

B. Pangkatin ang klase sa lima.


Magbahagihan tungkol sa mga
tungkuling iniranggo. Sagutan ang
sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang itinuturing ng inyong


pangkat na karapatan?
2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa
resulta ng pagranggong ginawa ng
inyong pangkat. Ano
ang sinasabi nito sa inyong pagkaunawa
sa karapatan? (gawin sa loob ng 10
minuto)
(Collaborative/Reflective Approach)

Pangkatin ang klase sa lima at bumuo


ng isang malikhaing presentasyon
tungkol sa mga karapatan at tungkulin
ng tao sa sumusunod na aspekto:
(a) sa pamilya,
(b) sa paaralan,
(c) sa barangay o pamayanan,
(d) sa bansa o lipunan at
(e) sa espiritwalidad.

Ang pangakatang gawain ay nararapat


na matapos sa loob ng 10 minuto
(Collaborative/Constructivist Approach)
Pangkat 1 – Tula o Rap (tungkulin at
karapatan ng tao sa pamilya)
Pangkat 2 – Kanta o Jingle (tungkulin at
karapatan ng tao sa paaralan)
Pangkat 3 – Maikling dula (tungkulin at
karapatan ng tao sa
Page 8 of 17
barangay/pamayanan)
Pangkat 4 – Quiz Show (tungkulin at
karapatan ng tao sa bansa/lipunan)
Pangkat 5 – TV Sitcom/News (tungkulin
at karapatan ng tao sa espiritwalidad)

Gabay na mga katanungan.


a. Ano ang magkatuwang na
kapangyarihan at obligasyong mahalaga
sa pagpapanatili ng maayos na buhay-
pamayanan?
b. Ano-ano ang iyong tungkulin sa
kapwa, sa sarili at sa bayan?
c. Paano mo ipinakikita ang pagtupad sa
mga tungkulin?
d. Paano mo natatamasa ang iyong mga
karapatan?
e. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
kaalaman sa mga karapatan at
tungkulin mo bilang tao?
f. Paano ninyo pinahahalagahan ang
inyong karapatan?

Kraytirya para sa Presentasyon

Kaangkupan ng 5 PUNTOS
pormat batay sa
nakatakdang uri
ng presentasyon
Mahusay ang 5 PUNTOS
paliwanag o
deskripsiyon ng
nakatakdang
presentasyon.
Kaisahan at 5 PUNTOS
pakikiisa ng
bawat kasapi ng
pangkat
Nakapupukaw ng 5 PUNTOS
interes ang
ginawang
presentasyon.
20 PUNTOS

D. Paglalapat Batay sa sarili mong obserbasyon sa Ipanood ang documentary film na


lipunang inyong kinabibilangan, anu- tumatalakay sa karapatang pantao na
ano ang mga uri ng karapatan ang nai-download mula sa
nakamit ng mga tao? Sa pamamagitan https://www.youtube.com/watch?
ng mga karapatang nakakamit nila, sa v=UPpGxacNcxA (gawin sa loob ng 10
paanong paraan nila nagagampanan minuto) (Reflective Approach)
ang kanilang tungkulin? Magbigay ng
halimbawa gamit ang tsart sa ibaba Sagutan sa notbuk ang mga katanungang
ito.
KARAPATAN TUNGKULIN HALIMABWA 1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga
1. karapatang pantao?
2. 2. Ano ang tungkulin ng bawat tao
3. kaugnay ng mga karapatang pantao?
4. Magbigay ng halimbawa.
5. 3. Ano ang mahahalagang mensahe ng
Page 9 of 17
documentary film na napanood?
Ipaliwanag.
4. May magagawa ka ba sa mga
malawakang paglabag sa karapatang
pantao na ipinakita sa documentary
film? Ano ang maaari mong gawin sa
mga paglabag na ito?

E. Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang A. Magpahayag ng mga maaaring


isinasaad sa bawat pahayag. Isulat ang mangyari sa mga sitwasyon sa ibaba at
K sa patlang kung ang sumusunod ay kung ano ang magiging epekto nito sa
nagpapakita ng Karapatan at T naman lipunan. Ang unang bahagi ay ginawa
kung ito ay nagpapahayag ng tungkulin. para sa iyo.

________1.Sitwasyon
Gampanan nang maayosAno angang maaring mangyari? Epekto sa lipunan
bawat trabaho na makatutulong sa ang hindi makapag- Maraming mangmang
Marami at
lipunan. Walang paaralang aaral dahil sa kasalatan sa inaapi sa lipunan.
_______ 2.pampubliko.
Mabigyan nang maayos na
buhay.
tahanan Walang
ang pamilya upang mamuhay
mga pagamutang
pampubliko.
ng matiwasay
_______ 3.Walang batas-trapiko.
Igalang ang bawat batas na
Walang bayarin
makatutulong sa sa tax ang
pag-unlad ng
komunidad.sinumang tao.
_______ 4.Walng
Pumuntaresibo
sasaibang
alinmang
lugar upang
tindahan.
magtrabaho o di kaya tuklasin ang iba’t-
Hindi na
ibang kultura sa bawal
kanilangangkomunidad.
droga.
_______ 5.Maari ng sigawanatngpalaguin
Pangalagaan mga ang
anak ang kanilang
anumang ari-arian at gamitin ito upang
magulang.
tulungan ang kapuwa.
_______ 6. Pangalagaan ang kalusugan at
B. Magsulat ng journal na nagpapahayag
ang kaniyang sarili sa mga panganib na
ng iyong sariling saloobin at opinyon
nag-uudyok ng kapahamakan.
hinggil sa mga umiiral na paglabag sa
_______ 7. Malayang sumamba sa kahit
karapatang pantao sa ating bansa batay
anumang relihiyon na makakatulong sa
sa mga balita sa radyo, diyaryo,
paghubog ng aking pagkatao.
telebisyon at social media kagaya ng
_______8. Paggalang sa relihiyon ng
extra-judicial killing. (gawin sa loob ng 5
bawat tao sa isang lipunan.
minuto) (Reflective/Constructivist
_______9. Pagbibigay ng respeto sa mga
Approach)
taong nakatataas sa isang komunidad.
______ 10. Malayang pagpapahayag ng
saloobin na makakatulong sa lipunan.
______ 11. Suportahan ang pamilya at
gabayan ang mga anak upang maging
mabuting tao ang mga ito.
.______12. Pag-iwas sa mapanganib na
gawain na hahantong sa kamatayan.
______13. Pumili ng relihiyon na
makatutulong sa kaniya upang
mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa
kapuwa.
______ 14. Bumuo ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng kasal.
______ 15. Lumipat o tumira sa ibang
lugar na may oportunidad tulad ng
trabaho o komportableng buhay.

I. Takdang-Aralin Pumili ng linya sa Panatang Makabayan. Pumili ng isang serye ng panoorin sa


Isulat ito sa long bond paper bilang telebisyon kapag prime time. Maglista ng
Page 10 of 17
islogan. Lagyan ng konting disenyo at mga paglabag sa karapatang ipinakita sa
ipapaliwanag ninyo kung bakit ito ang panoorin. Sa bawat nailistang paglabag,
napili ninyo. Tiyaking madali itong magbigay ng tungkulin na sa iyong
mabasa upang magsilbing paala-ala ng palagay ay nararapat gawin ng isang
ating mga karapatan at tungkulin bilang tulad mo.
tao.

Sundin ang sumusunod na kraytirya sa


pagbibigay puntos:
1. Malinaw ang pagkakasulat ng bawat
salita. (6 puntos)
2. Simple subalit malikhaing disenyo. (4
puntos)

IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

Inihanda ni:

MS. BERNADETTE RUTH G. MASULI


Guro

Binigyang pansin ni: Nabatid ni:

MR. EDUARDO F. SINDAYEN DR. ROMEO O. OLALO


Master Teacher I Principal III

Page 11 of 17
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of Taguig City and Pateros
District Cluster VI
KAPT. JOSE CARDONES INTEGRATED SCHOOL

School Kapt. Jose Cardones Integrated School Grade Level IX

Teacher BERNADETTE RUTH G. MASULI Learning Area ESP


GRADE 9

DETAILED Teaching
Week 2 November 20-24, 2023 Quarter Second
LEARNING Schedules
PLAN

I. LAYUNIN IKATLONG ARAW APAT NA ARAW


D. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao
Pangnilalaman sa lipunan
E. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag- aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa
Pagganap o naobserbahang paglabag
F. Mga Kasanayang 1. Nasusuri ang mga paglabag sa 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos
Pampagkatuto karapatang pantao na umiiral sa upang ituwid ang mga nagawa o
pamilya, paaralan, naobserbahang paglabag sa mga
barangay/pamayanan o lipunan/bansa. karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
EsP9TT-IIa-5.2 barangay/pamayanan o lipunan/bansa.
2. Nakapagpapahayag ng saloobin EsP9TT-IIb-5.4
hinggil sa napanood na documentary 2. Natutukoy ang mga paglabag sa
film. karapatang pantao.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dulang 3. Nakapaglalahad ng tungkuling
nagsusuri sa mga paglabag sa kaakibat ng bawat karapatang pantao.
karapatang pantao.
II. NILALAMAN
A. Sanggunian KARAPATAN AT TUNGKULIN
3. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG
Gabay ng Guro
4. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM
Kagamitang Pang-
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Tumawag ng apat na mag-aaral na Tumawag ng limang mag-aaral na
magkakaiba ang pinanood na serye sa magbabahagi tungkol sa kanilang
telebisyon at hayaan silang magbahagi ginawang takdang aralin. (gawin sa loob
tungkol sa kanilang ginawang ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist
pagsusuri. (gawin sa loob ng 5 minuto) Approach)
B. Pagsusuri Ganyakin ang mga mag-aaral sa Magtala ng limang karapatan bilang bata
pamamagitan ng sabayang pag-awit ng at sabihin kung ito ay malaya at masaya
awiting pinasikat ng Apo Hiking Society mong natatamasa. Iranggo ito ayon sa
na may pamagat na “Bawat Bata”. antas ng kasiyahang iyong nararanasan.
Gamitin ang bilang 1-5.

C. Paglalahad Panoorin ang video na naglalagom ng Pangkatin sa walo ang klase.


araling nai-download mula sa Magpalabunutan sa pag-uusapang paksa
https://www.youtube.com/watch? halaw sa encyclical ni Papa Juan XXIII na
v=gdaTGTFqrno. (gawin sa loob ng 5 “Kapayapaan sa Katotohanan (Pacem in
minuto) (Reflective Approach) Terris).
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa
Page 12 of 17
Talakayin ang paksa gamit ang pangkatawang panganib
PowerPoint Presentation. Sagutan sa 2. Karapatan sa mga batayang
notbuk ang sumusunod na katanungan. pangngailangan upang magkaroon ng
(gawin sa loob ng 20 minuto) maayos na pamumuhay (pagkain, damit,
(Reflective/Constructivist Approach) tahanan, edukasyon, pagkalingang
1. Ano ang karapatan? Bakit ito ay pangkalusugan, tulong sa walang
sinasabing kapangyarihang moral? trabaho at tulong sa pagtanda)
2. Bakit kailangang ipagtanggol nang 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag
may mataas na determinasyon ang ng opinyon o impormasyon
karapatan sa buhay? Pangatuwiranan. 4. Karapatan sa malayang pagpili ng
3. Saan nakabatay ang karapatan? relihiyon at pagsunod sa konsensiya
Ipaliwanag. 5. Karapatan sa pagpili ng propesiyon
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito ay 6. Karapatan sa malayang paglipat sa
obligasyong moral? inbang lugar upang manirahan
5. Bakit kailangang tuparin ng sinuman (migrasyon)
ang kanyang tungkulin na hubugin ang 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa
sarili tungo sa pagpapakatao ayon kay mga pampublikong gawain o proyekto
Max Scheler? 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng batas laban sa mga paglabag sa
Pangkalahatang Deklarasyon ng mga karapatang pantao
Tungkulin ng Tao? B. Itala ang mga paglabag sa mga
7. Ano-ano ang epekto ng hindi karapatang napili.
pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag. C. Iulat sa klase ang napag-usapan sa
pamamagitan ng isang malikhaing
Nilalaman ng PowerPoint Presentation paglalahad gaya ng sabayang pagbigkas,
PAKSA: KARAPATAN AT TUNGKULIN awit o rap. (gawin sa loob ng 10 minuto)
A. Karapatan (Collaborative Approach)
 Kapangyarihang moral na
gawin, hawakan, pakinabangan
at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kanyang
estado sa buhay
 Nakabatay sa Likas na Batas
Moral
 Pakikinabang ng tao dahil tao
lamang ang may moral na kilos
 Kaakibat ay obligasyon o
tungkulin

B. Kapangyarihang Moral ng Karapatan


Hindi maaaring puwersahin ng tao ang
kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng
sapilitan ang mga bagay na kailangan
niya sa buhay

C. Obligasyon
 Akuin at tuparin ng tao ang
kanyang tungkulin
 Igalang ng tao ang isa pang tao

D. Mga Karapatang Halaw sa Pacem in


Terris
1) Karapatang mabuhay at kalayaan sa
pangkatawang panganib
2) Karapatan sa batayang
pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay
3) Karapatan sa malayang
pagpapahayag ng opinyon at
impormasyon
Page 13 of 17
4) Karapatan sa malayang pagpili ng
relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5) Karapatan sa pagpili ng propesyon
6) Karapatan sa malayang paglipat sa
ibang lugar upang manirahan
7) Karapatan sa aktibong pakikilahok sa
mga pampublikong gawain o proyekto
8) Karapatan sa patas na proteksiyon
ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito

E. Mga Karapatan at ang Kaakibat na


Tungkulin Nito
1. Karapatan sa buhay
 Pangalagaan ang kalusugan at
ang sarili sa mga panganib ng
katawan at kaluluwa.
 Paunlarin ang talento at
kakayahan.
 Pagpapagamot kung may sakit
 Umiwas sa isport na
mapanganib

2. Karapatan sa pribadong buhay


 Pangalagaan at palaguin ang
anumang ari-arian at gamitin
ito upang makatulong sa kapwa
at sa pamayanan

3. Karapatang magpakasal o bumuo ng


pamilya
 Suportahan ang pamilya at
gabayan ang mga anak upang
maging mabuting tao
 Pagiging mabuting halimbawa
sa anak
 Pag-iwas sa iskandalo na
makakasira sa pamilya
 Pagsasabuhay ng mga birtud
bilang pamilya

4. Karapatang sumamba o ipahayag ang


pananampalataya
 Igalang ang relihiyon o paraan
ng pagsamba ng iba
 Paggalang sa pag-alaala sa mga
patay at ninuno

5.Karapatang pumunta sa ibang lugar


 Igalang ang pribadong
boundary
 Kilalanin ang limitasyon ng
sariling kalayaan at pribadong
espasyo ng kapwa
 Paggalang sa pag-aari ng iba
6. Karapatang magtrabaho at
maghanapbuhay
 Magpunyagi at magpakita ng
kahusayan sa anumang gawain
 Hindi pinalilipas ang oras na
Page 14 of 17
walang ginagawa
F. Epekto ng Hindi Pagtupad sa
Tungkulin
 Kawalan ng katarungan
 Kawalan ng kapanatagan
 Pagsisisi
 Kaguluhan ng kaisipan
 Sirang pangako at uganayan sa
kapwa

G. Fundamental Principles for Humanity


 Ang bawat tao - anuman ang
kasarian, lahi, estado sa lipunan,
opinyon sa mga isyung politikal,
wika, edad, nasyonalidad, o
relihiyon – ay may tungkulin na
pakitunguhan ang lahat ng tao
sa paraang makatao.

 Walang tao ang dapat


sumuporta sa anumang uri ng
hindi makataong asal, kaya ang
lahat ng tao ay may tungkuling
pagsumikapang pangalagaan
ang dignidad at tiwala sa sarili
at kapwa.

 Walang tao, pangkat,


organisasyon, bansa, army, o
pulisya ang dapat mangibabaw
sa mabuti at masama, lahat ay
dapat sundin ang pamantayang
moral. Bawat isa ay may
tungkuling itaguyod ang mabuti
at iwasan ang masama sa lahat
ng bagay.

Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at


konsensiya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga
pamilya at pamayanan, lahi, bayan at
relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag
mong gawin sa iba ang anumang ayaw
mong gawin nila sa iyo

D. Paglalapat A. Pangkatin ang klase sa dalawa – isang


Pangkatin sa lima ang klase. pangkat para sa panig ng “sang-ayon” at
Magbahagihan upang makabuo ng isang ang isa ay sa panig ng “hindi sang-ayon”.
Concept Map. Ibahagi sa klase ang Maglaan ng 3-5 minuto upang mapag-
output ng pangkat. Gamiting gabay ang usapan ng pangkat ang kanilang
mga tanong na ito. (gawin sa loob ng 10 katuwiran batay sa paksang ito:
minuto) (Reflective/Collaborative “Pamamaraan ng pamahalaan para sa
Approach) pagsugpo ng bawal na gamot, sang-
1. Ano ang dapat gawin upang ayon ka ba o hindi?”
magkaroon ng tunay na kabuluhan ang
karapatan? B. Tumawag ng lima sa bawat pangkat
2. Bakit moral na gawain ang pagtupad upang siyang kumatawan at
sa tungkulin? magpahayag ng kanilang saloobin sa
3. Ano-ano ang obligasyong kaakibat ng paksa. Magtalaga rin ng isang
karapatan ng isang tao? tagapamagitan. (Maaring ilapat ang
Page 15 of 17
pamantayang gingamit sa asignaturang
Filipino tungkol sa debate)

C. Bumuo ng isang pormal na debate


batay sa paksa. Ang mga kasaping hindi
kakatawan sa grupo ay magsisilbing
audience at tagapalakpak para sa
kanilang panig.
(gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative Approach)

E. Pagtataya Sagutan ang mga tanong sa napapaloob


Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat sa talahanayan upang lubusang
karapatan sa ibaba? (gawin sa loob ng 5 mapalawak ang pag-unawa sa aralin.
minuto) (Reflective/Constructivist Isulat ang sagot sa iyong notbuk. (gawin
Approach) sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

I. Takdang-Aralin Gumawa ng tula o sanaysay, awit o Mula sa mga napag-usapan ng grupo


jingle, poster, slogan o alinmang uri ng batay sa pangkatang gawain, bumuo ng
media na tumatalakay sa mga isang TV sitcom (tulad ng T3, KSP at
karapatang pantao at ang tungkuling Imbestigador) o documentary video na
kaakibat nito. Humanda sa pagbabahagi nagpapamalas ng inyong pagkondena sa
mga paglabag sa karapatang pantao.
IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation
Nakatulong ba ang
Page 16 of 17
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

Inihanda ni:

MS. BERNADETTE RUTH G. MASULI


Guro

Binigyang pansin ni: Nabatid ni:

MR. EDUARDO F. SINDAYEN DR. ROMEO O. OLALO


Master Teacher I Principal III

Page 17 of 17

You might also like