You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

PINAG-ISANG PROTOTIPONG BANGHAY-ARALIN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Baitang: Grade 9 Linggo: Pangatlo

Kwarter: Kwarter 1 Petsa:

I. LAYUNIN
(Objective)
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa kung bakit may lipunang politikal at ang
Pangnilalalaman Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa.
(Content Standard)
B. Pamantayan sa Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang mag-aaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagganap Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan at
(Performance Standard) lipunan/bansa gamit ang case study.
C. Mga Kasanayan sa  Naipaliliwanag ang:
Pagkatuto a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal Prinsipyo ng Subsidiarity
(Learning Competencies) b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan,
o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
Modyul 2:
II. NILALAMAN (Content) Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

III. KAGAMITANG PANTURO


(Learning Resources)

A. Sanggunian
(References)
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9TG p. 13-16
ng Guro
2. Mga Pahina sa Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 9LMp. 21-25
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Pahina sa Libro
4. Karagdagang
Kagamitan na galing
sa LR portal
B. Iba Pang Kagamitang Panturong Biswal: laptop, LCD projector, metacards
Panturo (Other Teachers’

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

Material)

IV. PAMAMARAAN
(Procedures)

A. Balik-aral sa nakaraang 1.Balikan ang mahahalagang konseptong tinalakay sa Modyul 1 sa pamamagitan ng


aralin o pagsisimula ng pagtawag sa ilang mag-aaral at ibahagi ang sagot sa sumusunod na tanong. (Gawin
aralin sa loob ng 5 minuto)
(Reviewing Previous (Reflective Approach)
Lessons or Presenting the Ano ang lipunan at ang layunin nito?
New Concepts)
Ano-ano ang maaari mong gawin upang makamit ang layunin ng lipunan - ang
kabutihang panlahat?

2. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya. Basahing mabuti ang bawat


pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik nito sa iyong notbuk. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Saan inihambing ang isang pamayanan?


a. Pamilya
b. Organisasyon
c. Barkadahan
d. Magkasintahan

2. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.


a. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. Sabay
d. Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

3. Nasa kanilang kamay ang tungkuling pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng


pamayanan.
a. Mga Batas
b. Mamamayan
c. Kabataan
d. Pinuno

4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay…


a. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas

5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng
pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
a. Ninoy Aquino
b. Malala Yuosafzai
c. Martin Luther King

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

d. Nelson Mandela

6. Ang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika ay ang…


a. Mamamayan
b. Pangulo
c. Pangulo at mamamayan
d. Halal ng bayan

7.Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at


ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
a. Lipunang Politikal
b. Pamayanan
c. Komunidad
d. Pamilya

8. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya at mga hangarin
ng isang pamayanan?
a. Kultura
b. Relihiyon
c. Batas
d. Organisasyon

9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa…


a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. Paniningil ng buwis
c. Pagbibigay daan sa public bidding
d. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

10. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa…


a. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. Pagkakaroon ng kaalitan
c. Bayanihan at kapit-bahayan
d. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

7. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang Objective Board babasahin ng guro ang layunin ng aralin:
aralin 1. Naipaliliwanag ang:
(Establishing or Purpose a. dahilan kung bakit may lipunang politikal
of the Lesson) b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2. Nakabubuo ng Concept Map at ang kahulugan ng mga salita na naiuugnay sa
lipunang politikal.
3. akapagpapahayag ng damdamin tungkol sa pagtutulungang nagawa ng pamahalaan
sa mga mamamayan gayundin ang pagtutulungan ng mga mamamayan sa kapwa
mamamayan at suporta ng pamahalaan sa kanila.

B. Pangkatin sa lima ang buong klase. Basahin ang sitwasyon at sagutin ang
sumusunod na tanong.

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

May isang bus na bumibiyahe galing Baguio patungong Maynila. Ito ay


naglalaman ng humigi’t kumulang na apatnapung pasahero. Mayroon silang iisang
tunguhin: ang makarating sa Maynila. May iisa silang paraan upang makarating sa
paroroonan – ang bus. Sila ay may ugnayang ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan
tuwing hihinto ang bus para sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
bawat pasahero. May mga batas silang sinusunod upang huwag mapahamak habang
naglalakbay at alituntunin katulad ng dapat ay may tiket ka upang makasakay.
Nagbabayad ang lahat para sa gastusin ng sasakyan at suweldo ng driver at konduktor.

1.Ano-ano ang mga katangiang nakikita sa sitwasyong hawig sa isang lipunan?


2. Mula sa mga katangiang ito, maaari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang
sitwasyong ito? Pangatuwiranan.

8. Pag-uugnay ng A. Gamit ang Powerpoint Presentation, isa-isang ipakita sa bawat slide ang
halimbawa sa bagong sumusunod na salita sa kahon na may kaugnayan sa Lipunang Politikal,
aralin (Presenting Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa. Tumawag ng isang mag-aaral na
examples/ instances of magbabahagi ng kanyang opinyon at kaalaman sa bawat salitang ipapakita.
the new lesson) Bibigyan ng guro ng simpleng pagtalakay ang mga nasabing salita. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

9. Pagtatalakay ng bagong
konseptoat paglalahad ng
bagong kasanayan #1
(Discussing new concepts
and practicing new skills
#1)

1. Alin sa mga salita sa mga bilog na may kaugnayan sa lipunang politikal ang
hindi malinaw ang kahulugan sa iyo? Bakit?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga salitang iniuugnay mo

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

sa lipunang politikal?

10. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2
(Discussing new concepts
and practicing new skills
#1)

11. Paglinang sa Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng
kabihasaan (Developing 5 minuto) (Reflective Approach)
Mastery Leads to
Formative Assessment)
1. Paano makagagawa at magiging produktibo ang isang lipunan sa harap ng
maraming kulturang binubuo nito?
2. Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at
direksyong gustong tunguhin ng mga tao?
12. Paglalapat ng aralin Itala ang mga pansariling pamamaraan na makatutulong sa mga pinuno ng pamahalaan
sa pang araw- araw na at kapwa mamamayan sa lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
buhay (Reflective/Constructivist Approach)
(Finding Practical
Application of Concepts 1. ________________________________
and Skills in Daily Living)
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5.________________________________
13. Paglalahat ng Aralin Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan- ang
sa pang araw-araw na pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
buhay (Making Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo—ang
Generalizations and pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang
Abstractions about the pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi
Lesson)
sa lipunan, na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung hindi tutuparin ng mga kasapi
ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasya, kung hindi sila
makikilahok sa mga komyunal na gawain, kung hindi sila magiging maigi sa kanilang
mga paghahanap-buhay, hindi rin tatakbo ang pamahalaan at lipunan.

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

14. Pagtataya ng aralin Sumulat ng sloganna binubuo ng 10-15 na salita tungkol sa Lipunang Politikal,
(Evaluating Learning) Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
15. Karagdagang Gawain Isagawa ang alinman sa sumusunod:
para sa takdang -aralin at 1. Magsaliksik sa internet o gumupit sa mga pahayagan at magasin ng mga larawang
remediation nagpapakita ng pagtutulungan at pagsasabuhay ng Prinsipyo ng Subsidiarity at
(Additional activities for
Prinsipyo ng Pagkakaisa
application or remediation)
2. Maghanda sa pagbabahagi sa klase.

V. MGA TALA
(Remarks)

VI. PAGNINILAY
(Reflection)

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba ang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliraning ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

JODELYN A. LUCENA
Tagasulat

RENIELDA O. MAMADOD EMY B. GOC-ONG, Ed.D


Tagasuri Tagasuri

Pinagtibay:

ARGEL C. PINGOT, EdD


Education Program Supervisor
Edukasyon sa Pagpapakatao

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City


Telephone No: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail: davao.city@deped.gov.ph
CID S.H.A.R.E.

You might also like