You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

PALAWAN STATE UNIVERSITY


College of Teacher Education
Puerto Princesa City

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MGA KONTEMPARARYONG ISYU


(BAITANG 10)

January 22, 2018

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng isang (1) oras na talakayan, ang mga estudyante sa ika-10 baitang ay
inaasahang:
A. Naiisa- isa ang mga katangian ng isang mamamayang Pilipino ayon sa batas;
B. Naihahambing ang dalawang uri ng Pagkamamamayan;
C. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Pagkamamamayan
B. Kagamitan: Manila Paper, Marker, Larawan
C. Sanggunian: CG.AP10-4.21.17.Final.pdf

III. PAMAMARAAN

GAWAING NG GURO GAWAING NG ESTUDYANTE


A. Panimulang Gawain

a. Pagbati

1. Pagganyak

Bago tayo magsimula ay makikinig muna tayo Unang grupo: Sining


ng isang awitin.
MAYA
“ Sabihin mo by: Smokey Mountain”.
 Piramideng bato at temple
Tungkol saan ang awitin?  Matematika at astronomiya na naitala
sa hiroglipiko
Tungkol sa pagiging isang Pilipino.
 Sistema ng hiroglipiko o
Ano ang hinihiling ng awit? hieroglyphics
Ipagmalaki mo AZTEC
na ikaw ay isang Pilipino.
 Paglililok na makikita sa kanilang
Tama, Ayon sa awit sino raw ang tunay na mga piramide
Pilipino?  Produktong eskultura ang
Yung Pinagmamalaki na siya ay lahing
kayumanggi kalendaryong bato
INCA
Yung nagmamahal sa sariling
Quipo –bansa
isang hilera ng binuhol na
Tama. tali na nakasabit mula sa mahabang
panali
 Hinagdan hagdan ang kabundukan
upang matamnan.
 Mayamang musika na may sayaw
 Meron silang wind instruments tulad
ng horns, flutes at percussion.
20
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ano sa tingin ninyo ang ating paksa sa araw na


ito?
Ang paksa natin sa araw na ito ay tungkol sa
konsepto ng pagkamamamayan

2. Pagtalakay sa Aralin

Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan?


Ang unang larawan ay nagpapakita ng mga
batang katutubo.

Papaano ninyo nasabi na sila ay mga Pilipino?


Dahil sila ay nakatira sa bansang Pilipinas.

Dahil ang kanilang mga tradisyon aay parte ng


kulturang Pilipino.

Dahil ang mga salitang ginagamit nila ay


kabilang sa mga dayalekto sa Pilipinas.

Ano naman ang ipinakikita ng ikalawang


larawan?
Ang ipainakikita sa ikalawang larawan ay mga
dayuhan.

Papaano ninyo naman nasabi na hindi sila mga


Pilipino?
Dahil sila ay galing sa ibang bansa.

Dahil sila ay hindi natin kawangis o katulad

Maraming salamat sa inyong mga sagot at


katuwiran, mamaya ay malalaman natin kung
tama ba ang mga sagot ninyo.

Kayo, masasabi ninyo ba na kayo ay Pilipino?


Oo.

Sa anong paraan?
Masasabi kong ako ay Pilipino dahil nakasaad
sa aking birth certificate na ang Citizenship ko
ay Pilipino.

Masasabi kong ako ay Pilipino dahil ang aking


mga magulang ay pawang mga Pilipino.

21
Masasabi kong ako ay Pilipino dahil dito ako
ipinanganak sa Pilipinas.

Salamat sa inyong kasagutan. Sa ating


talakayan ay malalaman natin ang iba’t- ibang
bagay na may kaugnayan sa
pagkamamamayan.

Alamin muna natin ang ibig sabihin ng salitang


“Pagkamamamayan”

Nang marinig ninyo ang salitang


“Pagkamamamayan”, ano ang unang pumasok
sa isip ninyo?
Pagiging miyembro ng Pamayanan.

Pagiging kasapi ng isang bansa.

Tama.
May punto ang inyong mga sinabi. Ano
ngayon ang kahulugan ng
“Pagkamamamayan”?
Ang Pagkamamamayan ay nangangahulugan
ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
ayon sa itinatakda ng batas

Talakayin muna natin ang ligal na pananaw o


kahulugan ng pagkamamamayan. Ano ito?
Maaari bang pakibasa?
Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o
batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas
ng Pilipinas kung kaya’t hindi lahat ng
naninirahan sa Pilipinas ay mamamayang
Pilipino.

Sino ang tinutukoy na mga hindi mamamayang


Pilipino?
Mga dayuhan.

Bakit kaya may mga dayuhan dito sa bansa?


Maaaring nagbabakasyon lamang sila o kaya
naman ay may kanya-kanyang silang
inaasikaso.

Ano ang maaaring dahilan ng kanilang matagal


na pananatili sa bansang ito? Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan
lamang dito sa ating bansa upang mag-aral,
mamasyal, o makipagkalakalan ay hindi
maituturing na Pilipino dahil sila ay
mamamayan ng ibang bansa.

Sapat bang batayan ang pagtira ng matagal sa


Pilipinas ng isang tao upang masabing siya ay Hindi.
isang mamamayang Pilipino?
Hindi, dahil hangga’t hindi nakasaad sa batas

22
Bakit? Ano dapat ang batayan? na siya/sila ay isang mamamayang Pilipino
hindi niya maituturing ang sarili bilang isang
mamamayang Pilipino.

Tama, ang batas lamang ang makapagsasabi


kung ang isang tao ba ay mamamayang
Pilipino. Mga taong sa Pilipinas ipinanganak.

Ngayon, sino ang mga tunay na Pilipino? Mga taong ang magulang ay parehong mga
Meron ba kayong mga ideya? Pilipino.

Mga taong dumaan sa tamang proseso ng


batas.

Upang mas lalo pa nating maintindihan ang


mga ligal na basehan ng pagkamamamayan ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Artikulo IV ng Saligang Batas 1987:
Papangkatin ko ang klase sa tatlo, bawat PAGKAMAMAMAYAN
pangkat ay may nakalaang iuulat sa klase.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto upang Unang Pangkat
paghandaan ang pag-uulat. Pagkatapos ay SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay
pumili ng isa o dalawang representante na mamamayan ng Pilipinas:
mag-uulat nito.
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon
ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay
mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa
batas.

Ikalawang Pangkat
SEKSIYON 2. Ang katutubong inianak na
mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.

SEKSIYON 3. Ang pagkamamamayang


Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo
sa paraang itinatadhana ng batas.

Ikatlong Pangkat

23
SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang
kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.

SEKSIYON 5. Ang dalawahang katapatan ng


mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Oo, ito ay ang birth certificate kung saan


nilalaman nito na kami ay Pilipino.
Ngayon masasabi ninyo ba na kayo ay
mamamayang Pilipino base sa legal na Ang mga magulang ko ay kapuwa Pilipino.
kahulugan nito? Mayroon ba kayong patunay?

Magaling, isa yan sa patunay na kayo ay mga Ang dalawang uri ng mamamayan ay katutubo
tunay na Pilipino. o likas na mamamayan at naturalisadong
mamamayan.
Ngayon naman ay talakayin natin ang
dalawang uri ng mga mamamayan. Anu-ano
ang mga ito? Ang likas na mamamayan ay anak ng isang
Pilipino.

Ang unang uri ng mamamayan ay ang Likas o


Katutubong mamamayan ano sa tingin ninyo
ang katangian nila?

Tama. Maaaring isa lamang sa kaniyang mga


magulang o pareho ang Pilipino.

Si Arnel Pineda po.


Sino ang nasa larawan?

Opo.
Isa ba siyang halimbawa ng Likas o
Katutubong Pilipino?
Si Arnel Pineda ay isa sa mga halimbawa ng
isang Katutubong Pilipino. Siya ay
Paano ninyo nasabi?
ipinanganak sa Pilipinas at Parehong Pilipino
ang kanyang mga magulang.

24
kung gayon, ang isa sa katangian ng isang
Likas I Katutubong Pilipino ay ano? Ipinanganak sa Pilipinas at Parehong Pilipino
ang kanyang mga magulang.

Sino ang nakikita ninyo sa larawan?

Ano ba ang pagkamamamayan ng kanyang Si Kim Domingo.


mga magulang?

Ang isa sa kanyang mga magulang ay Pilipino,


Siya ba ay isang Likas o Katutubong Pilipino? ang isa naman po ay banyaga.

Tama! Kung gayon, ano pa ang isa sa Opo.


katangian ng Likas o Katutubong Pilipino?

Si Kim Domingo ay isa ring mamamayang


Pilipino kahit na ang kanyang ama ay banyaga
Mayroon pa ba kayong kilalang mga dahil ang kanyang Ina ay isa ring Pilipina.
Katutubong Pilipino?

Tama, ikaw ay isang mamamayang Pilipino. Ako, sapagkat ang aking parehong magulang
ay Pilipino
Ang sunod namang uri ng mamamayan ay ang
Naturalisadong mamamayan, Ano naman itong
mga naturalisadong mamamayan?

Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating


Tama, sila ay mga dayuhang nais yakapin ang dayuhan na naging mamamayang Pilipino
kultura ng Pilipinas at maging tunay na dahil sa proseso ng naturalisasyon.
Pilipino. Isa sa mga halimbawa nito ay si?

Daniel Matsunaga.

bakit kaya sa tingin ninyo, lumilipat ng


pagkamamamayan ang ilan?

25
Tama!

3. Pagpapahalaga

Papaano mo papahalagahan ang iyong


Napapamahal na po kasi sila sa ating bansa.
pagkamamamayang Pilipino?
Ang ilan naman po ay dito nakahanap ng
magandang trabaho o hindi naman kaya ay
mapapangasawa.

Sa pagsunod sa mga batas ng bansa upang


hindi mawala ang pagkamamamayang Pilipino
C. Pangwakas na Gawain
Ipagmamalaki ang sariling bayan at lahi at di
ito ikahihiya sa mga dayuhan
1. Paglalahat

Bilang isang Pilipino, naisasabuhay mo ba ang


iyong PAGKAMAMAMAYAN? Sa
papaanong paraan?

Sa pamamagitan ng pagdalo sa
pagwawagayway ng bandila sa ating paaralan
at sa pagturing dito bilang isang
responsibilidad ng isang Pilipino.

Magaling, upang masigurong may natutunan


nga kayo ay kumuha kayo ng kalahating
bahagi ng papel para sa ating pagtataya.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sino sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na mamamayang Pilipino?


A. Si Nikko na ang mga magulang ay parehong Pilipino.
B. Si Adam na nagpasailalim sa proseso ng Naturalisasyon.
C. Si Edmon na ang ina ay isang Italyana at ang ama ay Pilipino.
D. Si Jay na isang Japanese na pumunta sa Pilipinas upang magnegosyo at
magpayaman.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal ng isang Pilipino sa kanyang


bansa?
A. Si Nikko na mas tinatangkilik ang mga pagkaing imported.
B. Si Lee Mhar na nangibang bansa dahil ayaw niya sa Pilipinas.
C. Si Jay na hindi nahuhuli sa pagdalo sa flag ceremony.
D. Si Daniel na nais maging isang American Citizen.

26
3. Si Chao ay isang intsik na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon, Sinasabi niya na
siya ay isa nang Pilipino. Ano ang masasabi mo sa nabasa?
A. Oo, dahil mahal niya ang Pilipinas.
B. Oo, dahil sa Pilipinas siya ipinanganak.
C. Hindi, dahil ang mga magulang niya ay hindi marunong ng wikang Filipino.
D. Hindi, dahil hindi naman siya sumailalim sa proseso ng Naturalisasyon.

4. Ano ang tawag sa prosesong dapat na pagdaanan ng mga dayuhang gustong maging
mamamayang Pilipino?
A. Naturalisasyon
B. Migrasyon
C. Expatriation
D. Legalisasyon
5. Si Willie ay anak ng isang amang African at ang kanyang ina ay isang Pilipina at pagsapit
niya ng wastong gulang ay pinili niyang maging mamamayang Pilipino. Anong uri ng
mamamayan mabibilang si Willie?
A. Naturalisadong mamamayan
B. Katutubo o likas na mamamayan
C. African
D. Dayuhan

Ipinasa ni:
MANAL, JAY N.
Field Study 7 student

Ipinasa kay:

EDWARD PAUL VENTURILLO


Teacher I
Cooperating teacher

27

You might also like