You are on page 1of 5

TAL Paaralan Tagaytay City Science National Baitang Baitang 7

A SA High School - Integrated Senior


PAGTUTURO High School

Guro Eric S. Tadifa Asignatura Araling Panlipunan

Petsa Oktubre 12,2021 Markahan Unang Markahan

Oras 7:30-8:30 ng umaga Bilang ng Araw 1

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Online Modality

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


I. LAYUNIN
1. Nakapagtatala ng mga mahalagang impormasyon na may
kinalaman sa ugnayan ng tao at ng kalikasan sa papamagitan
ng Concept Map,
2. Nakalilikha ng isang sanaysay sa tulong ng mga ginupit na
larawan tungkol sa likas na yaman o produkto ng Cavite;
3. Napahahalagahan ang malalim na ugnayan ng kapaligiran at
ng tao.

Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa


A. Pamantayang
ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
Pangnilalaman
kabihasnang Asyano.

Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging


B. Pamantayan sa Pagganap
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano

C. Pinakamahalagang Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang


Kasanayan sa Pagkatuto pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
(MELC)

D. Pagpapaganang
Kasanayan

E. Pagpapayamang
Kasanayan

II. NILALAMAN Ang Yamang Likas At Ang Mga Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal
sa Pamumuhay ng mga Asyano Noon at Ngayon

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Q1,PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide:(p.145)


Guro

b. Mga Pahina sa Kagamitang 7 Araling Panlipunan Unang Markahan Module Week 4-5
Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pahina 40-43

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Ang Napapanahong pagpapaalala:


Pagpapakita ng video ukol sa NETIQUTTE
https://www.youtube.com/watch?v=_7vrG0CZeCk

Balitaan:
* Tatawag ang guro ng mag-aaral na maglalahad ng napapanahong
isyu.

Balikan natin:

*Ipapanood ang video ukol sa Likas na Yaman ng Asya.


https://www.youtube.com/watch?v=j3EhFtqfW_s

Pamprosesong tanong
1. Ano ang likas na yaman?
2. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman?
3. Paano mapangangalagaan ang likas na yaman?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Pagsusuri ng Larawan: Nakahanay ang iba’t ibang larawan na
nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng kalikasan. Pansinin at suriin
ang bawat isa. Pagkatapos ay sagutan ang pamprosesong mga
tanong.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan?
Paano ito nililinang ng mga tao?
2. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting naidudulot ng paglinang ng
ating kapaligiran? Sa anong mga pagkakataon ito nangyayari?
3. Karamihan ba sa ating mga pangangailangan ay natutugunan ng
ating mga likas na yaman? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, ano sa tingin mo ang mainam na solusyon
kung paano matutugunan ng likas na yaman ng isang bansa ang
lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay
hindi lumalawak?
5. Paano makatutulong sa pag-unlad ng kabihasnang Asyano ang
mabuting paggamit ng mga likas na yaman ng Asya?

B. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at piliin ang titik ng


tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na
papel.
1. Bahagi ng pamumuhay ng mga Asyano kung saan nakakaapekto
sa suplay ng pagkain.
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D . Panahanan
2. Bahagi ng pamumuhay ng mga Asyano na naapektuhan ng likas
na yaman batay sa mga produktong maaaring ipagbili o bilin.
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D. Panahanan
3. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa
katangian ng likas na yaman nito. Anong aspeto ng pamumuhay ng
mga Asyano ito kaugnay?
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D. Panahanan
4. Pagbabago sa gamit sa lupa na nagdudulot naman ng pagkasira
ng tirahan ng mga hayop.
A. Landa grabbing C. Land conversion
B. Land titling D. Land changes
5. Sa pagpapalaki ng produksyon, ang ilang magsasaka ay
gumagamit ng _____________.
A. Tradisyunal na pagbubungkal C. Makabagong Makinarya
B. Tradisyunal na pagtatanim D. Makabagong daanan

C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto 3: Concept Map


Punan ng mga impormasyon ang concept map patungkol sa
ugnayan ng tao at ng kalikasan. Tingnan ang Concept Map na nasa
kanang bahagi ng WHLP. Gawin ito sa isang malinis na papel.
D. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto 4: Photo Essay
Gumupit ng mga larawan ng produkto o likas na yaman na mayroon
sa Cavite at ipaliwanag kung paano nakatutulong ang mga ito sa
pamumuhay ng mga Caviteño. Ikaw ay mamarkahan gamit ang
rubriks na nasa kanang bahagi ng WHLP. Gawin ito sa isang bond
paper.

V. PAGNINILAY Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa
Google Form na ipo-post sa kanilang Google Classroom.

Naunawaan ko na
_________________________________________.
Nabatid ko na
____________________________________________.

Inihanda ni: Nabatid:

ERIC S. TADIFA MARILYN B. ANAY


Guro-Araling Panlipunan 7 Ulongguro III-AP

You might also like