You are on page 1of 3

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN

SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
I. LAYUNIN
Sa loob ng 40 hanggang 60 minuto na talakayan, inaaasahang lahat ng mag-aaral ay
magkaroon ng hindi bababa sa 75 bahagdan ng pagkatuto kung paano:

a. Tukuyin ang mga elemento ng kabutihang panlahat.


b. Sumuri ng mga halimbawa ng pagsasalang-alang ng kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan.
c. Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay
mga puwersang magpapatatag sa lipunan.

Pagiging Makadiyos Pagiging Mapagbigay Pagiging Matulungin


Pagiging Maunawain

II. PAKSANG ARALIN

a. PAKSA: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


b. KAGAMITAN: Powerpoint Presentation, Larawan
c. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 (Modyul ng mga Mag-aaral) pp. 1-
20

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Balik Aral:

Magbigay ng
2. Panggayak:

“AVENGERS: ENDGAME”

1. Ang guro ay ipapanuod sa mga mag-aaral ng isang maikling video na nagpapakita ng


isang eksena sa pelikulang “Avengers: Endgame.”
2. Pagkatapos ng video, Magtatanong ang guro kung ano ang napansin nilang
pinakamahalagang bagay na nakapukaw sa kanilang damdamin habang pinapanuod
ang video.
3. Kung sino man ang makapagbigay ng pinakamagandang sagot na siyang
pinakamalapit sa tatalakaying aralin ay makakatanggap ng gantimpala.

B. PAGLINANG NA GAWAIN

1. Paglalahad
Ang napanuod natin sa video ay nagpapakita isang napakagandang katangian. Napanuod
natin na isinakripisyo ni Iron Man ang kanyang buhay para sa bagay na ito. Ibinigay niya ang
kanyang sariling buhay upang mabuhay mga tao sa daigdig. Sa kanyang ginawa ay ipinakita niya
ang pagpapahalaga sa KABUTIHANG PANLAHAT.
2. Pagtatalakay
Kapag nakakita ka siguro ng isang babae o lalaking katulad nila masasabi mong .."Wow!
Ang sosyal naman nila. Ang sarap sigurong maging sosyal, ano ?" Pero alam mong hindi mo
kailangang maging katulad nila para matawag kang sosyal. lkaw ay likas na sosyal dahil ikaw ay
nilikhang sumasalipunan, isa kang panlipunang nilalang.
"Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang."
Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na
katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor
ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang buhay ng tao ay panlipunan.
Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na "lipon" na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o
layunin. Halimbawa, ang pangkat ng mga mamamahayag ay mayiisang tunguhin o layuning
maghatid ng mga bagong balitang nagagahap sa bansa at sa daigdig. Tinitiyak nilang
makararating ito sa mga tao sa iba't ibang paraan. Ang pangkat ng mga guro ay may iisang
layuning magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal
ay patungo sa iisang layunin o tunguhin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit
hindi naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katangi-tangi ng mga kasapi.
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang
lipunan. Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito
upang hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa Latin na communis
na nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang
partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng
mga kasapi o kabahagi. Ang bawatindibidwal ay mayroong kani-kaniyang mga layunin o
tunguhin sa buhay. Mulat tayo sa lsang mundo na KApatld, KAmag-anak KAklase, KAbabayan,
at rnarami pang ibang kasama na na naaayon sa lipunang ating ginagalawan. Makikita Ito
maging sa media. May rnga estasyon sa telebisyon na nagtuturing sa kanilang manonood bilang
KApuso, KApamilya, KApatid, at iba pa.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda . ng aklat na Summa Theologica, sa
pamamag,tan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.
Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya
ng lipunan at binubuo niya ang lipunan (Dy M. 1994). Malaki, ang magagawa ng lipunan sa
paghubog ng iyong pagkatao.
Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang
tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan. Naipakikita ang pagmamalasakit na ito
sa pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapuwang walang hinihintay na kapalit. Dahil dito,
umuusbong ang pagtitiwala sa kapuwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa
isang mithiin. Nangingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamang ang personal na
kabutihan ng indibidwal ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat.

You might also like