You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon as Pagpapakatao 9

Pangalan: John Micah C. Adjarani


Petsa: February 1, 2019 (Friday)
Iskedyul ng Klase: Grade 9 Virgo (9:50 – 10:50)

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa sa mga konsepto tungkol sa karapatan at tungkulin.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga


angkop na kilos upang pukawin ang kamalayan ng kapwa Plipino tungkol sa
mga nasaksihan, naobserbahan, o napanood na paglabag sa mga
karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o
lipunan/bansa.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. KP 6.1
Nasususri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa. KP6.2

I. Layunin:
a. Natutukoy ang mga uri ng Karapatang Pantao
b. Nakapagtatala ng mga paglabag sa karapatang pantao.
c. Nakapagsusulat ng isang maikling panalangin o awit hinggil sa paggalang
sa karapatang pantao
d. Nakapagpapakita ng isang malikhaing presentasyon ng pakikipaglaban sa
karapatang pantao.

II. Nilalaman: Modyul 6; Karapatan at Tungkulin


a. Kagamitan: Batayang Aklat, Laptop,
b. Sanggunian: Batayang Aklat Pahina 79-93
c. Iba pang kagamitang Panturo: Powerpoint, video clips

III. Proseso ng Pagkatuto


a. Aktibiti
 Panimulang Gawain:
Panalangin
Pag tsek nang attendance
Balik aral:
1. Ano ang katangian ng lipunanng sibil?
2. Magbigay ng isang anyo ng lipunang sibil?

 Pagganyak

Pagpapakita ng Video Clip (Integrating ICT) –Old man


Mga Tanong:
1. Anong nararamdaman mo habang pinapanood
ang video?
2.. Anong part ng video ang nagpaantig sayo?
3. Sa tingin mo, totoong nangyayari ito sa ating
lipunan sa kasalukuyan?
4. Kung ikaw ang tauhan sa video, ano ang
gagawin mo?

 Paglalahad ng Layunin. Ipabasa ang layunin.


1. Natutukoy ang mga uri ng Karapatang Pantao
2. Nakapagtatala ng mga paglabag sa karapatang
pantao.
3. Nakapagsusulat ng isang maikling panalangin o awit
hinggil sa paggalang sa karapatang pantao
4. Nakapagpapakita ng isang malikhaing presentasyon
ng paggalang sa karapatang pantao.
 Gawain: Pangkatang Gawain
1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat
2. Bawat pangkat ay inaatasang magtatala ng mga
paglabag sa karapatang Pantao na umiiral sa
Pangkat 1 Pamilya
Pangkat 2 Paaralan
Pangkat 3 Baranggay/ Pamayanan
Pangkat 4 Lipunan/ Bansa
3. Iulat ang output ng pangkat sa klase
b. Analisis
MgaTanong:
1. Anu-anong paglabag ang nabanggit sa bawat pangkat?
2. Ano ang nararamdaman mo sa mga pangyayaring ito sa
buhay ng tao?
3. Bakit may mga paglabag sa karapatan ng ato?
4. Ano ang nakita mong epekto ng mga paglabag na ito sa
buhay ng tao?
5. Sa palagay mo, may maitutulong ka ba upang maiwasan ang
mga paglabag sa karapatang pantao?
c. Abstraksyon
1. Pagpapakita ng video clip hinggil sa Karapatang Pantao
(Integrating ICT)
2. Pagtatalakay ng videong napanood at ng sanaysay hinggil
sa “Karapatan at Tungkulin”
3. Integration of Aralin panlipunan sa pagpapalalim ng aralin
4. Paghinuha ng batayang konsepto
Mga tanong:
Ano ang karapatan?
Saan nakabatay ang karapatan?
d. Aplikasyon
Pangkatang Gawain; Bawat pangkat ay magsasabuhay ng paggalang
sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng mga malikhaing
presentasyon:

Pangkat 1 Sumulat ng isang maikling panalangin na nagpapahiwatig nang


paggalang sa karapatang pantao.

Rubriks:
Nilalaman 5
Pagkamalikhain 3
Teamwork 2
Total 10

Pangkat 2 Pagpapakita nang maigsing Talk Show nagtutukoy ng mga karapatang


pantao

Rubriks:

Nilalaman 5
Paghahayag 3
Teamwork 2
10
Pangkat 3. Ipahayag ang paggalang sa pamamagitan ng isang
awitin
Rubriks
Nilalaman 5
Pagkamalikhain 3
Teamwork 2
10
Pangkat 4. Ipakita ang paggalang sa karapatang pantao sa
pamamagitan ng maikling dula dulaan.
Rubriks:
Nilalaman 6
Mastery 2
teamwork 2
10
IV. Ebalwasyon: Maikling pagsusulit
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
a. Tungkulin b. karapatan c. Batas d. Pera
2. Ito ay uri karapatang pantao kung saan ang tao ay bubuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal.
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
d. Karapatang mag-aral
3. Ilan ang batayan ng prinsipyo ng sangkatauhan?
a. Isa b. tatlo c. apat d. lima
4. Hindi matanggap ni Jane ang bunga nang panggagahasa sa kanya. Gusto
niyang ipakitil ang nasa sinapupunan. Anong paglabag ang magawa ni Jane
kung itutuloy niya ang kanyang balak na pagpapalaglag?
a. Paglabag sa karapatang mabuhay
b. Paglabag sa edukasyon
c. Paglabag sa pribadong ari-arian
d. Paglabag sa indibidwal

Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

5. Bilang grade 9 at bilang anak , ____________________________________

a. Gagalangin ko ang karapatan ng aking kapwa kung mabait sila sa akin.


b. Isasabuhay ko ang paggalang sa karapatang pantao sa araw araw na
gawain ko maging sa bahay , paaralan at pamayanan.
c. Ipagdadasal ko ang pamilya ko at kapwa
d. Babantayan ko ang bawat kilos ng mga tao

Cheked by:

Marianiza Batoctoy
HT-I Noted by:

Rolando B. Laurie
Principal II

You might also like