You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G9

BANGHAY ARALIN
IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa karapatan at tungkulin
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagpanap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa
mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.
C. Mga Batayang Kasanayan
Mga Kasanayan sa a. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
Pagkatuto b. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o
lipunan/bansa
c. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga
karapatang pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
II. NILALAMAN
A. PAKSA MODYUL 6: ANG TUNGKULIN NG TAO SA LIPUNAN
Karapatan at Tungkulin
B. KONSEPTO ● Karapatang Pantao (Artikulo 1-30)
● Tungkuling Makatao
C. MGA SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa gabay ng N/A
Guro
2. Mga Pahina sa N/A
Kagamitang Pangmag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk N/A
4. Karagdagang https://fdocuments.in/download/grade-9-esp-modulepdf
Kagamitan
https://www.youtube.com/watch?v=yQ2_QSTM3dI
5. Karagdagang Google Meet or Zoom
kagamitan sa pagturo Short Video
Soft copy
Laptop
PowerPoint Presentation
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
gawain/Pagganyak Pagkatapos ay ipasa ito sa Facebook Messenger ng guro.

Piliin ang letra ng tamang sagot para sa bilang 1-3.


1. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?

a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang.


b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao.
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.

2. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay _______.

a. inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang kinagagalawan.


b. maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
c. magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
d. ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.

3. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?

a. Konsensiya
b. Dignidad
c. Katwiran
d. Kilos-loob
Para sa bilang 4-6, basahin at tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay tama o mali.
___________ 4. Ang pagkakaroon ng karapatan at kalayaan ay likas sa tao.
___________ 5. Ang karapatan ng tao ang palaging mangangalaga sa kanya bilang tao.
___________ 6. Sa isip lamang nakaugat ang kalayaan at katwiran ng tao.
___________ 7. May kaugnayan ang kalayaan at katwiran sa karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan.

Para sa bilang 8-10, basahin at suriin ang mga pangyayari. Pumili sa kung ano ang nararapat mong gawin
ayon sa Likas na Batas Moral.
8. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang
pagkain nila na nasa hapag-kainan.

a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.


b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

9. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng
kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang
kaniyang paslit na apo.

a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.


b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

10. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang
ay may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw
at gutom na.

a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng
lugar sa kainan.

B. Paglalahad Karapatang Pantao (Artikulo 1-30)


Tao po. May karapatan ka ba? Ano ang nararapat sa iyo bilang tao? Tuloy ka at ating suriin ang mga karapatan at
karapatang pantao. Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa
pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao. Marami sa mga ito ang ginawa nang batas upang
mapangalagaan ang bawat tao sa mundo . Ngunit isaisip na nararapat ding pangalagaan ng tao ang kanyang
mga karapatan. Mayroong konsehong pinangunahan ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng daigdig
ang bumuo ng Universal Declaration of Human Rights sa taong 1946. Ang UDHR ay pinagtibay ng United
Nation General Assembly noong ika-10 ng Disyembre, 1948. Ito ay itinaguyod bilang bunga ng mapait na
karanasang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagtatapos ng digmaan ay sumibol ang United
Nations at ang mga bumubuo nito ay nanumpa na hindi na kailanman magaganap ang anumang pagtutunggali
sa buong mundo. Ang mga pinuno ng bawat bansa ay nagbigay kasiguraduhan sa karapatang pantao ng bawat isa
saan mang dako ng daigdig. Ang deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng edukasyon
ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. Narito ang mga nakapaloob sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng
mga Karapatan ng Tao ng mga Nagkakaisang Bansa (Universal Declaration of Human Rights).

● Tungkuling Makatao
Tao po. Ano ang dapat mo nang gawin dahil (talos mo ng) may karapatan ka? Ang bawat karapatan na tinatamasa
mo bilang tao sa lipunan, saang dako ka man naroroon ay may katumbas na pananagutan. Ang pananagutan o
tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa
mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at
kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo. Ang InterAction Council, isang independiente at
pandaigdigang samahan na naglalayong patatagin ang pandaigdigang pagdadamayan ang nagmungkahi ng
Pandaigdig na Pagpapahayag ng Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) sa
United Nations. Ang pagpapahayag ay nagsumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ang mga nabanggit na
karapatang pantao. Ito ay binuo sa taong 1997, isang taon bago ang ikalimampung taong anibersaryo ng
Universal Declaration of Human Rights. Ito ay naglalayong dalhin ang kalayaan at tungkulin sa isang pantay
na antas at itaguyod ang kalayaang makilahok sa halip na panaigin ang lipunang hindi nagmamalasakit sa
kapwa.

C. Paglinang sa Tayain ang Iyong Pag-unawa


Kabihasnan Gawin ang mga sumusunod na katanungan bilang gabay upang makabuo ng Infographic.
1. Ano ang karapatan? Magbigay ng sariling halimbawa.
2. Ano ang tungkulin? Magbigay ng sariling halimbawa.
3. Anong mga pagpapahalaga (values) ang nakapaloob sa karapatan at tungkulin?

D. Paglalapat Gumawa ng 3-5 minutos bidyo vlog patungkol sa iyong pagganap sa iyong mga karapatan at tungkulin
(karagdagang gawain) bilang tao sa lipunan. Ipasa ito sa google classroom.

E. Paglalahat ng Aralin Marahil, napalawak na ang iyong kaalamanan at kakayahan tungkol sa karapatan at tungkulin ng tao at sa mga
paglabag sa karapatang pantao. Ngunit hindi sapat na ikaw ay nakasaksi sa kung ano ang kaganapan sa
pangkasalukuyan. Ikaw na kapamilya, kapuso at kapatid ay TAO. Ang pagkatao mo ay nakasalalay sa dignidad na
koob
ng mga Banal na Maylalang. Ikaw ay may angking kagandahang loob, katarungan, katwiran at kalayaan kaya naman
may pananagutan ka sa iyong lipunan
IV. Mga Tala
V. Pagninilay

Inihanda nina:

Akiapat, Femy Gwyneth G. Busacay, Hannah Grace Daniel, Rechelle M.


Guro sa EsP Guro sa EsP Guro sa EsP

You might also like