You are on page 1of 4

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality


Online

Paaralan Tagaytay City Science National High Baitang Baitang 7


School-Integrated Senior High School
TALA SA
PAGTUTURO Guro Nenita C. Angcaya Asignatura Araling Panlipunan

Petsa Oktubre 12,2021 Markahan Unang Markahan

Oras 7:30-8:30 ng umaga Bilang ng 1


Araw

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang implikasyon ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng
mga Asyano;
2. Naitatala ang epekto ng yamang likas sa pamumuhay ng mga Asyano;
3. Napahahalagahan ang implikasyon ng yamang likas sa agrikultura,
ekonomiya, panahanan, at kultura.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang
Asyano

Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
kabihasnang Asyano.
D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating- heograpiko:
Pagkatuto (MELC) Silangang Asya, Timog-silangang Asya. Timog-Asya, Kanlurang Asya,
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang Hilagang Asya at Hilaga/Gitnang Asya.
kasanayan sa pagkatuto o MELC)

E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
F. Pampayamang Kasanayan
(Kung mayroon isulat ang pampayamang
kasanayan)

II. NILALAMAN
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

III. KAGAMITAN PANTURO


AP Learning Module,

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Guidelines on the Implementation of MELC PIVOT 4A Budget of Work
(BOW) in All Learning Areas (RO NO. 10 s.2020 p. 215
CG AP p. 167
b. Mga Pahina sa Kagamitang CLMD4A_AP7 p. 6-11
Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk


Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pahina

Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan


Kasaysayan at Kabihasnan ng mga Bansa sa Asya.
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo


para sa mga Gawain sa ADM AP 7 Modyul
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula

Paunang Pagsubok sa Kaalaman : Basahin ang mga katanungan sa


pahina 24 (1-5). Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan
sa isang malinis na papel.

B. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto 2:


BASAHIN NATIN

Implikasyon ng Likas na Yaman sa


Pamumuhay ng mga Asyano

Agrikultura – Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga
produktong panluwas nito ay nagmula sa pagsasaka. Kung malawak at
mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng
bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng
produksyon, ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya. May
ilang mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa
pansariling ikabubuhaylamang.

Ekonomiya – Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod ng


kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukuhanan ng
mga materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan. Maging ang
mauunlad na bansa ay dito kumukuha ng mga hilaw na materyales kung
kaya’t halos nauubos ang likas na yaman ng huli at hindi sila ang
nakikinabang nito. Sa kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang
iniluluwas, kasabay ng paggamit ng mga tradisyunal at makabagong
teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita nang sa
gayon ay mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.

Panahanan – Sa patuloy na pagdami ng tao, patuloy din ang pagdami ng


nangangailangan ng ikakabubuhay at panahanan nito. Ang dami ng
populasyon sa populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng
likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki
ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land
conversion, na nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa
at ng kanilang kapaligiran.

C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Punan ang cloud call out ng epekto ng likas na yaman sa pamumuhay ng
mga Asyano.

Pahina 23

D. Paglalapat

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin sa ibaba ang salitang
nagbibigay ng tamang impormasyon sa bawat bilang.

- Paggamit ng Makabagong Makinarya


- Malawak at Matabang Lupain
- Paglaki ng Populasyon
- Likas na Yaman
- Teknolohiya

1. Ito ang kinakailangan ng isang bansa upang matugunan ang sapat na


suplay ng pagkain at makapagluluwas ng mas maraming produkto.
2. Isang pamamaraang ginagamit ng mga bansa upang mapalaki at
mapabilis ang produksyong pang-agrikultura.
3. Ito ang pangunahing kadahilanan ng kakapusan ng pagkain kaya’t
isinasakatuparan ang land conversion at patuloy na sumisira sa tirahan ng
mga hayop.
4. Ito ang ginagamit ng tao upang baguhin ang kakayahan ng lupa at
kapaligiran.
5. Tumutukoy sa pinagmumulan ng hilaw na materyales at produktong
ipinanluluwas ng mga papaunlad na bansa.
V. PAGNINILAY

Inihanda ni:

Eric S. Tadifa
Guro/Araling Panlipunan 7

You might also like