You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
ZACARIAS C. AQUILIZAN HIGH SCHOOL
Panabingan, San Antonio, Nueva Ecija

GOOD LUCK! KAYA MO YAN! 

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan: Iskor:
Pangkat: Petsa:
TEST I – MULTIPLE CHOICE
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng pinakamalapit na sagot.
1. Ano ang tawag sa samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng
isang pinagkasunduang sistema?
a. Samahan c. Grupo
b. Lipunan d. Magkakaibigan
2. Sa samahan na may ugnayan sa isa’t isa, ano ang namamagitan rito?
a. Interaksyon c. Katalinuhan
b. Pananagutan d. Ugali
3. Bakit nagiging komplikado ang ugnayan sa isang samahan? Dahil…
a. pare-parehas sila ng uri c. marami ang magkakaaway
b. iba’t ibang uri sila d. kasama ang pera sa usapin
4. Paano nabubuo ang isang lipunan? Kung…
a. may pera ang bawat kasapi c. magkatulad sila ng pagnanais
b. hindi sila magpapatalo sa kasapi d. mag-asawa silang lahat
5. Ano ang dahilan kaya nananatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang…
a. kontribusyon c. pagmamahalan
b. gampanin d. katalinuhan
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa kabuuan ng kabutihang panlahat?
a. Ekonomiko c. Sosyolohikal
b. Politikal d. Materyalismo
7. Paano nagkakaroon ng kabutihang panlahat sa lipunan? Kung…
a. magkatuwang ang lipunan c. mapapanagot ang may sala
b. hindi sila magkakaaway d. maipapakulong ang korap
8. Ito ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan.
a. Kabuuan ng dignidad c. Kaangkupan sa Iba
b. Kabutihang Panlahat d. May takot sa Batas
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang na institusyon ng lipunan?
a. Paaralan c. Bahay aliwan
b. Pamilya d. Simbahan
10. Ito ay mahalagang bahagi ng lipunan na bumuo at magpatupad ng batas.
a. Pamahalaan c. Bahay aliwan
b. Pamilya d. Paaralan
11. Ano ang kaugnay ng isang indibidwal kapag ang pag-uusapan ay ang kaniyang pananagutan?
a. Karapatan c. Lipunan
b. Pananagutan d. Layunin
12. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang…
a. kabutihan para sa sarili c. kakainin sa susunod na mga araw
b. kabutihan para sa iba d. maka-mundong mga gawain
13. Bilang isang mambabatas ng bansa, ano ang iyong tungkulin para sa mga mamamayang kasapi ng
lipunan?
a. Gabayan ang mga tao para sa kanilang kaligtasan
b. Nagpapatibatay ng mga batas para sa katarungan
c. Humawahak ng mataas na tungkulin para sa iba
d. Nagiging vigilante sa mga bagay-bagay
TEST II – KARAPATAN AT PANANAGUTAN
Panuto: Isulat sa patlang ang K kung karapatan at P kung pananagutan. Isulat ang paliwanag sa ilalim ng pahayag ang
dahilan bakit karapatan o pananagutan ang napili. (4 Puntos)
1. Paglahok sa gawaing pansibiko

2. Pagkandidato sa Eleksyon para sa isang posisyon.

3. Pagtulong sa mga kababayan na nabiktima ng kalamidad.

4. Paggalang sa mga batas na ipinatutupad.

5. Pag-aaral sa kolehiyo

TEST III – INTERPRETASYON


Panuto: Ipaliwang ng buong linaw ang konseptong isinasaad ng bawat pahayag ng may akda.

1. “Ang karapatan mo ay karapatan din ng iba.” –Mahabharata

.
2. “Ang tunay na pinagmulan ng karapatan ay ang tungkulin. Kung ating gagampanan an gating tungkulin, hindi
mahirap magkaroon ng karapatan. Ngunit kung ang tungkulin ay pababayaan, mawawala rin ang karapatan.”
– Mahatma Gandhi

Prepared by:

JENNIFER P. PAGADUAN Checked by:


Teacher I

MARCOS D. RAFAEL
School Principal I

You might also like